Chapter 10-lost
Chapter 10
Tumingin ako sa bampirang si Draco. Pero nasa mga mata ko ang pagkasuklam dito. Parang gusto ko siyang tirisin gamit ang mga kamay ko.
"No! Hindi ako papayag na basta mo na lang kuhanin ang dugo ko na walang pahintulot mula sa akin!" sigaw ko at tila kulog ang boses ko na iyon na umalingaw-ngaw sa buong paligid. Nagulat pa nga ako
nang biglang lumitaw ang magkakasunod na kidlat. Para bang sumasang-ayon ito sa akin sinabi.
"Hindi!" narinig kong bulalas ng lalaki. Kaya muli akong bumaling dito habang nakakunot ang noo.
"Ano'ng hindi?" tanong ko.
"Iyong sinabi mo! Bawiin mo!" sigaw nito.
"Ha?" gulat na sabi ko. Dahil naguguluhan ako.
"Ito ang tandaan mo babae. Hindi matatapos ang araw na ito. Magagawa ko na ang gusto ko sa iyo!" sigaw nito, pagkatapos ay biglang naglaho sa harapan namin.
"Damn!" narinig kong usal ni Dark, na kinagulat ko.
“Kailangan na nating makabalik sa iyon. Dahil ang pamilya mo naman ang pakay ni Draco!"
"Diyos ko po!" bulalas ko. At parang nanlalanta ang buong katawan ko dahil sa aking narinig.
"Humawak ka sa akin Bella. Para makatarating tayo ka agad sa inyo," utos sa akin ni Dark. Kaya naman sinunod ko ang gusto ng lalaki. Pinikit ko rin ang mga mata ko.
Hindi naglaon ay nakarating kami sa bahay namin. Maliksi kong iminulat ang aking mga mata. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang makita kong bukas ang bahay namin.
"Inay! Itay!" sigaw ko at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay namin. Ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita kong hawak-hawak ni Darco ang itay ko. Habang puro dugo ang damit nito. Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid upang hanapin ang bulto ni inay. Nakita kong nakalugmok ito sa isang tabi.
"Inay!" sigaw ko. Balak ko na sana itong lapitan nang muling magsalita si Draco.
"Muli na naman tayong nagkita Bella. Hmm. . . bibigyan kita ng pagkakaton upang mamili. Ang iyong ama, oh, ang buhay mo kasama ang iyong dugo!"
Bigla kong naikuyom ang mga kamao ko. "Wala akong naging kasalanan sa 'yo!" sigaw ko.
Malakas siyang tumawa. Ngunit. . . nagulat na lang ako nang biglang tumilapon ang itim na bampira kaya tumalsik din si itay. Pero maagap si Dark dahil maliksi niyang nahawakan ang ama ko. Kaya hindi ito tuluyang tumama sa poder.
Maingat namang ibinaba ni Dark ang itay ko, na malapit sa tabi ng inay ko. Pagkatapos ay muling binalingan si Darco upang muli silang maglaban. Ako naman ay nagmamadaling lumapit sa aking mga magulang.
"Inay! Inay!" lumuluhang sambit ko sa pangalan nila. Habang ang dibdib ko'y punto ng kaba. Lalo at nakikita kong may mga sugat sila at malalim iyon.
"A-Anak ko," nahihirapang sambit ni inay.
"Inay! Huwag mo akong iiwan. Hindi ko kayang mag-isa!" nakikiusap na sabi ko.
"Ssshh! Alam kong kaya mo Bella. At kung sakaling kami ay mawala sana huwag mong pabayaan ang iyong saliri anak. At heto, kuhanin mo ito para sa iyong kaligtasan," saad ni inay sabay abot sa akin ng puting diamond. Nakita kong kumislap iyon habang kinukuha ko ito mula sa mga kamay ni inay.
"Para saan po ito, inay?"
"M-Makakatulong iyan sa iyo upang 'di ka t-tuluyang mapahamak. Nanggaling pa 'yan sa inay ko na lola mo na dating babaylan. Malaki ang maitutulong niyan sa 'yo anak. Laban sa mga pampirang itim," nahihirapan salaysay sa akin ni inay.
"Be-Bella, lagi kang mag-iingat," singit naman ni itay habang hirap na hirap magsalita. May dugo na rin ang bibig nito.
"Inay! Itay!" palahaw ko ng iyak sabay yakap ko sa kanila nang mahigpit. Please! Huwag ninyo akong iiwan," nakikiusap na sabi.
