Chapter 2
PABAGSAK siyang umupo sa nakita niyang bakanteng upuan sa park at huminga nang malalim. Hindi biro ang ginawa niya. Aba!
“Iesha, that was close. Buti na lang mabilis kang tumakbo,” pagkausap niya sa sarili niya at pumalakpak pa siya.
Ngiting-ngiti siya na halos mapunit na ang mga labi niya. Kaya naman nang may dumaan na dalawang babae sa harapan niya ay pinagbulungan siya. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay at tinignan nang masama. Mukha namang natinag ang dalawa at dali-daling naglakad. Akala siguro nasisiraan na siya ng ulo dahil kinakausap niya ang sarili niya. E sa gano’n na talaga siya, e.
Napangiwi siya nang may mapansin sa paanan niya. Yes, tumakbo siya nang walang suot na kahit na ano sa paa kaya bahagyang sumakit ang mga ‘yon. She gets her cellphone on her pocket and dialed a number. Her Kuya Randall.
“Hello, Kuya. Can you pick me up? Na-carnap ‘yung kotse ko,” sabi niya.
Ang totoo, hindi naman talaga na-carnap ‘yung sasakyan niya. Ayaw niya lang talaga maglakad ulit ng nakayapak papunta sa parking area no’ng gym.
Sumagot ang kabilang linya na tila ba natataranta. “What? Where the hell are you? Nasaktan ka ba? Ano masakit sa—”
“Enough, Kuya. Sobrang OA mo as in over acting talaga. I’m fine, okay? Malapit ako sa hospital na pinagtatrabahuan ni Nadia,” maarte niyang sagot at umismid pa kahit hindi naman nakikita ng kausap.
“Okay. Wait for me there.”
“Faster. Don’t make me wait. Isusumbong kita kila Mommy.”
“Yeah, right. Natatakot ako, sobra,” sarkastikong wika nito at pinutol na ang tawag.
Wala pang twenty minutes ay nakarating na ang kapatid niya. “Kuya, you’re so tagal!” pag-irap niya at pumasok na sa red Ferrari nito.
“Tumawag kasi si Harri, may pinag-usapan kami saglit.”
“Harri? Your new friend? I didn’t meet him yet.”
“You will meet him soon. Busy pa siya.”
She knew a name Harri. Dr. Casimir Harrison Alejo. Pero hindi niya iniisip na ito ‘yung tinutukoy ng Kuya niya. Speaking of that doctor. OMG! Sana hindi siya nito makilala ‘pag bumisita siya kay Nadia sa hospital.
Hindi niya naman balak makialam kina Casimir kanina, e. Kaya lang lumabas ang pagka-bitchy niya at ipinakita niya lang ‘yon sa babaeng umaaligid dito. Siya nga hindi makalapit tapos ‘yung babae gano’n-gano’n na lang kung hawakan ito? No way! Hindi siya payag.
Lahat ng magazine na naka-featured ang guwapong doctor ay binibili niya. Kaya din siya madalas bumisita sa hospital ay para makita ito and to visit Nadia na rin. Double purpose.
“What the fuck, Iesha? Bakit nakayapak ka!?”
Napaigtad siya sa lakas ng boses ng kapatid niya. “Ah, ‘yung binili mong sapatos ay masikip kaya iniwan ko sa gym. Size seven ako, Kuya, not six,” walang kagana-ganang sagot niya at tumingin sa labas ng bintana.
Natawa ito at hindi na muling nagsalita. Love na love niya talaga ang Kuya niya kasi hindi naman nila kasama ang parents nila. Nasa ibang bansa nakatira ang mga ito at bumibisita lang ‘pag may oras o may mahahalagang okasyon na kailangan ang presence ng mga ito.
Her brother’s phone suddenly rang.
“Baby sis, pakisagot naman. I’m driving.”
She rolled her eyes and answered the phone. “Hello?”
“Randall, 8 PM at New World Club.”
Nanigas siya sa kinauupuan niya nang madinig ang boses ng caller. Kahit sa cellphone, alam na alam niya kung kanino boses ‘yon. Dr. Alejo. Tinignan niya ang caller at Harri ang nakalagay. Dali-dali niyang pinatay ang tawag at inihagis sa likod ng sasakyan ang iPhone ng kapatid.
“Damn it! My phone!”
Hindi niya pinansin ang kapatid. Busy siya sa pag-iisip.
Si Harri at Dr. Alejo ay iisa? Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Masaya dahil may chance siya na makalapit dito o madismaya dahil sa sinabi niyang fiancée siya nito? Dahil for sure, may nakarinig ng sinabi niya. Ngayon niya lang naisip ang bagay na ‘yon.
God! You’re really in trouble, Lavonia Iesha!