Chapter 1 -stranger
"Sino ka? Ano'ng ginagawa mo rito sa bahay ko?!" tanong ko sa lalaki. Pero ang boses ko'y nanginginig sa takot. Tumingin ako sa katawan nito at pakiramdam ko'y wala itong lakas.
"Please! Kailangan ko ng dugo mo..." pabulong na sabi ng lalaking nanghihina.
"Dugo ko?!" palatak ko, nasa mukha ko rin ang pagkagulat. Pero ang dibdib ko'y puno ng takot ng mga oras na ito. Hindi naman lingid sa akin ang tungkol sa mga vampira. Pero 'di ko lubos akalaing makakaharap ko na ito.
Bata pa lang ako'y sinasabi na sa akin ni itay ang tungkol doon. Pero pinagsawalang bahala ko iyon. Dahil ang alam ko'y wala naman vampira sa lugar na ito. Ngunit heto ang katibayan at nasa harapan ko na siya.
“Dugo mo lang ang kailangan ko," muling usal ng lalaki.
Kahit natatakot ay nilakas ko ang aking loob. "Mister, ipagpaumanhin mo. Pero ang totoo ay wala akong dugo," kabadong sabi ko rito. Iwan ko lang kung maniniwala ito sa akin. Napatitig rin ako sa mga mata ng taong kaharap ko.
Para akong na bato balani nang masilayan ko ang mapulang mga mata nito. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang humakbang patungo sa aking kinatatayuan.
"Teka lang muna! Huwag kang lalapit!" pasigaw na sabi ko. Ngunit tila bingi ito. At patuloy pa rin sa paglapit. Jusko po! Sana'y iligtas ninyo ako sa nilalang na ito.
"Huwag kang mag-alala dugo mo lang ang kailangan ko sa 'yo," sagot naman nito sa akin. Pagkatapos ay tila ipo-ipo itong pumunta sa likuran ko.
"Teka lang!" Akmang kakagatin ako nito sa aking leeg nang bigla akong magsalita. Kahit natatakot ay nagawa ko pa rin siyang pigilin. Naisip ko ring paano kapag ubos niya ang dugo ko? Baka mamatay ako, oh, 'di kaya ay maging animec din ako.
"What!" iritang sabi nito sa akin. Alam kong gustong-gusto na nito ang dugo ko.
“Di ba, du-dugo lang naman ang kailangan mo sa akin...?" nagkanda utal-utal kong tanong dito. Kaagad naman siyang tumango sa tanong ko.
“D-Diyan ka lang may gagawin lang ako. Dugo lang pala kailangan mo at ibibigay ko sa 'yo.” Kaagad kung kinalas ang butones ng suot kong short. Akma ko na sanang kukuhanin ang suot kong modess dry net na with wings. Sakto lang dahil may period ako ngayon. Subalit napatigil ako nang bigla magsalita ang lalaking nasa likuran ko.
“Ano'ng ginagawa mo?” maang na tanong nito sa akin.
“Hindi ba kailangan mo ang dugo ko? Eh, ’di ibibigay ko sa iyo,” naiinis na turan ko rito. Akala ko ba gusto niya ang dugo ko? Bakit parang nag-iinarti naman ang lalaking ito?
“Hindi iyan ang kailangan ko! Kundi sariwang dugo. Iyong makakagamot sa aking pagka-uhaw. Dahil hinanghina na ako!"
Napaatras ako dahil sa muli na naman akong kinakabahan. Ngunit kailangan kong labanan ang takot sa aking dibdib.
“Ang arti mo naman, ikaw na nga ang binibigyan ng dugo ayaw mo pa. For your information. Mahal itong napkin ko, noh!” singhal ko sa kanya.
Tumingin muna sa akin ang lalaki. Pagkatapos ay maliksi itong dumikit sa aking likuran. Nang bigla ko na lang naramdaman ang mainit na paghinga nito mula sa aking batok, papunta sa aking gilid ng leeg.
Peste! Dahil ramdam kong nagtayuan ang mapipino kong balahibo sa aking balat. Hanggang sa napaawang ang labi ko nang naramdaman kong may matalim na bagay ang pilit na bumabaon sa aking leeg.
