CHAPTER 5 - Friends and Enemies
Since gabi na ay na hindi sila nagtagal. Naunang umalis at nag paalam si Klinnia at Monique.
"Xz-Xzevier." I called his name. He's about to go out as well but I remembered, I need to at least thank him.
Wala siyang imik na lumingon lang sa akin.
"Ahm, I just want to say thank you.." Mahina ani ko ngunit alam kong dinig niya.
"Thank you, I really owe you a lot." I smiled at him and he just nodded.
"I'll go ahead... Pagaling ka." He simple uttered. I nodded as I watched him walked towards to door.
Hindi nag tagal ay dumating din si auntie na may dalang pagkain. Hindi ko nagalaw ang dala niyang food since may dalang snacks sina Monique kanina kaya yun ang kinain ko.
Kinabukasan nang magising ako ay kausap ni auntie ang doctor. Agad lumapit sa akin ang nurse at tiningnan ang vitals ko.
"I advised you miss Navar to stay healthy and don't stressed yourself.. Pwede na siyang e discharge. Mauna na ako." Agad na nag paalam ang doctor at inihatid siya ni auntie sa labas ng pinto.
"Kumain ka muna." Ani sakin ni auntie at binigyan ako ng breakfast.
"Auntie? Anong pinang usapan niyo nang doctor?" I know they were talking and discussing about my condition bago ako nagising.
She suddenly stopped and dahan dahang tumingin sakin, "Those.... those are signs... Signs that your memories will come back."
Napaisip ako dahil sa sinabi ni auntie. But how? And when? Biglang pumasok sa isip ko ang napanaginipan ko kahapon. Does this means, part yun ng memories ko?
Gusto kong alalahanin yun but it will trigger my head. Kaya isinawalang bahala ko nalang ito. I know naman na soon, I'll be able to remember everything.
At noon time ay bumalik na kami ni auntie sa room ni Lola. She's better now than the last time I saw her.
Gusto ko sanang pumasok ngayon pero hindi ako pinayagan ni auntie. I also message Klinnia and Monique na nadischarge na ako. They just replied na wag muna akong pumasok, dahil baka may mangyari na naman sa school. So the whole day ay nasa room lang ako ni Lola.
The next day, syempre papasok na ako. While I am walking towards the exit of the hospital. I received a message from Monique na susunduin daw nila ako.
Nagtaka pa ako kung bakit naman kailangan pa nila akong sunduin dito sa hospital. Pwede naman nila akong hintayin sa gate kung talagang ayaw nilang mag isa akong mag lakad patungo sa classroom.
Nang makarating ako sa labas ng hospital napatingin agad ako sa isang black van na agad nag park sa harapan.
"Pretty Weyla!" Kunot noo akong tumingin sa taong nag bukas nang pinto.
"Ano ba Lemuel! Umalis ka nga jan!.. Weyla tara na!" Itinulak ni Monique si Lemuel at nakangiting lumabas. She grabbed my hand at kinaladkad pa pasok ng van.
"Good morning, Weyla." Nakangiting bati ni Dennis at Clinton. Tumango lang ako at naupo, sa pinakalikuran kami at pinagigitnaan ako ni Klinnia at Monique.
Tangging si Kyle at Xzevier lang ang hindi nila kasama. Wala akong imik buong byahe, kahit puro daldal si Monique.
I feel awkward, kasi I never thought the other members will be with Klinnia and Monique.
Nang makarating kami sa school ay naunang bumaba ang tatlong lalaki. Talagang sa harap ng entrance pa itinigil ng driver nila ang van, hindi tuloy ako mapakali kung bababa ba ako o babalik nalang sa hospital...
What if mag panggap akong nahimatay para hindi nalang ako lumabas, tapos para maibalik nalang nila ako sa hospital? Aish! Hindi pwede matataranta lang sila, malalaman parin ng iba dahil makikichismis, at sisilip sa loob nang van. Kaya no choice ako kundi ang lumabas.
Nagulat ang mga schoolmates namin ng makita ako. I didn't gave a damn to glare at anyone. I remain calm plus wearing a poker face. I heard gossips and whispers sa mga nadadaanan namin students.
