chapter6- first kiss

chapter 6

Alas diyes na ng gabi. Ngunit kahit ano’ng pikit ng aking mga mata ay hindi pa rin ako makatulog. Nagpabaling-baling ako sa aking higaan. Hanggang ngayon hindi pa rin nawagit sa aking isipan ang lalaking naka itim na jacket na bumibili kanina sa grocery store na pinagtatrabahuan ko. Napa misteryoso nitong tingnan. Pero nais rin akong matawa sa postura nito dahil napak tirik ng araw ay balot na balot naman ang kanyang katawan pati kamay may gwantes pa. Baka alagang gluta iyon at ayaw maitim.

Nang hindi na ako makatiis bumangon ako mula sa aking pagkakahiga sa kama. Isinandal ko ang aking likod. Ewan, bigla na lang naninindig ang aking balahibo nang sumagi sa aking isipang dating abandunadong malaking bahay pero ngayon nagkakailaw na ito. Bakit hindi napapabalita ito sa amin? Ito lang yata ang nakakalusot ng mga Marites dito sa amin. Ngunit muli na naman akong nakaramdam ng kaba nang sumagi sa akin ang taong seryosong nakatingin sa amin kanina ni Nene. Nakatayo ito sa terrace ng pangalawang palapag.

“Hay, naku! Bakit ko ba sila na iisip? Ano namang paki ko sa kanila? Ikaw talaga Bella umandar na naman 'yang pagka atribida mo!” pangaral ko sa aking sarili.

Tumayo ako sa mula sa aking kama at tinungo ko ang bintana ng aking silid. Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin na yumakap sa aking balat pagkabukas ko pa lang ng glass window namin. Napatingala ako sa langit. Medyo maliwanag ang kapaligiran dahil sa maaliwalas ang langit walang sensyales na uulan. Napangiti ako nang pagmasdan ko ang mga tala nagkikislapan.

Ngunit kaagad lumukob sa aking sistema ang kakaibang kabog sa aking dibdib nang nahagip sa aking paningin ang tila anino ng tao. Nakatayo sa malabong na puno ng mangga na ’di kalayuan sa amin. Ramdam ko ang nga titig nito sa kanya na mabilis akong napaatras. At kaagad kong sinarado ang bintana. Tumakbo ako pabalik sa aking kama at nagtalukbong ng kumot.

***************************

“Ohm!” ungot ko dahil may humahablot sa aking kumot. Antok na antok pa ang diwa. Nais ko pang matulog. Dahil hindi ko alam kong ano'ng oras na ba akonv nakatulog kagabi. ”Inay, mamaya na po ako babangon.”

Muli kong hinablot ang kumot na nakatabing sa aking katawan dahil pakiramdam ko sobrang ginaw na ginaw ako. Ang lamig ng boga ng hangin mula sa aming electric fan dinaig pa ang may aircon.

“Inay, naman, eh. Ang kulit mo po. Matulog lang muna ako saglit. Please, ten minutes lang,” muli kong pakiusap kay inay dahil muli na naman nitong inalis sa aking katawan ang kumot. At hindi na ako nag-abalang imulat ang aking mga mata. Kahit kailan talaga itong inay ko napaka kulit. Inay sunday naman ngayon, rest day ko. Kaya mamaya na lang ako babangon.”

Hindi ko narinig na may lumabas sa aking silid pero nagpapasalamat ako dahil hindi na nito hinila ang aking kumot. Ilang minuto lang ang nakalipas hindi pa ako gaanong nakabalik sa malalim kong pagtulog nang naramdaman kong lumondoy amg kabilang side ng aking kama. Panigurado akong si Inay ito.

“Bella...” ani ng malamyos na tinig lalaki sa aking punong tainga. Mabalis pa sa alas kwatro ang pagmulat ko, napabalikwas ako ng bangon at napaupo sa aking higaan dahil sa malamig na boses na sumasambit sa aking pangalan. Tumatayo ang aking balahibo. Kaagad naglaho ang kaninang inaantok kong diwa ay biglang napalitan ng takot.

