Chapter 2

NAPAIGTAD si Krystal nang may tumama na kung ano sa likod niya. Marahas na nilingon niya ang pinanggalingan ng bagay na ‘yon at isang batang lalaki ang tumambad sa harap niya. Para na itong iiyak dahil siguro sa nanlilisik niyang mga mata.

“Ate, hindi po ako ang nangbato sa ‘yo. May lalaki po kasi kanina na ang sabi po ay multo daw po kayo kaya dapat pinapaalis na kayo dito sa resort.”

Mas lalo siyang nagalit sa narinig mula dito. Tumayo siya at pinagpagan ang suot na maong shorts.

“Halika. Ituro mo sa akin kung nasaan ang lalaking ‘yon para makakita siya ng tunay na multo!” Hinawakan niya ang kamay ng batang lalaki at naglakad patungo sa bandang likod ng katabing rest house. “Nasaan ang nangbato sa akin?”

“Iyon po, Ate Krystal. ‘Yung maputi po. Si Kuya Randall po ang pangalan niya,” turo nito sa nakatalikod na lalaki.

Tumango siya. “Dito ka lang, ha? Hintayin mo ako dito. Okay?”

“Opo, Ate. ‘Wag n’yo po akong isusumbong.”

Umiling-iling siya. “Hindi. Ako ang bahala sa ‘yo.”

Bago siya maglakad ay dumampot muna siya ng bato upang ipangbato dito kaya lang puro buhangin sa lugar kaya tanging manipis na sanga lang ang nakuha niya. Mabilis siyang naglakad at tinungo ang lalaki.

Saktong-sakto, wala itong pang-itaas at naka-summer shorts lang. Hinampas niya ito sa pwetan. Agad naman itong napaigtad pero hindi lumingon. Siguro ay iniisip nito na ang mga bata lang dito sa resort ang pumapalo sa kanya at gusto lang makipaglaro. Nakita niya na may hawak itong cellphone na nakalagay sa tainga nito. Muli niya itong pinalo, sa braso naman ngayon.

Napaatras siya nang bahagyang lumingon ito at nakita niya ang buong mukha nito.

“I will call you later, babe. May gagawin lang ako saglit. Bye,” paalam nito sa kausap at pinatay na ang tawag. “Alam mo, Miss, wala akong panahon sa mga papansin na babae.” Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at tumaas ang isang sulok ng labi nito. “Well, kung gusto mo talaga, pwede naman kitang ikama kahit isang gab—” Naputol ang sasabihin nito dahil hinampas niya ulit ito ng pamalo niya sa braso nito. “Aray! Ano ka ba!? Bakit ba namamalo ka na lang bigla!?” Nakakunot ang noo nito habang hawak-hawak ang brasong nasaktan na ngayon ay may lamat na pahaba.

Itinaas niya ang manipis na sangang hawak niya at itinutok ‘yon sa noo nito.

“First, walang multo dito sa resort at kung mayroon man, ikaw ‘yon!”

“Pero bak—”

Idiniin niya sa noo nito ang sanga para patigilin ito sa pagsasalita. “Second, hindi ako multo. Understand?"

Tumango ito at hinawakan ang sanga. Kasabay no’n ay ang pagkawala no’n sa kamay niya.

“Third, sino ba ang nagsabi na multo ka?” tanong nito sa kanya at dumukwang pa sa mukha niya. “Sa ganda mong ‘yan, tanga lang ang mapapagkamalan kang multo.”

“So, tanga ka pala?”

Napasinghap ito at lumayo sa kanya. “Woman, watch your words.”

She smirked. “Pagkatapos mo akong batuhin at sabihin na multo ako, sa akin mo pa talaga sinabi ang kataga na ‘yan, mister!? At anong—”

“Randall. That’s my name.”

Inirapan niya ito. “I don’t care. Hindi ako nagpunta dito para sa pangalan mo. Gusto ko lang sabihin sa ‘yo na ‘wag mong tinatakot ang mga bata dito tungkol sa mga multo-multo na ‘yan.”

“Fine. Akala ko kasi multo ka.” Kumislap ang mata nito. “Maganda at sexy na multo.” Muli na naman nitong pinasadahan ng tingin ang buong katawan niya at hindi niya alam kung bakit bigla siyang nailang sa mga tingin nito. Napansin din niya na wala na ang mga sasakyan sa garahe ng mala-mansion na bahay nito. Siguro ay nagsi-uwian na ang mga kasama nito, pati si Nadia ay siguradong nakauwi na din. Her new friend.

