Chapter 9
"Marla, ano pa ang hinihintay mo? Kumain ka na. Siguradong nag-uunahan na ang mga bulate sa tiyan mo na makakain ng mga ganitong kasasarap na ulam, prutas at iba pang pagkain na ngayon mo lang matitikman sa talangbuhay mo kaya ano pa hinihintay mo, kumuha ka na. Huwag ka ng mahiya. Huwag ka na mag-inarte diyan. Kunyari ka pa, eh!" Huminto ang prinsesa dahil sumabat na ang reyna.
"Anak, ano ba nangyayari sayo?" Pagtataka ng hari sa kinikilos ng prinsesa.
"Pasensya na po kayo sii
guro dahil gutom lang ako. Pasensya na po, lalo na sayo Marla. Huwag mo pansinin mga pinagsasabi ko. Kumain ka na. Huwag ka mahiya. Ituring mo na parang tahanan ang kahariang ito!"
"Kumain ka na Marla. Ituring mo na tahanan ang kahariang ito na parang bahay mo," wika ng hari.
"Ama, huwag mong sabihin na ituring na parang sa kaniya ang kahariang ito, baka madala siya," pagpaparinig ng prinsesa.
Inawat siya ng inang reyna sa hindi mabuting ugaling ipinakita at kawalang respeto niya kaya huminga siya ng pasensya.
Pinapanood ng prinsesa si Marla habang kumakain. "Magpakabusog kang mapagpanggap ka. Nakasulat na sa talaan ko ang mga gagawing pagpapahirap ko sa iyo babaeng taksil at mapagpanggap!" bulong na inis ng prinsesa.
Doon nilagay si Marla sa magandang silid para sa mga mahahalagang panauhin. Pumasok ang prinsesa at binigay ang isang damit na susuutin ni Marla.
"Sobra sobra na po ito. Hindi ko alam kung paano iparating sa inyo ang lubos kong pasasalamat."
"Napakagalang mo pati mga salitang lumalabas sa iyong bibig ngunit hindi mo na ako malilinlang, Marla. Hayop kang babae ka! Kung pwede lang patayin kita rito gaya ng ginawa mo sa mga mahal ko sa buhay ay gagawin ko!" Hindi mapigilan ng reyna ang mga iniisip niyang hindi maganda dahil sobrang galit ang kaniyang nararamdaman kay Marla.
"Prinsesa, hindi ko po alam kung bakit kayo ganyan sa akin. Kung may nagawa po ako sa inyo na hindi mabuti o hindi niyo nagustuhan ang mga kilos ko, pasensya na po!"
"Talaga? Kapag sinabi ko sa iyo ang mga ginawa mo siguradong magugulat ka. Hindi na maibabalik ang buhay ng mga mahal ko sa hinaharap. Hindi na! Kailangan ko pang pumunta sa panahong ito para iligtas sila! Kapag nailigtas ko sila sisiguraduhin ko na mawawala ka sa kasaysayan! Hayop ka!" Natahimik si Marla dahil natatakot na siya sa mga pinagsasabi ng prinsesa.
Napansin niya ang takot ni Marla.
"Galing, natatakot ka rin pala!" Lumabas na sa silid ang prinsesa dahil nakita niyang papunta sa silid ang ina niya.
Inuunti-unti ng prinsesa ang pagpapahirap kay Marla lalo na kapag wala ang hari at reyna lalo na sa tuwing namamasyal sila.
Siya ang nagbubuhat ng mga mabibigat na dala nila.
Sa madaling paliwanag, kung ano ang ipinaranas ni Marla sa hinaharap sa prinsesa, yun ang ginagawa ngayon ng prinsesa sa kaniya.
Si Marla din ang pinaglilinis niya ng mga maduduming bagay tsaka pinaghuhugas ng pinggan at minsan ilang mga gawaing panlalake, siya ang gumagawa.
"Ayusin mo diyan! Gusto ko, bukas ng gabi ay ako ang pinakamaganda sa paningin ng lahat!" Hindi sinadyang namali ang pagkalagay ng palamuti sa buhok ng prinsesa kaya humarap siya kay Marla at tinulak kaya nahulog sa higaan.
"Bagay lang iyan sa iyo, tumayo ka nga diyan. Bilis!"
