Chapter 5

SHE’S waiting to her friends while eating chocolate and rocky road flavored ice cream in their veranda. She was about to dial Nadia’s number pero hindi na pala kailangan dahil nasa harap niya na ang hinihintay niya. She smiled at them.

“Dream come true, Iesha!” Haven giggled and hugged her. Tinapik niya lang ang balikat ng kaibigan. She invited them para mapag-usapan ang engagement party nila ni Casimir. “Bakit hindi mo sinabi sa amin agad? Kung hindi ko pa napanood sa TV news, hindi ko pa malalaman.”

“I don’t expect this to happened.”

The two looked at her curiously. “What do you mean?” Nadia asked her. Ngayon lang ito nagsalita simula nang dumating sila. She looks a bit tired, siguro dahil sa trabaho.

Ayaw niya ng magpaliguy-ligoy pa. Dapat sabihin niya na sa kaibigan ang totoo dahil baka masiraan na siya ng ulo kakaisip kung ano ang dapat gawin.

“Hindi totoong mag-fiancée kami.”

“What?! What happened!?” Haven shouted. Napatakip siya sa tainga niya. Sa ganda at amo ng mukha nito, hindi bagay dito ang malakas na boses.

“God, Haven, my ears!” reklamo niya.

“I’m sorry. Nabigla lang ako, you know.”

“Ano ba talaga ang nangyari, Lavonia Iesha?”

“Nadia, you know how much I admire Dr. Alejo. He doesn’t even know me kaya imposibleng maging fiancé ko siya, right?”

“Yeah, right. That’s impossible,” sagot ng kaibigan at umiling-iling pa.

“Nakita ko sila sa gym ni Poppy. She’s flirting with him. Ayoko sa nakita ko kaya nilapitan ko sila,” maktol niya na tila naghahanap ng kakampi.

“You did what?” Haven asked in disbelief.

“Yes. Pinaalis ko si Poppy at sinabi kong fiancé ko si Casimir. What I did was great, right?” She blinked her eyes many times while asking her friends.

“Yeah, that was great,” sarkastikong sagot ni Nadia.

Sa kanilang tatlo, si Nadia ang pinaka-seryoso. ‘Yung bang hindi pabebe at peke. Siguro dahil na din sa trabaho nito kaya nasanay na din ito kumilos at mag-isip ng pinag-iisipan talaga.

Sumimangot siya. “Ano ba’ng gagawin ko? Nasisira na ang beauty ko kakaisip.”

“Pwede ka bang umatras?” tanong ulit ni Haven na mukhang nakaka-relate sa pinagdadaanan niya.

She shook her head. “Nope. He said NO as in capital letter N and O,” maarteng sagot niya. “I think he really wants me to be his wife.” Her eyes were dancing in amusement. Bakit ba kasi hindi pa umamin si Casimir na may gusto din ito sa kanya?

“Dream on, Iesha. Libre lang mangarap ng gising.” Sabay tinawanan siya.

“Napaka-supportive mong kaibigan, Haven.” Inirapan niya ito pero hindi naman siya nito pinansin. Masyado ba siyang assuming?

“I think much better kung ituloy n’yo na lang ang kasal. Malay mo in the end, maganda naman ang kalabasan, ‘di ba?” Napaisip siya saglit sa sinabi ni Nadia. “Just try it. Wala naman sigurong masama kung paminsan-minsan ay subukan mo ang isang bagay na hindi mo nakasanayan.”

“Pero hindi pa ako handa at siguradong si Casimir ay hindi rin. Siguro mas maganda pag-usapan na lang din namin ‘yung mga magiging problema if ever na matuloy ang wedding.”

Lumapit sa kanya ang dalawang kaibigan at yumakap. “We are always here whenever you need us. Ipapakulam ko si Dr. Alejo kapag sinaktan ka niya,” biro ni Haven.

“Huwag naman. Baka pumangit ang future husband ko.” Knowing na magiging Mrs. Alejo na siya makes her smile pero alam niya naman sa sarili niyang magpapakasal sila hindi dahil sa mahal nila ang isa’t isa kundi dahil sa kalokohan niya.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ni Nadia. Kaya lang mukhang wala itong balak sagutin ‘yon.

“Ayaw mong kausapin ang caller mo, Nads?”

“Si Prince lang ‘yan. Not so important.”

“What’s with you guys? Akala ko ba nakabalik na siya sa Paris? Hindi ba?”

“He decided to stay here and refused his new contract from Paris.”

Ano kaya ang mayroon sa kaibigan niya at sa mistisong ‘yon?

“We have to go, Iesha. See you in your engagement party,” paalam ni Haven at tumayo na kasabay ni Nadia.

Naiwan na naman siyang nag-iisa at nagmumuni-muni. Paano niya ba matatakasan ang ginawa niyang gulo? Huwag na lang kaya siya sumipot sa engagement party?

***

KASALUKUYAN siyang nagbabasa ng cases ng mga pasyente niya nang tumawag si Randall at inaya siya mag-bar. At dahil medyo stressful din ang trabaho nitong mga nakalipas na araw kaya pumayag na din siya.

