Chapter 3
“THANK you, Ms. Austria. It’s my pleasure to work with you,” ani ng kausap at umalis na.
Pinaikot-ikot niya ang swivel chair na inuupuan niya at huminto lang nang makaramdam ng hilo. Yes, palagi niyang ginagawa ‘yon ‘pag nabo-bored siya. Gusto niya ng umuwi at magpahinga. Nasa opisina niya kasi siya at nagtatrabaho.
Halos isang linggo na rin ang nakalipas no’ng huling pagkikita nila ng guwapong doctor. Hindi na din muna siya bumisita sa hospital dahil na rin malaki ang chance na magkita sila ulit doon. Hindi niya pa alam ang magiging reaksyon kung sakali na magtagpo sila. Baka takbuhan niya lang ulit ito.
Tumayo siya at kumuha ng makakain sa mini refrigerator niya at umupo sa sofa sa loob ng opisina niya. She turned on the television and watch cartoons pero hindi niya trip mapanood si Spongebob ng mga oras na ‘yon kaya inilipat niya na lang sa TV News.
“One of the best doctors in the country spotted in an exclusive gym with his run-away fiancée. Kung sino man ang babaeng ‘yon, she’s lucky to have Dr. Casimir Alejo with her.”
Napakurap siya sa nakita sa TV screen. Her pictures with Casimir in different angle pero hindi kita ang mukha niya. Kuha ito no’ng nasa gym sila. Magaling ang kumuha ng litrato dahil halata naman na sinadyang itago ang mukha niya.
“Marami ang nali-link sa binatang doctor ngunit mailap ito sa media. Ayon sa source, nagselos ‘di umano ang fiancée nito dahil nakita silang magkasama ng sikat na model na si Poppy Sagun. Nanatiling misteryo kung sino ba talaga ang babae sa litrato.”
Hindi na niya maintindihan ang nangyayari. Busy ang utak niya sa kung anu-anong bagay. She turned off the TV at napasabunot sa sarili.
Pasado alas onse na ng makauwi siya sa kanila. As usual, tulog na ang mga katulong at ang Kuya niya ay for sure nasa bar, kasama ang mga kaibigan nito at naghahanap ng babae. Knowing her Kuya and his friends. They are famous for being playboy. Tinalo pa nga ng mga ito ang mga sikat na artista sa bansa dahil sa kakisigan ng magkakaibigan.
Kinuha niya ang laptop niya and she logged in to her Twitter and Instagram account. Nagkalat pati sa social media ang litrato nila ni Casimir. Nakakasigurado siyang aware din ito sa mga nangyayari. She reads the comments.
“Wow. Ang cute. Nakayapak pa ‘yung girl.”
“Ang higpit naman ng pagkakahawak ni Doc. Mukhang ayaw talaga pakawalan ‘yung fiancée niya.”
“Pangit siguro kaya itinago ‘yung mukha.”
Napataas ang kilay niya sa huling nag-comment. Magre-reply sana siya nang tumunog ang cellphone niya.
“Have you heard the news? Engaged na si Dr. Alejo, my friend.”
“I know,” sagot niya kay Nadia.
Kung alam lang nito na siya ‘yung babae sa litrato, baka mag-cheer pa ito sa harap niya dahil alam nito kung gaano niya kagusto ang binatang doctor.
“Why don’t you visit me here tomorrow? Or have a lunch date with me and Haven?”
“Yeah. Buti pa nga. Kailangan ko rin ng makakausap.”
“Don’t tell me affected ka about sa news?”
“You know, Nadia? Bukas na tayo mag-usap. I’m so damn tired,” maktol niya.
She knew very well kung paano alagaan ng guwapong doctor ang imahe nito tapos malalaman na lang nito isang araw na engaged na ito? And take note, kalat na ‘yon sa buong bansa. Lagot na talaga siya! Paano ko ba malulusutan ang gulong pinasok ko?
