CHAPTER 7 - Gossips
Sunday ngayon at naisipan kong bumili ng groceries sa tapat. Mabuti nalang at may grocery store sa tapat nang condominium kaya hindi hassle.
Masaya din ako dahil nakapagpahinga ako ng two days sa punishment na ibinigay ni Mr Vallejo. Matatapos ko na din pala yun sa wakas sa susunod na week!
"Weyla?"
Napalingon ako sa babaeng biglang tumawag saakin..
"Oy hi!" Nakangiti itong lumapit sa akin.
"Hi Tallia." Nakangiti kong bati sa kaniya.
"Anong ginagawa mo dito sa condo? Dito ka rin ba nakatira? Nag groceries ka?" She asked at tumingin sa mga dala ko. Napatingin din ako sa dala niyang paper bag...
"Ah yup... Ikaw?" Tumango tango pa ako at nagtanong na rin.
".. Ah dadalawin ko sana si Xzevier sa unit niya... What a small world, same place pala kayo nakatira." Aniya.
Hah? Si Xzevier? Dito rin sa condominium na to nakatira?
"Dito rin nakatira ngayon si Xzevier?" Kunot noo kong tanong.
"You don't know?" She confusedly asked. "He's living at the seventh floor. He's been living here for almost three years."
Hindi naman ako sumagot at tumango nalang habang nakatingin sa paper bags na dala niya at habang naglalakad kami patungo sa elevator.
Kaya pala alam niya kung saan ako nakatira. Tsk.
While inside the elevator, Tallia keep mentioning about school stuffs like Reinette University.
"Reinette University is really maganda... Alam mo yun? Kahit gangs are allowed inside, maganda ang quality nang pagtuturo don, and also maganda ang pagpapatakbo ng school na yon. I really wonder pano kaya nila na hahandle ang mga gangs 'don." Tumango tango lang ako sa sinabi niya.
"By the way, Tallia... Saan ka pala nag aaral?" Tanong ko. Kasi hindi ko naman siya nakikita sa RU, so it only means sa ibang school siya nag aaral...
"Sa Doctrine Colleges... Fifth year na ako, graduating." Nakangiti niyang sagot.
Nagulat ako na mag dodoctor pala tong babaeng to. As far as I know kasi, Doctrine Colleges is a private med school.
"Wow... Advance Congrats, doc." Natawa lang siya dahil sa sinabi ko.
Bumukas ang pinto ng elevator sa floor namin kaya nag paalam na ako sa kaniya. Xzevier must be really proud of his girlfriend. Hindi lang kasi maganda si Tallia, she's also a good person, nakikita ko yun. She's nice and friendly... Fifth year na pala siya, so ahead siya kay Xzevier, at mas lalong sa akin... But I didn't know her age, mukang ka same age lang naman namin siya...
Nang makarating ako sa room namin ay naabutan ko si auntie na nagluluto na ng pagkain namin for lunch kaya tumulong nalang ako.
Nang matapos kaming mag lunch ay nanood nalang kami ng movie ni auntie, habang si Lola ay nagpapahinga sa kwarto nito.
Horror ang una naming pinanood at nang matapos ay Rom-com ang genre ang sunod na pinili ni auntie. Kaya habang nanonood kami bigla kong naalala si Xzevier at Tallia... Aish! Ang dumi ng isip ko!
Kaya hindi ko na tinapos ang panonood at nag stay nalang sa kwarto ko. Nang mag 5:30 ay nag paalam ako na magpapahangin lang sa roof top, babalik din naman ako pag dumilim na.
Pinapanood ko lang langit habang nakahiga sa mahabang sementong upuan. Itinaas ko ang kamay kunyare mahahawakan ang ulap at langit, at ngumiti.
Maliwanag parin ang langit kahit mag si'six na.
"Ang ganda." I whispered and mahinang natawa. Maganda ang kulay nang langit dahil sa liwanag mula sa sun na unti unti nang nawawala.
"Dangsincheoleom..."
I heard someone speak in korean. Kaya napabangon ako at tumingin sa kaniya.
"Xzevier?"
