Chapter 5
NAG-ISANG linya ang labi niya habang nanonood ng balita sa TV. Siya lang naman at ang ‘di umano’y runaway fiancée niya ang topic sa naturang showbiz news. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa siya sa balita.
“How come na nagkaroon ako ng fiancée bigla?” wala sa sariling tanong niya.
Samantalang isang buwan na siyang single. Nawalan siya ng panahon sa buhay pag-ibig niya dahil na rin sa trabaho niya. But not because he’s single in status, it doesn’t mean na wala na siyang babaeng kinakama. Yes, ayon lang talaga ang term na ginamit niya. Tatanggihan niya pa ba ang palay kung ito na mismo ang kusang lumalapit sa kanya?
He still remembers her pretty face at siguradong hindi siya magkakamali kung makikita niya ulit ang maputing babae na ‘yon.
“I need to find her and give her the dosage of her own medicine.”
And he needs to find who’s the person behind those photo shots. Wala naman siyang nakikitang dahilan upang gawan siya ng ganoong klaseng issue. Minsan naiisip niya na baka isa sa mga naging babae niya ang gumawa no’n.
Heaven knows na ayaw niya pa talaga mag-settle down. Masyado niya pang mahal ang trabaho niya and that will always be his priority bukod sa pamilya niya. Ang dami niyang pinagdaanan makuha lang kung ano’ng mayroon siya ngayon at hindi niya sasayangin ‘yon ng dahil lang sa isang babae.
If marrying her is the only reason para lang manatili ang posisyon niya ngayon, then so be it. Ayaw niyang may masabi ang mga tao dahil lang sa run-away fiancée na ‘yan dahil magmumukha siyang iresponsable sa paningin ng mga tao. Kung hindi niya maayos ang gusot na pinasok ng babaeng ‘yon sa tahimik na buhay niya…
Fine, he will marry her. He will marry her not because he loves her.
He will marry her because he doesn’t want to ruin his career.
Alas sais pa lang ng umaga ay pumunta na siya ng hospital. He’s a morning person.
“Good morning, Doc,” bati agad sa kanya ng mga staffs at nurses.
“Good morning,” ganting bati niya pero nanatiling walang ngiti sa labi. Sanay na sa kanya ang katrabaho niya sa pagka-suplado niya.
Pumunta muna siya sa mini-restaurant sa loob ng hospital and took his breakfast. Coffee and soft bread are enough for him.
“Paging Dr. Casimir Alejo at room 127.”
Agad siyang tumayo. He had a patient last night na inatake sa puso kaya late na siya nakauwi kagabi. Sobrang busy ng schedule niya. Hindi naman siya nagrereklamo besides sobrang saya niya sa mga achievements niya na nakuha niya.
Lahat ng pagod, puyat, at hirap no’ng nag-aaral at nagti-training pa siya bilang doctor, lahat ng ‘yon napawi dahil tinagurian na siyang isa sa pinaka-the best na doctor sa bansa. Madami din ang offer na dumadating sa kanya na gustong makuha ang serbisyo niya pero mas pinili niyang manatili sa hospital na pinagtatrabahuan niya ngayon. He even refused to work abroad kasi alam niyang kailangan siya ng mga kababayan niya dito.
***
“NO, Kuya! It’s not what you think. Don’t t-tell this to Daddy. Magagalit ‘yon,” angal niya sa kapatid.
Ang aga kasi nitong kinatok ang kwarto niya para lang pagalitan siya. Nalaman na kasi nito ang ginawa niya sa kaibigan nitong doctor.
“I will tell to them and that’s final. Nag-usap na din kami ni Harri about this. The wedding is months from now.” Pagkasabi no’n ay nilayasan na siya.
Gusto niya ng maglumpasay sa sobrang inis sa sarili. Wala din naman siyang magawa dahil siya naman ang pumasok sa gulong ito. Bilang ganti, kailangan niyang magpaka-fiancée kay Casimir at maging soon-to-be bride nito.
Knowing Casimir’s profile. Isa ito sa mga tao sa bansa na hinahangaan at hindi niya maatim na malaman ng publiko na ang ‘fiancée kuno’ nito ay iniwan ito dahil lang sa selos at iresponsable ito. Masisira ang image nito at hindi malayo na pati ang career nito ay maapektuhan dahil sa kagagahan niya.
“Ikaw kasing babae ka, masyado kang padalos-dalos! Tignan mo tuloy ang napapala mo,” pangaral niya sa sarili. “At idinamay mo pa si Casimir sa kagagahan mo.”
