CHAPTER 6 - RU Dean

Agad kaming umalis sa clinic after. Nakasalubong pa namin si Klinnia na humahangos. Nag aalala siyang lumapit sa amin ni Monique.

Hindi na kami pumasok sa class namin at pumunta nalang sa detention office.

"Dean's office is currently closed. Dati kasi before mapunta sa detention office ay dumadaan sa Dean's office muna. Pero nang bumaba sa pwesto si Chairman Ezquivel ang may ari at ang Dean ng University ay palaging nang close ang opisina'ng yun. Minsan lang din kung bumisita ang secretary ng bagong Dean." Kwento ni Klinnia sa akin habang naglalakad kami patungo sa detention office daw.

"Eh what about the current Dean?" I asked habang nasa daan lang ang tingin ko.

"Dunno... Bilisan na natin." Nagkibit balikat nalang ako at sumunod sa mga kasama naming nauuna na.

Nang makadating kami sa detention office ay sumalubong agad si Dennis sa pinto.

"Nasa detention room na ang Tiger Gang. Nasa loob sina Mr. Vallejo kasama si Xzevier at Kyle." Sabi nito at naunang pumasok sa opisina.

When I enter, agad na sumalubong ang isang malaking round table. Malaki din ang buong office, agad akong napatingin kay Mr Vallejo at Xzevier na nag uusap, Kyle on the other hand is just listening to them.

"They violated the number two rule of the university, you know what is the punishment for this, Zandros..." Dinig kong sabi ni Mr Vallejo.

"... Gangs are allowed here in campus but fighting during class hour is prohibited." Mr Vallejo added.

He saw us kaya napatigil ito. Nagsenyas itong maupo kami kaya naupo ako sa tabi ni Monique at Klinnia.

"So, miss Navar, right?" Tanong nito agad habang nakatingin sa isang papel.

"This is not the first time, right... Can you tell me what really exactly happened?" Mr Vallejo asked as he stared at me with a question look.

Napatingin naman ako sa iba na nakatingin lang din sa akin. Really? Gusto niyang ekwento ko lahat!? As in lahat!?

"Hindi ko ho alam kong bakit at ano ba talaga ang dahilan. Maybe they just bullied me for fun." Inip kong sabi.

Hindi ba nila alam na ayokong nag eexplain or nagkwekwento? Tssss...

"They won't bully you kung wala kang ginagawa." Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ni Mr Vallejo.

"It's not my fault, sir. Hindi ko ho kasalanang may mga nakaharang sa daan at binato pa ako ng baseball. Hindi ko kasalanang may mga tangang obsessed at gustong saktan at ipahiya ako sa lahat." I just calmly said and stared blankly.

"Just the way you talk right now, I already have an idea." Ani Mr Vallejo at tumango tango pa.

"Anyways, Noe's group is already in the detention room. They are going to be suspended just like want happened to the other group who started the fight. Pero hindi ibig sabihin non abswelto ka na, ms Navar. You will be punished of course, you have to clean the comfort room, kung saan kayo nag away kanina. For two weeks! Do you hear me?" I clinched my fist and stared only at the table at marahang tumango.

Damn it! Kaylangan ko pang mag linis ng cr! Kainis! I really hate this damn life!

Life won't really be easy for me. There are lots of stupids who will just go against me! Nakakainis talaga!

I am going to clean that comfort room for damn two weeks? All be my self?

Nang makauwi ako sa hospital na shock si auntie nang makita ang pasa ko. Of course I told her what happened. Umuwi muna ako sa condo after. I have to do my school works and I will just stressed auntie and lola dahil sa pasa ko sa muka.

Wala namang nangyaring fight scene sa hallway kinabukasan, nang mag dismissal ay ginawa ko na ang trabaho ko. Hassle nga ih, kainis!

I didn't saw Xzevier's group the whole day kaya okay na rin yun para iwas gulo.

Sa sumunod na araw habang nag lulunch kami ay dumating ang grupo nila sa cafeteria. I learned from Monique na they rarely went to cafeteria kasi may private room sila sa forth year's building. Xzevier requested it from the committee, inaprobahan ito dahil malakas siya sa university, of course, He's the King after all.