I know most of those girls na nag a'idolize or a part of a gang na kasapi sa mga hawak na gang ng Kings, are evilly staring and glaring at me. I know that, I can feel their aura, hindi ko nga alam kung paano pero malakas ang kutob at pakiramdam ko. But then, I remain silent hanggang sa makarating kami sa building namin.
Hindi na namin kasabay ang tatlong lalaki dahil nasa forth year na sila, while kami ay third year palang. At malayo ang building nila sa amin.
Kahit na ang mga kaklase namin ang takang tumingin sa amin. I even heard some said 'She befriend that two para makalapit sa Kings.' I just laughed at it. Stupid.
I'm starting to wonder bakit ba ang daming stupid sa school na to? I though, this school has high quality of education dahil 75% of the population ay matataas ang IQ? Bakit naman parang, I only see 30%. Wala bang ginagawa ang mayari nitong school, para ayusin ang mga studyante?
Mga matatalino nga sa acads ang bobo naman sa pagintindi sa buhay ng ibang tao.
"May important lunch meeting daw kami. Kaya hindi ako makakasama sa lunch." Malungkot na ani Klinnia samin.
"Okay lang yan, Klin." Natatawang sabi ni Monique at ginulo pa ang buhok ni Klinnia.
"Ganyan talaga pag mabuting studyante." Nagtawanan naman kami dahil sa sinabi niya ulit. Napanguso nalang si Klinnia at agad na nag paalam na rin.
So, dalawa lang kami ni Monique na nag lulunch ngayon sa cafeteria.
"Bakit nga pala natin kasama yung tatlong member ng Kings?" I suddenly asked nang matapos akong kumain.
"Well, I told them na gagamitin ko ang bagong van na bili ni daddy for me. Since, nakatira kami ni Klinnia for almost three years a iisang bahay sa subdivision malapit sa HQ nina Xzevier, ay naisipan nilang sumabay, kaya dinaanan namin sila. Well, ganon naman talaga kami ever since we're in high school. Kung sinong may bagong sasakyan ay e tetest drive namin." Tumang-tango lang ako dahil sa sinabi ni Monique.
"Well, maliban kay Xzevier, ayaw niyang may ibang nakakapasok sa sasakyan niya..." Kunot noong napatingin ako sa kaniya after what she said.
Huh? But I remembered he drove me home nung galing kami sa mall... And how about Tallia? Tallia is her girlfriend, right?
"... Kaya nga na shock kami, for the first time in our damn lives, he finally let someone entered his damn car!... Alam mo bang ikaw palang ang nakakapasok sa Lamborghini niya!" Nanlalaki pa ang mata niya habang sinasabi iyon.
"Remember yung nangyari nung monday?... Xzevier insist na dalhin ka sa hospital, gosh! Unang besis!"
You're wrong, hindi unang besis yun. I sighed heavily at kunot noong tumingin lang sa kaniya.
"You know what. I also have this thought... He looks like he has something on his sleeves." Pinaglaruan niya pa ang straw ng drink niya habang naniningkit ang matang nakatingin sa akin.
"He never ordered to bully or threaten you. He even saved you, and I never heard he said something bad about you....... Hindi imposibleng magkagusto siya sayo. You're the prettiest kaya, you're also a good person... And I like you for him, ohmygosh!" Napanganga nalang ako dahil sa mga sinabi niya, habang muka siyang kinikilig na hindi ko maintindihan.
Gusto agad? Eh may girlfriend na yung tao... Baka ganon lang siya sakin dahil kaibigan ko si Monique at Klinnia.
Hindi ko nalang siya pinansin, ang lawak ng imagination ng babaeng to -,-
Nang makarating kami sa room ay halos kasabay naming pumasok si Klinnia. When the prof came in ay agad na nag start ang class namin.
Since we have an hour vacant. Naisipan kong takasan ang dalawa. I told them na mag ccr lang ako, pero palpak ang plano ko. Monique insist to go with me because she also wants to pee, kaya wala akong nagawa.
I want to go to the garden sa likod ng building. Siguro naman kasi wala dun ngayon ang mahangin na si Xzevier -,-
I just washed my hands since hindi naman ako naiihi. Nang matapos ay agad kaming lumabas sa cr.
