CHAPTER 19- FIGHT
DARK POV
Halughugin ang buong Dragon white forest! Hindi nila dapat makuha si Bella sa atin!” Napakuyom ako sa aking kamao. Nangangamba ako baka nasa kamay na si Bella kay Draco. At baka ano na ang nangyari sa kanya.
“Master, huwag po kayong mag-alala pinapahanap ko na po a kasamahan nating bampera si Bella.”
Minsan ang hirap pakiusapan ng babaeng iyon. Matigas talaga ang ulo! Ayaw ko pa naman sa pagiging mapusok niya. Padalos-dalos sa kaniyang desisyon.
“Kung mapatunayan kong nasa kamay ni Draco si Bella. Mapapaaga ang gagawin nating paglusob sa kanila. Sahihin mo sa ating mga kawal na maghanda sa gagawin nating paglusob sa kampo nila Draco.”
“Masusunod, Master.”
Pero hindi ko mapapatawad ang sarili kung may mangyari masama sa kanya. Nangako ako sa puntod ng kaniyang mga magulang na protektahan ko siya laban sa mga gustong manakit sa kaniya. Pero nangyari ito ngayon dahil sa kapabayaan ko. Alam kong may kapangyarihan si Bella. Pero wala pa rin siyang sapat na kakayahan at kaalaman sa pakikipag laban. Lalo na sa katulad ni Draco. Alam ko kung ano'ng klaseng siyang bampera. Napaka walang puso niya. Ngayong gabi sasapit na ang Lunar eclipse ang nakahihintay ni Draco.
“Master! Master!” Napatda ako sa pagtawag sa akin ni Bruno.
“Bruno? Bakit ano'ng nangyari sa iyo?”
“Master, ang mahal na babaylang Bella. Nakuha sa mga tauhan ni Draco. At nakakulong siya ngayon sa madilim na silid kulungan ng mga bamperang itim.”
“Ihanda lahat ng ating mga mandirigma! Lulusubin natin ang mga bamperang itim! Babawiin natin si Bella!”
Grrr... humanda ka sa akin, Draco kung may mangyaring masama kay Bella!” Hindi ko mapigilan maglabas ng pangil dahil sa matinding galit na aking narardaman!
Pinangunahan ko ang aking mga tauhan sa paglusob. Kailangan namin maging maingat dahil alam kong napaka tuso ng aming kalaban.
Ilang minuto lang narating na namin ang kota ng mga itim na bampera. Malaking abandonadong gusali ang na pinupugaran nilang nga hayok sa dugo na mga bampera. Ilang minuto ang aming pinalipas. Hindi muna kami masyadong lumapit. Pinakiramdam ko munang mabuti. Hindi puwedeng magpadalos-dalos dahil nakasalalay ang buhay ni Bella rito. Hindi puwedeng tuluyang mawawala si Bella sa akin.
“Master, ano ang ating gagawin? Mukhang napag handaan ng mga kampon ni Draco ang ating pagdating. Maraming mga bamperang itim ang nakakalat sa buong paligid. Mahihirapan tayong pumasok sa loob na walang makakaalam,” saad sa akin ni Myrna.
Hindi natin kailangan magtago. Kung kinakailangan ubosin natin silang lahat ay gagawin natin. Wala tayong ititira sa kanilang buhay para hindi makapanakit at makapambiktima pa ng mga inosenting tao.
Napakuyom ako sa aking kamao at inilabis ko ang aking matalim na pangil nang maalala ko ang mga magulang ni Bella na walang awang pinaslang ng demonyong Draco. Nangako ako sa mga magulang niya bago pa man ang mga ito binawian ng buhay na po-protektihan ko si Bella. Pero hindi ko nagawa.
Nang nakakuha ng tiyempo pinakalat ko ang aking mga tauhan upang makipaglaban sa tauhan ni Draco. At ako na ang bahala na iligtas si Bella.
Naging alerto ang lahat ng kilos ko. Lalo na at alam kong tuso ang aking mga kalaban lalo na ang lider nilang si Draco.
Mabilis akong naglaho ng maramdaman ko ang isang presinsiyang n paparating sa akin. Kaagad ko itong inataki gamit ang aking matatalas na ngipin.
“Ang lider ng bamperang puti nandirito na!” sigaw ng isang bampera. Ngunit hindi pa man ito tuluyang nakalayo sa akin nang atikihin ko ito.
“Arkk!” namilipit ito sa sakit ang aking kalaban at nasunog ang kaniyang katawan hanggang sa naging abo na to.
“Grrr! Patayin natin siya!”
Limang bamperang itim ang sumugod sa akin. Ngunit hindi ko sila hinayaang makalapit sa akin. Itinaas ko ang aking mga braso at buong liksi kong silang pinagpapaslang. Nag-aapoy ang kanilang katawan at naging abo rin ang mga ito. Nasaan kaya nila dinala si Bella? Dalawang oras na lang sisibol na ang pulang buwan o kilala sa mga taong red blood moon. Kung sa mga tao nakakahalina ang angkin na kagandahan ng buwan. Pero sa mundo namin madugo ang pagkakataon na ito dahil sa mga kagaya kong bampera ngayon ang oras upang mag-alay ng birhen na babae upang mapanatili ang bata naming hitsura at palakasin ang aming mga kapangyarihan. Ngunit sa pamumuno ng aking ama matagal na naming itinigil ang ganitong gawain. Ayaw naming magsakripisyo ng mga inosenting tao para lang sa inaasam-asam naming kapangyarihan.
“Nasaan ninyo itinatago, si Bella?” asik na tanong sa bamperang itim na hawak ko ngayon.
“Wala akong alam. At kung mayroon hindi ko sasabihin sa iyo! Si pinunong Draco lamang ang susundin ko!” Nangangalit pangako sa narinig dahilan nang pinipilipit ko ang leeg niya.
“A-Ark! A-rk!” umungol ito sa sakit dahil sa aking ginawa.
“Wala kang kwenta!” tuluyan ko na siyang napaslang.
“Da-Dark...” napalinga-linga ako nang marinig ko ang tinig ni Bella na ume-echo na tumatawag sa akin.
“Bella! Bella, na saan ka! Ililigtas kita!” tugon ko sa kaniya.
“Tu-tulungan mo ako, Daaaark!”
Ipinikit ko ang aking mga mata at pinakiramdamang mabuti. Sinusundan ko ang tinig ni Bella. Ngunit pagmulat ng aking mga mata nasa ibang demensiyon ako nakakarating. Naging alerto ako dahil alam kong si Draco lamang ang may kakayahang linlangin ang kalaban.
“Dark! Nandito ako!” matamis ang ngiting pinakawalan ni Bella habang nakatitig sa akin. Hindi ito napapakitaan ng ano mang bahid ng takot sa kaniya mukha.
Nagdadalawang isip akong lapitan siya. Ngunit bago pa ako nakahulma may tumusok na sa aking likuran dahilan nang pagbagsak ko sa sahig.
Aaminin ko may kahinaan ako dahil sa hindi naman ako p blood vampire. Tao ang ina ko at ang tatay ko ang pinuno ng bampera. Limang taong gulang ako nang kunin ako ni papa at dalhin sa kanilang mundo. Bago na paslang ang aking ama hinirang akong bagong pinuno na ikinagalit ng ilan kabilang na noon si Draco. Umaasa siya na ang gagawing pinuno ni Ama.