Chapter10
Tahimik pa rin ang prinsipe. Nangangamba ang reyna na hindi siya mapakasalan ng prinsipe kaya siya na nagsalita.
"Ako ang mag-iisang dibdib sa kaniya," nagulat sila sa sinabi ng prinsipe.
"Alam ko rin po iyon ang gusto ng prinsipe siguro nahihiya lang niyang sabihin. Tama po ang narinig ninyo, ako nalang po magpapakasal sa prinsipe." Ang mga magulang ng prinsesa ang nahihiya sa mga kinikilos niya.
Napahiya ang ang prinsesa sa sagot ng prinsipe. "Paumanhin ngunit wala akong nararamdaman sa iyo. Pasensya na!" Hindi inaasahan ng reyna iyon ang sasabihing sagot ng prinsipe kaya tumahimik siya dahil hindi niya alam kung ano ang kaniyang isasagot.
Nagsalita ang reyna Entrea, "Ang nais kong pakasalan ng prinsipe ay ang aking pamangkin na si prinsesa Nana."
Sumabat ang prinsesa Amerenda. "Hindi sila nararapat sa isa't isa at tsaka hindi niya rin ito gusto!"
"Paumanhin prinsesa ngunit sa simula pa lang sila na ang nakatadhanang mag-iisang dibdib."
Sa inis niya kay reyna Entrea hindi niya napigilan hindi sumagot ng hindi maganda.
" Talaga reyna Entrea?! o ikaw lang ang may gusto dahil ayaw mong may kaagaw sa pamumuno sa kahariang Ramas kaya gagawin mo ang lahat para hindi maipakasal ang prinsipe sa iba, dahil gusto mo sa pamangkin mo lang. Huwag mo ng ikaila. Akala mo makakalusot ka sa akin sa mga panlilinlang mo."
Tumingin si reyna Entrea sa amang hari at inang reyna. "Hindi ko po inaasahan ang ganito ugali ng inyong prinsesa!"
"Hindi ko rin alam ang nangyayari sa kaniya. Pasensya na po sa inyong dalawa, prinsipe Waru at reyna Entrea," paghingi ng paumanhin ng reyna.
"Kami rin ay nagulat sa mga kinikilos ng prinsesa. Hindi namin alam kung ano ang nangyayari sa kaniya." Tumingin ang amang hari at sinabihan ang prinsesa na magpakita ng galang.
"Galang?!" Tumingin siya kay reyna Entrea.
"Galang po ba? Hindi! Ginagalang lamang ang mga taong nay galang din pero sa katulad niyang demonyo." Nang marinig nila iyon lalo na si reyna Entrea ay hindi niya mapigilang hindi magalit.
"Dapat demonyo rin ang ipakita!" sigaw ni prinsesa Amerenda.
"Mag-ingat ka sa mga pinagsasabi mo prinsesa. Haring Landon baka malala na ang sakit sa utak ng prinsesa ninyo, pasensya na po hindi ko lang mapigilan dahil sa mga hindi mabuting mga salitang lumalabas sa bibig ng prinsesa!"
"Kami ang higit na humihingi sa inyo ng tawad at pasensya sa mga sinabi ng aming mahal na prinsesa,"wika ng amang hari.
Tumayo si prinsesa Amerenda. "Ama huwag kayo humingi sa kaniya ng pasensya. Demonyo siya! Mga demonyo sila!"
Hindi napigilan ng hari ang sarili kaya napasigawan niya ag prinsesa at sinabihang humingi siya at sinabihan humingi ng pasensya kay reyna Entrea.
Hindi kaya ni prinsesa Amerenda kaya umalis siya sa lamesa at lumabas sa palasyo para lumanghap ng sariwang hangin.
Narinig niya ang paghingi ng tawad at pasensya ng nga magulang niya.
Nagsasalita siya sa labas ng mag-isa.
"Bakit ganun hindi sinabi ni prinsipe Waru na iniibig niya ako Ito namang reyna Entrea na ito maraming satsat. Siya lang naman man may guato ipakasal ang dalawa. Nakakainis!!
Ako ay nangangamba na baka hindi ako makabalik sa hinaharap. Hindi maaari. Dapat may gawin ako!"
Nakita ni prinsesa Amerenda,
tinutulungan ng prinsipe si Marla.
