Chapter 6
“SAAN po tayo, Ma’am?” tanong sa kanya ng driver ng taxi na sinasakyan niya.
Galing siya sa isang club at nagliwaliw mag-isa. Dahil hindi niya na kayang mag-drive kaya iniwan niya ang sasakyan niya sa parking ng club at pumara ng taxi.
“Take me to Golden High Condominium.” Doon nakatira si Casimir at gusto niya itong makausap.
“Anong tower po?” tanong ulit ng driver. Napapikit siya at inisip kung anong tower ba nakatira ang doctor.
“Tower 2 po.”
Sobrang tipsy niya na at medyo umiikot na din ang paningin niya. Wala pang ilang minuto ay nakarating na sila sa Golden High Condominium, Tower 2. Binigyan niya ng isang libo ang driver at hindi na kinuha ang sukli.
Dahan-dahan lang siya naglakad papunta sa elevator dahil talagang nahihilo na siya. Buti na lang siya lang mag-isa sa loob. She pushed the 15th floor button and wait until the elevator door opened. Nakakatawang isipin na alam niya kung saan nakatira ang doctor pati na rin ang room number nito na 1517. Stalker nga ang tawag sa kanya ng mga kaibigan niya. Aminado naman siya doon.
Naka-zoom ang mga mata niya para masiguradong tama ang pinto na iistorbohin niya. Tinggal niya din ang suot niyang black stilettos at binitbit dahil hindi naman ito nakakatulong sa paglalakad niya. Kanina pa siya nagdo-doorbell pero mukhang tulog na siguro ang binata. Tumingin siya sa Chanel wristwatch niya at napatalak nang makita kung anong oras na. Three in the morning. She cursed. At siya namang pagbukas ng pinto.
“Iesha? What are you doing here?” Nakakunot ang noo nito at mukhang kagagaling lang sa shower dahil gulo-gulo pa ang buhok nito at amoy niya ang shower gel na gamit nito.
He was wearing a plain grey boxer short. Hapit na hapit din dito ang dark blue sando na suot nito. Gutso niyang mabuwal sa kinatatayuan niya at ipagdasal na sana saluhin siya ng matitipunong bisig nito.
“I just want to say so—” Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya because she throws up at bigla na lang nawalan ng balanse.
Nakapikit ang mga mata niya at hinihintay na lang bumagsak siya sa sahig. Pero gaya ng hiniling niya kanina lang ay may matitigas na brasong sumalo sa kanya. Gusto niyang mapangiti ng lihim ngunit isang suka na naman ang lumabas sa bibig niya.
“What the fuck!” he cursed while patting her back. Hindi na siya nito dinala pa sa banyo dahil para saan pa kung nagkalat na siya sa sahig nito.
Nang medyo humupa na siya ay pinaupo siya nito sa couch at kumuha ng cold water sa kitchen nito. Humiga siya sa mahabang couch dahil talagang nahihilo na siya. Wala siyang pakialam kung ano ang itsura niya o kahit gulo-gulo pa ang buhok niya o even her red lipstick gets ruined.
Pilit niyang ibinababa ang fitted red tube dress pero masyadong maiksi ‘yon para mangyari ang gusto niya. Tumagilid siya at ginamit ang kamay bilang unan niya.
Hindi na rin niya alintana na bahagyang naiipit ang 36 Cup A size of brassier niya at lumabas ang cleavage niya. Wala na siyang paki doon dahil ang gusto niya ay matulog.
***
NAPALUNOK siya at muntik nang mabitawan ang dalang isang basong tubig nang makita si Iesha na nakahiga sa couch. Halos hindi na matakpan ang bilugan at mapuputi nitong mga binti dahil sa suot nitong damit. Hindi rin nakaligtas sa mga mata niya ang dibdib nito kaya muli na naman siyang napalunok at siya na rin mismo ang uminom ng tubig na hawak niya.
Naglakad siya papasok sa kwarto niya para mag-shower ulit saka nagpalit ng panibagong damit. Naglabas siya ng white t-shirt at boxer shorts niya para sa dalaga.
