Chapter 30 Mission
Gazer POV
Hindi ko alam kung saan o kung paano nakilala ni Erelah si Draco, ang importante lang sa aming dalawa ngayon ni Havacco ay ang mapatay ang matagal na naming hinahanap nang sa ganon ay matapos na ang mission naming tatlo ni Damon.
Si Draco ang mission namin ni Damon, dapat kaming dalawa lamang ang hahawak sa mission na ito pero dahil sa nangyare kay Damon ay napilitan akong mag patulong kay Havacco.
Mahirap hanapin at hagilapin si Draco, sya ang tinatawag ng boss namin na 'Ghost' dahil bigla bigla nalang itong nawawala na parang bula.
Mainit ang mata ng boss namin kay Draco dahil sa mga connection na meron si Draco sa PDEA at mga matataas na rango ng mga polis sa bansa.
Dahil sa kilalang mafia ang boss namin na suplier ng mga drugs at mga illegal na bagay, isa si Draco sa mga hadlang sa negosyo ng boss namin, maliban sa mga connection ni Draco, kalaban rin ng boss namin si Draco sa ranggo ng mga kilalang mafia sa bansa. Pumapangatlo ang boss namin habang pangalawa naman si Draco, nais ng ipatumba ng boss namin si Draco dahil sa nalalamangan na siya nito sa ranggo.
Kaya naman inutusan kami ni Damon na idispatsya si Draco nang sa ganon ay ang boss na namin ang pumalit sa pangalawang ranggo, wala kaming pake-alam sa kung ano'man ang alitan nila, ang amin lamang ay magawa namin ang kahuli hulihang mission namin ng sa ganon ay magkaruon na kaming tatlo ng kalayaan.
Alam namin na mali ang trabaho namin, alam rin namin na masama ang mga ginagawa namin sa trabaho namin, pero wala kaming magawa dahil kung hindi namin ito gagawin ay buhay rin namin ang manganganib at mawawala.
Bata palang kami ni Havacco ng mapasama kami sa grupo ng mga mag nanakaw, tinuruan nila kami kung paano magnakaw, hanggang sa makilala namin si Damon, dahil sa pera ni Damon nakaalis kami sa grupong iyon, nagkaruon kami ng kalayaang tatlo ngunit ng simulang lumabas ang mga alter ni Damon, mas lalo naming kinailangan ng pera, halos lahat ng nakuha ni Damon noon sa kanilang bahay na pera ay papaubos na kaya naman napilitan kami ni Havacco na sumali muli sa isang grupo habang nag aaral kami.
Doon ay tinuruan nila kami kung paano mag tinda ng droga at pumatay ng tao, ang perang kinikita namin ni Havacco ay napupunta sa pag papagamot noon ni Damon, hanggang sa mabalitaan namin na nakatakas si Damon at pinatay nga ng host ng katawan na iyon ang doctor na tumutulong sa amin at gumagamot kay Damon.
Noon ay naisipan na namin ni Havacco na iwan na lamang si Damon dahil sa mga nangyayare sa kanya, pero kahit na isipin namin ang mga bagay na iyon ay hindi parin namin maiwan iwan si Damon dahil sa para na namin siyang kapatid, kaya naman nakipag kasundo kami sa boss namin noon na tulongan si Damon sa sitwasyon niya, kapalit noon ay mag tatrabaho kami sa kanya, tinulongan niya naman kami, tinulongan nya rin si Damon, binigyan niya ng gamot si Damon na kung saan tumalab naman iyon dahil huminto sa pag labas ang host niya noon.
Matapos ang misyon namin ni Damon na patayin ang mayor na tatay pala ni Erelah, nagkaruon muli ng kasunduan sila Damon at si Boss, na kung saan kalayaan na namin ang nakataya, yun ay ang patayin si Draco kapalit ng kalayaan naming tatlo.
Gusto na naming mabuhay ng mapayapa, sawa na kami sa pag kitil ng buhay ng mga taong inuutos sa amin na patayin, sobrang daming kasalanan na ang dapat naming pag bayaran, sa batas ng tao at sa batas ng Dyos.
