Chapter 25 Case

Damon POV

Nawala ang ngiti sa aking labi ng makalabas sa kwartong ito si Erelah, tinignan ko ng pagkalamig lamig ang babaeng nag pakilala bilang abogado ko.

"Mr. Hussein, can you please tell me what happened." Sabi nito at umupo sa harap ko kung saan nakaupo kanina si Erelah, tinitigan ko lang siya saka huminga ng malalim.

"Narito ka ba para palayain ako?" Tanong ko, nakita ko ang pagkunot ng nuo niya.

"Yes of course, what do you expect me to do?" Tanong niya.

"I expect you to get out of this room because i don't need a goddamn lawyer." Deretsang sabi ko kaya napaawang ang labi niya.

"Pardon?" Kunot nuong tanong niya. Tinitigan ko lang siya saka sumandal sa upuan ko. "Your friend paid me to handle your case."Offend niyang sabi.

"Then return the money and leave the fuck out of me." Malamig kong sabi saka tumingin sa mata niya. "As i said, i don't need a lawyer." Malamig kong sabi. Huminga siya ng malalim at halatang pinipigilan ang sarili niya na mainis dahil sa mga sinabi ko.

"Sorry but your friend paid me double because he knows na ganito ang kakalabasan."Seryoso niyang sabi kaya napairap ako.

"Base on what I've heard from the officers out side, you try to murder someone in public and cause public violation and chaos, also--"

"Gusto kong makulong kaya kung pwede ba?"Putol ko sa sasabihin niya, tumingin lang siya sa akin saka huminga ng malalim.

"Committing homicide had the penalty of life imprisonment or death penalty since the death penalty is already legal to our country. Committing public violation had the penalty of 6 months to 2 years imprisonment. But--"

"Then good, I'll choose death penalty." Putol ko, umirap lang siya saka nag patuloy sa pag sasalita.

"But since you have mental condition which is the Multiple personality disorder we can win the case and acquit you against the cases that are pending with you today." Pag papatuloy niya, pumikit lang ako habang siya naman ay patuloy lang sa pagsasalita.

"Your friend told me that the host in your body is a psycho while you is different from the one alter named Achaz and the Host named Chai. We can win the case if you we're normally act like you are the host of the body, we can hire a psychiatrist to monitor your other alter and also your host--"

"I want to hire a psychiatrist para gumaling ako, para mawala ang pagiging baliw ni Chai hindi para imonitor ang kilos nila Chai at Achaz." Malamig kong sabi saka tumingin ng pagkalamig lamig sa kanya.

"I'm just doing my job here as your lawyer Mr. Hussein. Don't make it difficult for the both of us." Malamig niyang sabi kaya napailing nalang ako.

"Pwede ka ng lumabas sa kwarto na ito at pabalikin si Erelah dito." Sabi ko.

"You really a pain in ass huh, I'm a professional lawyer, I've been working as a private lawyer for almost five years and--"

"And I don't care Ms. Professional lawyer." dagdag ko saka huminga ng malalim. Tinuro ko ang pinto habang nakatingin ng seryoso sa kanyang mga mata. "Pakisabi sa kaibigan ko, kung gusto niya akong makalaya then psychiatrist lawyer ang kailangan ko hindi professional private lawyer na kita ang cleavage at trying hard kung makapag english."Sabi ko dahilan para gumuhit sa mukha niya ang inis at pagka offend sa sinabi ko.

Umarko ang kilay niya saka tumayo.

"Ano pa nga bang maasahan ko sa baliw na gaya mo?" Iritang sabi niya saka kinuha ang gamit niya at padabog na nag lakad palabas ng pinto, sinundan ko lamang siya ng tingin saka napairap at pinikit ang mga mata.

Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman kong nagbukas ulit ang pinto ng investigating room kaya naman binuksan ko ang mga mata ko saka tumingin sa gawi ng pinto. Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita kong nakasilip si Erelah doon.

"A-ano s-sinilip lang kita kase nakita kong l-lumabas yung lawyer mo." Kabadong sabi niya kaya mas lalo akong natawa.

"Samahan mo ako dito." Sabi ko kaya nagulat siya dahilan para mas lalo akong natawa.

"S-samahan?"Tanong niya, tumango tango ako bilang sagot kaya naman dahan dahan siyang pumasok sa pinto saka umupo sa harap ko.

"A-ano c-curious lang ako, bakit umalis yung lawyer mo? halatang galit din siya." Sabi niya kaya natawa ako.

"Professional private lawyer kase siya kaya ganon." Sabi ko, kumunot ang nuo niya kaya mas lalo akong natawa.

