CHAPTER EIGHTEEN

#LordsOfSavage

The Secret Wife's Temptation

ANIMO'Y nakalunok ng sariwang ampalaya si Reverie habang hinahalungkat ang mga damit na nasa kanyang maleta.

Late na siya sa dinner ng kanyang pamilya. Kung paano napunta sa simpleng dinner ang sana'y enggrandeng engagement party ng pinsan niyang si Abigail ay hindi niya rin alam.

Ang mahalaga ay makahabol siya sa dinner ngayong gabi kung hindi ay tiyak na magtatampo talaga sa kanya ang pinsan niyang si Abigail. And she won't never let it happen.

Napakahalaga ng gabing ito para sa pinsan niya. Ito raw kasi ang unang beses na ipapakilala ni Abigail ang fiance niya sa mga magulang niya. Ang mga magulang na rin kasi ni Reverie ang tumayong guardian ni Abigail buhat noong namatay ang mga magulang nito. Higit pa sa isang kapatid ang turing ni Reverie kay Abigail kaya she's wishing the best for her. Masaya siya at sa wakas ay ikakasal na ito.

Napatiim bagang si Reverie nang natagalan muna si Elfie bago sagutin ang tawag niya.

"Yes, girlieling? Problem?" Bungad ni Elfie mula sa dulong linya.

Umirap naman sa kawalan si Reverie at inis na sinirado ang maleta niya. She's still unprepared. Tiyak na siya na lamang ang hinihintay sa naturang dinner.

"Bakla ka! Bakit puro indecent clothes ang nilagay mo sa maleta ko? Takti! I can't wear these clothes in front of my family. Jesus!" Umigik si Reverie.

Kahit iyong mga luma niyang damit sa wardrobe niya ay hindi rin niya matipuhang isuot.

"Wow ka! Kasalanan ko pa ngayon? Inggratang 'to! Kung sana ay inuna mo iyong pag-iimpake noong isang araw bago ka nakipagharutan sa Khalid na iyon sana may matino kang isusuot ngayon, 'di ba?"

"Kasalanan mo! Kasalanan mo! Sasakalin kita when I see you. Bye!"

And she frustratingly ended up the line.

Muli ay hinalungkat na naman niya ang laman ng kanyang maleta at naghanap ng medyo matinong maisusuot.

Bahala na!

"MA'AM Reverie, ako na po ang magmamaneho para sa inyo." Bungad ng family driver nila Reverie sa kanya nang makababa siya.

"No, thanks, Manong. Ako nang bahala sa sarili ko. I can drive, you know." Aniya na animo'y nagmamalaki pa.

Rumihestro naman ang pagtutol sa mukha ng kanilang family driver. Maaaring may alam na ito sa malupit niyang driving skills.

"Pero, Ma'am mahigpit pong ibinilin ng Daddy ninyo na ipagmaneho ko kayo papunta sa Gradenwild Resto." The driver insisted.

"Ang kulit mo po. I'm good, Manong. I can drive for myself."

Napakamot na lamang sa batok ang driver nang lagpasan ito ni Reverie.

She chose to use the red Pininfarina Sergio na nasa kanilang garahe. Bagung-bago pa ang sasakyan at ngayon palang ay nagdadalamhati na siya sa posibleng kahihinatnan ng naturang luxury car sa kamay niya.

Makalipas ang mahigit trenta minutos ay sa wakas narating na ni Reverie ang Gardenwild Resto.

Gawa ng pagmamadali ay nagkusa na siyang i-park ang minamanehong sasakyan.

At kung minamalas ka nga naman. Nakarating nga siyang buhay sa resto pero sumabit pa siya sa pagpa-park. Tinamaan lang naman niya ang tail ng isang nakaparadang sasakyan. Hindi na rin bago sa kanya ang ganoong eksena. Palagi naman talaga siyang palpak sa magpa-park ng sasakyan.

"Boysen naman oh!" Igik niya.

Siya pa ang may ganang mainis kahit siya itong may kasalanan.

Nagmamadaling lumabas ng kanyang sasakyan si Reverie. Tatakasan na sana niya ang natamaang kotse nang may pamilyar na lalaking lumabas mula sa kotseng iyon.

"Oh damn it! My car." Pagpa-panic ng lalaki ngunit kaagad ding lumiwanag ang mukha nito nang makaharap kay Reverie.

Alanganing nginitian ni Reverie ang lalaking may-ari ng sasakyan.

It's Darius de Fontenelle, an ex-fling of hers. Tandang-tanda niya ang lalaki dahil mahigit isang linggo rin niya itong nakasama noon sa Ibiza sa bansang Spain.

"Reeve? Reverie, hey!" Tuluyan nang rumihestro ang galak sa guwapong mukha ng lalaki.

