Chapter2-Fight

Hindi na lang ako nagsalita baka lalong humaba pa. Saka mahirap makipag-away sa lalaki ito, lalo at hindi ko ito lubos na kilala. Baka magulat na lang akong nasa ibaba na pala at nilalapa ng mga lobo ang katawang lupa ko.

Habang lumalayo kami sa lugar ng mga lobo. Doon lang ako nakahinga ng maluwag. Hanggang sa tuluyang bumaba kami sa gitna ng kagubatan. Nagulat na lang ako nang biglang nawala ito sa paningin ko.

Sinapian na naman ako ng takot lalo at wala na akong kasama sa lugar na ito. Pero kailangan kong maging matatag, kaya kahit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko'y pinilit kong maglakad para makabalik sa lugar namin.

"Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Pagkatapos ko siyang tulungan at bigyan ng dugo, bata na lang akong iiwan na parang dumi ng hayop!" palatak ko habang patuloy na naglalakad, hindi ko alinta kung may makarinig sa akin dito. At isipin na baliw ako.

Hanggang sa makarinig ako nang isang kaluskos na malapit lang sa aking kinaroroonan. Kaya naman napahinto ako sa aking paghakbang.

"Jusko po! Ano kaya iyon?" kabadong tanong ko sa aking sarili. Umikot ang mga mata ko sa buong paligid, sabay atras dahil may namataan akong patpat na hindi kalakihan, maliksi ko iyong kinuha. Baka kasi may halimaw na basta lang bumulaga sa akin at ito ang gagamitin kong sandata.

Kahit nanginginig ang tuhod ay pilitin kong maglakad nang mabilis. Subalit napahinto akong muli nang maramdaman kong tila may sumusunod sa akin. Namataan ko ang malaking puno, maliksi akong lumapit doon para magtago.

Naisip ko tuloy na. . . dito na ba ako mamamatay? Ang saklap ng kapalaran ko. Matitigok akong virgin at hindi man lang makakatikim ng langit. Parang gusto ko tuloy maluha. Nakakainis naman. Bakit kaya dinala pa ako rito sa kagubatan ng pesteng bampira na iyon? Hindi ko tuloy alam ang daan pauwi.

Mayamaya pa'y naramdaman ko ang pagpatak ng ulan na dumadampi sa aking makinis na balat.

"Anak ka ng bampira! Bakit umipal pa ang ulan na ito? Lalong hindi ako makakauwi!" malakas na bulalas ko.

Hanggang sa lalong lumakas ang ulan at mas malalaking patak na ang tumatama sa aking balat. Basang-basa na rin ako at nanginginig na sa lamig. May pumatak tuloy na luha sa aking mga mata.

"Bella Swan, hanggang dito na lang ba?" tanong ko sa aking sarili, nababaliw din na tinawag ko ang buong pangalan ko.

Nasaan na ba ang impaktong lalaking 'yun? Bakit ba niya ako iniwan dito? Oras talaga na makita ko ito sasakalin ko siya nang kawang! Napayuko na lang ako sabay yakap sa katawan kong nilalamig na.

Mayamaya pa'y nagulat na lang ako nang biglang mawala ang malalaking patak ng ulan sa aking balat. Dahan-dahan akong tumingala, tumambad sa aking harapan ang lalaking bampira.

“Ikaw! Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa lalaki, hindi rin maipinta ang tabas ng mukha ko. Sa totoo lang ay gustong-gusto ko na itong sapakin sa mukha. Kaso lang, sayang naman ang kagwapuhan nito.

"Tumayo ka na riyan, kailangan na nating umalis!" masungit na sabi nito sa akin, sabay lahad ng palad sa akin.

"Ayokong sumama sa 'yo. Baka mamaya iwan mo ulit ako. Kung hindi naman ay baka ubusin mo lang ang dugo ko!" iritang pagtanggi ko sa lalaki.

"Alam mo, pasalamat ka pa nga at binalikan pa kita! Kasi kung hindi. . . baka rito ka na mamatay, babae!" masungit na saad niya sa akin.