Tinungo niya ang sala upang buhatin ito papunta sa kwarto niya. Siya na lang ang matutulog sa couch. Baka kasi mahulog pa ito doon dahil halata naman na malikot itong matulog. Ang kaninang nakatagilid na puwesto nito, ngayon ay nakadapa na. Hindi niya tuloy alam kung paanong buhat ang gagawin niya. Sanay na siya makakita ng mga babaeng nakahubad. Pero bakit itong babaeng nasa harap niya ay parang iniiwasan niyang tignan? He cursed once again at binuhat ang intruder niya.
***
GUSTO niya ng iumpog ang ulo niya sa kahit na anong matigas na bagay dahil sa sobrang sakit no’n. Bumangon siya at pumunta sa kusina upang kumuha ng maiinom. Ang ikinaganda lang ay malinaw pa sa isip niya ang mga kaganapan kaninang madaling araw. Kung paano napalitan ang damit niya, ‘yon ay ang hindi niya alam. Napahinto siya at tumingin sa kisame habang ang isang daliri ay nasa sintido niya.
Napapatalak siya. Hindi porke sexy siya ay hinding-hindi niya ipinapakita sa iba ang katawan niya pero kung si Casimir ang nagpalit ng damit niya ay okay lang. Namula ang pisngi niya sa naisip at sinilip kung may underwear ba siya. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang mayroon pa naman.
“Ay palaka!” bulalas niya nang lumabas sa kung saan si Casimir.
“Gising ka na pala,” ani nito na nagpupunas ng pawis sa ulo at leeg.
She rolled her eyes at him and crossed her arms over her chest. “Saan ka galing?” Kung makapagtanong siya, feeling niya yata mag-asawa na sila.
He looked at her, confused. “Sa gym?” At nag-isang linya ang labi nito. “Ikaw ang dapat kong tanungin. Ano’ng kailangan mo at dis-oras na ng madaling araw ay nang-iistorbo ka pa?”
Siya naman ngayon ang natameme. Nag-iwas siya ng tingin dito at naglakad papunta sa kusina. “Masakit ang ulo ko, Doc. Saka na tayo mag-usap,” ani niya dito ng nalagpasan niya na ito. Hindi siya nito pinansin at dumiretso sa kwarto nito. “Ang sungit,” she murmured.
Ham, egg, hotdog, bacon, and slice of bread lang ang nakayanan niyang ihain sa sarili niya. Mas magaling pa rin talaga magluto sa kanya si Haven dahil kahit sunog ang mga pasta na niluluto no’n ay nasisikmuraan pa din nilang kainin. Dapat ay matuto na siyang magluto dahil ‘pag ikinasal na sila ni Casimir, siya na ang mag-aasikaso ng pagkain nito. Ang lapad ng pagkakangisi niya sa ideyang ‘yon.
“Baliw ka ba? Bakit ngumingiti ka mag-isa?”
Sinamaan niya ng tingin ang guwapong-guwapong doctor sa harap niya. Nakasuot na ito ng light blue polo shirt at pantalon. Hawak ng isang kamay nito ang white coat na sinusuot ng mga doctor.
“May naisip lang akong nakakatawa.”
“Anong kalokohan na naman ‘yan, Lavonia Iesha?”
Inubos niya muna ang laman ng bibig bago iwinagayway ang kamay niya sa harap nito. “Whatever. Drive safely na lang.” Ayon lang ang sinabi niya at nagpatuloy ulit sa pagkain pero hindi pa din ito umaalis sa harap niya. “What? Gusto mo i-kiss kita bago ka umalis? Fine.”
Akmang tatayo na siya ng ito naman ang nagtaas ng isang kamay para pigilan siya sa tangkang paghahalik dito na mukhang siya lang naman ang may gusto at hindi ito.
Dumukwang ito sa kanya. “Finish your foods and I’ll take you home. Sa bahay n’yo.” He emphasized the last three words.
She stomped her foot on the floor. “I want to sleep more at ayoko pang umuwi.”
“You can only stay here after we get married. Do you understand?” he replied, frowning.
Tinignan niya ito na waring sinusuri kung naiinis na ba ito sa kanya. Sa pagkakakunot ng noo nito, doon pa lang nakuha niya na ang sagot. Ang kaso ay umiiral ang pagka-brat niya ngayon dahil na din siguro sa hindi pa matino ang pakiramdam niya.
“Uuwi ako mamaya. Promise! Masakit pa kasi talaga ang ulo ko.” Umarte siya na animo sumasakit ang ulo niya at ngumiwi pa siya para effective.
