Chapter 12- Bella's new home
DARK'S POV
'Di ko mapigilan ang maaliw sa babaeng ito, she's innocent. Mamangha ako sa kahit sa kanyang simpleng actions.
“Wow! Dark! Ang ganda pala rito sa lugar ninyo," narinig ko namang komento ng dalaga.
“Yes, napakaganda at napakasayang lugar nito dati. Pero ngayon ay nawala ang sayang dating tinatamasa namin," malungkot kong tugon.
“Bakit? Hindi na ba masaya ngayon?” maang na tanong nito sa akin. Napabuntong hininga ako sabay tingin sa kawalan. I remember when I was a kid this place ay napakalawak ang sakop nito at ang mga katulad namin ay parang mga tao lang din. Punong-puno nang kasiyahan ang lugar na ito," tumigil muna ako saglit at ibinilik ang tingin ko kay Bella. Napakatanga itong nakikinig sa akin habang nagku-kwento ako. Mukhang interasado ito sa sinabi ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.
“Hanggang sa dumating ang itim na bampira sa aming lugar sa pamumuno ni Draco. Dati malayang makapasok dito ang mga itim na bampira dahil hindi naman sila masasama pero noong pumalit na si Draco sa kanyang ama bilang pinuno naging masama na ang mga ito. Lingid sa kaalaman ng aking ama lihim nitong nilalason ang utak ng ibang kasamahan namin. Alam mo bang ang mga katulad naming puting bampira ay hindi umiinom ng dugo ng tao.
Pero iminulat ni Draco ang ibang puting bampira at nag-udyok din ito na pumatay ng tao para sa paniniwalang hindi sila mamamatay at tumatanda. Hanggang sa marami nang gumaya na mga bampira. Dahil sa kakaibang lasa at sariwang dugo ng tao," mahabang pahayag ko kay Bella.
"Hindi ka umiinom ng dugo? Pero noong gabing iyon ay nanghingi ka sa akin ng dugo, 'di ba?" nagtatakang tanong nito sa akin.
Nagbutonghiniga muna ako bago muling ibuka ang aking bibig. Upang ipaalam kay Bella ang totoo.
"Nang gabing iyon ay nagkaroon kami ang laban ni Draco. Medyo mahina pa ang buong katawan ko ng mga panahong iyon, dahil sa magkakasunod na laban ko sa mga pambirang itim. Hanggang si Draco na ang lumusob dito sa lugar namin. Upang sakupin ang Dragon White Forest. Pero hindi ko hahayaang mangyari iyon. Kaya bago ko tuluyan harapin si Draco. Ay naglagay ako ng mahika sa buong lugar upang 'di tuluyang makapasok ang lalaki rito.
Doon halos naubos ang lakas ko. Hanggang sa 'di ko na kayang laban ito. At sa isang iglap lang ay walang kahirap-hirap na naitapon ako papalayo ni Draco. At iyon ang dahilan kaya napunta ako sa tapat ng bahay ninyo. Sa totoo lang ay wala na akong lakas noon. Pero gustong mabuhay dahil alam kong muli na naman maghahasik ng lagim ang kampon ni Draco. Kahit ayaw kong gawin ang uminom ng dugo ay napilitan akong humingi sa 'yo. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa 'yo, Bella."
Tumingin ako sa babaeng nasa harap ko. At nakikita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamao, pansin ko ring maluha-luhang itong tumingin sa akin. I held her hand tight, I know how painful for losing someone at ang mas masakit doon ay ang mga magulang pa nito ang sabay na pinatay ng mabangis na si Draco.
“Walang kapatawaran ang ginawa ng Draco na iyon sa mga magulang ko. Siguraduhin kong magbabayad siya sa kanyang kapangasahang nagawa!” Ramdam ko ang galit sa bawat salitang binitawan nito. Ngunit kasabay no'n ang pagguhit nang malakas na kulog at kidlat na ikinagulat naming pareho.
Hinawakan ko si Bella ang upang tulungang makontrol ang kanyang galit na nagsisimula na.
