Chapter 27 Mental

Nakangiti akong pumasok sa mental kung saan naruruon si Damon, dumaan muna ako sa isang fast food upang bumili ng makakain namin, excited ako na sabihin sa kanya na may nahanap na akong makakatulong sa amin.

"Kay Damon Hussein." Sabi ko sa nurse station, tinignan niya listahan at saka tumingin sa akin.

"Kaano ano ka po niya?" Tanong nito, napa-awang ang labi ko habang nakatingin sa kanya.

"Kai--"

"Girlfriend niya." Napalingon ako sa biglang nagsalita sa gilid ko, nakita ko ang seryosong awra ni Gazer habang nakatingin sa nurse, tumango ito saka may binigay na tag sa amin bago kami pinapasok.

Nakangiti akong lumingon kay Gazer na hanggang ngayon ay seryoso parin ang awra.

"Sana sinabi mo nalang na kaibigan ako ni Damon." Sabi ko, hindi siya sumagot kaya medyo kinabahan ako dahil seryoso talaga ang awra ni Gazer.

"B-bakit nga pala ang seryoso mo?"Tanong ko sa kanya, bigla siyang tumigil sa paglalakad kaya tumigil din ako, tumingin siya sa akin saka huminga ng malalim.

"Erelah.."Banggit niya sa pangalan ko, may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya masabi kaya naman ngumiti ako sa kanya.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko, tumingin siya sa mga mata ko at kita ko roon ang lungkot na nararamdaman niya.

"K-kausapin mo si Damon." Sabi niya kaya kumunot ang nuo ko.

"Para saan?" Tanong ko, huminga siya ng malalim.

"Ayaw niyang.... ayaw niyang kumuha ng abogado na makakatulong sa kanya para makalabas siya at mapawalang sala siya." Sabi niya kaya napaawang ang labi ko.

"A-Ano?"Tanong ko.

"G-Gusto niyang... gusto niyang mapatawan siya ng death penalty." Sabi niya dahilan para manghina ako, napatulala ako dahil sa sinabi ni Gazer sa akin. Agad na humigpit ang hawak ko sa dala dalang pagkain.

"Y-yun nalang daw ang nakikita niyang paraan para hindi na siya makapanakit." Sabi niya, nanalatay ang katahimikan sa aming dalawa, nag simulang humakbang ang paa ko habang lutang ang isip ko at inaalala ang sinabi ni Gazer.

Gusto niyang mapatawan ng Death penalty? sira na ba ang ulo niya? bakit gusto niyang mapatawan ng death penalty? hindi yun ang sagot sa lahat, maaari pa naming mapagaling ang sakit niya, maari pa naming ilaban ang kaso.

Hindi ako papayag na mapatawan siya ng death penalty, nangako siya sa akin na lalabas siya, dapat tuparin niya yon.

Huminto ang mga paa ko sa tapat ng kwarto kung saan naka kulong si Damon, mula dito sa kinatatayuan ko ay nakita ko kung ano ang ginagawa niya, nakaupo lamang siya sa lapag habang may naka kabit na posas sa kanyang mga paa. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mukha habang nakatingin sa kawalan. Agad na tumulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

"D-Damon.."Mahinang bigkas ko sa kanyang pangalan habang nakatingin sa kanya.

"Alam kong makikinig siya sayo Erelah." Naramdaman ko ang presensya ni Gazer sa tabi ko, pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata saka pinakalma ang aking sarili.

"Para na naming kapatid si Damon, ayaw namin na mawala siya." Sabi ni Gazer kaya lumingon ako sa kanya, nakatingin siya kay Damon habang sinasabi ang mga salitang iyon kaya naman ngumiti ako at tumango tango.

Mula sa likod ni Gazer sumulpot ang ilang nurse at polis, binuksan nila ang pinto ng kwarto ni Damon habang ang isang nurse naman ay sinabing mag hintay nalang kami sa visitor's area, nag tungo kami doon ni Gazer at tahimik na hinintay si Damon, ilang minuto pa ay nasilayan ko na si Damon na may mga kasamang polis. Agad na nanikip ang dibdib ko dahil sa naisip ko na walang kalayaan si Damon ngayon, lahat kailangan may kasama siya sa bawat pag kilos niya.