Mataman siya nitong tinignan at bumuntong-hininga. Yumuko siya nang kaunti at lihim siyang napangiti dahil feeling niya suko na ito sa pagpapauwi sa kanya. Napaigtad siya nang idampi nito ang likod ng palad nito sa noo at leeg niya.
“Okay. Take a rest first. Aalis na ako,” ani nito at tumalikod na sa kanya at naglakad na.
“Casimir.”
Lumingon ito. “What?”
Ngumuso siya.
Kumunot ang noo nito.
Tinapik niya ng isang daliri niya ang pisngi niya at ngumuso ulit. Gusto niyang matawa sa itsura nito dahil mukha itong nandidiri na ewan.
“Kiss ko.” And for the third time, hinabaan niya na ang pagkakanguso niya at pumikit pa.
She heard some footsteps walk towards her direction. She automatically opened her eyes because her heartbeat went fast. She didn’t mean what she said. She’s too late to realize it because the man already captured her lips and kissed her.
“Can I leave now?” he asked. She nodded as an answer.
Napahawak siya sa labi niya at impit na napatili samantalang hindi naman ‘yon ang unang halik niya mula kay Casimir. Mas malala pa nga ang ginawa nila sa loob ng sasakyan nito.
Madilim na nang nagpasya siyang umuwi na sa kanila. Hindi na din siya nagpaalam kay Casimir dahil ayaw niyang istorbohin ito.
“Ma’am Iesha, nandito po ang magulang n’yo,” bungad sa kanya ng katulong nila ng pagbuksan siya nito ng gate.
“Mom!” Nasa kusina ang Mommy niya at nagluluto. ‘Yon lang ang ikinaganda kapag umuuwi ang mga magulang niya, lalo ang Mommy niya dahil nagpapaka-nanay talaga ito sa kanila ng Kuya Randall niya.
Lumingon ito sa kanya at napangiti. “Come, hija. Payakap si Mommy.”
Tumakbo siya palapit dito at yumakap. “I miss you, Mom. Where’s Dad?”
“I miss you, too. Nasa library, kausap si Kuya Randall mo. Go to your Dad dahil nami-miss na din no’n ang bunso niya.”
Sumimangot siya. “Later, Mom. Pupunta din naman sila dito at ayokong makita si Kuya Randall.” Umupo siya habang pinagmamasdan ang Mommy niya sa ginagawa nito.
“Bakit? Kaibigan niya si Casimir, ‘di ba? Your fiancé.”
“How did you know him?” she asked curiously.
“Who wouldn’t? He’s one of the intelligent doctors in the country. I’m happy for the both of you. Sana ‘wag mong pasakitin ang ulo ng future husband mo, Iesha.” Hinawakan nito ang kamay niya at marahan na pinisil “Hindi man tayo palaging magkasama, alam pa din namin ang mga nangyayari sa inyo ng Kuya mo.”
“Bakit, Mommy? Siguro nag-hire kayo ng mga secret agent para pabantayan kami ni Kuya Randall,” biro niya dito.
Natawa ito. “Yes.”
“Nagbibiro lang ako, Mom.”
Ngumiti lang ito at hinaplos ang pisngi niya. “I am not, sweetie.”
She simply shrugged her shoulders. Palabiro talaga ang Mommy niya kahit kailan.
“Hi there, baby sis,” tawag pansin sa kanya ng Kuya Randall niya na hinalikan siya sa ulo at umupo sa katapat na upuan niya.
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang kislap sa mga mata nito kaya naman hindi niya napigilan ang mang-usisa.
“Kuya, are you in love?”
“Of course not.”
Hindi siya naniniwala. Kung hindi ito in love, sigurado may gusto itong babae. Kilala niya ang kapatid lalo ‘pag patungkol ‘yan sa babae. Mapaglaro ito, oo, pero ‘pag may gusto ito hindi niya tinitigilan hangga’t hindi nito ‘yon nakukuha pero ang hindi siya sigurado kung nagmahal at nasaktan na din ba ito.
“Bakit parang heart shape ‘yang mata mo?”
Pagak itong tumawa at tumingin sa itaas habang ang daliri ay nasa chin nito. “I met a girl. An island girl.”