“I’m happy to see you again, Iesha.” Yumakap si Haven sa kanya at humalik sa pisngi niya.
“Busy ka kasi kay Alaric kaya wala ka nang time sa amin,” sabi niya na animo’y nagtatampo.
Gustong-gusto niya talaga lambingin ang mga kaibigan niya, lalo na ‘tong si Haven. Only child ito pero hindi ito katulad niya na brat. Sobrang bait nito kaya halos walang nagtatangka na saktan ito. Para itong babasagin na bagay na hindi mo gugustuhing basagin.
“Ang lalim ng iniisip mo. Hindi ka na namin ma-reach,” biro ni Nadia, naka-poker face naman.
Ngumiti lang siya ng tipid. “Gutom na kasi ako. Kumain na tayo.”
Maya-maya lang ay dumating na ‘yung in-order nila. Laging parang fiesta kapag magkakasama silang magkakaibigan kumain. Lahat kasi sila mahilig kumain at ang ganda lang na hindi talaga sila tumataba nang bongga.
“How’s your work doing, Nads? Kasama mo ‘yung guwapong doctor, hindi ba? Dr. Alejo, right?” tanong bigla ni Haven.
Nalunok niya tuloy bigla ‘yung kinakain niya sa binanggit nitong pangalan. Bahagya pa siyang nasamid.
“Are you okay, Iesha?” Haven asked worriedly at hinaplos pa ang likod niya. She nodded her head as an answer. Nadia looks at her.
“Okay naman. Masaya. Yeah, si Dr. Alejo na engaged na ngayon. Kinakantyawan nga siya ng mga kasamahan namin do’n na ipakilala sa amin.”
“Really? Kailan daw ipapakilala sa inyo? I saw the pictures nga, e. Parang familiar ‘yung girl.”
Hindi niya alam bakit bigla siyang pinagpawisan sa usapan nila. She remained quiet and continued eating.
“Kapag hindi na daw nagseselos ‘yung fiancée niya saka niya ipapakilala sa amin. Parang na-excite nga akong makilala ‘yung babae.”
Napansin ng mga ito ang pananahimik niya. “This is miracle! Ang tahimik ni Iesha ngayon? I can’t believe this. I should treat you guys tonight. Mag-bar tayo,” eksaheradang wika ni Haven na nakatingin lang sa kanya na animo’y namamangha sa hindi niya pagsasalita.
“Ah, eh… Ano kasi, Haven, may—”
“You!” Isang galit na boses ang pumutol sa sasabihin niya. At ang dahilan kung bakit halos mahulog siya sa inuupuan niya.
Hindi na niya ito nilingon para alamin kung sino ito dahil sa ilang buwan niyang pinag-aralan ang katauhan at galaw nito, siguradong hindi siya nagkakamali kung sino ang nagmamay-ari ng boses na ‘yon. Hiniling niya na sana lamunin na lang siya ng lupa. Siya lang. ‘Wag nang isama ang mga kaibigan niya.
“Hi, Dr. Alejo. Why don’t you join us?” aya pa ni Nadia na himala ay nakangiti. ‘Yung kakaibang ngiti na hindi niya mawari.
“Thank you, Dr. Estrella but I need to finish some business first,” he answered and glared at her.
Iesha, you’re so dead.
“You, brat, get up and follow me.” Turo nito sa kanya.
“No, no! Why would I?” pagtataray niya ngunit hindi naman umepekto ‘yon sa lalaki.
Ngumiti ito nang matamis. “Baby, ‘wag ka na magselos. Sorry na.”
Napanganga ang dalawa niyang kaibigan sa narinig, pati na rin siya.
“Don’t tell me, you are his fianc—” Bakas sa mukha ni Haven ang pagkagulat.
“Yes, she is my fiancée. Hurry up, baby, or gusto mo buhatin pa kita?”
