Chapter 32 DNA

Erelah POV

Isang lingo ang lumipas matapos ang sagutan namin ni Damon, hindi na muna ako nag paramdam sa kanya ng isang lingo, hindi ko muna siya kinausap at hindi ko muna siya dinalaw kahit na kating kati ako na dalawin siya. Tanging sila Gazer at Havacco ang dumadalaw kay Damon, laging nag kukwento sa akin si Gazer tungkol sa kung ano ang ginagawa ni Damon sa tuwing dumadalaw sila.

Nakwento niya rin sa akin na dumadalaw rin kay Damon si Draco at nasabi sa akin ni Gazer na nong unang beses na makita ni Damon si Draco ay nagkaruon ng initan sa pagitan ng dalawa, nasabi sa akin ni Gazer na sinabi sa kanya ng abogadong tumutulong sa amin na maaring hindi kilala ni Damon si Draco bilang kapatid nito at tanging sila Chai at Achaz lang ang nakaka-alam na kapatid nito si Draco.

Maaari raw mangyare ang bagay na iyon dahil una si Damon ay isang alter lamang, tanging ang host ang may posibilidad na makakilala sa kung sino ang matagal ng nakapaligid sa kanya at kung sino ang mga pamilya niya, maliban nalang raw kung ang host ay kinukwento sa isang alter niya kung sino sino ang malalapit sa kanya.

"Erelah, kung ano man ang nararamdaman mo para sa akin ay itigil mo na." Muli kong naalala ang sinabi ni Damon sa akin, hanggang ngayon ay tumatatak parin sa akin ang sinabi niya na itigil ko na ang kung anong nararamdaman ko para sa kanya, ano nga ba ang nararamdaman ko para sa kanya.

Mahalaga sa akin si Damon, ayoko na siya ay napapahamak, matapos niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking ama mas lalo akong napalapit sa kanya dahil para sa akin isang malaking utang na loob na ang ginawa ni Damon upang mabigyan ng hustisya ang aking ama.

"Erelah." Napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita si Gazer na may dalang inumin.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko, oras ng trabaho ko ngayon dito sa isang coffee shop, at talagang ang lakas ng loob nyang mag dala ng inumin na galing sa kakumpitensya naming shop. Tinignan ko siya ng masama.

"Magandang umaga, kape mo." Sabi niya saka nilahad sa harap ko ang dala niyang kape, huminga ako ng malalim saka tinuro ang pangalan ng shop namin.

"Nakikita mo ba ang pangalan ng shop na ito ha? Naka indicate sa baba na isa itong coffee shop, ang lakas ng loob mong bumili ng kape sa kakompitensya naming shop tapos ipapainom mo sa akin?" Inis kong tanong kaya natawa siya saka nilapag sa harap ko ang hawak niyang kape.

"Kung naririto ka para manginis Gazer umalis ka muna dahil oras ng trabaho ko ngayon." Sabi ko, Nag labas sya ng isang stick ng sigarilyo kaya naman nanlaki ang mga mata ko at dali dali itong inagaw sa kanya, nababaliw narin ba sya?

Inis ko syang tinignan saka tinapon sa malapit na trashcan ang sigarilyong inagaw ko mula sa kanya.

"Ano ba Gazer, ang aga aga nambwi-bwiset ka." Inis kong sabi, natawa lang siya saka umiling.

"Tama nga ang sinabi ni Damon. "Sabi niya kaya natigilan ako at napatingin ng seryoso sa kanya.

"Ano na naman ang kinalaman ni Damon dito?"Tanong ko, huminga siya ng malalim saka sumandal sa counter at tinulak palapt sa akin ang kape na dala nuya.

"Tignan mo yung ilalim." Sabi niya kaya naman tinignan ko sya bago kinuha ang kape at tinignan ang ilalim, natigilan ako ng may nakita akong nakasulat na 'SORRY' sa ilalim at may smiley face pa. Tumingin ako kay Gazer na nakangisi.