Pilit niyang inayos ang sarili at sinamaan ito ng tingin. Ang totoo, nawalan siya ng sasabihin dahil busy ang utak niya sa pagkalkula ng buong imahe ng kaharap sa isip niya. Ngayon niya lang ito natitigan nang malapitan at masasabi niyang kahit sinong babae ay hindi magdadalawang isip na maghubad sa harap nito, lalo’t ganito kalakas ang karisma ng kaharap.

Kung nakakatunaw lang ang titig ay sigurado siyang lahat ng babaeng natitigan nito ay tunaw na ngayon at kabilang siya doon. Ipiniling niya ang ulo niya dahil ayaw niya sa takbo ng pag-iisip niya. Oo, magandang lalaki ito pero wala siyang pakialam doon.

“Alam kong guwapo ako. ‘Wag mo akong masyadong titigan, Miss. Baka magsisi ka.” At bakit naman siya magsisisi? Ang totoo nga niyan, hindi nakakapangsisi ang angking ka-guwapuhang taglay nito. “Baka ma-in love ka sa akin and mind you, you’re not my type at masasaktan ka lang kapag pinilit mo ang sarili mo sa akin.”

Sinipa niya ito sa binti at piningot sa tainga kahit kailangan niya pang tumingkayad maabot niya lang ang tainga nito.

“Damn it, woman! It hurts! Let go of my ear!”

Agad niya namang binitawan ang tainga nito. Bakit ba kasi sobrang yabang ng kaharap? Akala siguro nito lahat ng babaeng makakita dito ay mahuhumaling agad dito.

“Ito ang tandaan mo, Randall. Hinding-hindi ako magkakagusto sa ‘yo kahit kailan. Tandaan mo ‘tong mukhang ‘to. Never.” Itinuro niya pa ang mukha niya.

Mataman lang siya nitong tinignan. “Baka kainin mo lahat ng ‘yan?” Hinawakan nito ang baba niya at inangat nang bahagya upang magpantay ang mga mukha nila. “Remember this face. No one dare to refuse my charm. It means, nakukuha ko ang lahat sa isang pitik lang at hindi ko hahayaan na sirain mo ang record na ‘yon.”

Napalunok siya. “I will be that someone who’ll break that record. Keep that in your mind.” Papanindigan niya kung ano man ang sinabi niya at wala naman talaga siyang plano makipaglapit sa lalaking ito.

Dumukwang ito sa balikat niya at ramdam niya ang labi nito sa ibabang bahagi ng tainga niya. “That’s tough and I like it. I can’t wait to see you writhe above my bed,” bulong nito sa nakakaakit na paraan.

Agad niya itong tinulak. “Bastos!”

Tumawa lang ito. “I like being rude.”

Hindi niya na kaya makipagsagutan pa dito kaya mas mabuti pang umalis na siya sa harap nito.

“Great,” sarkastiko niyang sabi at tinalikuran na ito. May kailangan pa siyang gawin at hindi nakakatulong ang lalaking ito sa kanya.

Agad niyang binuksan ang laptop niya dahil may natanggap siyang isang text message mula sa isang malayong kaibigan. Napamura siya nang mabasa ang message nito.

“Hindi pwede ito. Masisira ang plano ko,” bulong niya.

Mabilis siyang tumipa sa keyboard niya.

“Huwag mong hayaan na makalabas sila ng bansa. Use our connections.”

After sending the message, she immediately turned off her laptop. Wala siyang planong magsulat ng story ngayon dahil okupado ng ibang bagay ang isip niya. Napasubsob siya sa lamesa at kinagat ang pang-ibabang labi.

“Kailan ka ba magkakaroon ng sapat na lakas ng loob para harapin sila? Ilang taon ka nang nagkukulong at nagtatago pero hanggang ngayon ay hindi mo pa din magawa ang bagay na plinano mo? Kung hindi mo kayang gawin, kalimutan mo na lang. Forgive them kaysa naman ganito ka, Krystal. Hindi mawawala ang sakit kung hindi mo magawa ang magpatawad," sermon niya sa sarili.

Hindi niya alam na may mga butil na ng luha na lumalabas sa mata niya. Bakit ba hindi niya kayang pakawalan ang nakaraan? Bakit ba?