"Huwag kang mag-alala Bella. Magtutulungan tayo upang magapi sila. Lalo't ang mga tao ang punterya nila ngayon. Ayaw kong muling balutin ng kadiliman ang kalangitan at bumuhos ang dugo ng mga tao."
"Dark! Alam mo bang gustong-gusto kong patayin sa aking isipan si Draco. Hindi ako papayag na 'di ko maiganti ang aking mga magulang. Nang dahil sa pesteng Draco na iyon maaga akong naulila. Kaya lahat gagawin ko para mapatay ito!" galit na galit na turan ni Bella.
"Don't worry, I'll help you, Bella."
Hindi nagsalita ang babae pero ramdam ko ang kapanatagan ng loob nito dahil sa aking sinabi. Agad ko naman siyang niyaya papasok sa aming palasyo.
"Master Dark, natutuwa kami at muli kang nagbalik," Salubong ng isang babae. Tumingin ako kay Mira, isa ito sa mga kalahi ko. Kakaiba rin ang puti nito at para bang isa itong diwata. Ang buhok nito'y sobrang puti rin. Bigla siyang tumingin kay Bella at para bang inaalam nito ang pagkatao ng babaeng kasama ko. Pansin ko ring nagpipigil ng iisipin si Bella upang hindi siguro mabasa ni Mira ang nilalaman ng isipan niya. Mautak talaga itong si Bella.
"Master Dark! Mukhang may kasama kang panauhin," saad nito sabay singhot na akala mo'y mayroon inaamoy sa hangin.
"Mira, hindi lang siya isang panauhin natin. Dahil simula ngayon ay rito na siya sa atin, hanggang 'di na tatapos ang paghahasik ng lagim ni Draco," sabi ko sa babae.
"Master Dark! Hindi kaya dahil sa kanya ay muli na naman tayong sugurin ni Draco. Iyon dugo niya may kakaiba. Alam kong maraming nagkakagusto na mga itim na bampira sa mahalimuyak niyang dugo!" bulalas ni Mira.
"Huwag kang mag-alala Mira. Dahil hindi mangyayari ang nasa isipan mo. Maging panatag sana kayo kapag kasama si Bella," pakiusap ko sa babae.
Nakita kong tumango ito at pagkatapos ay ngumiti ito kay Bella. Magaan din naman ngumiti si Bella kay Mira.
"Master, alam kong nagsisimula na naman si Draco. Ano'ng balak nating mga puting bampira? Laban sa katulad sa katulad niya? Hindi natin puwedeng pabayaan ang mga taong nasa lupa. Dahil tayo rin ang maaapektuhan," nag-aalalang sabi ni Mira sa akin.
Napaisip ako. Ramdam kong isang matinding laban ang mangyayari sa pagitan ng itim at puting bampira. Pero hindi namin hahayaang matalo. Muli akong bumaling kay Mira.
"Ipaalam mo sa lahat na maghanda. Dahil sa muling pagbilog ng buwan, tayo naman ang sasalakay sa kampo ni Draco. Bibigyan natin sila ng sample na hindi nila kayang magapi ang mga puting bampira!"
"Sige Master, ipapaalam ko agad iyan para makapaghanda na sila," sagot ng babae sa akin. Pagkatapos ay nagmamadaling umalis sa harap namin.
"Dark! Gusto ko ring makipaglaban!" biglang sabi ni Bella.
"Hindi mo pa kaya, Bella," pagtanggi ko.
"Kakayanin ko, Dark. Kung tutulungan mo ako habang 'di pa sumasapit ang kabilugan ng buwan!" giit nito sa akin.
"Sige. Pero kung nakikita kong wala ka pang kakayahang makipaglaban ay hindi kita isasama sa digmaan gaganapin," paliwanag ko sa babae.
"Gagawin ko ang lahat upang maging mahusay para naman may maibuga ako sa laban pagdating ng itinakdang kabilugan ng buwan. At sisiguraduhin kong ako ang makakagapi kay Draco!" galit na galit na sabi ni Bella.