chapter 17- Anger
DRACO POV
“Agrr! Aggr! Buwisit talaga ang Dark na iyon!” galit kong sigaw. Ipinagbabato ko nag lahat na aking nahahawakan. Naikuyom ko ang aking kamao, nagtatagis ang aking bagang dahil sa lalaking iyon! Kahit kailan malaking hadlang sa akin si Dark sa balak kong pagsakop sang katauhan at sa buong sanlibutan. Hanggat nabubuhay ang lalaking iyon hindi ako magtatagumpay kaya nararapat lang na tuluyan ko ng mabura ang buong lahi na nila. Makuha ko na sana ang huling babaylan kung hindi pa dumating asungot na Dark na iyon! Why
At magagawa ko lamang iyon kung makukuha ko na ang natitirang babaylan. Ang hawak ngayon ni Dark ba si Bella. Siya ang tanging paraan upang maisakatuparan ang kagustuhan kong maghari sa buong mundo! Kialangan mag-isip ako ng paraan bago pa man ang kabilugan ng buwan at darating na lunar eclipse.
Kailangan mapasa kamay ko na ang babaeng iyon. Dahil kung hindi mawawala sa akin ang pagigung immortal ko. Hindi ako papayag na mas lamang sa akin ang Dark na iyon at tuluyang malulupig ang mga nasasakupan ko.
“Master, Draco! Ano po ang nangyari sa iyo? Kalmahan lang po ninyo tingnan mo nagsimula ng kumulubot ang iyong mukha!” saad sa akin ni Vina. Ang aking kaliwang kamay. Mabilis kong hinawakan ang mukha at tumapat sa malaking salamin.
“Vina, dalhan mo ako ng dugo! Nanghihina ako!” Totoong nanghihina ako dahil nagamit ko ang aking kapangyarihan kanina. At hindi puwede na makikita akong ganito sa aking nasasakupan dahil ang naniniwala sila sa akin na ako ang pinakamangyarihan sa lahi ng mga itim bampera. Kaya ako ang napisil nilang maging pinuno ngunit lingid sa kanilang kaalaman ang aking kahinaan. Bumalik ang matanda kong anyo kong magagalit o magagamit ang kapangyarihan ko.
“Yes, Master!” Yumukod sa akin si Vina at tuluyan ng lumabas ng silid. Si Bella ang kailangan ko upang gawing alay, at kapag nainom ko na ang kanyang dugo. Magkaroon na ako ng buhay na walang hanggan. Hindi na ako tatanda pa at mapasa akin na ang pinakamalakas na kapangyarihan.
“Ako na ang makapangyarihan sa buong mundo! Aha! Ha! Ha!” Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ko. Dahil alam kong maging pabor sa akin ang lahat. Napabaling ang tingin ko sa pagbukas ng pintuan.
“Master, nandito na po ang hinihingi mo.” Kaagad kong inabot ang bitbit nitong burgandy na may lamang dugo.
“Ah!” tila na buhay kaagad ang kaluluwa ko matapos kong sumimsim nang dugo ng tao. Muling nanumbalik ang aking lakas na taglay. At ang kaninang kulobot kong mukha ay naging bata nauli.
“Master, Draco. Tuloy pa rin ba ang plano nating pagsugod sa kaharian ng white dragon forest? Hindi kaya dehado tayo sa laban?” tila may pag-alinlangang tanong sa akin ni¢¢ Vina. Napagatla ang noo ko sa aking narinig. Maliksi ang naging kilos ko, Itinaas ko ang aking kapa at naupo sa aking trono.
“Pinagdududahan mo ba ang kakayahan ko, Vina?” Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. At ipakita ang galit ako sa kanya. Wala akong sinasanto.
“Hindi na-naman sa ganoon, Master. Ang sa akin lang kasi baka hindi pa tayo handa. Ba-baka marami naman sa mga lahi natin ang malagas. Nag-aalala ako baka tuluyan ng maubos ang lahi nating mga itim na bampera.” Nahintatakutang tugon nito sa akin.