"Pinapabigay ni Damon." Sabi niya dahilan para mapalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Inutusan ako kahapon na bumili raw ako ng kape sa ibang coffee shop saka lagyan ng sorry sa ibaba, tinatanong ko kung bakit may sorry nagalit sa akin." Kwento niya habang may ngiti sa labi. Napangiti ako saka tinikman ang kape na bigay sa akin, ang paborito kong kape, Americano.

"Sabi niya ang paborito mo raw na kape ay americano kaya yun ang binili ko." Sabi niya saka napakamot sa ulo.

"Alam mo kung ano'man ang nangyare sa inyo, kung nag away'man kayo, mag bati na kayo." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, biglang sumeryoso ang awra niya. "Hinahanap ka na ni Damon Erelah." Sabi niya dahilan para matigilan ako.

"Napansin ko rin na mahigit isang lingo mo ng hindi dinadalaw si Damon, sa tuwing niyayaya kita dinadahilan mo na may gagawin ka at busy ka." Sabi niya kaya napalunok ako.

Hindi ko alam na hahanapin ako ni Damon.

"Sya nga pala, nakausap mo na ba si Draco?" Tanong niya, umiling ako. "Nag sagawa sila ng DNA test kay Damon at Draco nong nakaraang araw pa." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Hindi nasabi sa akin ni Draco ang tungkol sa bagay na iyan." Sabi ko, kumunot ang nuo niya.

"Akala ko alam mo? ang sabi niya kay Havacco ay alam mo raw ang tungkol sa bagay na iyon." Sabi niya kaya mas lalong kumunot ang nuo ko.

"Wala akong alam jan." Sabi ko kaya mas lalong nagseryoso ang awra niya.

"Ginagago ata ako ng Draco na iyon." Sabi niya saka may nilabas na papel sa bulsa niya. Inilapag niya iyon sa harap ko saka dali daling umalis palabas ng shop, agad kong kinuha nag cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Draco ngunit hindi nya sinasagot ang aking tawag. Napalunok ako saka tinignan ang papel na nilapag ni Gazer sa harap ko.

Dahan dahan kong kinuha iyon at binuklat saka binasa ang nakasulat roon, para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko kung ano ang nakasulat sa papel.

'Erelah, kung may nasabi akong mali sayo patawad ayoko lamang na lumalim pa ang kung ano ang nararamdaman mo para sa akin sapagkat ayoko na masaktan ka sa huli, inaamin kong gusto kita ngunit mali na maging tayo, alam kong sobrang makaluma ng pamamaraan ko sayo sa pakikipag kumunikasyon ngunit nais ko lamang sabihin na sa ilang araw na hindi mo pag paparamdam sa akin ay marami ang nangyare, isa na doon ang plano ni Draco na tangalin ako sa katawan ni Chai at palabasin sa kulungan si Chai kahit na alam niyang isang baliw ang kapatid niya, natatakot ako Erelah, natatakot ako na baka galawin ka ni Chai sa oras na mawala ako. Natatakot ako hindi dahil mawawala na ako kundi dahil baka may kung anong agwin si Chai sayo, nag sagawa ng DNA test si Draco para mapatunayan sa korte na kadugo ko si Draco, at sa oras na mapatunayan yun sa korte ay mag rerequest sila sa korte na isailalim ako sa isang proseso kung saan susubukan nilang alisin sa katawan na ito ang mga alter na gaya ko, isa iyong paraan na nadiskobre ng mga sayantipiko nitong nakaraang buwan lamang at kung hindi ako nagkakamali, sa sususnod na araw ako ilalabas sa mental at dadalhin sa isang laboratoryo, Febrero 28 22.

~Damon.

Agad akong napatingin sa kalendaryo at mas lalong nanlamig ng makitang ngayon ang Febrero 28.

Ngayon ang araw na ilalabas nila si Damon sa mental para dalhin sa isang laboratoryo.