Chapter 11- Dark’s home

 Walang lingon-lingon na tumakbo ako papalayo sa dalawang bampirang nagtutunggali. Subalit bigla akong napahinto nang may humarang sa aking daraanan. At pagtingin ko sa nilalang na ito. Ay isa rin pa lang bampira. Naglakbay ang mga mata ko sa mukha nito.

Aminado ako na isa rin itong kauri ni Draco dahil sobrang itim ng palibot ng mga mata nito. Bigla akong nahintakutan nang ilabas nito ang matatalim na pangil. 

"Ang bango-bango ng dugo mo!" bulalas ng lalaki. At pagkatapos ay balak sana akong hawakan nang bigla itong tumalsik papalayo sa akin. Sobra naman akong nagtaka na kung sino ang may kagagawan ng pag-ataki sa bampirang nasa harapan ko.

Bigla akong lumingon sa dalawang bampirang naglalaban. At nakita kong nakataas pa ang kamay ni Dark at ito'y patungo sa akin. So, siya ang may gawa sa pambirang humarang sa akin, kaya tumalsik ito papalayo sa akin. Nakunsensya tuloy ako dahil sa aking gagawing pagtakas mula sa lalaki.

Kahit kasi nakikipaglaban ito ay nakuha pa rin ng binata na sagipin ang buhay ko laban sa itim na bampira. Kaya naman kahit gusto ko nang umalis ay nagdesisyon na lang akong tumago sa likod ng malaking puno. Ngayon ko lang napagtanto na baka may makasalubong ako na isa pang itim na bampira. Tapos wala akong laban sa mga ito.

Ngunit hindi pa ako nagtatagal sa aking pinagtataguan nang biglang lumitaw ang isang babae sa aking harapan. Hanggang sa ilabas nito ang kanyang matatalim na pangil. Napaurong tuloy ako ng wala sa oras. 

"Hu-Huwang kang lalapit!" sigaw ko sa babaeng bampira. Ngunit ngumisi lang siya at pagkatapos ay tuloy-tuloy na humakbang papalapit sa aking puwesto.

"Grabe! Ang bango talaga ng dugo mo. Kakaiba ito sa mga pangkaraniwang tao lamang. Alam kong oras na matikman ko ang iyong dugo na nakakahalumuyak ay tiyak na lalo akong ang lalakas!" bulalas ng babae.

Hanggang sa bigla itong nawala sa aking harapan at ganoon na lang ang gulat ko nang mapunta na ito sa likuran ko. Bigla tuloy nanginig ang mga tuhod ko. Jusko po! Ito na ba ang aking katapusan. Mas lalo akong natakot nang maramdaman ko na dahan-dahang lumapit ang bibig nito sa aking leeg.

Naipikit ko ang aking mga mata upang tanggapin ang pagsipsip nito sa aking dugo. Hindi kasi ako makagalaw lalo at sobra ang pagkakahawak niya sa akin.

"Ahhh! Ang init!" sigaw ng babaeng nasa likuran ko. Nagulat pa nga ako nang marinig ko ang malakas na kalabog. Kaya naman bigla akong bumaling dito. Nakita kong nakabulagta ito sa lupa. Habang hirap na hirap na tumayo.

"Iyang lakas mo! H-Hindi ako maaaring magkamali. May katulad ang lakas mo! I-isang babaylan!" bulalas nito.

Kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nito. Ano kayang nangyayari rito? Paano ako magkakaroon ng lakas, eh. Isang tao lamang ako. Subalit napatda ako nang pumasok sa aking isipan ang sinabi nito na babaylan. Ang natatandaan ko lang na babaylan ang ang lola ko. At iyon ang sabi sa akin ni inay bago tuluyang mamatay. 

Pero hindi pumasok sa aking isipan na may kakaibang lakas ang lola ko. Wala naman sinabi si Inay. Muli akong tumingin sa babaeng pampira. At nakita kong hirap na hirap itong tumayo.

 "Babalikan kita at kukunin ko sa iyo ang taglay mong lakas!" sigaw nito at pagkatapos ay biglang nawala sa aking harapan. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na ngang umalis ang babae. Pero may pangamba pa rin sa akin puso. Saka labis akong nalilito sa mga pinagsasabi nito na lakas ko raw?

"Aahh!" Maliksi akong napalingo sa malakaa na boses na iyon. Nakita kong naglalaban pa rin si Dark at si Draco Para bang walang kapaguran ang dalawang kakaibang nilalang. Kahit sino sakanila ay walang nagpapatalo.