Dama ko rin ang halong sakit at takot ng mga sandaling ito. Pagkatapos ay parang may humihigop sa loob. Mahigpit tuloy akong napahawak sa braso nito sabay pikit ng mga mata.
“Huwag kang mag-alala babae, kakaunti lang naman ang kinuha ko sa 'yong dugo. Gusto ko lang bumalik ang aking lakas. Saka alam ko naman na anemic ka at baka kung mapaano ka pa.
Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay patungo sa leeg kong may sugat. Tiningnan ko rin ang palad ko na galing sa aking leeg. Napansin kong may bahid pang dugo ang naiwan doon.
Nang mapansin ko ang dugo sa aking palad ay parang nanghina ako hanggang sa nanlambot ang mga tuhod ko at tuluyang nagdilim ang aking paningin.
Nagising ako sa sikat ng araw. Nanlaki ang mga mata ko kung bakit nasa loob ako ng gubat. Ano'ng ginagawa ko rito? Paano ako napunta sa lugar na ito? Sa aking pagkakatanda ay nasa bahay ako. At may isang lalaking basta na lang pumasok sa loob ng bahay namin. At walang pakundangan na kinagat ang leeg ko.
Diyos ko po! Ano bang nangyayari sa akin? Kaya naman kahit natatakot ay kailangan ko nang umuwi. Ngunit may narinig ako na isang ungol. At tila galit ito. Maliksi akong lumingon sa aking likuran. Ganoon na lang ang gulat ko nang tumambad sa aking harapan ang isang lobo.
Jusko po! Totoo ba itong nakikita ko? Peste kailangan kong tumakbo baka lapain ako nito. Kaya naman walang lingon na tumakbo ako nang matulin.
"Ah! Tulong!" sigaw ko. Alam kong hinahabol ako ng lobo.
Sa Patuloy kong pagtakbo ay 'di ko nakita ang isang bangin kaya tuloy-tuloy akong bumulusok paibaba.
"Ahhhh!" sigaw ko sabay pikit ng mga mata. Katapusan ko na ba ito? Ngunit bigla akong natigilan sa paghiyaw nang naramdaman ko na tila lumulutang ang katawan ko sa hangin. Dahan-dahan ko ring iminulat ang aking mga mata at sumalubong sa akin ang mapulang mata ng lalaki na sumipsip ng dugo ko.
“Sa-Saan mo ako daldalhin?” nahihintakotang tanong ko rito. Hindi ito sumagot bagkus nakatingin lang ito sa unahan habang panay ang talon ng mataas sa mga puno. Ako naman ay humigpit nang yakap sa lalaking di ko pa kilala.
Pero biglang nagsink-in sa utak ko na kailangan ko nang makauwi sa amin. At baka nag-aalala na sa akin ang mga magulang ko.
“Bi-bitiwan mo ako! Siguro uubusin mo lang ang dugo ko? Kaya mo inilagtas, ano?!” galit kong singhal sa kanya.
“Huwag kang makulit babae! Tumigil ka na sa ginagawa mo!” balik nitong singhal sa akin. Aba! Matapang talaga itong lalaking ito.
“Hindi ako titigil sa aking pagwawala hangga't hindi mo ako ibinababa!" Sabay tingin ko sa ibabang bahagi. Ganoon na lang ang gulat ko nang mamataan ko ang mga lobo at tila naghihintay sa aking pagbagsak.
“Gusto mo ba talagang bumaba, ha? Sige, bahala ka na sa buhay mo! Tingnan lang natin kung may matitira pa sa katawan mo. Pagkatapos kang lapain ng mga ‘yan!” naiinis na sabi niya sa akin, balak na sana akong bitawan ng lalaki, nang biglang humigpit ang pagkakahawak ko sa katawan nito.
"Huwag na huwag mo akong bibitawan! Kapag namatay ako ay mumultuhin kita!" sigaw ko rito. Iwan ko lang matakot nga ito sa akin.
“Ang arte mong babae!"
"Aba't, hoy! Huwag mo nga akong masigawan diyan. Baka nakakalimutan mo, ha, binigyan kita ng dugo ko!” galit kong singhal dito.
Nakakainis! Pagkatapos ko siyang pinainom ng dugo ko ay ganoon na lang ako kung singhalan nito.
()