Chapter 31 Nararamdaman

Erelah POV

Dalawang araw ang lumipas matapos ang gulo sa pagitan nila Gazer at Draco, hiyang hiya ako dahil sa nangyari, nahihiya akong humarap kay Draco dahil hindi ko alam ang aking sasabihin sa kanya.

Humingi naman ako ng paumanhin sa kanya bago kami mag hiwalay ng landas noon, ngunit alam kong hindi iyon sapat.

Ngayon ay muli kong binisita si Damon, matyaga akong nag hihintay dito sa visitors area habang hinahanda ang pagkaing dinala ko para kay Damon.

Napatingin ako sa pinto ng Visitors area ng mag bukas iyon, mula roon ay pumasok si Damon na malamig ang awra. Napangiti ako ng mag tama ang paningin naming dalawa.

Pinanuod ko siyang maglakad palapit sa akin saka umupo sa harap ko.

"Magandang umaga."bati ko, tumingin lang siya sa akin saka tumingin sa mga pagkaing dala ko.

"Ah, dinalhan kita ng makakain. Almusal mo, sayo lahat yan tapos na ako kumain kanina."sabi ko saka bilagyan ng pagkain ang platong nasa harap niya.

"Sya nga pala Damon, nakausap mo na ba sila Gazer?"tanong ko, umiling sya kaya napangiti na lamang ako ng pilit. Sabi ni Gazer, sinabi raw ni Damon sa kanila na wala siyang kapatid, kaya ganon nalang ang gulat nila ng malaman nila na kapatid ni Draco si Damon.

Napatingin ako kay Damon na nakatitig sa mga pagkaing nasa harap nya.

"Kain ka na Damon." Sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin saglit saka binalik ang tingin sa pagkaing nasa harap niya.

Pinanuod ko siya na galawin ang pagkaing hinanda ko para sa kanya, napangiti ako ng bahagya siyang tumingin sa akin bago niya isubo ang pagkain nya.

"Damon, pwede ba akong mag tanong sayo?" Tanong ko, muli siyang lumingon sa akin saka tumango tango, nanatili sa kanyang mukha ang malamig na emosyon, habang kumakain siya ay pinag mamasdan ko siya.

"May kapatid ka ba?" Tanong ko, natigilan siya sa pag subo saka tumingin sa akin, umiling siya bilang sagot kaya naman napalunok ako. Muli siyang bumalik sa pagkain, napatingin ako sa ibang dereksyon at inalala ang sinabi ni Draco at Gazer, ayon kay Draco, kapatid niya si Damon pero sabi naman ni Gazer, sinabi ni Damon sa kanila na walang kapatid si Damon, at ngayon...

Muli akong tumingin kay Damon na patuloy lamang sa pagkain.

Sinabi rin sa akin ni Damon na wala siyang kapatid.

"Erelah." Nabaling ang atensyon ko ng tawagin ako ni Damon, napansin kong nakalahati niya na ang pagkaing nasa harap niya, ngumiti ako sa kanya ng makita ko ang titig niya sa akin, seryoso siya.

"Bakit?" Tanong niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Anong bakit?" Tanong ko sa kanya, huminga siya ng malalim saka tumingin sa akin at sumandal sa kanyang upuan.

"Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito?"Tanong nya kaya napatitig lamang ako sa kanya.

"Bakit mo nais na mapawalang sala ako?" Dagdag niya kaya napalunok ako.

"Bakit nais mong gumaling ako?" Tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Bakit ang bait mo sa akin Erelah?" Tanong niya dahilan para umiwas ako ng tingin.

Bakit nga ba? Hindi ko rin alam.

"Ang kaibigan mong iyon, espesyal ba siya sayo?"

Muli kong naalala ang tanong ni Draco sa akin noong humingi ako ng tulong sa kanya, muli ko ring naalala ang sagot ko sa tanong na iyon.

Special na tao para sa akin si Damon, masaya ako na nakikita ko siya, masaya ako na nakikita ko ang malalamig niyang mga titig, masaya ako kapag nasa malapit siya, noong unang beses na makita ko ang tunay niyang ngiti ay hindi na mawala sa aking isip yon.

"Mahalaga ka sakin Damon." Sabi ko saka tumingin sa kanya, nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata pero nanatili ang malalamig niyang mga titig.

"Mahalaga?" Tanong niya saka pinatong ang dalawang kamay niya sa mesa at inilapit ang kanyang mukha sa aking mukha dahilan para magulat ako at bumilis ang tibok ng aking puso.

"Gaano kahalaga Erelah?" Tanong niya habang nakatingin sa aking mga mata, napalunok ako at napaiwas ng tingin saka bahagyang lumayo, pinakalma ko ang aking sarili.

"B-Bakit mo natanong?"Tanong ko, ngumisi siya saka muling sumandal sa kanyang upuan habang nanatili ang kanyang dalawang kamay sa mesa.

"Masama ba?" Tanong niya, saka natawa. "Namumula ka, may gusto ka ba sa akin?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya, A-ano raw?

