Chapter4- going home

Lumipas ang ilang minuto, ngunit nandito pa rin ako sa kagubatan at patuloy na tumatakbo. Pakiramdam ko'y paikot-ikot lamang ako rito sa gitna ng kakahuyan. Tumingin ako sa malaking puno na dadaanan ko. Parang nadaanan ko na yata ito kanina lang?

Bigla tuloy nagtaasan ang mga mapipinong balahibo ko sa aking batok. Jusko po! Hindi kaya may multo rito? Huwag naman sana akong makakita noon. Baka ikamatay ko pa.

"Saan ka pupunta, babae?" Bigla akong napahinto nang bumulaga sa aking harapan ang lalaking nakaitim na kalaban ni Dark kanina.

My God! Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Hindi kaya pinatay na nito?

"Kung ang tinatanong mo ay si Dark, pasensya ka na babaeng berhin. Dahil nanghihina siya. At mukhang hindi kayang makalaban, kaya ayon, iniwan ko na lang dahil ano mang oras ay babawian na siya ng buhay!"

mayabang na saad ng lalaking nakaitim.

Ako naman ay nahintakutan. Pagkatapos ay sunod-sunod na napailing. Hindi ko matatanggap na makukuha ako ng lalaking ito.

“Ang swerte ko naman. Magkakaroon ako ang babaeng berhin at may kakaibang dugo na puwedeng magpalakas sa akin," saad nito, sabay halakhak.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan nang bigla na lang itong mawala sa aking paningin. Pagkatapos ay maliksi itong sumulpot sa aking tabi. Kaya naman lalo akong nahintakutan.

"Hmm! Ang bago talaga ng dugo mo, sobrang mahalimuyak," saad ng lalaking nakaitim, sabay labas nito ng dalawang matutulis na pangil, nakita ko rin ang dila nitong pinaikot sa bungad ng bibig nito, pansin ko'y parang takam na takam ito sa isang putahi.

"Please! Maawa ka sa akin! Wala naman akong naging kasalanan sa iyo, saka labas din ako sa away ninyo ni Dark," nakikiusap na sabi ko sa lalaking nakaitim.

"Patawad munti kong berhin kung nadamay ka. Pero hindi naman ako papayag na mapunta ka sa lalaking iyon. At sa aking lamang ang dugo ko!" bulalas nito.

Pansin kong itinaas nito ang kamay niya at alam kung hahawakan ako nito. Kaya naman lalong nanginig sa takot ang buong katawan ko. Subalit nakita kong bigla na lang itong lumipad papalayo sa aking tabi at napanganga ako ng wala sa oras.

“Maari ba akong makahingi kahit kaunting dugo mo?"

“Sige," mabilis na sagot ko sa lalaking nasa likuran ko. Hindi na ako nagdalawang isip na bigyan ito. Dahil alam kong nanghihina na si Drak, base sa boses nito.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko upang pigilin ang sakit at dahil sa bagay na iyon na nagpupumilit na pumasok sa aking balat. Tanging pagpatak ng luha na lang ang nagawa ko.

Medyo nawala ang sakit nang maramdaman ko ang dila nitong lumapat sa parting may sugat, tila inaibsan ang kirot doon.

"Huwag kang mag-alala babae, dahil hahayaan na kitang makauwi. Please lang huwag ka munang umalis dito, baka may makasalubong kang lobo sa iyong dadaanan. May tatapusin lang ako," usal nito sa akin. Pagkatapos ay bigla na lang nawala sa aking harapan.

Nakita ko na lang na naglalabang muli ang dalawang nilalang. Parang napansin ko'y lalong bumilis ang kilos ni Dark. Hindi na kasi ito natatamaan ng lalaking kanaitim. Parang may pwersang bumabalot sa katawan nito.

Hanggang sa makita kung basta na lang nitong inihagis ang kalaban papalayo sa kanya. Ganito ba kalakas si Dark? Parang ibang-iba ito kumpara kanina.