"Aleumdaun.." He said again while looking at me and then he looked at the sky.
Napakunot noo nalang ako... And I just heard and felt my heart beat... Bakit ang hilig niyang mag korean? Anong ibig sabihin nang sinabi niya...?!
"Kanina ka pa ba dito?" He suddenly asked... And I just nodded.
"Si Tallia?" Tanong ko naman at umiwas nang tingin.
"Umuwi na." Sagot niya naman. I just nodded a bit at umayos nang upo.
"Anong ginawa niyo?.. I mean..." Hindi ko na alam kung ano ang idudugtong ko, bakit ba ako nag tanong, tsk!
Nadinig ko siyang mahinang natawa kaya napatingin ako sa kaniya. Tiningnan niya ako ng seryoso kaya napaiwas ulit ako nang tingin.
"You're thinking something?" He seriously asked. But I heard him chuckled.
"N-no." Ani ko. Huminga ako nang malalim at tumayo. "Alis na 'ko." Agad akong tumalikod sa kaniya.
Hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay nahawakan niya na ang kamay ko.
"W-what?" Utal kong tanong. Hindi ko alam actually kung bakit ako naiilang ngayon sa kaniya...
"I have something to tell you." Aniya habang nakatingin ngayon sa mga mata ko.
"A-ano yun?" Tanong ko naman at nag iwas nang tingin.
"Its-" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng biglang nag ring ang phone niya.
"Wait. Sasagutin ko lang to." Sabi niya naman at agad na binitawan ang kamay ko at sinagot ang tawag.
"What?" Walang gana niyang bungad sa tumawag.
Umiwas ulit ako nang tingin dahil nakatingin parin siya sa akin kahit pinakikinggan niya ang sinasabi ng kausap niya sa phone.
"Tss.. Give me a minute." Sabi niya at ibinaba ang tawag. Nanatiling nakaiwas lang naman ang tingin ko.
"Anong gusto mong sabihin?" Tanong ko habang hindi nakatingin sa kaniya.
"Ahm..."
Nadinig ko siyang bumuntong hininga.
"Bukas... Sabay tayong pumasok bukas."
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Yun lang ang gusto niyang sabihin? Akala ko pa naman kong ano.
"Huh-"
"Hep! I'll fetch you tomorrow morning... Let's go, ihahatid na kita sa unit niyo."
Hindi na ako nakapalag pa dahil hinablot niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas nang roof top.
Wala akong imik hanggang makarating kami sa unit.
"Ahm, sige na alam kong may lakad ka pa." Ani ko habang hindi nakatingin sa kaniya.
"Hmm... See you tomorrow."
Tumango nalang ako at tiningnan siyang naglalakad paalis. Dali dali naman akong pumasok sa unit.
"Oh? San ka galing?" Bungad agad ni lola na kasalukuyang nakaupo sa sofa.
"Sa labas lang 'la. Nagpahangin." Sagot ko naman.
"Si auntie?"
"Nasa labas may pinuntahan lang." Sagot naman ni lola. Tumango nalang ako at naglakad patungo sa kitchen para kumuha nang tubig.
Ano bang nangyayari don kay Xzevier? Bakit ang weird..
"Aish!" Inis kong inilagay ang baso sa sink at bumalik sa sala.
"'La sa kwarto lang ako, hindi na ho ako mag didinner." Ani ko at dirediretsong pumasok sa kwarto ko.
This day is damn tiring kahit wala naman akong ginawa masyado, tsk!
So, as what I said hindi nga ako nang dinner kahit kinatok pa ako ni auntie, hindi ako lumabas.
Medjo na late rin ako ng gising, hindi ko alam kung bakit parang may nakalimutan yata ako, na hindi ko maintindihan.
"Oh? Aalis ka na?" Tanong agad ni auntie nang makitang dala ko na ang bag ko.
"Hindi na ako mag bre'breakfast, baka ma'late na din ako." Tamad kong sagot.
Tumango lang naman si auntie kaya lumabas na rin ako ng unit.
"Ay gwapo!- Ano ba Xzevier, bat ka nan dito?"
