chapter 3-Escape

Gusto kong maiyak sa kinasasangkutan ko ngayon. Paano ba ako nalagay sa sitwasyon na ito? Hindi ko kilala ang mga nilalang na nasa harapan ko at nagpapambuno.

Bigla ring pumasok sa aking isipan ang mga magulang ko. Alam kong labis na silang nag-aalala sa akin. Muli na namang nalipat ang mga mata ko sa dalawang nilalang na patuloy pa ring naglalaban. Lalong hindi ko na sila masundan ng tingin dahil sa sobrang bilis nang mga pagkilos nila. Daig pa nila ang kidlat. Kapwa maliksi at parehong walang sino man ang gustong magpapatalo.

“Ah! Ah!” sunod -sunod na tili ko. Dahil sa labis natakot. Makailang beses ko nang tinapik-tapik ang sarili kong pisngi. Nagbabakasakaling isang masamang panaginip lamang ang lahat ng ito. Baka binabangongot lamang ako at bunga lang ito nang paulit-ulit kong kapapanood ng twilight.

“Aray!” napahagulhol na ako nang tuluyan dahil totoong nangyari ang lahat ng ito. Akala ko sa pelikula lang ito mangyari pero nagkakamali ako. At heto na nga, kitang-kita ko na at nasasaksihan ng dalawa kong mga mata ang labanan ng magkaparehong lahi.

Ngunit hindi ko alam kung bakit naglalaban sila. Pero isa lang ang malinaw sa akin. Masama ang ugali ng lalaking kalaban ngayon ni Dark.

“Diyos ko! Ano ang gagawin ko? Para makalayo sa kanila? Hindi ko alam kung ano’ng naghihintay sa akin kung sakaling tatakas ako. Baka may mga lobo na naman ang nag-aabang at naghahanap ng taong malalapa. At tuluyan na akong maging hapunan.

Ngunit kailangan kong mag-isip ng paraan para tuluyan akong makaalis sa madilim na gubat na ito. Kailangan ko ring maghanap ng daan upang nakabalik ako sa amin. Kahit maghalo ang sipon at luha ko ay hindi ko iyon alintana. Lalo na't sobrang bilis ng kabog ng aking dibdib dahil sa takot.

“Nakaligtas ka man sa ginawa ko sa iyo rati, Dark! Pero sisiguraduhin ko ngayon na tutuluyan na kitang mapapatay! At kapag nangyari ’yun. Ako na ang kilalaning pinuno ng angkan natin! At ang birhen na babaeng 'yan ay mapapasa akin na rin!” mabalasik na tinig ng lalaking nakaitim at may mapupulang mata. Daig pa ang mga adik sa aming barrio at tumira ng isang kilo na ipinagbabawal na gamot.

Kung titingnan ito, ay maihahantulad ang pustura nito kay Dracola na hari ng mga bampira sa palabas sa telebisyon. May dalawang pangil na nakausli sa bibig nito, itim ang suot na damit at may suot itong kapa. Napaatras ako nang dumako ang tingin nito sa akin. Na tila ba takam na takam ito. Baka may kakayahan itong mag-teleport at bigla na lamang itong mapunta sa tabi ko.

Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa kakaibang nilalang ang nakatitig sa akin. Kaya naman marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ano bang mayroon sa dugo ko at gustong-gusto nila? Ngunit bigla rin akong napamulat ng mga mata nang marinig kong muli na naglaban sila.

Napalipat ang tingin ko mula sa lalaking nakaitim, patungo naman kay Dark, nang magsasalita ito habang nakikipaglaban. Nababanaag ko ang nag-aapoy na galit sa mga mata nito habang nakatitig sa kalaban. Maging ang pag-uumigting panga at kuyom na kamao ay siyang makapagsasabi kung ganoo ka galit ito ngayon.

“Draco! Dadaan ka muna sa katawan ko bago mo makuha sa akin si Bella. At sisiguraduhin kong hindi mangyayari ’yan!” galit na sabi ng lalaking nag-ngangalang Dark.

