Chapter 33 Maligayang kaarawan, Erelah
Erelah POV
Agad akong nag tungo sa mental at agad na hinanap si Damon sa nurse station.
"Kay Damon, Patient 412." Sabi ko sa nurse na nag babantay sa nurse station, may tinignan siya sa isang papel saka tumingin sa akin.
"Ay kakalabas lang po niya kasama ang abogado at kapatid nya." Sabi nito sa akin dahilan para manghina ako.
"M-may nasabi ba sayo si Draco kung saan nya dadalhin si Damon?" Tanong ko, umiling ang nurse sa akin.
"Wala po ma'am eh, pero marami po silang kasamang mga police kanina." Sabi nito kaya mas lalo akong nawalan ng pagasa. Tuloyan ng nilabas ni Draco si Damon, ngunit saan niya naman dadalhin si Damon?
Nasabi ni Damon sa sulat na sa isang laboratoryo sya dadalhin, ngunit hindi ko alam kung saang laboratoryo, maraming mga pribadong laboratoryo dito sa Pilipinas.
Agad kong kinuha ang aking cellphone at dinayal ang numero ni Havacco, agad nya namang sinagot ang tawag.
"Hello Havacco, kasama mo ba si Gazer?" Tanong ko. Narinig ko pa ang pag ihip at pag buga niya sa sigarilyo nya bago ako sinagot.
"Hindi, bakit?" Tanong nya. Hindi pa ba alam ni Havacco ang nangyayare?
"Kinuha nila Draco si Damon at dinala sa isang laboratoryo." Sabi ko, narinig ko ang pag mura niya sa kabilang linya, alam kong galit rin siya gaya ng nararamdaman ko at ni Gazer.
Galit ako sapagkat kinuha nila si Damon ng hindi ko manlang nalalaman, malaki ang tiwala ko kay Draco sa pagkat alam kong kaibigan ko sya at kapatid nya si Damon, ngunit sa mga nangyayare ngayon ay unti unting nawawala ang tiwala ko kay Draco.
"Tangina, saan naman dinala ni Draco si Damon?!" Rinig kong sigaw ni Havacco sa kabilang linya.
"Hindi ko alam at ngayon ko lang rin nalaman na ilalabas nila si Damon, ngunit base sa sulat ni Damon sa akin, dadalhin siya sa isang laboratoryo upang tanggalin ang mga alter na nasa katawan ng host." Sabi ko habang nag lalakad palabas sa mental.
Nag abang ako ng sasakyan sa gilid habang nakikinig sa galit na si Havacco.
"Simula palang talaga nong una ay hindi ko na talaga pinag kakatiwalaan ang Draco nayan, kung di dahil lamang sayo ay hindi kami mag titiwala ni Gazer sa kanya." Inis niyang sabi sa akin.
Sumakay ako sa isang taxi habang si Havacco ay patuloy parin sa paglabas ng sama ng loob.
"Nasaan si Gazer?" tanong niya.
"Hindi ko alam, matapos niyang dumaan sa coffee shop kung saan ako nag tatrabaho ay umalis na siya agad." Sabi ko, huminga ako ng malalim saka sinabi sa driver ang address ng bahay ni Draco. Nag paalam na si Havacco sa akin bago niya ibaba ang tawag, mas lalo akong kinabahan habang binabagtas ang daan patungo sa bahay nila Draco.
Ilang minuto matapos ibaba ni Havacco ang tawag ay nakatanggap ako ng isang text mula sa isang unregistered number. Nakalagay sa minsahe na iyon ang isang address na naka locate sa tagaytay.
Hindi ko alam kung kanino galing ang numero na ito ngunit bigla ko nalamang nasabi kay Kuyang driver na dito na kami mag tungo, Ilang minuto ang lumipas ng ibaba ako ni kuyang driver sa kanto ng address.
Mas lalo akong kinabahan ng makita kong nasa isang abandonadong building ang address na nakalagay sa message.
Muli akong napatingin sa phone ko ng bigla itong mag vibrate.
'Nakikita na kita, pumasok ka.' Napalunok ako at muling napatingin sa building, mas lalo akong kinabahan at tumaas ang balahibo ko ng humangin ng malakas, hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako o hindi, iba ang pakiramdam ko, parang nararamdaman ko na may masamang mangyayare, pero merong parte sa akin na kailangan kong tumuloy dahil nag babaka sakali ako na baka naririto si Damon.
Hindi ko namalayan at wala sa aking sarili ng ihakbang ko ang aking paa papasok sa abandonadong building, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang atmospera sa loob ng building. Walang kailaw ilaw at tanging ang mga liwanag mula sa maliliit na bintana lamang ang nag sisilbing ilaw sa loob ng building.