"A-ano bang mga pinag sasabi mo?"Tanong ko saka napatayo sa aking kinauupuan, narinig ko ang pag tawa niya ng malakas kaya napatingin ako sa kanya, isang tawa na totoo at hindi pilit, napangiti ako habang nakatingin sa kanya, pinanuod ko siya na pagtawanan ako.

Bakit ganito ang aking puso? Ang bilis ng tibok nito na para bang lalabas ito sa aking dibdib, bakit sa tuwing nakikita ko si Damon na tumatawa at ngumingiti ng tunay ay natutuwa ako, ano nga ba sya para sakin?

Maya maya pa ay bigla siyang nag seryoso at tumingin sa akin dahilan para dahan dahang mawala ang ngiti sa labi ko.

"Erelah."tawag niya sa akin sa seryoso niyang boses.

"Kung ano'man ang iyong nararamdaman para sa akin ay itigil mo." Natigilan ako sa kanyang sinabi, nanatili akong nakatingin sa kanya.

"Hindi ko alam kung kailan pa nagsimula ang nararamdaman mo para sakin, itigil mo yan hangga't maaga pa." Sabi niya kaya natawa ako saka tumingin sa ibang dereksyon.

"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin yan, feelingero."sabi ko.

"Kung ganon bakit mo ginagawa ang mga ito?"tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Dahil nangako ka sakin Damon." Sagot ko.

"Bakit pinang hahawakan mo ang pangakong iyon Erelah?"tanong niya, sa pag kakataon na ito ay natigilan na ako, nanatili akong nakatingin sa kanyang mga matang puno ng lamig at mapanuri.

"Hindi ka mangmang alam mo yan, hindi ka rin bobo, alam mo kung ano ang nararamdaman mo para sa akin." Sabi niya.

"Damon, kaibigan lang ang turing ko sayo." Sabi ko.

"Edi maganda, ngayon itigil mo na ang pag dalaw sa akin at lahat ng tulong."sabi niya kaya natawa ako ng sarkastiko.

"Itigil? Bakit? Para makulong ka ng tuloyan? Para maparusahan ka ng death penalty? Damon bakit ba gustong gusto mong nalalagay sa kamatayan ang buhay mo?" Inis kong tanong.

"Dahil doon magiging ayos ang lahat Erelah!"biglang sigaw niya kaya natigilan ako, naalarma rin ang ilang mga bantay niya dahilan para lumapit sila kay Damon, napatayo si Damon at alam kong naiinis na siya.

Nanatili ang titig ko sa kanya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, ito ang unang beses na sinigawan ako ni Damon. Oo malamig ang pakikitungo niya lagi, pero ni minsan ay hindi niya ako nasigawan kagaya na lamang ng nangyare ngayon.

"Gusto ko ng taposin ang walang kwentang buhay ko na ito Erelah, gusto ko nang mag pahinga dahil napapagod na ako labanan si Chai at Achaz." Sabi niya. Naikuyom ko ang aking palad, isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanyang pisngi dahilan para matigilan siya at humarang ang mga bantay niya sa pagitan namin.

"Ganon nalang kadali para sayo na sabihin ang mga yan." Nag titimping saad ko saka tumingin sa mga mata niya.

"Ganon nalang kadali sayo na sabihing nais mo ng wakasan ang buhay mo dahil lang sa nag sasawa ka na? Paano naman ang magagandang opurtunidad na makakamit mo sa hinaharap? Paano ang mga taong maiiwan mo? Paano sila Gazer at Havacco? Paano naman ako?!" Sigaw ko sabay noon ang pag buhos ng luha ko.

"Sa tuwing sinasabi mong nais mo ng mawala ay nasasaktan ako Damon, nasasaktan ang mga kaibigan mo dahil ginagawa namin ang lahat para lang hindi ka mawala tapos ikaw--"

"Wala akong sinabi na gawin niyo yun para sa akin Erelah!" Sigaw niya kaya natahimik ako.

"Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko dahil wala ka sa posisyon ko, madali para sayo na sabihin ang mga bagay na 'yan dahil wala ka sa posisyon ko, kung saan akin itong katawan na ito ay lalaban ako Erelah, lalaban ako para lang makasama ka pero sa huli isa parin akong hamak na Alter at kapag gumaling ang katawang ito ay mawawala rin ako! Hindi na kita makikita noon at hindi na kita makakausap noon!" Sigaw niya dahilan para matigilan ako.

Agad na pumagitna sa amin ang mga bantay niya, pinanuod ko na pakalmahin nila si Damon habang pinapasok sa aking utak ang kanyang mga sinabi.

"Oras na po para ipasok si Sir sa silid niya." Sabi sa akin ng isang bantay niya, hindi ko siya pinansin dahil nakay Damon lamang ang aking titig.

Pinanuod ko na lagyan nila si Damon ng posas sa kamay saka pinatayo, ilang hakbang ang ginawa ni Damon palayo sa akin ng muli siyang tumigil at tumingin sa akin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"Itigil mo na kung ano 'man ang nararamdaman mo para sa akin Erelah." Sabi niya bago siya tuloyang maglakad palayo sa akin.