"Kailangan na kitang ihatid sa inyo," saad ng lalaki na basta na kang lumitaw sa harapan ko. Tanging pagtango lang ang ibinigay ko rito. Namangha pa ako nang mayroon itong ipakita sa akin. Pagkatapos ay walang tanong-tanong na inilagay nito sa aking palasingsingan ang isang kakaibang singsing. Kulay pulang diamond ito. At may ukit sa gitna na ulo ng dragon.

"Teka! Bakit mo isinuut sa akin ang singsing na iyan?" tanong ko.

"Please! Huwag mong tanggihan iyan. Malaking tulong iyan sa iyo upang hindi maamoy ang dugo mo ng mga bampirang kalahi ko," saad nito.

"Sige," bukal sa loob kong sabi. Bigla akong napabaling muli sa aking daliring palasingsingan, na kung saan naroon nakalagay ang singsing na inilagay ni Dark. Lalo akong namangha nang makita kong basta na lang iyong umilaw. At parang kinikilala ako nito bilang bagong tagapag-alaga niya.

"Ipikit mo ang mga mata mo Bella, kung gusto mong makauwi na..." bulong nito sa akin.

Kaya naman walang takot akong pumikit at tiwalang makakauwi. Naramdaman kong hinawakan niya ang ulo ko. Hanggang sa tuluyang na akong lamunin ng kadiliman.

“Bella! Bella anak!" mga katok sa pinto ang nakapagpabalikwas akin. Parang nalilitong tumingin ako sa paligid ng silid ko.

"Diyos ko! Panaginip ba iyon? Pero parang totoo ang lahat?" tanong ko sa aking sarili.

"Bella anak! Tumayo ka na dahil may pasok ka sa grocery ngayon araw!" muling pagtawag sa akin ni inay sa labas ng silid ko.

"Sige po inay, lalabas na po ako."

"Bilisan mo anak, baka mapagalitan ka na naman ng amo, dahil late ka na namang pumasok."

"Opo inay," tugon ko.

Marahas muna akong nagbuntonghininga bago magpasyang bumango mula sa kama. Maliksi kong inalis ang kumot sa aking katawan, sabay baba ng paa sa malamig na sahig.

"Peste! Ano'ng nangyari sa aking paa? Bakit may natutuyong putik?" namamanghang tanong ko sa aking sarili.

Tiningnan ko rin ang kasuutan ko at nakita kong madumi rin ito. Agad naman akong lumapit sa bintana para buksan iyon. Upang alamin kung umulan kagabi.

Baka kasi naulanan lang ako, hanggang sa naputikan ang mga paa ko. Tapos hindi na rin pala ako nakapaglinis ng buong katawan.

Nang tuluyan ko nang mabuksan ang bintana ay ganoon na lang ang pagkagulat ko nang mamataan kong wala man lang kahit isang bakas na basa ang lupa, papasikat na rin ang araw at walang palatandaan na umulan kagabi.

Bigla tuloy akong napaurong. Parang may kakaibang nangyayari sa akin? Maliksi akong tumingin sa aking daliri sa kamay. At ganoon na lang ang gulat ko dahil naroon ang singsing na ibinigay sa akin ng lalaking iyon sa aking panaginip. Jusko po!

Mabilis akong lumapit sa hindi kalaking salaman upang tingnan ng aking sarili. At nang nasa harap na akong ng mirror ay agad kong sinipat ang leeg ko. Dahil sa pagkakatanda ko'y humingi ng dugo ang lalaking iyon sa akin. Pero wala naman mababakas na bahid ng dugo sa leeg ko, kahit sugat ay wala rin.

Itinaas ko rin ang isang palad ko upang sipatin ang suot kong singsing. Kakaiba rin ito. Kaya naman walang pagdadalawang isip na hinawakan ko iyon para alisin sa aking daliri. Ngunit bakit ayaw matanggal?

"Anak ng tukwa!" bulalas ko. At muli na naman hinila ang singsing para alising muli pero ayaw talagang maalis.

"Bella anak! Ang tagal mo riyan? Nakaligo ka na ba?!" palatak na ni inay ko sa labas ng silid ko.

"Lagot ako nito." kaya nagtatakbo akong pumasok sa loob ng banyo at mabilisang ligo ang ginawa ko.