Mas lalo aking kinabahan nang mahigpit nila akong hinawakan at pagkatapos ay sabay silang umubo at tumabas ang dugo mula sa bibig nila.
"Hi-Hindi! Inay, Itay!" sigaw mo nang pagkalakas-lakas.
"Ha-Hanggang d-dito na lang kami a-anak ko," saad ni itay sa akin.
“Ma-Mahal na Ma-Mahal ka namin, Bella," hirap na hirap na sambit ni inay habang may luha sa mga mata nito. At ganoon din si Itay. Hanggang sa. . . bigla lang manginig ang katawan nila habang nakayakap sa akin.
"No! Hindi maaari. Inay! Itay!" muli kong sigaw. At lalong lumabas ang masaganang luha sa aking mga mata. Hindi ko matanggap na basta na lang nila akong iiwan. Kanina lang ay ang saya-saya pa namin habang nagkukwentuhan. Pero ngayon ay wala na sila, sa isang iglap lang.
Muli na naman akong napapailing habang tumatangis. "Diyos ko! Panaginip ba ang lahat ng ito?" hindi ko maiwasang tanong sa aking sarili.
"Bella!" bigla akong napalingon sa taong tumawag sa akin, walang iba kundi si Dark.
"Ikaw! Kung hindi ka nagpakita sa akin hindi sana magugulo ang buhay ko at buhay pa sana ang inay at itay ko!" sigaw ko sa mukha ng lalaki. Sabay hampas sa dibdib nito. Habang lumuluha. Hindi naman niya akong inawat sa pananakit ko sa kanya. Buong pusong tinanggap niya iyon.
Mayamaya pa'y bigla akong tumigil dahil ang mga kamay ko lang ang sasaktan. "Umalis ka na sa bahay ko Dark. Huwag ka nang magpakita sa akin!" pagtataboy ko at nasa boses ang galit para sa lalaki.
"No! Hindi kita puwedeng iwan dito ng basta na lang. At kailangan mabigyan nang maayos na libing ang mga magulang mo. Muli na naman akong umatungal dahil sa nakikita kong wala ng buhay ang aking mga magulang.
Mayamaya pa'y lumapit ang lalaki sa aking mga magulang. Ang inuna nitong buhatin ay ang aking ina. At dinala sa labas ng bahay.
"Saan mo dadalhin ang, inay ko?!" ngunit wala akong narinig na tugon mula sa lalaki. Bagkus ay tuloy-tuloy lang itong naglakad papalabas ng bahay. Kaya maliksi akong sumunod dito. At sa likod bahay kami pumunta. Mas nagulat ako nang bigla nitong ikumpas ang kamay at lumabas naman sa harap namin ang dalawang kabaong. Nakita kong doon nito inilagay ang bangkay ng ina ko.
Pagkatapos ay muli na naman siyang pumasok sa loob ng bahay para kuhanin din ang bangkay ng ama ko. Hindi nagtagal ay muli na naman itong bumalik at dala na nga ang kawatan ng aking ama. Nang mailagay na sa loob ng kabaong ay nakitang parang may binulong ito at 'di ko naman maunawaan kung ano. Hanggang sa tuluya na nitong isara.
Isa na namang nakakamanghang magic ang ginawa nito. Nang muli na naman ikumpas ang isang kamay nito. Hanggang sa may dalawang butas na lupa ang biglang lumitaw. Walang kahirap-hirap nitong dinala sa butas ang dalawang kabaong na kung saan nakahimlay ang aking ama at ina.
Naikuyom ko ang aking kamao ng sobrang higpit.
Kasabay noon ang pagbagsak ng aking mga luha. Ganito pala kasakit na mawalan ng mga magulang. Parang gusto kong sumigaw, ngunit wala naman boses ang lumalabas sa akin. Kaya lang ay bigla akong napahinto nang madama ko ang init ng palad ko. Kaya dahan-dahan ko iyong ibinuka. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang puting diamond sa gitna ng aking palad.
Balak mo sanang kuhanin iyon pero bakit ito nakadikit? Kahit ano'ng paghila ko'y ayaw maalis sa aking palad. Peste! Bakit ayaw maalis?
"Dark!" Napahinto ako sa aking ginagawa ang marinig ko ang boses na iyon. Walang iba kundi ang pumatay sa akin mga magulang.
Mumurahin ko na sana ito nang makita kong naglalaban na naman ang dalawang bampira. Hindi na ako nag-isip pa at nagmamadaling umalis. Gusto kong lumayo sa kanila.