Nakahinga naman ng maluwag si Reverie. At least, mukhang walang magrereklamo sa kanya ngayon.

"Darius, hi. Nice to see you here." Bati ni Reverie sa lalaki sa pina-excite na boses.

"Unexpected but yeah, I'm so glad we've met again, babe. I almost lost all my hopes that I'll see you again but here you are. Finally."

Pinigilan ni Reverie ang sarili na ngumiwi nang lapitan siya ng lalaki at walang paalam na hinalikan ang kanyang pisngi.

Nagulat siya sa ginawa nito lalo na nang akmang hahalikan siya nito sa labi. Mabilis niya itong pinigilan at kabadong tumawa.

"W-wait, Dar. Wait. We're in public, can't you see?" Aniya na parang may pakialam sa publiko. Ang totoo ay naaasiwa siya sa inakto ng lalaki.

"You can't blame me, babe. I so damn missed you. You have no idea what I've been through when you left me in Ibiza without a word. You're such a bad girl, Reeve."

Tumitig nang diretso sa kanya si Darius. Hindi maikakaila sa mga mata nito ang malalim na nararamdaman nito para kay Reverie.

Well, isa lang naman si Darius sa mga lalaking pinaglaruan ni Reverie at ni isa sa kanila ay wala siyang balak seryosohin. Para sa kanya ay laru-laro na lamang ang lahat.

"Sorry, Darius but I don't have all the time in the world to talk about your feelings for me right now. I'm in a hurry. I'll go ahead. My family is waiting for me inside."

Humakbang na si Reverie pero tila yata walang balak si Darius na tantanan siya.

She sighed sharply. "Darius, leave me alone, okay? Huwag kang makulit." Singhal niya sa lalaki.

Pero imbes na umalis ito ay ipinulupot pa nito ang kamay sa bewang niya.

"I'll walk you in. Hindi ko pa pala nababanggit saiyo na we owned this place." Darius revealed casually.

Hindi na pumalag pa si Reverie nang alalayan siya nito papasok ng Resto.

"I thought you're not into business. That you love being a disc jockey more than anything else." Manghang sabi ni Reverie.

Obviously, Darius is also a rich kid. Wala namang issue si Reverie sa pagkakakilala niya sa lalaki. Mabait ito sa kanya, may respeto. Hindi tulad sa mga nagdaang lalaki sa kamay niya na sexually demanding.

"My point of view in life suddenly changed when you left me. Naisip ko na kaya iniwan mo ako kasi wala akong masyadong pangarap para sa sarili ko. You unknowingly changed me into a better person, Reeve."

Hindi mapigilang mapangiti ni Reverie nang magpa-baby face si Darius sa kanya. Napaka-inosenti nito.

"Reeve, over here!"

Naputol ang pag-uusap nila ni Darius nang pumailanlang sa ere ang pamilyar na boses na iyon ni Abigail.

Her eyes automatically shifted to where the voice came from. Agarang gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ni Reverie nang ma-spot-an ang kinaroroonan ng kanyang pamilya.

Abigail is still beautiful as ever.

"Ihahatid na kita sa reserved table ninyo." Alok pa ni Darius.

Useless na kung itataboy pa niya ang lalaki dahil nakita na ito ng mga magulang niya at ni Abigail. Parang laser ang mga mata ng mga ito nang dumapo ang kanilang paningin sa kamay ni Darius na nasa bewang ni Reverie. Kaya pumayag na lamang siya ihatid siya nito sa table nila nang...

"You're blocking the way, people! Give way!"

Isang lalaki ang iritadong dumaan sa kanila. Nilagpasan sila nito nang hindi man lang lumilingon.

At ganoon na lamang ang pagtigil ng mundo ni Reverie nang makilala ang boses na iyon.

Iyong natatanging boses na malabong makalimutan niya. Iyong boses na palaging naririnig niya sa kanyang panaginip hanggang ngayon. That voice is so alive all of a sudden.

So alive.

So as the owner of that voice.

Parang nakakita ng multo si Reverie habang sinusundan niya ng tingin ang malapad na likod ng lalaking nagmamay-ari ng boses na iyon.

Hindi maaari. It can't be him. I'm just hallucinating here. Damn!

"Nanlalamig ang mga kamay mo. May problema ba? Sumama ba ang pakiramdam mo?" Puna ni Darius kay Reverie na nagpabalik sa kanya sa kanyang huwisyo.

Worryingly, Darius cupped her face. "Namutla ka bigla. Tell me what's wrong, babe."

Parang nawala ang dila ni Reverie. Hindi siya makapagsalita. Hindi makagalaw.

Lalo na nang mapansin niya kung saan lumapit ang lalaki. Kung kanino ito lumapit.

