CHAPTER SEVENTEEN
PAGIWANG-GIWANG na ang lakad ni Reverie nang makapasok sila ng kaibigan niyang si Elfie sa isang bracelet bar sa Tel Aviv.
Kagagaling lang nila sa isang wild night bar at naisipan lang nila ang lumipat sa medyo kalmanteng lugar.
She didn't get enough for that night yet and the fact that someone almost ruin her night really pisses her off. She still wants more fun, more vibrancy of the Israel's night, make more bar scene in Tel Aviv while pretty enjoying her unlimited shot of Campari.
Effortlessly, she caught people's attentions inside the bracelet bar, especially men's attentions. A very usual scene for her. Isa lang naman ang nasa likod ng mga malalagkit na tingin na iyon mula sa sinu-sinong lalaki. Only sex.
Suwabeng ngisi lamang ang itinutugon ni Reverie sa mga matang nakasubaybay sa kanya hanggang sa makahanap sila ng bakanteng bar stools.
"You're such a bad girl back there, Reeve. Pinagmukha mo na namang kawawa iyong boylet na biktima ng kamandag mo." Natatawang sabi ni Elfie na umupo sa kaliwang side ni Reverie. "Type ko pa naman iyon, iyon pala taken na ang hayupbeast na iyon. Tch."
Si Elfie na ang palaging kasama ni Reverie tulad din noong nasa France pa siya.
It's been years already. Naka-graduate na siya't lahat pero aminado siya na wala pa rin siyang balak na ituwid ang buhay niya. Hirap man siyang aminin sa lahat pero malaki talaga ang kinalaman ng nakaraan niya kaya hindi pa rin niya magawang ayusin ang sariling buhay.
Ilang taon na nga ba ang nagdaan pero malaki pa rin ang epekto sa kanya ng mga nangyari noon?
Especially that very day when...
Damn it! Now not, self. Not now. Not ever. God! Agarang awat niya sa sariling takbo ng isipan.
Reverie just made a whatever shrug and smiled triumphantly. "Well, that boylet deserved that. Does he thinks that I'll also fall for his stupid charm just because he's a dramatic actor in God knows where? Duh! Stupid of him if he thought he could have me and he'll find a way to get on my pants. Damn him to hell!"
Kaya nila nilisan ang pinanggalingan nilang night bar ay dahil sa ginawa ni Reverie sa isang nagpakilalang isang local actor sa bansang Israel.
The said actor doubtlessly a good subject of her to play with ngunit nawalan ng gana si Reverie na makipaglaro sa lalaki nang malaman niyang may girlfriend na pala ito.
At kung hindi pa siya alisto't palaban ay baka nagmukha na siyang diyosang naligaw sa kung saang kaharian dahil sa pagsugod ng girlfriend ng actor na kasama niya.
"Kawawang boylet, girl. Pinahiya mo pa kasi sa harap ng madla e. Puwede namang exiting na tayo right away after mong masampal ang jowa ni boylet." Tila walang katuturan para kay Reverie ang suhestiyon ni Elfie.
"That's what he gets for being so unfaithful to his girlfriend. Ako pa talaga ang pinunterya niya, e allergy ako sa mga manloloko at paasa. And you know what, Elf. I feel sorry for that girlieling, I'm sure na iba-bash iyon ng mga fans ng boylet na iyon." Tumatawang sabi ni Reverie atsaka binalingan ang isang bartender.
Kaagad na nabura ang ngiti sa labi ni Reverie nang maaninagan ang taglay na feature ng bartender.
"Two Campari here." Order niya sa pinataray na tinig.
Hindi napansin ng kasama niyang si Elfie ang pagbabago ng mood niya dahil ang bakla ay inulan na ng malalagkit na titig ang barista.
"Italian blooded?"
Tila umusok ang ilong ni Reverie nang marinig niya ang tanong ni Elfie sa bartender.
Asking about what is fvcking obvious. Really, Elf? She mentally mocked.
"Full blooded, Sir." Pinagalang namang tugon ng bartender na lalong nagpaalab sa kakatwang inis na bumangon sa kaloob-looban ni Reverie. "And I'm glad that you pretty like Campari which is an Italian alcohol..."
Lalo pang nasira ang mood ni Reverie nang makipagpalitan ng salita si Elfie gamit ang salitang Italian sa bartender.
At ano raw? Italian drink? Putakti! E favorite ko pa naman iyon. This is really insane.
Naisipan na lamang ni Reverie na pumunta ng washroom. Para kasing sasabog ang eardrum niya kapag nakakarinig siya ng Italian.
Nagbabad muna sa loob ng isang cubicle si Reverie upang kahit papaano ay mabawasan ang pagkahilo niya. Lasing na siya pero kaya pa naman niyang ilagay sa katuwiran ang sarili.