“No. He’s not my—”
Hindi niya na natapos ang sasabihin dahil binuhat na siya ng doctor palabas ng restaurant. Wala na siyang pakialam kung madami ang nakatingin sa kanila dahil nage-enjoy pa siyang damahin ang matipuno nitong dibdib at matitigas na mga braso nito na yumayakap sa kanya.
That’s heaven, Iesha. Heaven.
Lalo pa niyang siniksik ang katawan dito at bahagyang inamoy ito.
Ang bango. Lord, pwede bang mangupahan sa katawan niya?
Nahinto lang siya pagpa-pantasya dito ng pabagsak siya nitong inupo sa loob ng sasakyan.
“Who the hell are you?”
Gusto niyang matawa sa tanong nito pero mukhang hindi ito ang tamang panahon para sa kalokohan niya. “Lavonia Iesha Austria?” alangan niyang sagot.
Mukhang pinag-aaralan nito kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi dahil nakatingin lang ito sa kanya ng mataman. “Do you know Randall Austria?”
“He is my brother.”
“Good. Tell to him and to your parents na mamamanhikan ako sa inyo.”
“What!?” sigaw niya sa sobrang pagkabigla niya. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ‘to?
Napapikit ito dahil sa lakas ng boses niya. “Damn it, woman. Mabibingi ako sa lakas ng boses mo!”
“You got to be kidding me.”
“Mukha ba ‘kong nagbibiro?”
So totoo nga? Magiging Mrs. Alejo na siya? Brain, magdiwang tayo! Matitikman mo na siya sa wakas.
“Hindi! Hindi pwede! V-virgin pa ako,” nasabi niya bigla dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam.
Tumawa ito nang pagkalakas-lakas. Nakahawak pa ito sa tiyan at naluluha na kakatawa. Ganito pala ‘yung pakiramdam ‘pag kaharap ito. Noon kasi halos hindi siya makalapit kay Casimir, pero ngayon? Halos abot-kamay niya na ito.
“You…” He laughed again. “You are so damn funny.” And just continue laughing. Great, just great.
Binato niya dito ‘yung magazine na nakita niya doon kaya nanahimik ito. Sinamaan siya nito ng tingin. Sana pala pinabayaan niya na lang itong tumawa hanggang sa maubusan ito ng hangin sa katawan. ‘Wag pa pala, hindi ko pa siya natitikman.
Umikot ito sa driver’s seat at pinaandar ang sasakyan.
“Hoy, hoy. Saan mo ‘ko dadalhin?” tanong niya. “Mommy, Daddy, Kuya! Help! Rape! Rape!” natataranta niyang tili at pinaghahampas pa ito.
“Stop it, stop it!” pigil nito sa kanya habang hinuhuli ang kamay niya gamit ang isang kamay nito.
“Rape! Rape! Rapist kang guwapo ka!”
“Damn it, woman. Ihahatid lang kita sa inyo.”
There. Bigla siyang nakaramdam ng hiya at inalis ang kamay niyang pinanghampas dito kanina lang. Tumingin siya sa bintana at tinakpan ang mukha ng dalawa niyang palad.
Ano ba kasi ang pumasok sa isip niya para isipin na gagawan siya nito ng masama? E sigurado naman na magugustuhan niya ang gagawin ni Casimir kung sakali. Shut up, brain! Ang perv mo! Sita niya sa utak niya.
“What!?” pagtataray niya. Tumawa kasi ito na halatang may iniisip na kabalastugan din.
“Hmm. I’m thinking about our honeymoon,” nakangisi nitong sabi na saglit tumingin sa namumula niyang mukha at binalik din ang tingin sa daan.
“Pervert!”
“You would love this pervert, I swear.”
“It wouldn’t happen.”
Hindi na ito sumagot at tahimik lang hanggang makarating sila sa bahay.
“T-thanks for the ride,” bulong niya. Hindi pa din ito nagsalita at umalis din agad.
Her forehead creased. Ano’ng nangyari do’n?
Her phone suddenly beeped. Message from an unregistered number. She opened the message.
Be ready for an engagement party.