"We're going to help, hehe." Sabi ni Monique nang makarating kami sa comfort room na lilinisin ko ulit.

"You're not allowed to help, Monique, you know that." Kalmadong ani ko. Mr Vallejo instructed us na bawal may tumulong sa akin sa pag lilinis. If I am going to violate it, I'll be suspended.

Walang nagawa si Monique at Klinnia kundi panuorin ako sa paglilinis. Bakit parang mag dumami yata ang dumi ngayon?

"Those stupids, they already know na naglilinis ka ng cr na to, kaya mas dinumihan nila!" Inis na sabi ni Monique.

"Don't worry, guys. I'll be going to report this to Mr Vallejo. I'm sure he will lessen your punishment." Ani Klinnia.

Wala akong nagawa kundi ang tapusin ito. Kaya nang makauwi ako ay nakatulog agad ako dahil sa pagud.

Kinabukas, nang lumabas kami ng classroom namin para mag lunch na, ay may isang lalaking nagsabing pinapapunta kaming tatlo sa KR.

"Anong KR?" I curiously asked habang nag lalakad kaming tatlo paalis ng building namin.

"Kings' Room." Sagot ni Monique sa akin.

"Bakit naman kaya tayo pinapapunta don?" Takang tanong naman ni Klinnia, but Monique just shrugged her shoulders.

Napatingin ako sa building na dating napuntahan ko nang unang bisis na makabangga ko ang Tiger Gang, ang gang ng mga pangit na may leader na Noe ang ngalan.

Pumasok kami sa isang hallway na wala masyadong dumadaang students, at nag stop sa isang black door.

Kumatok si Monique and Lemuel opened it for us.

"Good afternoon ladies." He smiled at us at binuksan ang pinto para makapasok kami.

Bumungad agad sa akin ang isang malawak na kwarto. Mas malawak pa ito sa classroom namin, maybe dalawang classroom to sukat nito.

Agad kong nakita si Dennis at Clinton na nakaupo sa couch. Wow, seems like they designed this whole room para magmukang isang living room or maliit na bahay. 

Naglakad naman kami patungo sa kanila at naupo sa bakanting upuan.

"Bakit naman kami andito?" Agad na tanong ni Monique.

"We're going to have lunch of course." Masayang ani Lemuel at naupo sa tabi nito.

"Where's Xzevier and Kyle by the way?" Klinnia suddenly asked. Nagkatinginan naman ang tatlo at napaiwas nang tingin.

Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok mula don si Xzevier na gulo ang buhok at si Kyle na may pasa sa muka.

"What happened to your face, Kyle?" Agad na tanong ni Klinnia sa pinsan.

"Its nothing." Simpleng sagot lang nito at naupo sa harapang couch namin.

Wala kaming imikan hanggang nag lagay si Dennis nang mga foods sa center table. I am just observing them, since this would be the first time I will eat lunch with them.

"So, Weyla, does your punishment hard?" Pag open nang topic ni Clinton.

"Of course! What kind of question is that!?" Si Monique na ang sumagot at mahina lang akong tumango.

"Every fucking day, padumi nang padumi at parami nang parami ang nililinis niya don!" Inis nitong dugtong.

"And we're not allowed to help her. For sure Mr Vallejo will just get mad if we do so." Sabi naman ni Klinnia.

"This won't happened  if someone didn't triggered her." Sabi bigla ni Monique.

Biglang nangbago ang ihip nang hangin. Naging tahimik ang lahat because of what Monique said.

Biglang tumayo si Kyle at lumabas nang room. Napa kamot nalang sa ulo si Lemuel habang ang iba ay hindi nalang pinansin ang inasta ni Kyle. Monique just continue her lunch while I can't even continue mine.

_

"Does the punishment difficult?"

Napalingon ako sa taong nasa pinto ngayon at nakasandal habang nakatingin sa ginagawa ko.

