CHAPTER SIXTEEN
PAINFUL SILENCE engulfed the whole room where Zurick was. Nakapalibot sa kanya ang mga kaibigan niya na mga ka-miyembro niya sa bandang SoulDragon. Siyempre wala na naman sa eksena si Nigel at lalo siyang pinanghihinaan ng loob sa kaalamang kasama ito ngayon ni Reverie.
Ang natatanging tao na ibig niyang naroon sa tabi niya habang nakikipaglaban siya sa karamdamang dumapo sa kanya.
"Gago ka, p're! Kung alam lang namin na you're fvcking suffering from that stupid disease, sana hindi na lang namin sinunod iyong trip mong magpagulpi sa 'min. 'Tado ka talaga, Rhames." Sumbat sa kanya ni Randall.
Kasing-gulo ng buhok ni Blu ang reaksiyon nilang lahat na naroon dahil sa napag-alaman nila.
"Brainstem Glioma? Dude, hindi ba kaunti lang ang nagsusurvive sa sakit na iyan?" Halata ang pagkakabagabag sa boses ng miyembrong si Al Cris. Ito ang pinakaseryoso sa kanilang lahat.
Zurick smirked. Bakas ang panghihina sa mukha niya. Nananamlay siya at medyo kapos sa kulay ang mukha. Namumutla.
"Stop overreacting, people. I'm not dying, okay? Kaunti nga ang survival rate sa sakit na ito but I assure you na isa ako sa kaunti na iyon. Malalampasan ko ito. I won't die because I have a wife to take care of."
Ang totoo ay tatlong buwan na ang nakakaraan buhat noong malaman ni Zurick ang kondisyon niya. He is diagnosed with Brainstem Glioma. Ito ang totoong dahilan kung bakit hinikayat niya ang mga ka-banda niya na i-disband ang SoulDragon sa gitna nang pamamayagpag ng kanilang kasikatan.
And he doesn't want to gain the sympathy of everyone that was why he decided to hide his condition. Kahit ang pamilya niya ay walang ideya sa pinagdadaanan niya.
But his friends know about his illness except for Trever de Gracia who is also fighting his own battle.
Kasama niya noon si Dozier Villarte, Eszio Favian at Tres Leventiz sa States noong ibinunyag ng kanyang doktor ang resulta ng mga tests.
And their reactions when they found it out was precisely flop. Lalo na si Dozier na binantaan pa ang buhay ng doktor dahil baka raw nagkamali lang ito. Kulang na lang ay kaladkarin siya ni Dozier sa ibang bansa upang humingi ng second opinion.
But he's here now... Unti-unti nang kino-consume ang kanyang lakas ng traydor na sakit.
"You should've told us, dude para hindi kami nagugulat ng ganito. You disbanded our group dahil sa sakit mo where in fact hindi naman kailangan. You built this band and we owe everything we have today to you. We should let this band live. You'll l—live, Rhames." Randall choked on his last sentence.
"This is really unbelievable... Unacceptable. Fvck!" Utas pa ni Blu. "Does she know?"
Naitikom ng mahigpit ni Zurick ang kanyang mga labi dahil sa tanong na iyon ni Blu.
Alam niyang si Reverie ang tinutukoy nito.
Hindi siya kumibo. Ang utak nga ang may problema sa kanya, literal. Pero pakiramdam niya ay puso ang lubhang naaapektuhan sa sitwasyon niya.
"DOES SHE KNOW?"
Ilang beses na bang narinig ni Zurick ang tanong na iyon.
Ngayon ay galing na iyon kay Eszio Favian.
Naka-check in sila sa gabing iyon sa isang hotel sa Roma kasama niya si Eszio at Dozier.
Nasa Roma ang dalawa sa matatalik niyang kaibigan upang samahan siya papunta sa Amerika. Doon niya napagpasyahan na magpagamot. Dozier chose the best neusurgeon to take care of Zurick.
"Tol, she doesn't have to. Hindi ko sinabi sa kanya. I kept on avoiding her, making her hate me. I'm scared to tell her that I'm..." Nahihirapang pag-amin niya.