Nagmamadali siyang pumasok at pinuntahan ang kinatatayuan ng dalawa.
"Malande ka talaga babae ka," bulong niya.
"Prinsipe. Hayaan mo na si Marla ang magbitbit niyan. Hayaan mo siya. Gawain niya iyan bilang tagasilbi," ngiti niyang sabi.
"Pinakilala ng iyong ina, siya ay isang mahalagang panauhin ninyo."
"Ang ibig niyang sabihin. Sa lahat ng tagasilbi namin siya ang pinagkakatiwalaan dahil mabait siya masipag sa trabaho kaya natutuwa kami sa kanya kaya ilagay mo na yan diyaan. Hayaan mo siya na magbitbit niyan." pinakuha niya ni Marla ang bitbit na mga gamit ni prinsipe Waru.
"Hindi ko inaasahan na ganito mo pala tratuhin ang mga tagasilbi mo rito. Kawawa naman sila. Alam mo bang gustong gusto ko pumunta rito dahil sa naririnig kong mabuti kang prinsesa, gusto kong makilala ang prinsesang naririnig ko lang pangalan niya sa mga tao. Hindi ko inaasaha ito pala ang makikita ko."
"Alam mo prinsipe Waru , may mga bagay na nagbabago, nag iiba. Nagbabago rin ang tao. Karamihan sa mga taong nagbago dahil may mga nangyaring hindi mabuti sa kanila. Hindi ako ganito. Totoo iyon. Nagka-ganito lang ako dahil (tiningnan niya si reyna Entrea at Marla). Basta maiiintindihan mo rin ako sa tamang oras.
"May nangyari ba sa iyo kaya naging ganyan ka?" ngumiti lang ang reyna at sinabing
"Maaari ba tayong sumayaw?".
"Sige. Tara!"
Habang sumasayaw ang dalawa.
Hindi makatingin ng deretso ang prinsipe sa prinsesa, naiilang siya dahil kanina pa siya tinitigan nito.
Tinanong ng prinsipe ang prinsesa kung nagkakilala na ba sila dahil siguro sa pinakita kanina ng prinsesa.
"Ang tanong na iyan hindi ko masasagot ng maayos, sa ngayon."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Basta. Ibahin ko nalang usapan natin. Mahal mo ba si prinsesa Nana? Sinabi kanina ng reyna Entrea kayo ang magpapakasal dalawa."
"Bakit mo naman naitanong iyan?"
"Sagutin mo nalang"
"Bago mawala si ama.
Napagkasunduan ng pamilya na si prinsesa Nana ang papakasalan ko. Mabait naman siya, maalaga, malambing at may mabuting ugali."
Nang marinig iyon ng prinsesa Amerenda. Sinabi niya sa sarili. Ano ba nangyayari sa kapalaran ko? Hindi maaari ito! Kailangan ako ang mapakasalan ng prinsipe kung hindi, ito na ang magiging hinaharap ko. Hindi ako papayag!
Kinapalan niya ang mukha at sinabing "Prinsipe, ako nalang ang pakasalan mo?" Natahimik ang prinsipe sa sinabi ng prinsesa. "Ang ibig kong sabihin, sigurado naman hindi mo siya mahal kaya sa akin ka nalang magpapakasal, para rin yun sa kaharian natin. Pero huwag mo naman isipin na. Alam mo na. Ganun akong prinsesa. Diba bagay naman tayo at siguradong tayo ang itinadhana. Ano ang masasabi mo?" Lakas ng loob niyang nilabas ang bugso ng damdamin.
"Sa katunayan, hindi ko inaasahan na iyan ang sasabihin mo. Pero sa totoo lang, payapa ang sarili ko sa tuwing nasa tabi kita, ewan na parang hindi ko maipaliwanag,"
Napangiti ang prinsesa sa huling sinabi ng prinsipe.
"Kita mo na? Kaya pumayag ka na."
"Ngunit huwag natin madaliin ang mga bagay bagay. Hindi pa natin kilala ang isa't isa!"
"Maniwala ka, kilala na natin ang isa't isa. Tsaka, baka magpakita na ang buwan. Pumayag ka na!" Pangungulit ng prinsesasa kaniya.
"Yan ka naman prinsesa, kung ano-ano ang mga pinagsasabi mo."