Nasa comfort room na ako at ginagawa ang trabaho ko. Mag-isa lang ako since Klinnia have a council meeting while Monique is, I don't know where -,-

"Obvious ba?" Inip na sagot ko, habang bumalik sa pag mamap nang sahig.

"Should I help you?" Tanong niya ulit. Napalingon ulit ako sa kaniya at mahinang natawa.

"No thanks, Xzevier. Matatapos na rin naman ako." Ani ko at itinuloy ang pag mamap.

Tumango lang siya at ipinag patuloy ang panunuod sa akin. Hindi niya ba alam na ayokong may nanunuod sa ginagawa ko? Tumalikod nalang ako sa kaniya at ipinagpatuloy taposin ang ginagawa ko. Maiinip din yan sa panunuod.

"Anjan ka pa rin? Hindi ka pa ba uuwi?" Takang tanong ko nang makitang nasa ganon pwesto parin siya, nang matapos ako.

"Tapos ka na?" Balik na tanong niya naman at umayos nang tayo.

"Oo." Tumango pa ako at naglakad palapit sa sink at binuksan ang gripo.

"Ay tangina!" Napa atras ako because the water jets up.

"Aish!" I tried na isara ang gripo pero hindi ko masara dahil sa tubig na patungo sakin.

"Wag ka jan." Hinila ako ni Xzevier paalis don at siya na ang nagsara nang gripo.

"Aish!" Inis na ani ko dahil medjo nabasa ang damit ko.

"Tsss.." Lumapit siya sakin at pinunasan ang kamay ko gamit ang panyong dala niya.

"Nakita nang sira ang gripo, tsss, nabasa ka tuloy." Aniya at kunot noong pinagpatuloy ang pagpunas sa kamay ko.

"Ako na." Mahina kong sabi at kinuha ang panyo sa kamay niya.

Napatigil siya at napatingin sa kamay kong nakapatong sa kamay niya. Mabilis kong inagaw ang panyo at umiwas, at pinunasan ko nalang pati ang nabasa kong damit.

"Do you have spare clothes?" He asked and I just nodded without looking at him.

"I'm just going to change my shirt, magpalit ka din.. Aalis muna ako." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Napatingin ako sa damit niyang nabasa din pala. I just nodded as he walked away. Sinundan ko lang siya nang tingin hanggang makalabas siya.

Napabuntong hininga nalang ako at bumalik sa classroom para kunin ang bag ko. Halos kunti nalang na students ang nakikita ko sa hallway.

Agad akong bumalik sa cr para mag palit ng damit. Nang makalabas ako ay naabutan ko si Xzevier na nasa labas.

"Oh? What are you still doing here?" Taka kong tanong sa kaniya.

"I told you, I'm just going to change, at aalis muna ako..." Diniinan niya pa ang word na Just at Muna.

"... Let's go." Takang tumingin naman ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

"Huh.?"

"Ayaw mo naman sigurong mapa trouble sa daan at madagdagan ang parusa mo? I'll drive you home... So Let's go." Aniya at agad na tumalikod.

Napanganga lang ako dahil sa sinabi niya.  at sumunod rin naman sa kaniya. Nasa likoran lang niya ako habang nakatingin lang sa likod niya.

May ilang students na natitira pa dito, pero mabibilang nalang. Takang nakatingin lang sila sa amin. Sino ba namang hindi?

Ang leader nang tinaguriang The Kings ang kasama ko? Nung nakaraan ang sina Lemuel, Dennis, at Clinton. Tapos ngayon, si Xzevier. Tsk, tsk, tsk...

"Aray! Bat ka tumigil!" Napahawak nalang ako sa noo ko nang bigla siyang tumigil at nabunggo ako sa likod niya.

Lumingon naman siya at naka poker face na tumingin lang sa akin.

"Muka kang buntot." He said and he grabbed my hand and held my shoulders.

"Dito ka sa tabi ko..." Tinabi niya ako sa kaniya at magkapantay na kami ngayon nang tayo.

"... Tsss.. Let's go." Aniya at naunang maglakad. Napako naman ako sa kinatatayuan kaya napalingon ulit siya at taas kilay akong tiningnan.

