Chapter 3
SINAMAAN ni Krystal ng tingin ang kausap. “Lumayas ka sa harap ko o gusto mo batuhin naman kita?” Kanina pa kasi itong umaga sa harap ng bahay niya at tinatawag siya sa kung anu-anong pangalan. Masisiraan na talaga siya ng ulo sa lalaking ito.
“Ana? Ano ba kasi ang pangalan mo?” ungot nito. Kanina ay tinawag siya nitong Brenda, Ryza, at kung ano pang maisip nito. “Inday Badida—” Naputol ang sasabihin nito dahil inambahan niya ito ng kamao. “Sweetheart na lang nga ang itatawag ko sa ‘yo.” Kumislap ang mata nito. “Sweetheart,” ulit pa nito na tila ba pinag-aaralan ang salitang ‘yon.
Napasambunot siya sa sarili dahil sa sobrang kulit ng kaharap. Iniisip niya, paano ito nagugustuhan ng kababaihan kung ganito ito kakulit?
“Get out and don’t show your face again here, Randall Iain Austria!”
Namilog ang mga mata nito. “How did you know my full name, sweetheart?”
Gusto niyang tampalin ang bibig niya. Para saan pa ang internet connection kung hindi niya malalaman kung sino ito? Isa pa, napanood niya na ito noon sa isang TV show kung saan may mga kasama din itong iba’t ibang lalaki. Hindi niya lang maalala kung bakit ito napasama doon pero sigurado siya na businessman ang isang ito.
“Nadia told me.” Okay, she just lied.
“Wait, sweetheart, magkakilala kayo?”
Tumango lang siya. “So, can you leave now? Madami pa kasi akong gagawin at kailangan tapusin.” Itinulak niya ito gamit ang isa niyang kamay sa malapad na dibdib nito.
Ang totoo niyan, madalas nga ito sa bahay niya at nangungulit lang naman sa kanya. Iniisip niya nga, kung hindi ba ito nagtatrabaho? Kasi naman, mas lamang ang oras nito sa resort.
Hinawakan nito ang kamay niya na ginamit niyang pangtulak dito. “Tutulungan kita. Tara na.” Pumasok sila sa bahay niya habang hawak nito ang kamay niya. Akala mo ito ang may-ari ng bahay kasi hatak-hatak siya nito.
Napatingin siya sa magkadaupang palad nila at agad niyang hinila ang kanya pero hindi nito binitawan ‘yon. Bagkus, mas lalo lang hinigpitan ang pagkakahawak nito doon at lumingon sa kanya.
“Nararamdaman mo ba kung ano ‘yung nararamdaman ko?”
Napatanga siya dito dahil hindi niya maintindihan ang tanong nito.
“Look, sweetheart, parang may electricity na dumaan sa kamay ko nang hinawakan ko itong kamay mo.” Itinaas pa nito sa harap nila ang magkahawak nilang kamay. Tumango lang siya bilang sagot. Ang dahilan kung bakit gusto niyang alisin ang kamay niya dito ay naramdaman niya din ‘yon. “It’s weird,” usal pa nito at binitawan na ang kamay niya.
Wala na siyang nagawa at hinayaan na lang ito na tumambay sa bahay niya habang siya naman ay umakyat sa kwarto niya at kinuha ang laptop niya. Ipagpapatuloy niya lang ‘yung sinusulat niya at sana ay hindi siya istorbohin ni Randall.
“What’s that?” tanong nito nang makaupo na siya, dala ang itim na dress at wig. Mataaman niya itong tinignan.
“Promise me na hindi ka manggugulo. Kung hindi, papauwiin talaga kita.”
Para naman itong mabait na bata na tumango-tango lang. “Ano’ng gagawin mo diyan sa black dress at wig? Sweetheart, you don’t need to disguise just to get my attention.”
Nanliliit na ang mga mata niya kaka-tapon nang masasamang tingin dito. “Ipapasuot ko sa ‘yo ang mga ‘yan kapag hindi ka tumigil.”
“No way!”
“Good.” Binuksan niya na ang laptop niya at nag-umpisa nang tumipa. Ito naman ay nakahalumbaba lang sa lamesa na nasa harap nila kung saan nakapatong ang laptop niya at sa sahig din ito nakaupo.
“Ano ba ‘yang tina-type mo? Bakit hindi ko pwedeng makita?” maktol nito dahil ayaw niya mabasa nito ang ginagawa niya. “Siguro, nanonood ka ng porn.” Kuminang ang mata nito. “Sweetheart, panood din. Lagyan mo ng sounds.” Akmang tatayo na ito at tatabi sa kanya pero kasabay no’n ang pagsara niya ng laptop.
Bumuntong-hininga siya at nilingon ito na ngayon ay katabi niya na sa mahabang couch na pilit binubuksan ang laptop niya.
“God! Randall, ano ba ang gagawin ko sa ‘yo?” na-fru-frustrate niyang tanong dito.
Tila hindi naman alintana nito ang frustration niya. “Let me see. Dali na, sweetheart,” pangungulit nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin at nakahawak lang sa laptop niyang nakikipagtagisan sa kanya mabuksan lang ‘yon.
Kinuha niya ang laptop niya at niyakap ‘yon. “Umuwi ka na nga!”
Ito naman ay parang natauhan sa narinig at biglang umamo ang mukha.