Natukso si Reverie na panandaliang ipikit ang mga mata ngunit naudlot iyon dahil sa tilian ng dalawang babae sa labas ng cubicle na kanyang kinaroroonan.
Napairap siya sa inis. Lumabas na siya ng cubicle at akmang sisinghalan ang dalawang istorbong babae nang tila huminto ang mundo niya nang dahil sa pangalang tinitilian ng dalawang babae.
The two women were obviously a foreign nationals.
"What a relief! I thought that bitchy Katharina is Zurick's girlfriend. I'm so happy that my hard-loves denied it to the public. I don't like that Katharina woman for Zurick."
"Still, Katharina was one hell of a lucky bitch because she had the chance to be with him in one bed. How I wish I'll get the same chance as well." The second girl said dreamingly.
Naputol ang pananaginip ng gising ng dalawang kababaehan nang matalim na tumikhim si Reverie. The women faces turned stoic as they stared at her.
Si Reverie nama'y halatang dinapuan ng malaking curiosity. "Who's Katharina? And who is Z-zurick? Uh, you know. Out of curiosity."
Katharina? The Roman Demon latest prospect. Ang tatag!
"A s—supermodel. I mean..." Parang na-tensed pa ang isa habang binibigyan ng sagot si Reverie. Recognition flashed in their faces. Halatang kilala nila si Reverie at may ideya ang mga ito na hindi siya mabait.
Sa ilang linggo kasing pamamalagi ni Reverie sa Tel Aviv ay halos gabi-gabi na siyang laman ng mga nakahilerang bar doon. Siguro ay nakilala na siya ng ilang regular partygoers doon dahil sa mga hindi birong lalaki na nali-link sa kanya.
"Katharina is a supermodel from Asia. Natively from Thailand and Zurick was the famous drummer of SoulDragon before. I'm not sure if... if you know that international rockband before." Iyong isang babaeng may burgundy na buhok ang nagpatuloy.
Nagkibit na lamang ng balikat si Reverie at nagkunwaring clueless tungkol sa tinutukoy ng babae.
"So the two folks just ate each other out and now that worthless man just dumped the supermodel, am I correct?"
Wala sa loob na tumango ang dalawa.
"Well, STD all the way!"
SoulDragon's drummer? Of course kilalang-kilala niya ang magaling na lalaking iyon! Ang napakagaling na lalaking iyon na siyang nag-iwan lang naman sa kanya sa ere pagkatapos siya nitong paibigin ng lubos... Noon. Ang magaling na lalaki na nang-iwan sa kanya at ngayon ay kung sinu-sinong babae na lamang ang tinitira sa kama.
Well, the dirty news always spreading all over the social media. Wala na talagang kahihiyan sa katawan ang hinayupak, ngitngit ng kalooban ni Reverie.
Halos kada-linggo kasi kung lumabas ang kaliwa't kanang tsismis tungkol sa mga babaeng nakaka-fling ni Zurick sa social media. Minsan nga ay may lumabas pang sex scandal nito na hindi na ikinagulat pa ni Reverie.
And that made her loathe Zurick more and more each day.
Walanghiya! Ang sarap-sarap ng buhay niya tapos ako, heto kunwari sarap-sarapan din pero laging umeepal ang pait kapag naalala ko siya at ang ginawa niya.
Kaya isang bagay na lang talaga ang pinakaayaw niyang mangyari, iyon ay ang magtagpo silang muli ni Zurick. Sa nagdaang mga taon ay ilang beses nang nag-krus ang kanilang mga landas ngunit sinikap niya na huwag muling pagtagpuin ang kanilang mga sarili. Baka kung ano pa ang magawa niya kay Zurick.
"DARLING, you should get home as soon as possible. You should be here."
Kinabukasan ay naging alarm clock na naman ni Reverie ang tawag mula sa kanyang Mommy Miranda. Kung tutuusin ay walang araw na hindi tumatawag sa kanya ang kanyang mga magulang. Kahit ang Kuya niyang si Trever ay palaging nakakahanap ng oras para tawagan siya at sermunan ng wagas pero wala naman siyang pinapakinggan.
"Ma, I'll just see you when you visit Abigail in the States. Ayaw ko pang umuwi riyan sa Pinas." Inaantok pa masyado si Reverie pero kailangan na niyang paganahin ang kanyang utak upang makaisip na naman ng alibi para hindi siya mapilit ng kanyang mga magulang na umuwi ng bansa.
There is no way she'll be home lalo na ngayon at alam niyang namamalagi na roon ang lalaking pinakaayaw niyang makita. Napakalaki ng mundo at hindi niya kailanman itu-torture ang sarili at pumunta sa masikip na lugar kung saan malaki ang posibilidad na makita niya si Zurick.