Nagulat ako nang pagsara ko nang pinto ay muka niya agad ang bumungad sakin.
"You forgot, don't you?" Kunot noo niyang sabi.
Bigla kong naalala ang sinabi niya kahapon. Ay jusko naman yun pala ang nakalimutan ko, maganda kasi yung panaginip ko kaya nakalimutan ko -_-
"Tsk.. Anyways, Let's go baka ma late pa tayo."
Walang tayo oy -_-
"Sige." Ani ko nalang.
Sabay kaming naglakad patungo sa elevator at pumasok syempre. Nang makarating kami sa parking ay pinagbuksan niya agad ako nang pinto nang sasakyan.
Habang nasa byahe ay bigla akong nakatanggap nang text mula kay Monique.
Monique Hoston
( Sis, San ka? Nasa KR kami ni Klin, walang class kasi this morning, diretso ka dito ha :> )
Matapos kong mabasa yun ay hindi na ako nag abalang mag reply pa.
"Sinong nag text?"
Napalingon naman ako sa kasama kong nasa daan lang ang tingin.
Pano niya naman nalamang may nag text?
"Si Monique." Yun lang ang sagot ko at ibinalik ang tingin sa daan.
Nang makarating kami sa RU ay na dumami ang tao sa parking lot. As usual, ang mga fan, tsk.
Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako ni Xzevier nang pinto, dahil pagkalabas niya ay lumabas din naman agad ako.
Everyone's eyes were on us, especially sa akin. Nag simulang mag bulungan ang lahat but I don't give a damn.
Lumapit naman sa akin si Xzevier at sabay kaming nag lakad.
"She's a whore."
"Ew, bakit sila magkasama?"
"Ang landi!"
"Tssss..." Nanatiling blanko lang ang muka ko kahit inis na inis na ako sa mga nadidinig ko.
Ano to? Bulungan pa ba ang tawag jan? Bakit dinig na dinig ko parin?!
"Don't mind them." Ani nang katabi ko.
I remain wearing blank facial expression as we enter fourth year building.
Nang maka pasok kami sa KR, ay nagtaka naman agad silang lahat nang makita kaming magkasabay pumasok.
"Woa... Bakit magkasama kayo?" Bungad agad sa amin ni Lemuel.
"Kayo ha... Anong meron?" Nanunuksong tanong naman ni Monique.
Bagay nga kayong dalawa, pareho kayong madal-dal. Tsk.
Hindi ko sila pinansin at naupo nalang sa tabi ni Klinnia.
Mabuti pa tong isa hindi masyadong maingay -_-
"Bakit walang classes?" Tanong ko sa kaniya.
"May meeting, dumating si ang secretary ng Dean. Faculty, staff at mga stakeholders ang ka meeting. " Tumango nalang ako dahil sa sagot niya.
Nilibang nalang muna namin ang aming mga sarili sa mga board games at computer games na nandito sa loob.
"Ang pangit mo talagang mag-laro! Jan ka na nga." Inis na ibinato ni Monique ang remote control kay Lemuel. Si Lemuel naman ay panay tawa lang.
"Samahan niyo nga akong mag cr. I just wanna wash my hands." Pag-aaya ni Monique sa amin ni Klinnia.
"Sige, tara."
Agad kaming tatlong lumabas ng KR at nag-tungo sa cr.
"Anong meron sa inyo ni Xzevier, Weyla?" Monique suddenly asked kaya nagulat ako sa tanong niya.
"Ano namang klaseng tanong yan." Kunot noo kong sabi.
"Kasi sis, napapansin naming parang may iba sa inyo... Alam mo bang kalat sa buong RU na minsan kayong nakikitang magkasama. Isa pa don yung mga nangyari sa iyo. Xzevier's always there diba." Sunod sunod na sabi naman ni Klinnia.
"Aba malay ko." Nagkibit balikat naman ako at pinunasan ang basa kong kamay.
"Tapos na ba kayo?.. Tara na." Tumango lang naman silang dalawa kaya nauna na akong lumabas ng cr at sumunod naman sila.
Nang makarating kami sa KR sa labas palang ay dinig na namin ang malakas nilang tawanan.