Ganoon na lamang ang pamamawis niya at matinding pagkalabog ng dibdib niya nang makita niyang sinalubong ito ng pinsan niyang si Abigail. And they kissed each other affectionately. Parang unti-unti siyang nalulusaw sa kinatatayuan niya. Dinig na dinig niya ang paghuhurumentado ng puso niya dahil sa nasaksihan.

"I... I'm okay."

Tumingin siya kay Darius. Nagugulumihanan ito sa biglaang pagiging weird ng ikinikilos niya.

"Shall we? They're waiting for you, babe."

Sinikap ni Reverie na ihakbang ang kanyang mga paa. Kumaway sa kanya si Abigail habang nakayakap pa rin sa lalaki.

Pilit siyang ngumiti.

Ngunit ang ngiti niya ay mabilis na namang nabura nang sa wakas ay pumihit paharap sa kanya ang lalaking kayakap kanina ni Abigail.

Animo'y may nakakadenang bolang-bakal sa kanyang mga paa habang papalapit siya sa mga ito. Ibig niyang tumakbo palayo sa lugar na iyon.

So confirmed.

It was him. None other than him.

Zurick Rhames in flesh.

And God! He's Abby's fiance? Oh Jesus Christ! Of all men on Earth, why it could also be him? What the fvck is wrong with our fate? WTF really?

Parang nakalimutan na ni Reverie ang huminga. Hindi niya maiwaksi ang pakiramdam na parang may sumasakal sa dibdib niya. Parang may toneladang semento na nakadagan doon.

Nahigit niya ang kanyang hininga nang dumirekta sa kanya ang pamilyar na mga matang iyon.

Another series of uneasiness swirled inside her as she drew closer and closer. Parang naghihintay si Kamatayan sa kanya. Para bang nakikita niya ang hukay na paglilibingan sa kanya sa likod ng mga mata ni Zurick.

Titig na titig ito sa kanya. His face was emotionless pero bakit ganoon na lamang ang kaba na hatid ng titig nito sa kanya?

"I guess we should start this night right away." Deklara ng Mommy ni Reverie. "Darling, do you mind introducing this gentleman to us?"

Medyo nabawasan ang makapal na hamog na bumabalot sa paligid ni Reverie nang ipakilala niya sa lahat ang kasama niyang si Darius.

Darius made the scene lighter while opening a light conversation with her parents. Masasabi ni Reverie na mukhang nakuha kaagad ni Darius ang loob ng pamilya niya.

"It supposedly our engagement night tonight but Goodness, Reeve. I'm so happy you finally introduced your special someone to us." Masaya siyang niyakap ni Abigail na ikinangiwi naman niya.

Bago pa makaupo si Reverie ay doon naman naalala ni Abigail na ipakilala sa kanya ang fiance nito.

At dahil nasa isang mabigat na tagpo sila kaya wala siyang choice kundi ang magkunwaring hindi niya kilala si Zurick. Alam niyang mahihirapan siyang magkunwari pero iyon ang nararapat.

"So, Reeve, this is Zurick de Souza. My fíance." Masayang pakilala ni Abigail kay Zurick. Nakalingkis ang braso nito sa braso ni Zurick. "I'm not sure kung matatandaan mo pa ba siya after a long long time. Ka-banda siya noon ni Nigel. They're friends back there and he's Nigel's brother-in-law now. What a small world, right? Sinadya ko lang na itago muna saiyo ang tungkol sa amin dahil baka kulitin mo ako tungkol sa kanya. Plus the fact na palagi kang hindi mahagilap kaya hindi ko na talaga naikukuwento saiyo. That's why I'm so happy you decided to get back home for our wedding."

Yeah. Their wedding? How will you fucking marry my cousin if you're still married to me, asshole?

Sinikap ni Reverie na umaktong maayos sa harapan ng lahat. Sa harapan ng lalaking kailanman ay hindi niya gustong makaharap.

"Mi amore, siya iyong pinsan ko na palagi kong ikinukuwento saiyo." Bumaling si Abigail kay Zurick nang magsiupuan na ang lahat. "Of course you pretty knew her dahil kapatid siya ni Kuya Trever. You two are good friends, so I'm expecting na nababanggit na siya ni Kuya Trever saiyo noon."

Biglang na-tense ang lahat ng ugat sa katawan ni Reverie habang hinihintay ang sagot ni Zurick. Pigil na pigil ang kanyang paghinga.

Nakasubaysay si Reverie kay Zurick mula sa kanyang peripheral vision. Hindi kasi siya makatingin nang diretso sa mukha nito.

Tumikhim ito. Iyong simpleng tikhim pero matindi na ang impact sa kanya. Para na siyang malalagutan ng hininga.

"Uhm..." Simula nito na animo'y pilit na bumabiyahe sa memory lane nito. Napakamot pa ito sa makapal nitong kilay.

At para bang nabingi si Reverie nang tuluyan na itong magsalita.

"I think I don't remember her at all."