Tila may bakal na sumakal sa puso ni Zurick habang inaamin niya sa kanyang sarili na siya mismo ang may gustong layuan siya ni Reverie.
Hindi siya bayani para magparaya pero ibang usapan na pagdating sa mga kaibigan niya. He's not selfish to have Reverie beside him habang si Trever ay nagdudusa sa personal nitong suliranin. Reverie’s family was also going through a hard time. Dadagdag pa ba siya?
Nandilim ang ekspresiyon ng mukha ni Eszio sa sinabi niya.
Iyon ang totoo.
Walang balak si Zurick na ipaalam kay Reverie na may sakit siya. Lahat ng tawag nito ay sinikap niyang ignorahin.
"Ang gago mo! Paano si Reeve? She'll fvcking hate you for this. I told you not to decide for her. Let her choose, de Souza." Naiiling na giit ni Eszio.
"Choose? Walang choices dito, Favian. She can't be with me. Mas kailangan siya ngayon ni de Gracia. Her family needs her, too. Kilala natin ang gagong iyon at alam natin na isa si Reverie sa taong magpapatino sa kanya. Trever needs her at ayaw kong guluhin ang isip ni Reverie dahil lang sa sakit ko lalo pa't nag-aaral din siya. She has her own life, a heatlhy one before me. And Trever almost lost everything he has, alam nating lahat iyon. His goddamn girlfriend and his baby were lost. Si Reeve lang ang maaaring dumamay sa kanya ngayon while I have you and Doz. Since Trever doesn't want us."
He sighed.
Tumingin siya sa kawalan at hinayaang gumapang ang hapdi sa buong sistema niya.
Aaminin niyang masakit sa kanya ang desisyon niyang ito pero iyon ang nararapat. Hindi man tama pero iyon ang mas makabubuti.
He's just looking at the brighter side of the world. The thinnest chance that he'll have her in the future. Lilisanin man niya ang kasalukuyan na mayroon sila ni Reverie pero titiyakin niyang he'll get her back sa darating na kapalaran. Pangako niya iyon sa sarili.
Naudlot ang masinsinang usapan nila ni Eszio nang dumating si Dozier. Asusual, his face is poker. Seryosung-seryoso na animo'y nasa isang Presidential debate.
"Plane is ready. Shall we?" Deklara nito.
Sa gabing iyon ay nakatakda silang lumipad papuntang Amerika.
Ang bigat ng katawan ni Zurick habang nasa biyahe siya papunta sa airport kung nasaan ang private plane na magdadala sa kanila sa Amerika. Pakiramdam niya ay may tone-toneladang buhangin ang nakadagan sa kanya.
Nababalisa rin siya at alam na alam niya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Pakiramdam niya ay unti-unting naiiwan ang kaluluwa't puso niya sa lilisanin niyang lugar.
Nang malapit na sila sa airport ay doon lang niya naisipang i-on ang kanyang telepono para lamang masaksihan ang bumabahang text messages mula kay Reverie.
From: Mi Dolce Signora
May pagkakamali ako. Alam ko at kilala mo ako, Rhames. I have billions way to make it up to you. Babawi ako kung bibigyan mo lang sana ako ng pagkakataon. Please show up.
From: Mi Dolce Signora
Dalawang gabi na akong walang tulog kakaisip sa huling sinabi mo sa akin. Hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ko? I'm hurting so bad. :(
From: Mi Dolce Signora
You're avoiding me. No calls, no anything from you. Ganun-ganun na lang ba tayo? You're unreachable all of a sudden. I want to reach you but I don't know where to find you. I'm wondering kung nakakangiti ka pa habang sinasaktan mo ako ng ganito.
From: Mi Dolce Signora
Nakakatawa lang isipin na hinahanap kita, e hindi ka naman nawawala. What should I gonna do to have you back? Tell me, Rhames. Wala ka kasing alam kung gaano kita kailangan.
From: Mi Dolce Signora
Maybe you already realize na hindi naman pala ako ganoon ka-importante sa buhay mo. Pang-past time lang ang tipo ko. Sino ba naman ako? But I'll let you know that I'm truly hurting right now. Mas matatanggap ko pa kung harap-harapan mo akong itinaboy.
