chapter 18-kidnapped
BELLA POv
Napaluha ako sa katotohanang nakakulong ako ngayon sa ising silid sa kahirian ng mga bampirang itim. Alam kong balak nila akong patayin dahil sa kakaiba kong dugo. Mas lalong bumulosok ang aking luha nang maalala ko ang aking mga magulang.
“Inay, Itay. Tulungan ninyo akong makatakas sa impyernong lugar na ito. Hindi ako makapapayag na tuluyan ng maghari ang kasamaan dito sa mundo. Paano na lang ang mga tao kung magtagumpay ang plano ng hayop na Draco na iyon? Sigurado akong wala silang ititira maski na isang buhay na mga tao. Gagawin nila itong mga pagkain. Ngayon pa lang tila pinilipit na ang dibdib ko sa tuwing maiisip ko ang walang muwang ng mga bata na bibiktimahin ng mga halimaw na bampirang itim na ito.
“Dark! Sana iligtas mo ako rito,” Napaluhang sambit ko sa kawalan. Nagsisisi ako na sumuway ako sa bilin sa akin ni Dark. Kung hindi lang ako lumabas sa kaharian ng Dragon White Forest eh, 'di sana ako nakuha sa mga tauhan ng demonyong Draco na iyon. Paniguradong nag-aalala na sa akin ngayon si Dark.
Ilang araw na lang, muli na namang sumibol ang ika pitong kabilugan ng buwan. Alam ko kung ano ang pina plano ng mga halimaw na ito sa akin. Narinig kong nag-uusap noon si Dark ang kanyang mga tauhan kaya wenalaman ko na gagawin akong alay na hayop na Draco.
Ngunit sisiguraduhin kong hindi magtatagumpay ang plano nila. Ako mismo ang papatayin sa demonyo na iyon dahil sa napakalaking atraso nito sa akin. Pagbabayarin ko siya sa pagpatay ng mga magulang ko. At bilang huling babaylan tungkolin kong protektahan ang siguridad ng buong sangkatauhan.
Mariin kong pinahid ang aking mga luha. Hindi puwede na iiyak na lamang ako rito hanggang sa dumating ang araw na papatayin ako nila. Kailangan kong humanap ng paraan para makatakas .
Ipinikit ko ang aking mga mata habang inaalala ko ang tinururo sa akin ni Dark. Ibinuka ko ang aking dalawang kamay at nag-concentrate ako na mapalabas ang aking kapangyarihan. Ngunit nakailang subok na ako pero hindi pa rin gumagana. Hindi ko pa rin kayang palabasin ang dyamanti na nasa aking mga kamay.
Itinigil ko ang aking ginagawa nang marinig ko ang mga yabag sa labas ng madilim na silid na kinalalagyan ko. Kasunod ang kalansing ng kandina sa may pintuan at ang nakakapangilabot na langitngit ng pintuan ngunit wala man lang akong nakitang bampira na pumapasok, pero ramdam ko ang presinsiya nito na mabigat na nakatitig sa akin.
“Sino ka? Magpakita ka sa akin! Huwag kang magtatago sa kadiliman! Isang kang duwag!” Nagtatapang-tapangan ko saad kahit ang totoo nanginginig na ako sa takot maging ang aking mga tuhod ay nangangatog na rin.
“Ha! ha! ha! Kahanga-hanga ka talaga, Bella dahil sa akin mong katapangan. Pero wala na ring silbi iyan dahil malapit ko ng maangkin ang iyong dugo. At kapag nangyari 'yon sisiguraduhin kong tuluyan ng mabubura si Dark! At ako na ang maghari sa buong sanlibutan. Ako si Draco, ang nalalapit na maging hari!”
“Hindi ’yan mangyayari, Draco. Dahil kahit kailan hindi matatalo ng kasamaan ang kabutihan. Alam kong hindi kami pababayaan ng panginoong Diyos. At ako, ako mismo ang papatay sa iyo demonyo! Sisiguraduhin kong magbabayad ka sa ginawa mong pagpaslang ng aking mga magulang at ibabalik kita sa impyernong pinagalingan mo, demonyo!” Nanggagalaiti sa galit kong sigaw. Ngunit napahawak ako sa aking leeg dahil ramdam ko na mayroong mga kamay na sumasakal sa akin. Nahihirpan akong huminga.
“Bi-bitawan mo a-ako demonyo! Ahu-uhu-uhu!” Napaubo ako pagkatapos nito akong bitawan.
“Na saan ang yabang mo, Bella. Kubg ngayon pa lang hindi mo ako kayang labanan. Huwag kang mag-alala dahil kapag natapatay na kita, isusunod ko naman si Dark!” Malutong natawa ang pinakawalan nito bago umalis sa ikinalalagyan ko.
Muli na naman akong napaiyak, paano ko nga ba magagapi ang demonyong Draco na iyon. Kung ngayon pa lang hindi ko siya kayang labanan. Paano ko maipaghihiganti ang aking mga magulang kong pati sarili ko hindi ko man lang kayang ipagtanggol.
“Lord, huwag mo akong pababayaan. Sana tulungan mo ako, kami ni Dark nalabanan ang kasamaan at protektahan ang mga walang muwang na mga tao laban sa kasamaan.” Taimtim kong dalangin sa itaas. Alam kong sa pagkakataon na ito siya lang ang makakatulonv sa amin dahil higit kanino man ang panginoon ang siyang makapangyarihan.
Pagkatapos hindi ko namalayan nannakatulog na pala ako. Napansin ko rin na simula noong nasa Dragon White Forest ako hindi man lang ako nakaramdam ng gutom hindi katulad doon sa mundo namin na araw-araw kaming nagtatarabaho para may pambili ng pagkain.
Ngunit kahit hindi man ako nakaramdam ng gutom mas gusto ko pa rin ang doon manirahan kasama ang mga tao. Doon ako nasanay na mabuhay, doon ako nagkaroon nagkaroon ng muwang at natotong makipagsapalaran at isa pa hindi ko kayang iwan ng tuluyan ang bahay namin. Nandoon ang masayang alaala nang inay at itay ko.