Chapter 4
KRYSTAL automatically threw her phone after reading the message from a friend. “Krystal, you really need to face them. It’s been two years now,” she muttered while folding her clothes.
“Oh, Krystal,” bati ni Manang Nelda sa kanya.
“Manang, aalis po muna ako. Kayo po muna ang bahala dito, ha?” paalam niya sa matandang babae nang maabutan niya itong naglilinis ng bahay niya.
“Saan ka pupunta, hija?”
“Babalik po muna ako sa amin.” Tipid siyang ngumiti dahil kung maaari lang ay ayaw niyang mabanggit-banggit ang pinagmulan niya.
“Mag-iingat ka, Krystal.”
“Salamat po,” at naglakad na siya papunta kung saan nakaparada ang sasakyan niya.
Nahagip pa ng mata niya sa side mirror ang isang pamilyar na pigura na kausap ni Manang Nelda. Dali-dali siyang nagmaniobra nang makitang tumatakbo palapit sa kanya si Randall.
Napabuntong-hininga siya. Paano ba naman kasi, tinatapik na nito ang bintana niya. Runner yata ang lalaki dati kaya mabilis tumakbo. Binuksan niya ang bintana sa driver’s seat.
“What?” tanong niya nang hindi ito tinitignan.
“Look at me, sweetheart.”
Napapikit siya at marahas itong nilingon. Paano, umurong ang dila niya nang makita ang pag-aalala sa guwapong mukha nito. Bakit naman ito mag-aalala? Baka nagkakamali lang siya ng interpretasyon sa mukha ng binata.
“Bakit ba, Randall Iain!?”
“Where are you going? Bakit hindi ka nagpapaalam sa akin?”
Napaupo siya sa narinig. Kunot-noong tinignan niya ito. “At bakit naman ako magpapaalam sa ‘yo, aber?”
Agad itong nag-iwas ng tingin sa hindi niya malamang dahilan.
“Saan ka nga kasi pupunta? Ayaw mo na ba dito sa isla?” Nakahawak ang dalawang kamay nito sa bubong ng sasakyan niya at nakadukwang na ito ngayon sa kanya. Ngayon niya lang napansin ang suot nitong three-piece suit.
“Saan ka ba galing? Bakit ganiyan ang suot mo?”
“Galing ako sa meeting at dito ako dumiretso kasi… ano…” He cleared his throat. “Nami-miss kita,” at nag-iwas ulit ito ng tingin matapos mabanggit ang huling salita.
Lihim siyang nagbilang sa daliri niya kung ilang araw na ba silang hindi nagkikita kasi ay parang hinahanap na din ng sistema niya ang presensya nito. One, two, three, four… five. Limang araw lang pala.
“I don’t miss you,” she lied.
“I know. Where are you going? Sasama ako.” Pilit nitong binubuksan ang pinto ng sasakyan niya.
Pinalo niya ang braso nito dahil nasa loob na ng sasakyan niya ‘yon at nabuksan na ang pinto niya.
Nakita niya pang napangiti ito. “I told you, sweetheart, no one can stop me.” Napatanga lang siya dito kahit naramdaman niya na binuhat siya nito sa kabilang side ng upuan. Lumingon ito sa kanya. “Ready? Tell me kung saan tayo pupunta,” at tumingin ito sa likod dahil umaatras ang sasakyan.
Ang bagal mag-react ng katawan niya kasi nakatingin pa din siya dito. Kung hindi pa ikinulong ng dalawang palad nito ang pisngi niya ay hindi pa siya magsasalita.
“Pupunta ako sa bahay at hindi ka pwedeng sumama.”
“Sasama ako,” at hinalikan siya nito sa noo pagkatapos ay nagmaneho na. “Lead me the way, sweetheart.”
Tumango lang siya habang iniisip kung paano ang gagawin niya once na maharap niya muli ang dalawang tao na nanakit sa kanya. Tapos… May isa pang lalaki ngayon na lalong nagpapagulo sa takbo ng utak niya.
“Tell me your name. Baka kasi tanungin ako sa inyo kung ano ang pangalan mo, sweetheart,” basag nito sa katahimikan habang tutok na tutok ang mata sa daan.
“Aurora Krystal Ilagan.”
“The lost daughter of Bernard Ilagan!?”
Bahagya pa siyang nilingon nito dahil mukhang kahit ito ay nagulat din sa nalaman. Her father is a politician. Mabait ang ama niya. Her mother died when she was eight years old because of heart attack then after two years, her father marries her stepmother, Uiko, at nagkaroon ang mga ito ng isang anak na babae, who happened to be her rival, Eliza. Ito ang umagaw sa dapat ay husband niya na ngayon. Nard.