Dumukwang siya sa lamesa at titig na titig sa kapatid dahil gusto niyang marinig ang love story nito. “Then what happened?” Tumingin ito sa kanya at pinitik ang noo niya. “Aray naman, Kuya!” Sinamaan niya ito ng tingin habang hinihimas ang noo na nasaktan.
He lifted his eyebrows. “Harri will come tonight.” Tumingin ito sa wristwatch nito. “I think nasa labas na siya.” At tinuro nito ang pinto na nagsasabing lumabas siya para sunduin ang doctor.
Inirapan niya ito at tumayo. She still wearing her red tube dress and black stilettos. Pina-laundry ‘yon ni Casimir para may masuot siya kaysa naman lumabas siya na suot ang t-shirt at boxer shorts nito. Nakalugay lang ang straight niyang buhok na pinakulayan niya ng golden brown no’ng isang araw.
Gusto niyang magtago sa likod ng pinto nang makita itong naglalakad na papunta sa kanya. Tulad niya, ayon pa din ang suot nito pero mukha pa din itong mabango.
“Bakit hindi ka nagpaalam na uuwi ka na?” tanong nito sa kanya sabay bigay ng bouquet of red roses na hindi niya napansin kanina dahil sa mukha nito siya nakatingin.
“I don’t want to disturb you.”
Inakbayan siya nito at naglakad na papunta sa kusina kung saan nandoon na ang Daddy niya.
“Daddy, meet Casimir.”
Tumango lang ang Daddy niya. “Have a seat, Casimir.”
Kumunot ang noo niya. “Daddy, dapat mag-shake hands kayo.” Her dad chortles same as Casimir kaya nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa pati na rin sa Kuya Randall niya na napapailing na lang. “Care to tell, Kuya? What happened?”
“Umupo ka muna.”
She stomped her foot and seat. No one wants to speak. “Mommy.”
“Yes, sweetie?” tanong nito habang naghahain ng pagkain at umupo sa tabi ng Daddy niya. “Yes?”
Tinignan niya muna ang tatlong lalaki bago sumagot. Wala naman siyang mabasang ekspresyon sa mukha ni Casimir pero kahit hindi ito palangiti ay patay na patay siya dito. Hindi niya lang ipinapahalata.
“They’re playing with me.”
“Hija, matagal ng kilala ng Daddy mo si Casimir bago pa lang sila magkakilala ng Kuya Randall mo.”
Natahimik siya. Hindi niya alam ‘yon. “Paano?”
Her mother sighed, knowing na hindi siya titigil kakatanong. “No’ng nag-aaral pa si Casimir sa America, do’n sila nagkakilala.”
Tumango-tango siya. “Let’s eat na.”
“Casimir, when is the wedding?” her father asked.
“Three weeks from now po.” Lumingon ito sa kanya. “Okay na ba ang gown mo?”
She nodded.
“Pwede bang this Sunday na lang?”
“Dad,” reklamo niya.
Her father looked at her. “Why? Okay naman kayo ni Casimir, ‘di ba? Bakit papatagalin n’yo pa?”
“Of course, we’re okay. Right, honey?” Hinawakan niya pa ito sa braso at isinandal ang ulo niya sa balikat nito. Hindi dapat malaman ng parents niya ang tungkol sa kalokohan niya.
Hinalikan siya nito sa ulo at tumango-tango. “Yes, we’re okay. We will check if kung pwedeng sa Sunday na ang kasal.”
Napapikit siya nang mariin. God, hindi pa nga siya ready. Gusto niya nang kurutin ang katabi niya. Ni hindi pa nga niya ma-perfect ang pagluluto ng itlog tapos ngayon, mag-aasawa pa siya.
“Clear. We’ll wait for that.”
“Saan ang honeymoon?” her mother asked out of the blue.
Namula siya. Hindi nila napag-uusapan ‘yon at wala siyang balak pag-usapan.
“Gusto na namin magka-apo,” dagdag pa nito.
Bahagyang napaupo siya. Gano’n na din ‘yung katabi niya. “Private matter ‘yon, Mommy. Sa amin na lang ng honey ko ‘yon.” Muli niya na namang sinukbit ang kamay niya sa braso nito. “Right, honey?” ani niya dito ng nakangisi.
He cleared his throat. “Yeah. Ilan ba gusto mo?”