“I’m hungry. Magluto ka na ng pagkain natin.”
Aba at inutusan pa siya sa loob ng pamamahay niya? Ayos din ito.
“Ikaw ang magluto.”
Sumimangot ito. “I don’t know how,” at humiga ito sa lap niya. “Patikim naman ng luto mo, sweetheart, kahit hindi masarap.” Hindi siya makagalaw. Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na salita. Tumagilid ito kaya naman nakaharap na ang mukha nito sa tiyan niya. “Smells good,” he whispered.
Sinambunutan niya ito. Sa wakas ay hindi na paralisado ang katawan niya. Tumawa lang ito sa ginawa niya. Dahil sa inis ay inuyog niya na talaga ang ulo nito pataas. Feeling close masyado ang isang ito.
“Sweetheart, stop! I almost kiss your 34 cup B size of brassiere.”
Napatigil siya sa ginawa dahil sa narinig. Tinignan niya ito na ngayon ay ka-face to face na ang dibdib niya. Hindi niya napansin na masyado na itong malapit sa kanya kaka-sambunot niya dito.
Agad na tumayo siya at hinayaan itong mahulog. “Manyak!”
“I know,” at kumindat pa ito sa kanya. Nakaupo pa din ito sa sahig. “Sweetheart, nagugutom na talaga ako. Marami ang aaway sa ‘yo kapag pumayat ako.”
Padabog siyang naglakad sa kusina upang magluto. Hindi siya nakapag-almusal dahil maaga siyang binisita ng bwisita niya.
“Ano ba ang pumasok sa isip mo at hinayaan mong makasama ‘yang lalaking ‘yan?” bulong niya habang naghahanap sa refrigerator ng pwedeng lutuin.
Napailing na lang siya.
“Ay, shooting star!” bulalas niya nang gulatin siya nito. “Huwag mo ipagkalandakan ‘yang katawan mo sa harap ko, Randall. Mabuti pa, suotin mo ulit ‘yung sando mo.”
“It’s freaking hot.” Naka-topless na kasi ito kahit air conditioned naman ang bahay niya. “Women loves my body. Ikaw lang ang kaisa-isang babae na pinagsalitaan ako nang ganiyan. Siguro ay lesbian ka.”
“Yes, I am.” Nakaramdam niyang napatayo ito sa kinauupuan nito. Lihim siyang napangiti. “Kaya never kitang magugustuhan.”
“Let’s see. I can make you fall for me in just a snap of a finger.”
Nagkibit-balikat lang siya. Let’s see kung mangyayari ang sinasabi nito.
***
“GOING home now, babe. See you soon,” paalam ni Randall sa nobya habang nagmamaneho galing sa resort pauwi sa bahay nila.
May inayos lang siyang kaunting problema lang naman doon at kinulit lang din ang sweetheart niya. Nakasanayan niya na puntahan ito lagi kapag nasa resort siya tutal wala naman siyang masyadong ginagawa pagkatapos kausapin ‘yung mga tao niya na nagtatrabaho doon. At least, hindi siya na-bo-boring kapag kausap ang dalaga.
Magpapalit lang siya ng sasakyan at pupuntahan niya na ang girlfriend niya sa hotel. Kailangan na nila ng ‘quality time’. Isang linggo kasi siya nagtagal sa resort at ayaw niya naman papuntahin ito doon.
Naabutan niya si Iesha sa veranda nila. Mukha itong may malalim na iniisip dahil kahit ang pagdating niya ay hindi nito pinansin. Hinalikan niya ito sa ulo.
“You can tell me your problem, baby sis.”
Tumingala ito sa kanya at ngumiti pero hindi ‘yon umabot sa mga mata nito. “Nandiyan ka na pala, Kuya. Wala naman akong problema. May iniisip lang.”
Nagkibit-balikat lang siya. “Okay. Magsabi ka lang kung may kailangan ka.” Tumango lang ito bilang tugon.
Siya naman ay nag-shower lang at umalis din agad.
“Sweetheart,” malambing na tawag ng nobya sa kanya na ngayon ay nakahiga na sa kama na walang kahit na anong suot kundi kumot lang ang nagsisilbing takip nito sa katawan.
Ito ang new flavour of the week niya. Sa bar niya ito nakilala, as usual.
“Don’t call me with that endearment,” ani niya at lumapit dito sabay hinalikan ito.
Ayaw niyang kahit sinong babae ang tumawag no’n sa kanya. Ang babaeng nasa isla lang ang tatawag no’n sa kanya. So far, hindi niya pa naririnig ang salitang ‘yon mula sa dalaga pero naniniwala siya na soon ay maririnig niya na ‘yon mula sa babae.
“Hey,” agaw pansin ng babae na ngayon ay pinupugpog na ng halik ang leeg niya. “Don’t you miss me?” dagdag pa nito.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nawalan ng gana. Inilayo niya ito sa kanya.
“I have an important meeting. I forgot to tell you. Let’s continue this kapag hindi na ako busy.” Walang lingon-lingon ay nilisan niya ang silid.
Napamura siya at pinalo ang manibela ng Bugatti Veyron niya.
“Come on, Randall, your acting stupid. Nakahubad na, tinanggihan mo pa! Dahil lang naalala mo ang sweetheart mo?” Napailing siya sa ideyang ‘yon.