Kung itatanggi naman ni Casimir na hindi siya nito fiancée, for sure siya naman ang pagdidiskitahan ng tao. Sasabihin pa nilang assuming siya sa pagpapakilalang fiancée ng guwapong doctor. And besides, may lumabas na rin na litrato nila sa restaurant kung saan buhat-buhat siya nito. And this time, kita na ang mukha niya. Daig pa nila ang artista na pinagkakaguluhan sa social media.
So, feeling niya wala na siyang choice. Sobrang hopeless niya na. Brain, help me. At sumagot naman.
Ayaw mo ba no’n, Iesha? Matitikman mo na si Dr. Alejo. ‘Di ba, ‘yon naman ang gusto mo ever since na makita mo siya?
Bumuntong-hininga siya. “Brain, hindi ka nakakatulong sa problema ko!”
Sa ganitong pagkakataon, kailangan niya ng stress reliver. Shopping! Sana lang makatulong nga sa magulong utak niya ang pagsho-shopping.
“Lavonia?” Isang boses ang nagpatigil sa kanya mula sa pagkain.
Ayaw niya pa naman ng may nang-iistorbo sa kanya. Kaya lang ayaw niyang maging bastos sa intruder niya.
“Dr. Alejo? What are you doing here?”
Umupo ito sa harap niya and wiped something in her lips using his thumb. Napaigtad siya sa ginawa nito. Hindi niya inaasahan ‘yon.
“I just bought something there and I saw you.”
“Uh, okay. Kumain ka na ba?”
“Nope.” Sinenyasan nito ang waiter at um-order ng pagkain.
“Ano kasi… Pwede ba i-cancel ‘yung wedding?” Alangan siyang ngumiti.
“No!”
“But why? I’m not yet ready and besides hindi naman talaga tayo mag—”
Dali-dali nitong tinakpan ang bibig niya using his lips. Yes, he did kiss her. Her eyes widened in disbelief at bago pa siya makaimik, may mga nag-flash na ng cameras sa harap nila.
“So, Dr. Alejo, totoo nga ba ang nalalapit na kasal n’yo ni Ms. Austria?” tanong ng mga reporters.
“Dr. Alejo, kailan ang kasal n’yo?”
“Ms. Austria, how does it feel to be with the famous doctor? And soon to be Mrs. Alejo?”
Sa dami ng tanong, hindi niya na alam kung ano’ng iwas na gagawin.
“We decided na gawing private ang wedding. My future wife is not a public person. All information will keep as a private. Thank you.” Hinawakan nito ang kamay niya at sabay silang naglakad palabas ng restaurant.
“I’m sorry,” sabi niya nang nakayuko. Nahihiya kasi siya sa abalang ibinigay niya sa binata.
Nasa hood sila ng sasakyan nito habang nakatanaw sa malayo. Hindi niya alam ‘yung lugar pero maganda ang tanawin doon. May malalaking puno at bulubundukin. Dito siya dinala ni Casimir para makaiwas sa mga reporters.
“For what?”
“For giving problems to you. I’m sorry. I really meant it. Hindi ko naman talaga sinadya na sabihin na fiancée mo ‘ko. Naasar lang ako sa babaeng humawak sa ‘yo. Ako nga hindi makalapit sa ‘yo tapos siya gano’n na lang kung hawakan ka!?”
“W-what do you mean?” tila naguguluhan nitong tanong. Doon niya lang naalala ang mga sinabi niya. Pagco-confess ba ang ginawa niya?
“Ano… Uh, wala! Sabi ko ang guwapo mo, Doc. Sobrang guwapo mo sa personal.” Kinakabahan na tumawa siya at pinisil pa ang magkabilang pisngi nito.
Napangiwi ito at tinanggal ang kamay niya sa pisngi nitong namumula na. “Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo.”
“Alin doon?”
“Tss. ‘Yung hindi mo ‘ko mahawakan, something like that.”
“Huh? I didn’t say anything like that. Baka nagkakamali ka lang ng dinig.”
“Lavonia Iesha Austria,” he warned.
“Wala talaga. Promise.” Never siyang aamin dito. Ayaw niyang mapahiya.
“In a count of three. ‘Pag hindi mo sinabi, iiwan kita dito.”
Kinabahan siya. Hindi niya pa naman alam kung saan siya dinala nito.
“One.” Tumayo ito. “Two.” Naglakad ito papuntang driver’s seat. “Thr—”
“Gusto kita dati pa!” sigaw niya sa sobrang inis. Dinala-dala siya nito doon tapos iiwan lang din? Nasaan ang justice?