Hanggang sa makita kong basta na lang inihagis ni Dark ang kanyang kalaban papalayo sa kanya. Halos mapanganga ako sa aking nasaksihan. Ganito ba kalakas ang isang puting bampira? 

“Kailangan na nating umalis, Bella!" halos mapatalon ako sa gulat nanag bigla na lang itong sumulpot sa aking harapan. Ang tanging nagawa ko lang ay ang pagtango sa lalaki.

Maliksi nitong hinawakan ang aking kamay. At pagkatapos ay para kaming napunta sa ibang daigdig. Namamalik mata pa ako nang makita kong maraming puno. Ngunit ang lugar na ito ay natatandaan ko. Ito 'yung lugar na maraming lobo. 

“Bakit dito kami dumaan?" nagtataka kong tanong sa aking sarili.

"Dahil dito ang daan papunta sa lugar namin," biglang sabi ng lalaki sa akin.

"Puwede ba! Huwag mong basahin ang nasa isipan ko!" singhal ko sa lalaki. 

"Ano'ng magagawa ko. Saka lahat ng tinitingnan ko at hinahawakan ko ay 'di maiiwasang 'di ko mabasa ang laman ng isipan nila. At kung may lihim kang pagnanasa sa akin na 'di mo masabi-sabi ay malalaman ko agad iyon," mayabang na sagot nito sa akin.

"Wow! Nuknukan ka pala ng yabang, Mr. Bampira! Ito ang tandaan mo lalaki. Hinding-hindi ko pagnanasaan ang iyong katawan. May taste yata ako pagdating sa lalaking gugustuhan ko!" naiinis na sabi.

"Taste? Mga ano-ano naman iyon?" tanong ng lalaki at nasa tono ng boses nito ang pangangasar.

"Simple lang ang gusto ko. Gwapo pero medyo basto. At ayaw ko sa lahat ay iyong sobrang puti na akala mo'y isinubsob sa espasol. At mas maputi pa sa akin!" palatak ko sa lalaki 

Bigla namang tumawa nang malakas ang lalaki. "Sumampa ka na nga sa likuran ko at aalis na tayo, puro ka ngaw-ngaw diyan," pa-bruskong sabi ni Dark sa akin. No choice ako kundi sumakay sa likod nito upang makaalis na kami. 

"Ahh!" sigaw ko nang wala man lang itong pasabi na tatalon pala sa ere hanggang sa mapunta kami sa puno. 

"Puwede ba magdahan-dahan ka naman! Baka mahulog ako!" reklamo ko sa lalaki.

"Hindi ka mapapahamak kapag ako ang iyong kasama," mabilis na sagot nito sa akin. Napa-irap na lang ako ng wala sa oras.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa lugar na sinasabi ng lalaki. Namangha ako dahil sobrang ganda rito. Hindi ito mapaghahalatang lungga ng mga bampira. Ngayon lang ako nakakita ng mga puro puting mga puno. At ang malapalasyong bahay ay nakukulayan lahat ng puti. Pati ang nilalakaran namin ay puro rin. Ito ba ang symbolo nang puting bampira? 

"Ano'ng lugar ito?" tanong ko sa lalaki habang namamangha.

"Dragon White Forest!" maikling sagot nito sa akin.

"Dragon White Forest? Ngayon ko lang  narinig ang lugar na ito?" 

 Narinig kong tumawa ang lalaki. "Sa mundong ibabaw. Walang mapa ang Dragon White Forest. Dahil hindi ito basta nakikita ng mga ordinaryong tao lamang," saad sa akin ng lalaki.

"Ha? Kung hindi nakikita? Eh, bakit ako nakikita ko? Isa lang naman akong ordinaryong tao." 

 "Dahil 'yan sa suot mong ring," tugon nito sa akin.

Kaya naman napatingin ako sa aking suot na singsing. Nakita ko agad ang ulo ng isang dragon. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit "Dragon White Forest" ang lugar na ito. Ngayon, ang tanging dasal ko'y gabayan ako ng panginoon sa aking haharaping pagsubok sa buhay. Dahil gusto kong iligtas ang mga sa Puting Bato sa lugar namin, laban sa mga masasamang nilalang na iyon.

Sila rin ang dahilan kung kaya't maaga akong iniwan ng ama at ina ko. 

"Draco Magbabayad ka sa ginawa mo sa aking mga magulang," mahina kong saad.