"Weyla Navar!?" Seryosong banggit niya. Kaya mabilis akong napalakad at nalampasan pa siya.

"Tsss..." Dinig kong asik niya.

Muka akong tangang pinapakiramdaman ang paligid pati siya na nasa gilid at medjo nasa likoran ko.

Napalingon ako ng kunti sa kaniya, at nakita kong seryoso siyang napatingin sa akin, kaya agad kong ibinalik ang tingin sa daan.

Wala kaming imik hanggang makadating kami sa parking area, at makalapit sa sasakyan niya.

"Sakay." Aniya at pinagbuksan lang ako nang pinto at naglakad patungo sa kabila.

Naalala ko bigla ang naikwento ni Monique sa akin. Aish! Maluluka lang ako!

"Ano? Tatayo ka nalang jan?" Inip niyang ani.

Napabuntong hininga nalang ako at mabilis na sumakay sa Lamborghini niya. Iba talaga pag mayaman...

"Ah Xzevier... Pano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Tanong ko sa kaniya habang nasa daan lang ang tingin ko.

"I just know." Simpleng sagot niya.

Napakunot noo naman ako at sinulyapan siya. Napako ang tingin ko sa muka niya...

He really is gorgeous, muka pa siyang babae kesa sakin. Ang tangos nang ilong, ang lips—

"Geuman chyeodabwa."

"Ha?" Napatigil ako sa iniisip dahil sa sinabi niya. Napailing lang siya at napangisi. Umiwas nalang ako nang tingin at inalala ang sinabi niya.

It means stop staring in korean... I don't know how understand it, bigla ko nalang siyang naintindihan kaya nahiya tuloy ako.

Wala kaming imik hanggang pakadating kami sa condo. Sabay kaming lumabas nang sasakyan at naglakad patungo sa elevator na wala paring imikan.

"Hindi mo na ako kaylangan ihatid sa floor namin." I suddenly said which made him simply glance at me.

"Sure, then I'll go with you until you reach your floor at the elevator." He simply said as he walk first inside the elevator. Takang nakatingin at sumunod lang naman ako sa kaniya.

I was about to press a floor number nang magkasagian ang kamay namin because he's also going to press the floor number.

Napaubo siya at umatras. Kaya pinindot ko nalang ang fifth floor...

Nakatingin lang ako sa number sa taas nang biglang bumukas ang elevator at may pumasok na magkasintahan.

"Mamaya na nga babe." Bulong nang babae pero dinig naman namin.

Nasa harapan namin sila ngayon. Nakaakbay ang lalaki dito ang may ibinubulong sa babae.

"Five.." Dinig kong bulong ng lalaki.

"Hindi pwede. Two lang." Bulong naman ulit ng babae.

"Four?" Bulong ulit ng lalaki.

"Aish! Baka hindi ako makauwi babe!" Bulong naman ulit ng babae.

"Sige na ihahatid naman kita... Hmm? Kahit three rounds nalang."

Nanlaki ang mata ko dahil sa binulong ng lalaki. Bigla namang bumukas ang elevator sa fourth floor at lumabas sila. Inilagay pa nang lalaki ang kamay sa ibabang bahagi ng bewang ng girlfriend nito...

Hindi ko namang magawang sulyapan ang lalaking katabi ko. Alam kong nadinig niya din ang pinagbubulungan nang dalawa kanina.

Nang bumukas ulit ang pinto sa fifth floor ay lalabas na sana dapat ako pero muntik na akong mabunggo ng lalaking may dalang malaking box.

"Excuse, excuse po." Ani ng lalaki.

Xzevier held my shoulder para hindi ako matumba. Napatingin ako sa kaniya at sa lips niya tumama ang tingin ko, habang nakatingin din pala siya sa akin.

Umayos agad ako nang tayo at marahang tumango sa kaniya. I felt awkwardness sa position namin... Kaya nag madali akong lumabas at nakahinga lang ng maluwag nang sumara ang pinto ng elevator.

Napahawak nalang ko sa dibdib ko at napailing.

****