"Wait na iwan ko yung bracelet ko sa sink." Ani Monique habang paliko na sana kami ng daan hindi pa naman masyadong malayo sa comfort room. Bumalik siya sa loob ng cr at ako naman ay nag stay sa kinatatayuan.
"Hola, hola, magandang dilag." Napaayos ako nang tayo ng may biglang nagsilapitang lalaki sa kinatatayuan ko.
Yung mga pangit -,-
"Magandang araw, binibini." Ani ulit ng pangit nilang leader. May isininyas ito, at mabilis na nagsilapitan ang dalawa sa may cr.
Nadinig ko agad ang sigaw ni Monique sa loob nang itulak ito ng isang lalaki at pinagsarhan ng pinto.
"Anong kailangan niyo!" Inis na tanong ko sa kanila.
"Easy, Navar. Maniningil lang kami ng utang. Naalala mo ba ang ginawa mo nung nakaraan?.. Ang lakas mo palang manuntok, nabangasan tuloy ang ka-gwapohan ko." Sabi ng pangit na leader nila at hinawak hawakan pa ang chin nito. I just gave him a cold stare.
Monique is screaming inside and calling my name. Kaya napalingon ako sa direksiyon nito. Kumakalabog ang pinto at Pinag tatawanan lang siya ng dalawang nag lock sa kaniya sa loob.
"Jan ka lang muna, makakasagabal ka lang dito." Natatawang ani ng isa at nakipag apir pa sa kasama nito. Masama ko silang tiningnan at ibinalik ang tingin sa pangit nilang leader.
"Oh bakit? Alam mo bang nasiyahan ako sa ginawa nina Amonte at Wan? Hahaha, napadala ka nila sa ospital, ang galing... sayang lang at nahuli sila, kaya ayon muntik pang ma'expel..." Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.
"... Kung hindi ka lang kasi nag matapang. Maganda sana buhay mo ngayon dito... Unang araw? Binunggo mo ang Kings. Pati ang Roses at ilang gangs dito, tsk, tsk, alam mo ba kung ano ang kapalit 'non?... Sakit sa katawan..." Ibinulong nito ang huling sinabi.
"... Kung nakinig ka nalang sana sa offer ko, hindi na sana tayo aabot sa ganito... Hala sige hawakan niyo siya!" Nagsilapitan naman agad ang mga tauhan nito sa akin.
Hindi naman ako pwedeng umatras dahil pinalilibutan nila ako kaya wala akong choice kundi ang lumaban.
Suntok at sipa ang ginawa ko sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit parang easy lang siya sakin. Kaya natumba ang dalawang nag try hawakan ako.
"Ano! Sumugod kayo!.. Babae lang yan!" Inis na sigaw ng leader nila.
Nagsisuguran ang sampo, kaya napabuntong hininga ako. Hindi pa naman masyadong maluwag ang space dito. Tsk.
Pinag sisipa at pinagsusuntok ko ang mga lumalapit sa akin. They also tried to punch and kick me pero madali lang akong umiiwas. But since they are more than ten. Nasuntok at nasipa ako sa tiyan.
Someone grabbed my hair and kicked me kaya napaluhod ako na hawak hawak niya ang buhok ko.
"Ang galing, Navar! Tingnan mo sila, halos hindi na makatayo. Tsk, tsk, tsk, saan mo natutunang lumaban ng ganon?" Hinawakan ng leader ang pisnge ko at nginisihan ako. I remain emotionless as I stare back at him.
"Pero hindi ka parin papasa!" Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kaniya.
Biglang namanhid ang muka ko at napakagat nalang ako ng labi.
"Ang hina ng sampal mo.." I said it with a cold voice as I coldly stare at him. Biglang bang iba ang muka niya dahil dito.
"Abat! Matapang parin!" Galit na aniya at akmang sasampalin ulit ako nang biglang may humawak sa kamay nito.
Inis naman siyang tumingin agad para malaman kung sino ang pumigil sa kaniya.
"Za-Zandros..." Utal na ani ng leader nila at napaatras. Ganon din ang iba na gulat na napatingin sa taong nakatayo ngayon sa tabi ko.