“Yes.”
“I know your father.” Everyone does. “They kept your lost as confidential. Tanging ang pamilya mo lang ang nakakaalam at ang mga pinagkakatiwalaan ng ama mo.”
Trust her father. Hindi ‘yon basta-basta nagtitiwala sa tao at nakakapagtaka kung bakit si Randall ay nakuha ang tiwalang ‘yon.
“Paano mo nagawa ‘yon?” Kung paano nito nakuha ang tiwala ng ama niya.
“I promised not to tell it to anyone and you’re not an exception. Sorry, sweetheart.”
Alam niyang maraming sekreto ang mga tao lalo pa ‘yung mga nasa gobyerno at iba pang mabibigat na tao and this man is one of those. Hindi siya nagtagumpay makuha ang whereabouts ni Randall dahil masyadong mataas ang seguridad ng katabi niya. Sa security pa lang ng pagkatao nito ay sigurado siyang hindi ito si Randall Iain Austria lang. Kaya nitong makipagsabayan sa kahit na anong bagay sa mundo because money never been his problem, especially women.
“You can use me.”
Her forehead knotted. “What are you talking about, Randall?”
“You can use me for your revenge.”
“How did you know?” Fine, she’s a bit puzzled now about this man.
“I have my ways, sweetheart. I am not Randall Iain Austria for nothing.”
Yeah, right! “Can you play as my boyfriend?”
Nakahinto ang sasakyan nila dahil traffic. “Gusto mo totohanin na natin, sweetheart.” Kumislap ang mga mata nito.
Pinalo niya ito sa braso. “It’s a deal. Take it or leave it?”
“Ano ang magiging kapalit once na mag-success tayo?”
“Just tell me how much you want as a change.”
“I don’t need money. I have lots of that. I want something from you.”
Oo nga pala. Mayaman ang ka-deal niya. “Anong something naman ‘yon?”
“You’ll know soon after this deal was over.”
Nagkibit-balikat lang siya. Kaya niyang ibigay ang lahat, basta magtagumpay lang siya.
Paano kung hingiin nito ang makipag-one night stand sa kanya? Isusuko niya ba ang bandera ng kababaihan? Yes.
“Of course not!” bulalas niya.
“Hmm? May sinasabi ka, sweetheart?”
Natutop niya ang bibig. Bakit ba kasi napalakas ang sagot niya? Narinig tuloy ni Randall. Namilog ang mata niya nang maalala ang kaninang iniisip. Hilingin na ang lahat, ‘wag lang ang virginity niya! “Paano nga kung ‘yon ang gusto niya?” bulong ng inner self niya.
“Hindi pwede!” sigaw niya.
Akala niya magkakaroon na sila pareho ni Randall nang malaking bukol sa noo kasi bigla itong prumeno. Marahil ay nagulat sa sigaw niya. Mabuti na lang at naka-seatbelt sila. Iginilid nito ang sasakyan.
“May problema ba?” tanong nito na nakahilig ang ulo sa manibela at nakaharap ang mukha sa kanya.
Pilit siyang ngumiti at umiling. “May iniisip lang ako.”
“The reason why you almost broke my eardrums?” She nodded. Napalakas yata ang sigaw niya at um-echo ‘yon sa loob ng sasakyan. “What is it, Krystal?” tanong nito at hindi niya inaasahan na babanggitin nito ang pangalan niya. Siguro ay nasanay lang siyang tinatawag siya nitong sweetheart.
“Uh, ‘yung sinasabi mong kapalit. Ano ba kasi ‘yon, Randall?”
Umayos ito ng upo. “Ikaw.”
Napasinghap siya at napayakap sa sarili. Sabi na nga ba at katawan lang niya ang habol nito. Mga lalaki talaga!
“Huwag ‘yon, Randall, iba na lang. Masakit daw kasi kapag first time, sabi nila.” Marami na siyang narinig tungkol sa ganoong bagay. Lahat ay halos masakit ang sinasabi.
Kumunot ang noo nito. “What? I don’t understand you, sweetheart. Be specific.”
Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. “You want my body as a change. Am I right?”
Namilog ang mga brown na mata nito at parang namangha sa sinabi niya. “How did you know that?”
Hinampas niya ito sa braso ng tatlong beses. “Sabi ko na nga ba! Hindi pwede ‘yang gusto mo, Randall Iain Austria! Iba na lang.”