Hinampas niya ito sa braso na ikinatawa lang ng mga kasama nila.
“Isang dosena?”
Laglag ang panga nito ng lingunin siya. Tinaasan niya ito ng kilay.
“What?”
He shook his head and whispered to her ear. “We can start tonight para sa panganay natin.”
Tuluyan niya na itong kinurot. “Mag-isa ka!”
“Iesha, stop that,” saway ng Mommy niya. Nakangiwi na kasi si Casimir dahil sa maliliit niyang kurot sa tagiliran nito pero mahina lang naman ‘yon. Nag-iinarte lang ito.
Baka nga ito pa ang manakit sa kanya, hindi physical kundi emotional. ‘Yon ang ikinakatakot niya. Ang masaktan. Masyadong mahina ang puso niya para sa mga sakit-sakit na ‘yan. Kaya nga ayaw niyang magmahal ng totoo pero mukhang hindi makakaligtas ang puso niya kay Casimir. Ayaw man niyang gawin pero mukhang may naisip na siya para mailigtas ang puso niya dito at kailangan niyang sabihin dito ‘yon.
“Can we talk?” bulong niya dito. Tinitigan muna siya nito bago tumango at inalalayan siya tumayo.
Dinala niya ito sa likod ng bahay nila. Madalas siya dito naglalagi ‘pag gusto niyang mapag-isa at ito ang tamang lugar para sa kanilang dalawa.
Mahabang katahimikan bago muli itong nagsalita. “Are you sure about this?”
Tumango-tango siya. “Yes, kaya pumayag ka na din.” Hinawakan niya ito sa braso at ginalaw-galaw ito. “Magbe-behave ako. Promise, Doc.”
Inalis nito ang kamay niya sa braso nito at tumingin sa mga mata niya. “Ayoko ng masyadong maingay.”
Kumunot ang noo niya pero naisip niyang dapat sumunod siya dito para pumayag ito sa gusto niya. Itinaas niya ang kanang kamay niya at namanata sa harap nito.
“Ako ay nangangako na hindi na mag-iingay at hindi ka iistorbohin kapag busy ka sa trab—”
Naputol ang sasabihin niya dahil tinakpan nito ang bibig niya ng kanang kamay niya na ginamit niyang panunumpa.
“Enough. You already talked too much.”
Inalis niya ang nakatakip sa bibig niya. “Payag ka na?”
“Yes, but you have to keep your promise.”
Kumislap ang mata niya at bumungisngis. “Pangako.”
Problem solved. Ani ng isang bahagi ng utak niya. Napag-usapan na din nila na sa Linggo na gawin ang kasal at gawing pribado ayon sa napagkasunduan. Tanging mga kamag-anak at malapit na kaibigan lang ang dadalo. Nagpasya silang bumalik na sa loob ng bahay dahil kailangan ng umuwi ni Casimir.
Inayos niya ang mga damit niya na dadalhin sa condo ni Casimir dahil bukas din ay lilipat na siya doon. Gusto sana nito na sa bahay na sila tumira. Mayroon kasi itong sariling bahay pero medyo malayo nga lang sa hospital. Hindi tulad ng condo unit nito na thirty minutes lang ang layo. Hiningi niya din sa secretary niya ang schedule ng mga meeting niya sa mga clients niya. Hindi naman porke mayaman sila ay hindi na siya magtatrabaho. Kailangan niya pa din gawin ‘yon.
“Bakit mo pa kasi pinasok ang gulong ito?” ani niya sa sarili. “Nahihirapan ka tuloy. Paano kung ma-in love ka sa lalaking ‘yon? He can’t love you back. Alam mo ‘yan. Alam mo dapat ‘yan.” Sinambunutan niya ang sarili at nagpatuloy sa ginagawa.
Hindi siya tanga. Alam niyang hindi gusto ni Casimir ang makasal sa kanya. Kaya nga madali niya itong napapayag kanina sa pabara-bara niyang desisyon. Nakakatawa lang isipin na ‘yung taong gusto niya, bakit hindi magawang gustuhin siya? Iniisip niya nga… baka may ibang babae itong gusto. Napatayo siya ng tuwid sa naisip at mapait na ngumiti. Malalaman niya rin kung may iba itong gusto. Para saan pa at naging stalker siya nito.