"Oh eh ano naman kung professional private lawyer siya?" Tanong niya.

"Ewan, pinagmalaki niya eh." Sabi ko dahilan para matawa siya.

"Talaga? baliw ata siya eh."Iiling iling na sabi niya.

"Hmm, ako yung sinabihan niya na baliw." Sabi ko kaya napatayo siya at kita ko sa mata niya ang pagkainis kaya medyo natawa ako.

"Ano? sinabihan ka niyang baliw? eh talaga naman palang siraulo siya eh." Inis niyang sabi saka pinatunog ang mga daliri niya. "Gusto mo ba awayin ko?"Tanong niya kaya natawa ako. "Pumapatol ako sa mga professional private lawyer." dagdag niya kaya mas lalo akong natawa.

"Ano ba? wag kang tumawa di ako nag papatawa, seryoso ako na aawayin ko siya. Pumapatol ako sa mga kagaya niya." Sabi niya kaya agad na nag seryoso ang mukha ko at tumingin sa kanya.

"Pumapatol din ako sa mga kagaya mo." Seryoso kong sabi kaya napatigil siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin. Ewan kung magegets niya ba ang sinabi ko o iba ang pagkakaintindi niya, agad siyang umupo sa harap ko saka yumuko.

"O-oi, joke lang naman." Takot niyang sabi kaya napailing nalang ako sa loob ko, iba nga ang pagkakaintindi niya. Natawa nalang ako saka napailing habang nakatingin sa kanya, maya maya lang ay bigla na lamang nawala ang ngiti sa labi ko ng mapagtanto ko na napapangiti na ako ng babaeng ito. Hindi dapat ako ngumingiti, bakit niya ako napapangiti?

"O-oi okay ka lang ba?"Tanong niya sa akin, tinignan ko lang siya ng pagkalamig lamig saka pumikit.

"Luh, bakit biglang nagseryoso yung awra mo?" Tanong niya, hindi ko siya sinagot sa halip ay nanatili lamang akong nakapikit.

"Anyways, gusto mo ba hanapan kita ng bagong lawyer?"Tanong nya kaya minulat ko ang mga mata ko. Ngumiti siya sa akin. "Mukhang di na ata babalik yung professional private lawyer mo, gusto mo ba hanapan kita ng psychiatrist lawyer?" Tanong niya kaya mas lalo ko siyang tinitigan.

"Sa tingin ko kase yun yung makakatulong sayo, sa tingin ko kase pagaaralan ka ng psychiatrist tungkol sa sakit mo, para pag nasa korte na, meron kang matibay na ebidensya na may Multiple Personality Disorder ka, nang sa ganon mababawasan ng kaunti ang kaso mo." Sabi niya kaya napangiti ako.

"Mr. Hussein." Sabay kaming napatingin ni Erelah sa pinto ng may tumawag sa last name ko, dalawang lalaking polis ang nakatayo ngayon doon.

"Dadalhin ka na namin sa mental."Sabi nito kaya napatingin si Erelah sa akin sabay tingin sa dalawang polis.

"Po? teka lang po ha, nagkakamali po ata kayo, bakit niyo naman po dadalhin si Damon sa mental eh hindi naman po siya baliw." Sabi ni Erelah, tumingin lang sa kanya ang dalawang polis kaya napatingin si Erelah sa akin.

"Oi Damon, mali naman ata na dadalhin ka nila sa mental, saka diba sabi ni Gazer makaka--"

"Erelah." Seryosong tawag ko sa pangalan niya, tumingin siya sa akin na may bahid na papaiyak na. Ngumiti ako sa kanya saka tumayo, nanatili ang titig niya sa akin.

"Hanapan mo ako ng abogado." Nakangiting sabi ko, kitang kita ko kung paano tumulo ang luha niya,.

"P-pero Damon--"

"Ikaw nang bahalang humanap ng sa tingin mong makakapag palaya sa akin." Nakangiti kong sabi saka tumingin sa dalawang polis.

"Damon..." Mahinang tawag ni Erelah, sumenyas ako sa dalawang polis na kunin na ako kaya naman agad silang lumapit sa akin, malamig akong nag lakad patalikod kay Erelah ng bigla siyang magsalita.

"Damon, ipangako mo sa akin na makakalabas ka sa kulungan na makakalaya ka." Napatigil ako sa sinabi niya saka napangiti. "Ipangako mo saakin yan Damon." hindi ako sumagot sa halip ay lumingon ako sa kanya saka ngumiti. Isang ngiti na totoo at kahit kanino ay hindi ko pa pinapakita.