“Hindi mangyayari 'yan, Vina! Pinagdududahan mo ba ang kakayahan ko bilang pinuno sa inyo, ha!” nailabas ko ang aking pangil dahil sa inis. Isang eiglap lang hawak ko na ngayon ang leeg nito at mahigpit na sinasakal.
“Ma-master, Da-Draco. Pa-patawarin m-mo ak-ako," nahihirapan nitong sambit na nagmamakaawa sa akin. Nanlilisik ang mga matang tiningnan ko ito.
“Ang pinaka ayaw ko, Vina ang pangungunahan ako sa gagawin kong desisyon. At ang pinaka ayaw ko sa lahat ang pagduduhan ang mga kakayahan ko!” galit na galit kong sigaw sa kanya at pabalibag kong binatawan siya dahilan ng kanyang pagtilapon sa dingding.
Muli akong humakbang palapit sa kanya. Hindi pa ako tapos. Humupa na ang galit ko kanina pero muling na namang sumabog ang galit ko dahil sa pinagsasabi ni Vina. Hindi ko papalampasin ang ginawang niyang kapangahasan sa akin. Kahit pa siya ang kaliwang kamay ko. Wala pa rin siyang karapatan para kwestiyunin ang kakayahan ko bilang kanilang pinuno. Napadaing ito sa sakit habang pinipilit na umatras.
“Ma-Master, Da- Draco. Pa-patawas hindi na po ako uulit. Ma-mamaawa ka sa akon, Master.” Pagmamakaawa nito sa akin.
“Walang lugar sa akin ang awa, Vina! Hindi ko kailangan ang tauhan na kagaya mo! Wala kang respeto! Ako ang si Draco ang inyong pinuno at ang pinakamangyarihan sa lahat!” Lumuwa na ang mata nito dahil sa mahigpit kong pagkakasakal. At ang Draco 'yon ipapakita ko sa iyo kung paano ko siya papatayin!”
Dahil sa sobrang galit ko muling ko siyang itinapon sa sahig.
“Pasalamat ka, hindi kita pinapatay!”
“Salamat, Master. Patawad po!” nagmamadali itong tumayo kahit nahihirapan.
“Get out! Ayaw kong makita ang pagmumukha mo, baka hindi ko na matantiya ang sarili at tuluyan na kitang mapatay!”
Kumaripas na ito ng takbo at nagmamadaling lumabas na ng silid. Muli kong tinungga ang burgandy na may lamang dugo ng tao. Pero ang pinaka asam-asam kong matikman ang dugo ni Bella.
**********
“Bitawan ninyo ako! Mga hayop kayo! Bakit ninyo ako dinala rito!” Nagwawalang tinig sa isang babae.
“Master! Nandito na ang inuutos mo sa akin! Nandito na ang huling babaylan!”
“Ikaw pala ang may pakana nitong hayop ka!”
“Kumusta, Bella. Muli na naman tayong nagkita. At sa pagkakataong ito sisguraduhin kong inakakana makakawala pa sa akin.” Malapad ang ngiti kong bati sa kanya. Tila hindi na ako makapaghintay na matikman ang kanyang dugo pero kailangan kong tiisin para sa nanalapit na kabilugan ng buwan.
“Demonyo! Humanda ka sa akin, Draco! Papatayin kita! Pagbabayaran mo ang pagpatay mo sa aking mga magulang!”
“Aha! Ha! Hindi mapagkaila na isa ka ngang babaylan, Bella. Pero hindi mo kaya! Wala sino man ang makakapatay sa akin dahil malapit ko ng masakop ang buong sanlibutan."
“Ed! Dalhin mo ito sa kanyang kulungan at sisisguraduhin mong huwag 'yan makakatakas!” mariing utos ko sa aking tauhan.
“Opo, Master.” Yumukod ito sa aking harapan at tumalikod na sa akin.
“Mga demonyo kayo! Pakawalan ninyo ako! Hayop ka Dark! Isa kang duwag! Kung tunay kang matapang harapin mo ako!”