“What did you say?”
“Hindi ko na uulitin.” At padabog na pumasok sa loob ng sasakyan. Pumasok din ito.
He stared at her as if he is waiting for something from her.
“What!?”
“Ulitin mo ulit. I wanna hear it.”
“No way. Umuwi na tayo.”
“Kapag hindi mo inulit, hahalik—”
“Ano? Hahalikan mo ‘ko!?”
“Yes.” At dumukwang sa kanya kaya bahagya niyang inilayo ang ulo niya.
“Are you joking, right? Hindi mo naman siguro tototohanin ‘yung sinabi mo.”
“Hindi ako marunong mag-joke.” Palapit na nang palapit ang mukha nito sa mukha niya kaya naman ipinikit niya ang mga mata niya. “Sabihin mo na.”
“Ayaw… Ayoko.” Pagmamatigas niya habang nakapikit.
Mukha siyang sirang plaka dahil bumilis bigla ‘yung tibok ng puso niya. Isipin niya pa lang na hahalikan siya nito, parang hindi na siya makahinga.
“I think you want me to kiss you.”
Bigla niya itong naitulak dahil sa sinabi nito pero hindi naman ito natinag. “O-of course not.”
She bit her lower lip dahil gahibla na lang ang pagitan ng mga labi nila at ramdam niya ang mainit nitong hininga na tumatama sa mukha niya. Kaunting hangin na lang ay magdidikit na ang mga labi nila.
“Af! Af! Af!”
Sa gulat niya dahil sa tumahol na aso, napakapit siya dito dahilan para maglapat ang mga labi nila.
Dahan-dahan na gumalaw ang labi nito at ganoon din siya. Paulit-ulit nilang ginawa ‘yon. She moaned a little and he grabbed that chance to deepen the kiss. Naging mapusok ang halik nito kaya naman napakapit siya sa dibdib ni Casimir. Nalulunod siya sa halik na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam.
Nag-umpisa nang maglakbang ang kamay nito mula sa likod niya papunta sa bewang niya pataas sa dibdib. Ramdam niya ang init ng palad nito sa balat niya. He unhooked her brassier and cupped her breast with his palm.
Alam niyang hindi tama pero wala siyang magawa upang pigilan ito. Masyado na siyang nalunod sa mga halik ng binatang doctor. He kissed her neck up to her earlobe. Bahagya nitong kinagat ‘yon, making her moaned.
“S-stop kissing my earlobe. M-may kiliti ako diyan,” she whispered.
Tinaas nito ang suot niyang blouse and sucked her right breast while his other hand was roaming around her body. He pinched her peak and played with her other breast, licking it. He lowered his kiss down to her belly.
He was about to unbutton her shorts when his cellphone suddenly rang.
“Damn it! Istorbo.”
At doon lang siya bumalik sa reyalidad. She and Casimir make out inside his car? That’s ridiculous!
Dali-dali niyang inayos ang sarili niya at napayuko. “Nakakahiya ka, Iesha. Ano ba ang ginawa mo? Lalo mo lang dinadagdagan ang problema mo.”
Niyakap siya nito bigla at hinalikan sa ulo. “I’m so sorry, Iesha. I didn’t mean that. Not here, not in my fucking car.”
Hindi siya umimik. Hindi din kasi siya makapaniwala na nagawa niya ‘yon. Inayos nito ang damit niya at ang buhok niya na gulo-gulo at muli siyang niyakap. Siguro nabigla din ito sa ginawa nila.
“You okay?”
“Y-yes. I wanna go home,” mahinang sabi niya. He nodded and started the engine. She felt a bit tired so she let herself sleep.
***
HE looked at her and cursed. He shouldn’t do that! She deserves a respect pero hindi niya napigilan ang sarili niya kanina. Para siyang magnet at ito ang metal. Ang hirap nitong iwasan.
Hinaplos niya ang mukha ng dalaga na mahimbing na natutulog bago nagpatuloy ulit sa pagmamaneho.
‘Pag mas lalo siyang napalapit dito, baka hindi na naman niya mapigilan ang sariling halikan ito at gumawa pa ng higit pa doon. Hindi niya pa nga naaayos ang problemang kinakaharap niya tapos dadagdagan niya agad?
“Come on, Casimir. Wake up,” he uttered. “Ayusin mo muna ang gusot na ibinigay sa ‘yo ni Iesha bago ang mga pangangailangan mo.” Binagtas niya ang daan kung saan nakatira ang dalaga. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya. Baka makalimutan niya ang totoong intension niya kapag nagpatuloy pa siya.