"Gazer, ibaba mo ang baril mo please." Mangiyak ngiyak na sabi ni Erelah habang nasa gitna namin, naka tutok rin ang baril ni Havacco kay Draco na nakatitig lamang sa amin ng malamig.
"Gazer---"
"Umalis ka jan Erelah." Malamig kong utos pero umiling lamang siya habang nakahawak kay Draco.
"Ano ba kayo? bakit nyo tinututukan ng baril si Draco? sya ang tutulong sa atin para ilabas at mapawalang sala si Damon." Sabi ni Erelah kaya tiim bagang kong tinignan si Erelah.
"Masamang tao ang nasa likod mo Erelah." Sabi ko.
"Galing mismo sa tunay na masamng tao." Sabi ni Draco kaya napatingin ako sa kanya.
"Parang awa niyo na, wag kayo gumawa ng scandalo dito, mahiya naman kayo." Tumulo ang luha ni Erelah ng banggitin niya iyon, tumingin sa akin si Havacco.
"Gazer Please, pag usapan nalang natin ito kung ano'man ang problema niyo ni Draco."Sabi ni Erelah.
"Hindi madadala sa usapan ang kalayaan namin Erelah."
"Kalayaan para saan Gazer? malaya ka naman ah, malaya naman--"
"Hindi mo naiintindihan, wala kang alam!"
"Kaya niyong patayin ang kapatid ng sarili niyong kaibigan?" Natigilan kami sa sinabi ni Erelah, napatingin ako sa gawi ni Erelah na ngayon ay umiiyak na, Kapatid?
Dahil sa sinabing iyon ni Erelah ay para bang nanghina ko habang nakatingin kay Draco na walang emosyon. Kapatid? Dahan dahan kong naibaba ang hawak kong baril habang nakatingin kay Draco. Kapatid?
"Ikaw lang ba nag iisang anak nila?" Tanong ko kay Damon na nag lalaro ng PS4.
"Oo, kaya nga saakin lahat nakapangalan ang mga properties nila mama." Sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa nilalaro.
"Ahh, ang angas naman pala noon." Sabi ko saka tumingin kay Shawn na nag bibilang ng pera na kinuha ni Damon sa bangko kanina lang.
"Ang yaman mo talaga Damon." Sabi ni Shawn saka tumingin sa akin na may ngiti sa labi.
"Tara kain tayo sa labas." Naka ngiting sabi ni Shawn.
"Walang kapatid si Damon."Sabi ni Havacco na nasa tabi ko, matalim ang tingin ni Havacco kay Draco.
Tama, walang kapatid si Damon, yan ang sabi niya sa amin dalawang araw matapos namin siyang matagpuan. Kaya imposible na magkaruon ng kapatid si Damon.
Napatingin si Erelah kay Draco.
"Simula pagka bata namin ay kasama na namin si Damon, nabanggit niya sa amin na wala siyang kapatid at nag iisa lang sya kaya imposible na magkaruon siya ng kapatid." Sabi ko, mas lalong hinigpitan ni Havacco ang hawak niyang baril na naka tutok kay Draco.
"Draco." Banggit ni Erelah kay Draco.
"Erelah believe me, kapatid ko si Chai, you know how I spent many years just to find my little brother." Sabi ni Draco habang nakatingin kay Erelah, tumingin sa amin si Draco.
"If you don't believe then let's do a DNA Test, I can asure that Chai is my brother." Sabi ni Draco habang nakatingin sa amin, tumingin sa akin si Havacco saka muling tumingin sa gawi ni Draco at dahan dahang binaba ang hawak nitong baril.
DNA test.
Damon, totoo bang kapatid mo talaga si Draco? kung hindi ay malugod kong kikitilin ang buhay niya nang sa ganon ay makalaya na tayo, ngunit kung totoo'man ang sinabi niya, bakit mo nagawang mag sinungaling sa amin ni Havacco ?