Napakagat-labi na lamang si Reverie nang marinig ang dissapointed na buntong-hininga ng kanyang Mommy.
"Saan nga ba talaga ako nagkamali sa pagpapalaki sa inyong magkapatid? I'm asking that question every single day of my life. Hindi naman ako naging mahigpit sa inyo. I never manipulate your lives as far as I remember. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit sakit sa ulo lamang ang isinusukli ninyo ng Kuya mo sa amin ng Daddy ninyo. Christ, my Lord! Bakit ba nagkakaganito ang mga anak ko?" Madramang litanya ng Mommy ni Reverie mula sa kabilang linya.
"Mom..."
"Lalo na iyang magaling mong kapatid, naku! Akala ba ni Trever na hindi nakakarating sa tenga ko ang pagpapalit-palit niya ng babae. Alam ko iyon lahat. Ang tanda-tanda na pero hindi pa rin lumagay sa tahimik. He should have moved on and found himself a decent girlfriend. Minsan nga ay naisip ko nang i-arrange marriage siya sa anak ng business colleague ng Daddy mo."
"Ma, no! Baka lalong magrebelde iyong si Tor kung gagawin niyo iyan. Baka hindi pa kasi dumadating ang talagang nakatadhana kay Tor. Pihikan din naman kasi ang isang iyon, hindi lang masyadong halata." Hagikhik ni Reverie. "Atsaka, Mom. Huwag mo munang apurahin si Kuya Trever baka mapatid na naman iyan sa maling babae. Just like his gold-digger ex-girlfriend Katniss. Buti na lang at hindi iyon ang nakatuluyan ni Tor. I truly hate that bitch! I don't want another woman like her for Trever."
"O siya, let's go back to our main topic. Ikaw ang mas piniproblema ko ngayon. Umuwi ka na rito sa lalong madaling panahon, Reverie." Ma-awtoridad na ngayon ang himig ng Mommy niya.
"Pero, Mom..."
"No buts this time, darling. I already gave you all the time in the world to enjoy your freedom. Now is the time for you to get back home and give yourself a decent place to live. Gusto kong ayusin mo na ang buhay mo rito. Be a woman enough, Reeve darling. Hindi na ako makakapayag na malayo ka sa amin ng Daddy mo. Ayaw kong isipin na baka dumating na lamang ang araw at malalaman namin na may asawa ka na pala at..."
"Mommy, wala. No way!" Matigas na bulalas ni Reverie nang mabanggit ang bagay na iyon.
Technically speaking, Reeve. May asawa ka pa rin kahit na ilang taon pa kayong hindi nagkikita. Paalala naman ng isang bahagi ng utak ni Reverie.
"Okay, relax there! O basta, kailangan mo nang umuwi rito. I can't see you in States anymore dahil wala nang dahilan para magbakasyon ako roon ng matagal dahil nasa Pilipinas na rin naman ang pinsan mong si Abigail."
"What?"
Bakit hindi niya alam ang tungkol doon. Ganoon na ba talaga siya kalibang sa mga pinaggagawa niya kaya hindi na niya mapagtuunan ng pansin ang mga nangyayari sa mga taong malapit sa kanya?
"You heard it right, Reeve. Dito na mamamalagi sa Manila ang pinsan mong si Abigail. And she's getting married." Excited na dekarasyon ng Mommy ni Reverie.
Dahil doon ay napanganga sa pagkabigla si Reverie.
Bakit may ganoong pasabog? Sa pagkakaalala niya ay wala namang nabanggit si Abigail tungkol sa kasal. She didn't even mention that she's into a romantic relationship with someone. Basta ang alam lang niya ay may lalaking malapit sa puso nito na nakilala nito after Clive's death. Clive was Abigail's secret boyfriend a long time ago. Nalaman lang niya ang lahat ng tungkol doon nang namatay ang kasintahan ni Abigail dahil sa cancer.
"She's getting what? Married?" This time ay napatayo na si Reverie. Hindi na niya alintana ang hangover na dulot ng pag-inom niya kagabi. "Mom, is this some kind of a joke? Abigail? Getting married? Unbelievable! I didn't even hear that she's into someone."
"No, I'm telling you the truth, Reeve that's why you need to be home. You need to be home next week dahil sa Friday na ang engagement nila. See, Abby’s already planning to settle down habang kayo ng Kuya mo ay hindi pa napapagod sa mga ginagawa ninyo. Baka si Abigail pa ang unang magbigay sa akin ng apo."
Tulala pa rin si Reverie hanggang sa naputol na ang linya.
Nagpakawala si Reverie ng mahabang hininga.
So okay. I need to go back home upang kilatising mabuti ang lalaking papakasalan ni Abigail. And I hope that Abby's fiance is not worthless just like my fcking husband who left me without a single word.
©MaribelleVerzosa