From: Mi Dolce Signora
Kahit isang mahigpit na yakap lang sana bago mo ako talikuran ay sapat na sapat na, Rhames. Isang yakap lang kahit hindi ka na mag-sorry. Pero madamot ka. :(
From: Mi Dolce Signora
Still no sleep. Palimos ng isang yakap kahit walang explanation. Please be generous to me even for the last time, Rhames. See me. You know where to find me.
"STOP THE CAR!"
Walang babalang sigaw ni Zurick. Mabilis namang inapakan ni Dozier ang brake pedal dahilan upang huminto ang sasakyang minamaneho nito.
"What the fvck, dude?" Dozier hissed. Tinapunan niya ng matalim na tingin si Zurick na nasa tabing upuan niya.
Mahigpit ang hawak nito sa cellphone na nasa kamay nito. Blankong nakatingin sa labas hanggang sa...
"Mauna na kayo sa airport. Susunod na lang ako. M-may aayusin lang ako." May yayakapin lang ako.
Ngumiwi lang si Dozier habang si Eszio naman ay sumipol mula sa backseat.
"Arti pa, hindi rin naman pala makatiis. Psh." Ismid ni Eszio.
Aktong pababa na siya ng sasakyan nang magsalita ulit si Dozier. "Be there within twenty minutes, alright?"
Nag-smirk lang si Zurick at tumango kapagkuwan.
"No sex, dude. Hindi na kakayanin ng resistensiya mo." Pahabol na tudyo ni Eszio bago siya makalayo at naghanap ng cab.
Wasting no time ay bumaba kaagad siya sa taxi pagkatapat nito sa isang townhouse.
It's the townhouse where Reverie brought him that time when she abducted him.
Hindi niya mapigilang ngumiti nang bumuhos ang mga alaalang iyon sa isipan niya.
The messy beginning when their messy hearts collided and found their cure in each other's arms.
The door was open and the place was a total mess. Nakakalat ang ilang basyo ng alak at junkfoods. May isang box din doon ng Italian pizza na hindi masyadong ginalaw.
And Zurick's heartbeat immediately stopped when his eyes finally landed at the woman sitting on a single couch.
Nakalaylay ang ulo nito at isang kamay. Halatang pagod... o hindi naman kaya ay lasing.
Bumalik ang huwisyo ni Zurick dahil sa hapding tumulay sa dibdib niya habang nakatunghay siya sa bulto ni Reverie.
Dahan-dahan ay nilapitan niya ito. Only to confirmed that she's really drunk. Too drain.
Nasasaktan ng labis si Zurick habang pinagmamasdan si Reverie. Nag-squat siya sa harapan ng asawa.
No more dramas and he gently touched Reverie's lips using his and kiss her wholeheartedly.
Dahil sa halik niya ay bahagyang kumilos si Reverie. She stirred a little. Nag-half open ang mga mata pero pumikit din ulit. And he kissed her once more. Kapagkuwan ay yinakap niya ito sa kabila ng hindi akma nilang posisyon. Ang bigat-bigat ng dibdib niya. Parang may gustong sumabog doon.
"Isang mahigpit na yakap na lang muna sa ngayon. But always keep this in your stubborn mind that I love you so much, Reeve. I love you. Ti amo."
"Y—you're only a dream now, Rhames. Dream..." Mahinang bumulong si Reverie.
Paalis na no'n si Zurick nang magsalita si Reverie. Napapikit siya nang mariin.
"Only a dream now. Madaya ka kasi. Umasa ako na habambuhay ka nang magiging totoo." Nahaluan ng hikbi ang mahinang boses na iyon ni Reverie.
Nananaginip ito.
Zurick closed his lips tightly. Nagpaubaya siya na kainin ang lakas niya ng matinding sakit sa puso.
"Ikaw ang hiniling ko sa Diyos. Ikaw na sana pero bakit ganoon ka? Bakit ipinaparamdam mo sa akin na nagkamali ako? Mali tayo? Mali na naman ako." Hindi na siya makahinga nang umiyak na si Reverie.
She's still asleep but she kept on chanting and crying.