He’s on his way to New World Club na pagmamay-ari ng isa sa mga kaibigan nila. Wala pang thirty minutes ay nakarating na siya sa lugar. The place was good. Pagpasok niya pa lang sa entrance ng club, sinalubong agad siya ng nakakabinging tugtog at amoy ng usok ng sigarilyo at alak.

He spotted Randall in the corner of the bar with two ladies in his lap in a VIP room. At dahil glass ang wall, nakita niya agad ang kaibigan.

Napailing na lang siya. Knowing Randall. Hindi na siya magtataka kung isang araw ay hahabulin ito ng babae dahil sa naanakan nito ‘yon. Lumapit siya dito at nakipag-fist bump and say ‘hello’ to the ladies, of course.

“Okay na ba kayo ng kapatid ko?”

“I guess so.”

“Alam mo, ako na ang hihingi ng paumanhin para sa nagawa ni Iesha, my little brat sister.” Napailing pa ito na para bang sanay na ito sa mga kalokohan ng bunsong kapatid.

“I can handle this. Don’t worry about her.”

“Ladies, if you excuse us. We have something to talk about that you wouldn’t like to hear.” Randall winked at the two ladies na parang ayaw pa umalis sa kandungan nito. “Later, okay?” he continued and waved his hand nang tuluyan ng umalis ang dalawang babae.

Umayos mula sa pagkakaupo si Randall nang makita na paparating na sa puwesto nila ang dalawa pang lalaki na kaibigan niya na rin.

“Hey man, heard you’re getting married,” wika ni Alaric at naupo na sa may bakanteng upuan.

“Yeah. Everyone knows, I guess.”

Hindi niya alam kung sumpa ba ang pagiging pamosong doctor dahil kahit ano’ng pilit niyang gawing pribado ang personal na buhay niya ay hindi nangyayari. Hindi siya sanay na pinagkakaguluhan, hindi tulad ng mga lalaking kaharap niya. They used to it. Randall and Alaric are a famous businessman while Prince is known for being a film director and a part time model as well, inside and outside the country.

“Perks of being a famous,” Prince hissed.

“When is the wedding?” Alaric asked and crossed his legs.

“A month from now, we’ll send the invitation. I’m pretty sure your girlfriend will be the bridesmaid,” he answered and motioned his head to Prince. “Your girlfriend, too.”

“Hey, I don’t have a girlfriend.”

He lifted his eyebrows. “I thought you and Nadia were together.”

Prince sipped another beer and spoke. “Were exclusively dating if that’s what you call it.”

“I smell something fishy here,” pangbubuyo ni Randall sa kaibigan nilang pinaka-mistiso sa kanila.

Binato ito ni Prince ng cube ice pero nailagan ‘yon ni Randall at tumawa na halatang nang-aasar. Natigil lang ang kulitan ng dalawa nang may lumapit kay Randall at sinampal ito bigla.

“Oh-oh!” sabay-sabay na sambit nila.

“What the hell, Selah!?” Randall clenched his teeth.

“I’m not Selah, you bastard!” Hinila ni Randall ang babae palayo sa kanila na halata sa mukha ang inis.

They all sighed and decided to leave the place. Prince insisted to pay the bill. Naghiwalay-hiwalay sila sa parking area dahil lahat naman sila may dalang sasakyan.

Alaric hopped in to his black BMW and waved at him habang si Prince naman ay nakasanay na sa red Porsche sports car nito at dumungaw sa bintana.

“Nice car, man.” Tukoy nito sa Hammer brand new car niya.

He babbled. “Maybe we can swap some time.”

“Great idea.” And start the engine.

They stopped when the traffic light turned red. Alaric’s black BMW was in his right side and Prince’s red sports car was in his left.

Alaric opened his window. “See you on your wedding, man.”

“Yeah, see you with Haven.” Nakabukas ang parehong bintana ng sasakyan niya.

“Hey, why don’t we race?” Prince shouted.

“You heard him?” He motioned his head to Alaric. The man nodded as an answer.

“Let’s wait for the green light,” he shouted back to Prince.

“Let’s get the party started, man!”

Nagkatinginan silang tatlo at ngumiti nang nakakaloko. Alam niyang tipsy na din ang dalawa pero kaya pa naman mag-drive ng mga ito. Bumusina si Prince as a sign. They drove away kahit hindi pa naka-go ang traffic light. Mabuti na lang at madaling araw na kaya wala masyadong sasakyan sa daan at siguradong wala ding wang-wang na hahabol sa kanila. Napapailing tuloy siya sa trip ng mga kaibigan.

Katatapos niya lang maligo pero hindi naman naalis ang pagiging tipsy niya. Mukhang tinamaan talaga siya sa nainom nila. He almost jumps to his bed nang may mag-doorbell. Kumunot ang noo niya at tinignan ang oras sa relos niya. Almost two in the morning na. Wala naman siyang inaasahang bisita ng ganitong oras. Gusto niya na talagang matulog.

Nakahiga na siya sa kama niya nang paulit-ulit na tumunog ang doorbell. He cursed. He really wants to punch the intruder! Bumangon siya at tinungo ang pinto ng condo unit niya at pagbuksan kung sino man ang pontio pilato na nang-iistorbo sa kanya ng ganitong oras. Kumunot ang noo niya nang makita ang intruder niya.

“Iesha? What are you doing here?”