"Noe, you're going too far..." His cold voice gives shiver in our spines. He's really cold, tsk.
"Oh my, oh my, Noe.. Anong ginawa mo kay pretty Weyla!?" Napatingin naman ako kay Lemuel na inakbayan yung Noe, ang leader ng mga pangit -,-
The atmosphere went intense. The guy who named Noe and Xzevier are deadly staring at each other. Napatingin din ako kay Dennis at Clinton na nasa likuran ni Lemuel. Kyle is leaning on the wall sa left side and he's staring blankly at me.
"What do you think you're doing, Noe?" Inip na tanong ni Clinton.
"I'm just doing you a favor.." Mahina at kalmadong sagot ni Noe.
"Favor my ass!" Malakas na natawa si Lemuel at pinalo ng malakas si Noe, kaya biglang nag sipaghanda ang mga gangmates nito pero nag hand sign si Noe.
"Anong kaguluhan ito?" A cold and authoritative voice echo in the hallway. Biglang nagsilingunan lahat sa taong biglang sumulpot. He's wearing a formal coat and an eyeglasses.
"Mr. Vallejo.." I heard someone said. This Mr. Vallejo is looking at me na nakakunot noo. He looked at everyone with an evil and cold stares.
Bigla akong napatingin sa posesyon ko. Napabuntong hininga ako at dahan dahang tumayo. Nagpagpag ako ng suot ko pagkatapos ay tumingin sa kanila. Everyone are staring at me, napakunot noo akong tumingin sa kanila.
Ano namang reaksiyon yan?
Suddenly I remembered Monique. Kaya tumalikod ako sa kanila at naglakad palapit sa pinto nang cr. Agad na umiwas ang dalawang bantay doon.
Nang buksan ko ito, I saw Monique sobbing in the corner.
"Monique..." Agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya.
"Weyla? Okay ka lang? I'm sorry, wala akong magawa.." Umiling ako at ngumiti sa kaniya.
"Monique.." Napalingon kami kay Lemuel na nasalikoran ko na pala.
"Okay ka lang?" Nagaalala nitong taong kay Monique. Tumango lang ito and she wiped her tears away.
Agad akong tumayo at itinayo din ni Lemuel si Monique.
"Those bastards.. tssk!" Inis na asik ni Lemuel. Napabuntong hininga nalang ako at tiningnan ang sarili sa salamin.
Hinawakan ko ang sugat ko sa labi at noo ko. How am I going to tell auntie about this!? Hay...
Nang makalabas kami sa cr ay tanging si Clinton nalang ang nandon.
"Detention room." Agad na sabi nito kahit wala pa naman kaming tinatanong.
"Pero sa clinic muna tayo para malinisan ang sugat ni Weyla." He smiled at me and I just nodded.
They seems treatment me well. Maybe because of Monique and Klinnia.
Nauna itong maglakad paalis at sumunod naman kami. Monique is holding my arm and nasalikod lang namin si Lemuel.
We were all silent hanggang makarating kami sa clinic. The school nurse cleaned my wounds.
"Those jerks! They're going to pay for this!" Inis na ani Monique and she even clinched her fist.
"But Lemuel! Sabihin mo nga sa amin.. Aren't they part of your lower gangs?" Tanong niya kay Lemuel na nakaupo sa isang silya.
"Yup, they were... They were part of the lower gangs that we handled, but they are fucking traitors and they even wanted to go against us. Kinakalaban nila ngayon ang lower gangs na hawak namin." Sagot ni Lemuel.
"They what?" Takang tanong ulit ni Monique.
"Sumapi sila sa kabilang grupo, ang kalaban nang Dark Sagittarius Gang."
"Dark Sagittarius what?" I confusedly asked.
"It's the name of our gang." Sagot ni Lemuel sa akin.
'Their gang is the one of the most powerful gangs in the gang's world. Madami silang hawak na gangs at silang lima ang parang mga leader. The are entitled The Kings, but the King of them all is their one and only leader, Thairon Xzevier Zandros.' Naalala ko bigla ang kwenento ni Klinnia sa akin noon.
***