He's so stupid for hurting her this way. Duwag siyang maghanap ng ibang paraan maliban sa napili niyang paraan. Puwede sanang hindi sila umabot sa ganito pero oras ang kalaban niya. Litung-lito na ang isipan niya. And he can't stress his brain kung ayaw niyang habambuhay na siyang maglaho sa mundo.
"I'll win in this battle, dolce signora. I'm gonna win this... only for you. Babalik ako saiyo oras na malampasan ko 'to."
Lalong napapikit si Zurick. Tila naging tuyot ang kanyang lalamunan at sandali pa ay may mainit na likido ang bumaybay sa pisngi niya.
Napamura siya at mabilis na nilisan ang lugar at tuluyan na rin niyang iniwan ang babaeng tanging naiwang liwanag sa dumidilim niyang mundo.
"AYOKO NA! Tangina! Bakit ba ako pinapahirapan ng ganito? Bakit ako pa?"
Mga salitang gustong isigaw ni Zurick at isumbat sa panginoon. Pero wala naman siyang sapat na lakas para ihayag sa mundo ang kanyang hinanakit. Lalo na’t sino siya para kwestyunin ang nasa Itaas?
Sa araw na iyon ay nakatakda siyang isailalim sa ikalawang session ng kanyang chemotherapy. Bago ang procedure ay hiniling muna niya kay Dozier at Eszio na iwan siyang mag-isa.
He can't even manage to take care of himself dahil nga umabot na sa high-grade ang tumor sa utak niya. But he keeps on fighting. Not for himself, not for his life but for the woman who's gonna be his brand new life after this sacrifices.
Gusto niyang lakarin ang hardin na abot-tanaw niya pero hanggang tingin na lamang siya.
At kapag ganoong nawawalan na naman siya ng pag-asa at pinanghihinaan ng loob ay tinitignan na lamang niya ang kanyang telepono kung saan naroon ang mga litrato nila ni Reverie.
He sighed audibly.
Habang abala siyang pinagmamasdan ang mga litrato ay narinig niya ang isang umiiyak na babae. Nasa malapit na concrete bench ito.
Nakatakip ang dalawang kamay sa bibig upang supilin ang mabibigat nitong hikbi. She's crying painfully.
Kaagad namang nag-iwas ng tingin si Zurick. Hindi niya maatim na panoorin ang babaeng umiiyak dahil nasasaktan siya dahil bigla ay naiisip niya si Reverie na nasa ganoong sitwasyon.
And he won't let it happen. Hindi niya kailanman mapapaiyak ng ganoon katindi si Reverie.
"Hey," wala sa sariling tawag niya sa atensiyon ng babae dahil naiirita na siya sa iyak nito.
Taranta namang nagpahid ng luha ang babae nang mapagtantong naroon siya. Nagulat pa ito nang makita siya. Kapagkuwan ay humagulhol na naman.
"Fvck! What's going on, Miss?" Usisa niya.
Bakas sa mga mata ng babae na may malubha rin itong pinagdadaanan at curious siya kung ano iyon.
"I am sorry." Paumanhin ng babae at sinikap ayusin ang kanyang sarili. "Cancer patient ka?"
"Yeah. Obviously." Supladong sagot naman ni Zurick.
"Like... H-him." Anito. Basag na basag ang boses.
Napakunot-noo si Zurick. "Him?"
"My boyfriend. May medulloblastoma siya and now t-the doctors are reviving his heartbeat inside. He's d-dying and I can't see him gone. I can't."
Sandaling napipilan si Zurick. Si Reverie ang nakikita niya habang nagpapahayag ng saloobin ang babae. Sumikip ang puso niya.
Kung ganoon din ba ang kahihinatnan niya, paano na si Reverie?
No! It can't be that way. Ipinapangako niyang hindi sila aabot sa ganoon. Lalaban pa siya. Kaya pa niya.
"Get back inside!" Paasik na sabi ni Zurick.
"Huh?"
"Get back inside and make him feel that he have you until the last breath of his life. Be beside him." Aniya, bagay na biglang nagbigay lakas sa babae.
Gumayak ito at saglit pa ay ngumiti sa kanya.
"I wish I have the courage to tell the same thing to you, dolce signora."