"So, kasalanan ko pa na binalikan mo ako? Eh, 'di salamat!" labas sa ilong na turan ko.

Nakita ko ang pagdilim ng mukha nito, alam kong nagpipigil lang ito para sakmalin ako. Narinig ko rin kasi ang marahas na buntonghininga ng bampirang kaharap ko.

"Babae, sasama ka sa akin? Oh, hindi? Sabihin mo lang dahil madali akong kausap!" mariing saad nito at nasa boses ang iritasyon.

Pairap kong inabot ang palad niyang nakaabot pa rin sa akin hanggang ngayon. No chice ako, kundi sumama sa lalaki, kaysa naman lapain ako ng mga halimaw dito.

"Sasama ka rin pala ang dami mo pang-arte," wika naman ng binata at inalalayan ako sa pagtayo.

Nagulat pa nga ako nang bigla umalikod ang lalaki sabay upo sa aking harapan. Ang isang tuhod nito ay nakatukod sa lupa. Kaya nagtaka ang ko sa inaakto nito.

"Ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong nito sa binata.

"Sumakay ka na sa likod ko para mabilis tayong makarating sa pupuntahan natin. Huwag ka nang magtanong at mag-inarte pa, babae!"

Hindi na lamang ako nagsalita, ngunit napapangiti ako nang palihim. Medyo nawala rin ang inis na aking naramdaman kanina lang. Walang salitang sinunod ko ang utos nito.

"Ayy!" sigaw ko. Bigla kasing tumakbo ang lalaki. Isabay pa ang pagtalong-talon nito sa puno, habang nakasakay ako sa likod niya. Labis naman kumabog ang dibdib ko dahil sa takot, bigla kasing pumasok sa utak ko na baka mahulog ako. Kawawa naman ang sexy kong katawan kung magkakalasog-lasog lamang.

"Huwag kang mag-alala babae, hindi ko hahayaang mangyari ang ano mang nasa isip mo," biglang sabi ng lalaki.

Namangha naman ako. Paano nito nalaman ang nilalaman ng isipan ko? Jusko po! Mahirap pa lang pagpantasyahan ito.

"Yes, mahirap akong pagpantasyahan," singit muli nito. Balak ko pa sanang magsalita nang bigla itong huminto sa pagtalon-talon sa puno. Pansin ko'y nakikiramdam ito sa buong paligid dito sa kagubatan.

"Bakit tayo tumigil? Palakas nang palakas kaya ang ulan," usal ko.

Nagulat na lang ako nang may biglang tumama sa lalaki. Ramdam kong sobrang lakas ng impak noon. Dahilan kaya parihas kaming tumilapon. Pero mahigpit niya akong nahawakan upang hindi tuluyang makabitaw sa kanya. Parang ipo-ipo rin ang bilis nito, nagulat na lang akong nasa pinakamataas na kaming puno.

“Dark, hindi ko akalaing mabubuhay kang muli, pagkatapos kitang pahirapan! At magtamo nang matinding pinsala!" galit na sabi ng lalaking biglang sumulpot sa aming harapan.

Biglang natayuan ang balahibo ko sa aking katawan. Sobra kasing nakakatakot ito, isabay pa ang itim nitong kasuutan. Mahigpit akong napahawak sa lalaking kasama ko. Nang biglang tumingin sa akin ang taong nakaitim. Napansin ko rin ang ilong nitong gumalaw-galaw.

“Ang bango ng dugo mo babae," anas nito, na labis kong kinatakot. Mas lalong tumindi ang pagtitig niya sa akin at tila gusto akong lapain.

"Akin ka na ngayon babae!" bulalas ng lalaking nakaitim. At sa isang iglap ay maliksi itong nakalapit sa akin. Subalit nakita kong tumilapon ito papalayo.

Mayamaya pa'y napansin kong naglalaban na ang dalawang lalaki. Sa totoo lang ay hindi ko sila masundan dahil sobrang bilis nang mga pagkilos nila.