"Ano ba guys. Wag kayong ganyan." I heard a familiar voice.
Agad na binukasan ni Monique ang pintuan kaya nakita agad namin kung ano ang nangyayari sa loob.
"OMG, Unnie!" Nagtatakbo si Monique patungo kay Tallia.
Siya pala ang nadinig ko.
"Hello girls... Hi Weyla." Nakangiti niyang bati sa akin.
"Hi." Bati ko naman at ngumiti rin sa kaniya.
Umupo naman ako sa tabi ni Lemuel habang si Monique at Klinnia ay nakikipagkwentohan kay Tallia.
"Why are you here pala?" Dinig kong tanong ni Monique.
Bago pa man masagot ni Tallia ang tanong ay biglang bumukas ang pintoan. At pumasok ang isang lalaking hindi ko kilala.
"Kuya Tristan. You're here din pala." Ani Monique sa bagong dating.
"Bro, kelan ka pa dumating?" Tanong naman ni Dennis.
"Kahapon lang." Walang gana niyang sagot at naupo sa tabi ni Xzevier.
Muka siyang snob, nakasalubong pa ang kilay, pero gwapo din siya, halos mag kahawig sila ni Xzevier.
Wait....
"Who is she?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Ang Kuya she's Weyla, our new friend." So Monique na ang sumagot. Tumango naman ang tinawag nilang Tristan habang nakatingin parin sa akin.
"Well, nice to meet you, Weyla... I'm Tristan Zandros." Nakangiti niyang sabi at inilahad pa ang kamay.
Ngumiti din naman ako ng pilit at tinanggap ang kamay niya.
"Weyla Navar."
Tumango tango siya at sumandal sa upuan niya... He looks like a more matured version of Xzevier.
Kaya pala medjo magkahawig sila.
"Nag attend ka ng meeting?" Tanong ni Monique kay Tristan.
"Yup."
"Tapos na?" Tanong naman ni Tallia.
"Nope."
Bakit ang tipid naman nitong sumagot -_-
"Bakit andito ka?" Walang ganang tanong naman ni Xzevier.
Pero nagkibitbalikat lang si Tristan.
"Mom is with you?" Tanong ulit ni Xzevier.
"Yeah."
"Tss.. Siya lang kasama mo?"
"Nope."
"Ang tino mo talagang kausap." Natatawang sabat naman ni Lemuel. Tiningnan lang siya nang masama ni Tristan kaya napatakip lang siya nang bibig.
"Tara Kyle, Clint. Mag lu- lunch na, bili na tayong foods."
Napalingon ako sa iba dahil sa sinabi ni Lemuel. Agad niyang hinila si Clinton at Kyle kahit ayaw sumama nang dalawa.
"You should accompany Mom, Tris." Ani Xzevier sa kapatid.
"What for, her secretary's with her naman." Bored na sagot naman ni Tristan.
"You're currently working in the company, Tris. You should at least, do your job, baka pagalitan ka na naman ni dad."
"Xzev. Mind you own business, sumama lang naman ako dahil gusto ni dad. Kadadating ko lang from our business tour in Korea then he'll send me here. Hindi ba uso ang pahinga?" Inis na sabi naman ni Tristan.
"Ah guys? Calm down, okay lang yan, matatapos na din naman yung meeting I guess dahil mag lu'lunch time na." Ani Klinnia.
Tumayo naman si Xzevier at pumunta sa may desk.
Napatingin naman ako kay Tristan na ipinikit lang ang mata.
Mukang may alitan sa dalawa dahil simula ng pumasok si Tristan nag iba na ang atmosphere. Yung boys ay naging tahimik lang, habang itinigil naman ni Monique at Tallia ang usapan nila.
Napatingin kaming lahat kay Tristan ng bigla itong tumayo.
"Alis ka na?" Tanong ni Tallia sa kaniya.
"Yeah." Sagot ni Tristan at agad na naglakad paalis.
Sinundan lang namin siya nang tingin hanggang maisara niya ang pinto.
Napatingin naman ako kay Xzevier na blanko lang ang muka at nakatingin lang sa laptop niya.
***