“Metal ba ‘yang kamay mo? Ang sakit mo mamalo.”
“Hindi.”
“Listen, sweetheart, hindi ang katawan mo ang gusto ko. Okay?”
“So, ano pala?”
Umiling ito. “I don’t want to talk about our deal right now. We have something to do first and we need to be successful before I can finally get what I want, baby.”
Baby?
Baby?
Baby daw.
Hindi ba, sweetheart dapat ‘yon?
“Sinong baby, ha?!” pakli niya dito. “Hindi baby ang tawag mo sa akin! Sino ‘yon, Randall!? Sino?!”
Natawa ito sa sinabi niya. “Seriously, Krystal? Nagseselos ka ba sa baby ko?” he asked in amusement.
Inirapan niya ito at tumingin sa bintana. “Let’s go,” aya niya. Baka kasi ano pa ang masabi niya dito.
Hindi maayos ang takbo ng utak niya ngayon dahil ilang oras na lang ay haharapin niya na ang bangungot na dalawang taon nang gumugulo sa kanya. Ipinikit niya ang mga mata niya at dahan-dahan na bumuntong-hininga.
“Randall, thank you,” usal niya.
Naramdaman niyang hinawakan nito ang kamay niya at bahagyang pinisil, para bang binibigyan siya nito ng lakas ng loob na harapin ang takot niya at hindi siya nito papabayaan mag-isa, na sasamahan siya nito.
Sasamahan siya nito hanggang sa huli kasi may kasunduan sila. ‘Yon ang dahilan. Wala nang iba, Krystal. Wala na.
Hindi niya namalayan na may isang butil na ng luha ang kumawala sa mata niya habang nakapikit siya.
Wala na ba talaga siyang karapatan sumaya? Wala na ba talagang matinong tao na hindi siya paglalaruan at sasaktan? ‘Yung mamahalin siya ng siya lang at walang kaagaw?
Paano kung si Randall pala ang taong ‘yon?
Umiling siya. Randall is not that type. Hindi ito ‘yung tipo na mags-stick to one dahil sa daming babae na nag-uunahan dito, walang kahirap-hirap dito ang kumuha ng kahit na ilan nitong gusto nang walang kahirap-hirap. He’s not the one she is looking for and he’ll never be.
Kulitin at palukutin lang naman ang mukha niya ang hobby ng binata. Matatawag niya bang may gusto sa kanya ito? Alam niya naman na ginagawa lang siyang libangan ni Randall kapag nasa resort ito at alam niya din na madami itong girlfriend at parang damit lang para sa binata ang mga ‘yon. Hindi talaga niya iniisip na gusto siya nito.
Naramdaman niya ang pagdampi ng kamay nito sa mukha niya, kasabay nang pagpunas ng daliri nito sa luha niya.
“Sweetheart, don’t cry. Hindi ko hahayaang masaktan ka nila ulit. I am always here for you,” masuyo nitong sabi.
Muli na namang bumagsak ang iilang butil ng luha sa mga mata niya. Well, first, hindi niya inaasahan na maririnig dito ang mga katagang ‘yon. He’s Randall Iain Austria for Pete’s sake! Kasasabi niya lang kanina na hindi ito mags-stay sa isang babae pero no’ng marinig niya ang sinabi nitong ‘I am always here for you’, parang gusto niyang maniwala dahil sa tono ng assurance sa pananalita nito.
Second, sa dami ng tao, bakit sa isang playboy niya pa narinig ang mga salitang ‘yon? Third, aminin niya man o hindi, gumaan nang sobra ang pakiramdam niya at nawala ang takot niya habang iniisip niyang kasama niya ang binata na haharapin ang bangungot ng nakaraan niya.
“Sweetheart, we’re here,” boses ‘yon ni Randall. Napakapit siya dito nang makita ang bahay nila at parang ayaw niya ng bumaba. Hinawakan nito ang pisngi niya. “I’m here, okay? Hindi kita iiwan.”
Tumango-tango siya na parang masunuring bata. “Promise?”
He nodded. “I promise.”
Magkahawak-kamay na naglakad sila ni Randall papunta sa gate ng bahay nila.
“Umpisa na nang pagpapanggap n’yo. Your pretend boyfriend plays his role very well. You should cooperate too, Krystal,” ani niya sa sarili.
Agad tumambad sa kanila ang mga maids at security guards ng mansion nila nang makapasok sila.
“Krystal?” Muling sumikdo ang sakit sa puso niya nang marinig ang boses na ‘yon. Nard.
She’s still into him. The plan was doomed from the start, Krystal.