Ngumiti ako sa kanya ng mag tama ang paningin naming dalawa, hindi kagaya kanina na mababakas sa kanya ang lungkot, ngayon ay wala na naman siyang emosyon pero makikita mo sa kanyang mga mata ang lungkot. Umupo sya sa harap namin ni Gazer.

"Hi, may good news ako sayo." Sabi ko habang inaayos ang pagkain na binili ko para sa amin, tumingin ako sa kanya saka ngumiti, nakita ko na pinagmamasdan niya ako sa aking mga ginagawa.

"May nahanap na akong tao na makakatulong sayo." Sabi ko, hindi siya sumagot kaya ngumiti ulit ako.

"May kilala siya na psychiatrist na lawyer, sabi niya family lawyer nila yun at nag offer siya ng help." Nakangiting sabi ko saka tumingin sa kanya.

"Yung pangako mo, pinanghahawakan ko yun." Sabi ko kaya biglang napaawang ang kanyang labi, ngumiti ako sa kanya saka hinawakan ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "Hihintayin kong makalabas ka." Sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya, bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya.

"Siguro bukas naririto sya para dalawin ka at kasama niya ang makakatulong sayo." Sabi ko saka binitawan ang kamay niya, nakangiti kong inihain sa harap niya ang pagkain saka tumingin sa kanya.

"Kumain ka na, dinala ko ito kase sigurado ako na pangit ang lasa ng mga pagkain na nandito." Sabi ko, nakatitig lamang siya sa akin kaya tumingin din ako sa kanya. Tahimik lamang si Gazer na nasa tabi ko, tumingin ako kay Gazer na nakayuko.

"Oi, bakit ang tahimik niyo?"Tanong ko kaya napaangat ng tingin si Gazer sa akin saka ngumiti.

"Wala, may naisip lang ako." Sabi ni Gazer saka tumingin kay Damon.

"Mabuti naman may nahanap ka na makakatulong sa kanya." Sabi ni Gazer habang nakatingin kay Damon, ngumiti ako saka tumango tango.

"Oum, kinapalan ko ang mukha ko para kausapin siya." Biro ko, natawa ng malumanay si Gazer, alam kong peke ang tawa na iyon pero hindi ko na lamang pinansin.

"Ikaw Damon, kamusta ka dito?"Tanong ko, huminga siya ng malalim saka ginalaw ang pagkain na nasa harap niya.

"Masaya dito." Sabi niya kaya natigilan ako, nakangiti siya habang sinasabi yun at nakatingin sa pagkain na nasa harap niya.

"Anong ibig mong sabihin na masaya dito?" Tanong ko, binitawan niya ang hawak niyang kubyertos saka tumingin sa mga mata ko.

"Mapayapa dito Erelah." Sabi niya kaya natawa ako at umiling.

"Hindi Damon, wala kang kalayaam dito." Sabi ko.

"At least hindi ako nakakapanakit." Natigilan ako sa sinabi niya. Tinitigan ko lamang siya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya, naiinis ako dahil sa mga sinabi niya.

"Anong ibig mo sabihin?" Tanong ko, nanatili siyang nakatingin sa akin na para bang pinag aaralan ang emosyon ko.

Ngumiti siya saka umiling. "Wala, kailan ko nga ulit makikilala ang tutulong sa akin?"Tanong niya, saka muling hinawakan ang kubyertos na nasa harap niya.

"Bukas." Sagot ko, tumango tango sya saka sinimulang kainin ang pagkain na nasa harapan niya.

Ngayon ay tahimik naming pinapanuod ni Gazer si Damon na kumakain, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon habang pinapanuod ko siya, nasasaktan ako sapagkat alam ko na ganito ang sitwasyon ni Damon, nasasaktan ako dahil alam ko na wala siyang kalayaan sa lugar na ito, pero mas nasasaktan ako dahil nararamdaman ko na ayaw niyang umalis sa lugar na ito.

Para sa kanya payapa ang lugar na ito, hindi siya nakakapanakit sa lugar na ito, pero para sa akin kulongan ang lugar na ito.

"Tutuparin mo naman ang pangako mo hindi ba?" Biglang tanong ko kaya naramdaman ko ang titig sa akin ni Gazer, napaangat ng tingin si Damon sa akin saka tinignan ako sa aking mga mata, wala na namang mababakas na emosyon sa kanyang mata at mukha.

"Oo." Sagot niya pero alam ko na hindi iyon ang tunay niyang sagot.

Damon, talaga bang desidido ka na mapayapa dito?