Napalunok ako at halos mapatalon sa gulat ng may isang itim na pusa ang nag lakad sa harap ko. Napahawak ako sa aking dibdib at sinundan ng tingin ang pusa na aking nakita.
Napatingin ako sa aking cellphone ng muli itong mag vibrate, isang minsahe mula ulit sa numero na iyon.
'WELCOME'
Hindi ko alam pero bigla nalang nawala ang tapang ko, agad akong humarap sa aking likod para sana tumakbo na palabas sa building ng mag sara ang pinto dahilan para maiyak ako.
Agad kong kinalampag ang pinto at pilit na binuksan ito ngunit parang may kung anong bagay ang nakaharang sa labas na syang pumipigil upang mabuksan ang pinto.
Ilang saglit pa ay bumuhos na ang luha ko dahil sa takot, sa aking isip ay nag dasal ako na sana ay walang masamang mangyare sa akin, hanggang sa narinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin.
"Please.... please palabasin niyo ako." Umiiyak kong sabi at napaupo sa takot. Naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa harap ko dahilan para mas lalo akong matakot at mapapikit.
Ito na ba ang kataposan ko? Mamamatay na ba ako?
"Erelah." Napatigil ako ng may bumanggit sa pangalan ko, isang boses na pamilyar sa akin.
Agad kong binuksan ang aking mga mata at pilit na hinahanap ang taong tumawag sa akin sa madilim na lugar kung saan ako nakaupo.
"D-Damon?" Tawag ko, at sa pag tawag ko ng kanyang pangalan biglang nag bukas ang mga ilaw kasabay non ang pag putok ng mga party popper at sa gitna nakatayo ang mga tao na hindi ko kilala ngunit may birthday Hat at may hawak na cake si Gazer na nakangisi, habang si Draco naman ay may hawak na mga balloons. Sa pinaka gitna may isang kulay puting mahabang tela na may sulat na 'Happy Birthday' at nakatayo roon si Inay na may hawak rin na lobo, at sa harap ko nakatayo si Damon na naka ngiti.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngunit wala akong segundong inaksaya at agad na niyakap si Damon ng mahigpit, kasabay non ang pag tulo ng luha ko, halo halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon takot, kaba, lungkot, tuwa.
Takot at kaba sa pagkat akala ko ay may masamang nangyare sa kanya, akala ko na kataposan ko na kanina, lungkot sapagkat nakalimutan ko na ngayon ang kaarawan ko at tuwa sapagkat nakita ko si Inay, sapagkat nag effort ang mga taong malalapit sa akin na isurpresa ako ngayon kahit na nakaka patay ang pamamaraan ng pag susurpresa nila sa akin at syempre, natutuwa ako dahil nasa harap ko na muli si Damon.
"Ang tagal mong hindi nagpakita sa akin, ganon ka ba talaga kagalit sa akin?"Malamig niyang tanong dahilan para mas lalo akong matuwa dahil sa wakas ay narinig ko na namang muli ang boses niya, dahil sa wakas ay makakausap ko na naman siya, para tuloy akong nag sisi sa mga ginawa kong pagiwas sa kanya at hindi pag bisita sa kanya sa hospital.
"Maligayang kaarawan, Erelah." Malambing na bulong ni Damon sa akin dahilan para mas lalo ko siyang yakapin ng mahigpit.
Tuloy parin sa pag patak ang aking mga luha habang yakap yakap ko si Damon at habang yakap yakap rin ako ni Damon.
Ngayon sa mga oras na ito ay nakakasigurado na ako sa nararamdaman ko, na hindi lamang basta kaibigan ang turing at tingin ko kay Damon, na tama nga si Damon sa mga sinabi niya sa akin noon. Na ang nararamdaman ko ay mas malalim pa sa pagkakaibigan.
Totoo nga at inaamin ko na, na mahal ko si Damon at sa mga oras na ito pinapanalangin ko na sana isa nalamang ordinaryong tao si Damon, Walang alter, walang host, walang MPD.
"Salamat." Bulong ko habang yakap yakap sya.
April 4 2022, ang araw kung saan muli kong naramdamang sumaya matapos ang mga napagdaanan kong hirap at lungkot sa pag hahanap ko sa aking ama. Ang araw kung saan marami akong hinihiling na sana ay matupad kahit malabo, ang araw kung saan napatunayan ko sa sarili ko na mahal ko si Damon, ang araw kung saan sobrang saya ko.
Ngunit ito na pala ang araw kung saan mararanasan ko ang una't huling kasiyahan. Ang huling araw na mayayakap ko siya.
April 6 2022.