Chapter8- father

Parang biglang tumigil sa pag-iisip ang aking utak dahil sa mga tinuran nito. Kaya naman kinurap-kurap ko muna aking mga mata at pagkatapos ay muling tumingin sa lalaki. 

"Hoy, lalaki! Huwag mong hintaying tagpasin ko ang leeg mo bago ka umalis sa pamamahay namin!" asar na turan ko rito. Wala akong pakialam kung may sa maligno ito. Ayaw ko nang maulit iyong nangyari kagabi na hinalikan ako at pagkatapos ay basta na lang akong iiwan. 

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ka na mabibitin pa," mapang-akit na sabi niya sa akin. Napaawang ang bibig ko sa mga tinuran nito. Nagulat na lang ako nang maliksi siyang nakalapit sa akin. 

Pagkatapos ay mahigpit akong hinawakan sa magkabilang balikat ko. Sabay titig sa akin. Ako naman ay parang nahipnotismo, dahil hindi ko magawang ikurap ang mga mata ko. Nagitla pa nga ako nang bigla sumara ang pinto ng bahay namin. Ano kayang ginawang magic ng lalaki ito para magawa ang bagay na iyon?

Mayamaya pa'y nakikita kong dahan-dahan nitong inilapit sa akin ang kanyang mukha. Hanggang sa tuluyang sakupin niya ang aking labi. 

"My Gosh! Heto na naman ako, malulunod na naman sa halik nitong kay sarap. Kaya lang ay biglang huminto ito sa pagkain sa aking labi. 

"Kailangan ko nang umalis..." bulong niya sa akin. Balak ko pa sanang magsalita nang sa isang kisap mata ay bigla itong naglaho. Napahilot tuloy ako sa aking ulo. 

"Bella anak! Buksan mo nga itong pinto!" pagtawag sa akin ni inay, sabay katok na rin sa pinto ng bahay namin. Maliksi naman akong lumapit sa pinto para buksan iyon.

“Inay, ang bilis naman ninyo? Nakarating na ba kayo sa inyong pupuntahan?" tanong ko sa aking inay.

Narinig kong marahas itong nagbuntonghinga at tila may mabigat na suliranin. 

"Hindi na kami tumuloy sa kabilang barrio anak. Dahil sa balita na muli na naman nagpakita ang mga bampira, alam mo bang dalawang tao ang natagpuan na patay at may kagat sa kanilang leeg. Alam kong isang halimaw ang may kagagawan noon," malungkot na sabi sa akin inay.

Parang bigla naman akong natakot. Naalala ko rin si Dark ang bampirang nanghingi sa akin ng dugo at ngayon nga ay kagagaling lang dito. Hindi kaya siya ang may gawa noon? Paano kung dilikado pala ang buhay namin sa lalaking iyon? 

"Diyos ko po! Patnubayan po ninyo kami," piping dasal ko. Muli na naman akong bumaling sa aking ina.

"Inay, akala ko ba'y wala na mga nilalang na iyon? Bakit muli na naman silang bumalik?" tanong ko.

“Anak, dalawang klase ang lahi ng mga pambira. Ang itim na bampira at puting bampira. Una pa lang ay magkatunggali na sila."

"Ang puting bampira po ba ay hindi basta na nanakit?" 

"Oo anak, hindi katulad ng itim na pambira, wala silang sinasanto. At basta na lang pumapatay. Matagal na panahon na rin nangyari ang labanan ng itim at puting nilalang na iyon. Hanggang sa magapi ng puting bampira ang kaaway nila. Ngunit bakit muli silang bumalik? Ano'ng dahilan?"  nagtatakang tanong ni inay.

Ako naman ay 'di makapagsalita, may pangamba sa aking dibdib ng mga sandaling ito.

"Jusko po! Hindi kaya maghasik na naman sila ng kasamaan sa lugar na ito?" piping tanong ko sa aking sarili.

“Marami na naman ang hindi lalabas sa kani-kanilang bahay dahil sa balitang iyon," narinig kong sabi ni inay.

 "Inay, paano malalaman kung mabuti ang isang bampira?"