Ako naman ay napatanga sa aking narinig. Tama ba ako? Tinatawag niya ang pangalan ko? Nakapagtataka kung paano niya ito nalaman? Gayong hindi ko naman sinabi sa kanya kung sino ako. Kaya agad nabuo ang ekspikulasyon sa aking isipan. Hindi kaya matagal na niya akong sinusundan? Matagal na nila ako gustong patayin para makuha ang dugo ko. Bakit ako pa? Marami namang iba riyan.

“Diyos ko Lord! Huwag mo akong pababayaan. Promise, kapag makaligtas ako rito na maghahanap na talaga ako ng jowa na magpapaligaya sa akin. Ayaw kong mamatay na hindi man lang makakatikim ng langit," mahina ko pang dasal. Ang pagiging berhin ko lang naman ang hinahabol nila. Ayaw ko ang lalaking 'yan ang unang makakatikim sa akin. Okay na iyang si Dark huwag lang iyong isa.

“Ah!” malakas kong tili dahil sa tumilipon si Dark, nakayakap sa akin. Napatitig ako sa kanyang gwapong mukha at sa kanyang mapupulang labi na kay sarap naman kagatin

“Roar!” ani ng aking isipan. Putcha! Naging bampira na rin yata ako?

“Huwag mo muna akong pagpantasyahan babae. Baka matalo ako sa kalaban. Baka hindi muna ako matikman. At ang lalaking ’yan ang makaka-angkin sa iyo,” pilyong saad nito. Buwisit na lalaking ito kahit nasa bingit na nang kamatayan nakuha pa rin lumandi.

“Katulad lang ako sa iyo, babae!” muling tugon nito.

Maliksi itong tumayo at sinugod ang lalaking nakaitim. Nagpalitan muli ng suntok at kalmot ang dalawang nilalang. Nagpaikot-ikot sila sa ere na para bang ipo-ipo. Naduduling na nga ang mga mata ko dahil sa napakabilis nang kanilang mga kilos.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako kaba para kay Dark. Sugatan ito dahil sa unang pag-ataki ng kalaban nito kanina kaya 'di hamak na dehado ito kaysa sa lalaking nakaitim. Ngunit nang mapadako ang tingin ko sa katawan ng mga ito mas lamang naman ang abs at kapogian si Dark. Ipinilig ko ang aking ulo baka mabasa naman nito ang nilalaman ng isip ko.

Matapos ang ilang segundo nasa lupa na ang mga ito. Pansin ko'y may sugat na rin ang kalaban ni Dark. Sapo ang tagiliran nito. Nagtaas baba ang kanilang mga dibdib.

“Huwag ka nang maraming satsat! Sini-suwerte ka lang Dark. Pero ngayon, sisiguraduhin kong mawawala ka na!”

Nakakakilabot ang balahibo ng hitsura ng lalaking nakaitim. Umungol ito nang napakalakas. Kahit pagabi na ay naaninag ko pa rin ang kanyang kabuoan dahil sa tulong ng bilog na buwan. Lalo akong nagsusumiksik sa malaking puno ng kahoy. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero isang himala yata ang iniisip ko dahil kahit may tao pa na tutulong sa akin. Wala rin itong laban sa dalawang bampira.

Pinabayaan ko na silang dalawa na maglaban dahil may nakita akong munting daan. Mabuti na lang at umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Muli akong tumingala sa dalawang bampira. Sana lang ay 'di nila ako makitang papatakas.

Dahan-dahan akong naglakad. At walang lingon akong tumakbo ng diritso. Bahala na, kailangan kong sumugal. Hindi puwedeng nakatunganga lang ako sa kanila habang naglalaban. Alam ko ring nanganganib ang buhay ko sa lugar na ito.

Ang tanging dasal ko na lang ay tuluyang akong makauwi sa pamilya ko.

"Diyos ko po! Sana'y gabayan ninyo ako," piping dasal ko. Habang matuling tumatakbo.