Chapter 26 Draco
Erelah POV
Nakatulala ako habang nakaupo sa labas ng waiting area kung saan hinihintay kong dumating ang kausap ko. Huminga ako ng malalim saka napapikit, muli ko na namang naalala ang huling ngiti ni Damon sa akin bago siya sumama sa mga polis.
Tatlong araw na ang lumipas simula ng huli naming paguusap ni Damon, hindi ko pa siya nadadalaw sa mental dahil busy ako sa pag hahanap ng Lawyer na makakatulong sa kanya.
Sila Gazer at Havacco, sila ang madalas dumalaw kay Damon. Lagi nilang sinasabi sa akin na hinahanap ako ni Damon, bagay na nagpakirot sa puso ko dahil hanggang ngayon ay wala parin akong nahahanap na Lawyer.
Gusto ko tulongan si Damon, gusto ko makalaya siya sa mental jail na yon. Gusto kong luminis ang pangalan niya at gumaling siya.
Malaki ang tiwala sa akin ni Damon dahil ako ang pinahanap niya ng Lawyer, ayokong biguin at madisappoint siya kung sakali.
"Erelah." Napalingon ako sa tumawag sa akin, agad akong tumayo sa kinauupuan ko saka nakangiting humarap sa taong tumawag sa akin.
"Magandang umaga, salamat at dumating ka." Nakangiting sabi ko, ngumiti ito sa akin saka tinanggal ang shades na nakasuot sa mata niya.
"Anything for you." Sabi nito dahilan para matawa ako. "You want coffee? my treat." Nakangiti niyang sabi, umiling ako habang nakangiti.
"Hindi rin ako mag tatagal, sinadya ko lang na makipag kita sayo kasi nag babakasakali ako na matulongan mo kami ng kaibigan ko." Sabi ko, agad na nawala ang ngiti sa labi niya.
"You have problem? i will help, what it is ba?" Tanong niya, umupo ulit ako sa kinauupuan ko kanina, habang siya naman ay umupo sa tabi ko saka tumingin sa akin.
"May kilala ka bang lawyer na nag aral ng psychology?" Tanong ko, kumunot ang nuo ko.
"Yes i have, in fact she's our family lawyer, she graduated bachelor's degree in health science when she was in college before she take law." sabi nito, agad kong hinawakan ang kamay niya dahilan para magulat siya.
"Paki-usap tulongan mo ako, tulongan mo ang kaibigan ko na makalaya." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya, nakakunot parin ang kanyang nuo na para bang nagugulohan sya sa mga nangyayare.
"Wait, I don't actually get what is happening. Can you please explain to me first what happened?" Tanong niya. Tumango ako saka tumingin sa malayo.
"M-may isang... Isang special na tao para sakin ang nasa kulongan ngayon dahil sa may nagawang kasalanan ang host ng katawan niya." Sabi ko. Napalunok ako saka tumingin sa kanya.
"Yung taong yon may Multiple Personality disorder sya. Yung host at isang alter ang may kasalanan kung bakit nag susuffer siya ngayon sa kulongan." Agad na tumulo ang luha ko habang nakatingin sa mga mata niya. "Si Achaz, ang isang alter. Nakasama ko siya, niyaya niya ako na mag date kami sa labas, mabait ang pakikitungo niya sa akin pero sila Gazer at Havacco, ang mga kaibigan ni Damon, sinabi nila sa akin na gawin ko lang ang kung anong gustong ipagawa ni Achaz sa akin." Kwento ko, napalunok ako saka muling tumingin sa malayo.
"Sa una ayos naman ang lahat, pero habang tumatagal. Napapansin ko na nagbabago ang kinikilos niya." Sabi ko at muling naalala kung paano magbago si Achaz ng kasama ko siya. "Bigla na lamang sumasama ang tingin niya sa mga taong dumadaan at tumitingin sa amin, imbes na pansinin ko iyon pinili ko na lamang na mag patay malisya kahit kinakabahan na ako." Sabi ko saka tumingin sa kanya.
"Hanggang sa ang akala ko si Damon ang kasama ko dahil ang palatandaan ko sa kanya ay yung ugali niya na malamig ang pakikitungo." Sabi ko saka ngumiti, pero nawala rin agad ng maalala ko kung paano saksakin ni Chai ang isang tao at muntik na akong saktan.
"Ilang minuto ang nagtagal nagulat na lamang ako ng bigla niyang saksakin ang isang tao at muntik narin niya akong saktan." Natigilan siya sa sinabi ko.
"Ano?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Isa siyang baliw kung ganon." Agad akong umiling dahil sa sinabi niya.
"Hindi, hindi baliw si Damon. Mabait siya, yung host ng katawan at isang alter ang may problema." Sabi ko. Umiling siya.
"Muntik ka na niyang saktan Erelah."
"Pero agad na lumabas si Damon at niligtas ako." Sabi ko at agad na tumulo ang luha. " Hindi siya Baliw, walang deperensya kay Damon."
"Pero ang sabi mo yung host ng katawan... ibig sabihin--"
"Hindi si Damon ang host ng katawan na iyon." Sabi ko kaya napaawang ang labi niya. "Pinaliwanag sa akin nila Gazer at Havacco na isang Alter si Damon, isang mabait na alter kahit na ang pakikitungo niya sa iba ay malamig." Sabi ko. Nakita kong naging blangko ang emosyon sa mga mata ng taong katabi ko ngayon, napalunok ako saka napapikit.
"Pakiusap, tulongan mo ako. Tulongan mo ang kaibigan ko." Sabi ko. Huminga siya ng malalim saka pumikit.
"This Damon guy.... is he special to you?" Tanong niya saka muling minulat ang mga mata niya at tumingin sa akin, tumango tango ako bilang sagot. Nakita ko ang mapait niyang pag ngiti.
"Okay." Sabi niya saka tumayo kaya naman sinundan ko siya ng tingin. "I want to meet him." Sabi niya habang nakatingin sa akin. Ngumiti ako saka tumayo at niyakap siya.
"Salamat." Bulong ko habang yakap siya. "Salamat Draco." paguulit ko.
"This is the last time that i will help you." Malamig niyang sabi kaya naman napakalas ako sa pagkakayakap sa kanya saka tumingin sa kanya. Seryoso ang kanyang awra habang nakatingin sa akin, tumango tango ako habang nakatingin sa mga mata niya.
"I need to go." Sabi niya saka tumalikod sa akin, napayuko ako at huminga ng malalim, muli akong nag angat ng tingin ng may maalala ako.
"Sya nga pala, Draco." Tawag ko, tumigil siya sa paglalakad pero nanatili siyang nakatalikod mula sa akin.
"Nahanap mo na ba ang kapatid mo?" Tanong ko, lumingon siya sa akin saka umiling dahilan para matigilan ako.
"Susubukan kong hanapin siya pag natapos na kitang tulungan." Sabi niya saka muling nag lakad papalayo sa akin, pinag masdan ko na lamang siya na maglakad palayo sa akin, nakahinga ako ng maluwag at napangiti.
May lawyer ka na Damon, pangako, ilalabas kita sa kulongan at gagaling ka.