 "Mabilis lang malaman anak, kung tititigan mo ang mga mukha nila. At kung sapalibot ng mga mata nila ay puro itim at mayroon din silang tatoo sa leeg na isang bungo, sila ang nilalang ng kasamaan."

“Eh! Kung sa puting bampira po, inay?" tanong ko.

"Wala kang makikitang itim sa palibot ng mga mata nila. Pero Mayroon silang tattoo sa kanilang leeg na isang ulo ng dragon."

Sa sinabi ng inay ko sa akin. Ay pasimple akong tumingi sa suot kong singsing na ibinigay sa akin ng bampirang iyon. Alam kong ulo ng dragon ang nakaukit dito. Medyo naalis ang aking pangamba na hindi kasama ang lalaking iyon sa masasamang pambira.

So, kaya ba siya nandito sa barrio namin dahil sa mga bampirang itim na umaataki sa kabilang barrio. Medyo may kaba rin sa akin puso ng mga oras na ito. Iniisip ko kasi na baka rito naman sa Barrio Puting Bato sila umataki. At iyon ang nakakatakot. Diyos ko! Huwag naman sanang mangyari iyon.

"Anak Bella, nakiki-usap ako sa 'yo. Huwag ka sanang magpagabi sa iyong pag-uwi galing sa trabaho. Ayaw kong mapahamak ka," nakiki-usap na sabi ni inay.

"Huwag po kayong mag-alala sa akin inay. Maaga na po akong lalabas sa trabaho. Ayaw ko rin naman na mag-alala kayo sa akin," sagot ko.

“Salamat anak, alam mo naman ikaw lang kaisa-isang anak namin." 

“Teka lang Inay, na saan po si tatay?” nagtatakang tanong ko.

"Parating na rin iyon Bella. Pumunta lang sa grocery para mamili ng mga kakailangan natin dito sa loob ng bahay. Natatakot kasi ang itay mo sa kaligtasan natin. Mas maganda rin daw kung hindi na muna lumabas ng bahay, katulad nang ginagawa ng ibang tao. Sa totoo lang anak, gusto rin ng itay mo na kung maari ay huwag ka raw munang pumasok sa iyong trabaho."

Napa-isip naman ako sa mga  pinahayag ni inay. May point naman ito at alam kong nag-aalala lang sila sa aking kaligtasan. 

"Sige po inay, susundin ko ang gusto ninyo. Pero Bukas po ay kailangan ko pa ring pumunta sa grocery para magpaalam nang maayos sa aking amo. Ayaw ko po na magalit siya sa akin dahil po basta lang na hindi ako pumasok," mahabang paliwanag ko.

"Salamat anak ko. Sana lang ay matapos na ang lahat ng ito. At huwag nang matulad dati na maraming tao ang nasaktan," malungkot na saad ng inay ko

"Sana nga po inay. Kailangan nating manalig sa itaas at huwag tayong mawalan ng pag-asa, inay."

"Tama ka anak ko," saad ni inay. Pero ramdam ko na ang takot ng inay ko. 

“Diyos ko po! Nakakarakot na talaga sa lugar natin!" 

Bigla kaming napalingon sa taong nagsalita at ito'y papasok dito sa loob ng bahay. Nakita ko ang mukha ni itay at naroroon ang matinding pag-aalala. 

"Oh! Ben. Ano'ng nangyayari sa 'yo? Bakit ka nagmamadali?" tanong ni inay sa aking ama.

"Alam ba ninyong may natagpuang patay na tao sa bayan. At ito'y may kagat sa leeg. Kaya lahat ng mga tao sa bayan ngayon ay nagpapanik dahil sa takot!"

“Mahabaging Diyos!"  malakas na sambit ni inay.

Kahit ako'y natakot din sa aking nalaman na nandito na pala sa lugar namin ang mga nilalang na iyon. Jusko po sana'y iligtas ninyo kaming lahat.

"Salamat, anak ko," saad ni inay. 

"Teka lang po inay, na saan nga pala si Itay?" nagtataka kong tanong.