Biglang pumasok sa loob ang reyna kaya mabilis nag-isip ang prinsesa kung ano ang idadahilan niya."
Ano nangyayari rito?"pagtataka ng reyna.
"Marla, maraming salamat! Kanina po muntik na ako mahulog buti nalang mabilis si Marla agad ako nahawakan at nahila kaya siya ang nahulog diyan. Maraming salamat Marla! Salamat!" ngumiti nalang si Marla.
Itim na damit ang soot ni Prinsesa dahil ang simbolo nito para sa kanya ay kadiliman para sa mga taong mga gumawa sa kanya ng kasamaan.
Sa gabi ng kaarawan ng reyna, sinigurado ni prinsesa Amerenda siya ang pinakamagandang babae sa loob ng palasyo kahit nariyan ang ibang prinsesa mula sa iba't ibang kaharian.
Si Marla ang nagbibitbit ng mga damit at ilang bagay na gagamitin ng prinsesa. Tinanong siya ng reyna kung bakit si Marla ang inutusan niyang magbuhat.
"Oo sinabi ko iyan kay Marla na mga tagasilbi na dapat ang magbitbit ng mga gamit ko pero sabi niya kaya niya daw po. Tsaka, yung mga tagasilbi abala rin daw sa ibang gawain, iyon ang sabi niya, ayoko ko naman siyang pilitin."
"Ah. Marla, ilagay mo na yan diyan. Umupo ka na rito. Alam mo naman mahalagang panauhin ka, hayaan mo na sa tagasilbi ng kaharian ang mga ganyang gawain,"wika ng reyna.
Sumabat ang prinsesa para hindi siya magmukhang masama.
"Oo nga Marla. Ano ka ba. Umupo ka na rito! Tsaka, ina huwag niyo naman po sabihin na mahalagang pananuhin hindi naman siya maharlika, gaya ng sabi ko baka madala siya, ina. Wala siyang pinagkaiba sa tagasilbi."
"Prinsesa," hindi nagustuhan ng inang reyna ang mga sinasabi ng prinsesa.
"Patawad po!"
Nag-umpisa na ang pagdiriwang. Dumating na rin si reyna Entrea at ang prinsipe Waru.
Nang makita ng prinsesa ang pinakamamahal niyang prinsipe. Tumayo siya at sinalubong ang prinsipe at niyakap ng mahigpit.
Nagtataka at nagulat ang prinsipe sa ginawa ng reyna pati ang amang hari at inang reyna.
Tumulo ang ang ilang luha ng reyna.
"kahit hindi ito totoo. Masaya ako na makita kita. Huwag kang mag-alala, magiging maayos din ang lahat!"
Umatras ang prinsipe. "Magkakilala ba tayo!"
"Higit pa roon." Lalong naguluhan ang prinsipe sa sagot ng reyna.
Lumapit ang prinsesa at hinalikan ang prinsipe. Nagulat ang lahat.
"Patawad, hindi ko mapigilan ang galak kong makita ka ulit." Tumutulo ang luha ng reyna. Hindi alam ng prinsipe ano ang gagawin niya.
Lumapit si reyna Siwas at tinanong sila kung magkakilala silang dalawa. Hindi naman ang sagot ng prinsipe.
Tinanong din ng Reyna Entrea kung may sakit sa utak ang kanilang prinsesa. Humingi ng paumanhin ang reyna Siwas at haring Landon sa mga kinikilos ng prinsesa.
Umupo na sila. Nagtataka ang reyna Entrea dahil kanina pa nakatingin ang prinsesa sa kaniya na hindi maganda.
"Bruha kang babae ka. Pagbabayaran mo ang mga ginawa mo. Uunahan kita sa mga binabalak mong hindi maganda. Kayo ni Marla, magdudusa kayo! Mga hayop kayo!" Bulong sa sarili ng prinsesa.
Nakikinig ang prinsesa sa usapan nila. "Si prinsipe ba ang susunod na magiging hari sa kahariang Ramas?" tanong ng haring Landon.
"Oo, kaya nga naghahanap kami ng mapapangasawa niya," sagot ng reyna Entrea.
Hinintay ng prinsesa ang sasabihin ng prinsipe, "nakita niya na ang papakasalan niyang babae, walang iba kundi ang prinsesa Amerenda." Hinintay ng prinsesa yun.