“My God! Mayroon bang multo sa aking silid?” nahintatakutan saad ko sa aking isipan. Pakiramdam ko bigla akong pinagpawisan ng malamig at malapot. Hindi ko man nakikita ang hitsura ko ngayon pero paniguradong nawalan ng kulay ang aking mga labi.

“Si-sino ka?” garalgal ang tinig ko. Gusto ko ng umiyak. Ang pinakaayaw ko pa naman ay mga ganitong eksena.

“Ba-bakit niyo ba ako ginagambala? A-ano ba ang kasalanan ko sa iyo?” lakas loob kong tanong. Ngunit wala man lang sumagot. Lalo akong nahintatakutan at isiniksik ang aking sarili sa head board ng kama. Nang mapadako ang tingin ko sa naka bukas kong bintana. Madilim pa ang pagilid tanda na gabi pa rin ito. Kaya pala sobrang lamig ng pakiramdam ko dahil malayang naglabas masok ang malamig na hangin mula labas. Pero sa pagkakatanda ko nakasarado ito. Muli kong binalikan ang mga pangyayari. Napahawak ako sa aking bandang dibdib dahil sa labis na kabog nito. Hindi kaya ang tao na nakita ko sa lilim ng punong mangga ang pumasok sa silid ko?

Naging alerto ako. Baka hindi pala mutlo ang pumasok sa aking silid kundi isang manyak na akyat bahay bago kukunin lahat ng gamit pansamatalahan muna ito. Inilibot ko ang aking paningin sa aking silid na puwedeng pagtaguan ng tao...

Buong ingat akong bumaba ng kama. Sinikap kung huwag maglikha ng ingay. Bitbit sa kaliwang kamay ko ang ring light na nabili ko. Tinungo ko ang banyo dahil sa nakarinig ako nang mga kuloskos. Inihanda ko paitaas ang hawak ko. Ngunit naramdaman ko na lang ang malamig na brasong pumulupot sa aking beywang mula sa aking likuran. Hindi ko magawang lingunin ito dahil sa naninigas ang aking buong katawan.

Ngunit hindi ko na kailangan pangbalingan ito. Mukhang alam ko na kung sino ito. Nakilala ko na ang bulto ng kanyang katawan. Napapikit ako nang tumama sa aking batok ang kanyang mainit na hininga.

“A-ano na naman ang gusto mo? Kailangan mo na naman ba ang dugo ko? Hoy! for your information hindi ko na ipamimigay ang dugo ko. Kung gusto mo punta ka sa blood bank maraming dugo roon!” Napamaywang na akong nakaharap sa kanya. At masamang tingin ang ipunukol ko sa kanya.

“At isa pa tresspassing iyang ginagawa mo! Puwede kitang kakasuhan dahil sa pagpasok mo sa aking loob na walang pahintulot sa akin at sa kalagitnaan pa talaga ng hating gabi!” muli kong saad. Naiinis ako sa lalaking kaharap ko dahil binulabog niya ang mahimbing kung pagkakatulog.

“Shut up! Woman! Hindi ako naparito para manghingi ng dugo sa iyo. I'm just here to check on you!” Napaismid ako sa narinig ko.

“Tsee... taray mo naman. Spokening dollars pala ang mga bampera na kagaya mo! Pero salamat na lang sa concern mo. Nakita mo naman na okay na ako. Kaya kung iyong mararapatin umalis ka na sa silid ko. Shoo...”

“Huwag ka ng mag-deny babae. Alam kong nasasabik ka rin sa akin.”

“Ay! Aba ang kapal ng fezlak mo! Ako? Tse... Nasasabik sa iyo? Akala mo kung si–” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinilyohan na nito ang nagtatalak kong bibig sa kanyang malambot na mga labi.