Chapter 8

Pitong araw ng lumipas ngunit sobrang sariwa pa sa reyna ang nangyari. Patuloy ang kalungkutang walang ligaya. Maraming ginawa ang heneral para maaliw ang reyna ngunit walang nangyari.

Umaga nang inanyayahan ng heneral ang reyna na mamasyal sila buti nga napapayag niya ito. Para rin, makalanghap siya ng sariwang hangin dahil ilang araw na ito nagmumukmok sa loob ng silid.

Tumigil sila dahil may matandang humingi ng pagkain. Lumapit ang matanda sa reyna kaya hinarang siya ni Amesh pinigilan naman siya ng reyna.

"Akoy ilang araw ng hindi nakakain ng maaayos kaya humuhiling ako sayo ng makakain at maiinom." Tinawag ng reyna ang mga kawal para kumuha ng makakain at maiinom.

"Hintayin niyo nalang po sila," galang nasabi niya sa matanda.

"Maraming salamat reyna Amerenda!" Binigyan din siya ng mauupuan.

Nakita ng matanda na tulala ang reyna. "Maaari bang magtanong mahal na reyna kung bakit kayo malungkot?"

"Ayaw ko ng balikan pa ang mga nangyari dahil hanggang ngayon ay sariwa pa ito pati ang naiwang sakit."

"Patawad" May kinuha sa bulsa ang matanda at binigay sa reyna.

"Alam ko, hindi mawawala ang kalungkutan ng pinagdadaanan mo ngayon, kaya ito tanggapin mo." Tumingin siya sa inabot ng matanda. "Pasasalamat ko sa kabutihang ipinakita mo sa akin."

Isang diyamanteng itim ang binigay niya sa reyna. "Ano ito? Anong gagwin ko rito?" Pagtataka niya habang nakatitig sa diyamanteng itim.

"Ngayon, maniwala ka na sa majika dahil ito ang tutulong sa problema mo ngayon!"

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Makinig ka sa gabay na sasabihin ko sa iyo. Mamayang gabi, sa kabilugan ng buwan. Itapat mo ang itim na diyamante at bumilang ka hanggang lima, sabay dilat"

Ano po mangyayari?"

"Ikaw ay babalik sa nakaraan. Dapat ikaw pa rin papakasalan ng haring Waru daan para makabalik ka sa hinaharap, sa oras na bago sila papatayin ng mga kalaban.

Masasaklolohan mo pa sila at masagip sa tiyak na kamatayan." Nalilito siya sa mga sinabi ng matanda. At bakit alam niya ang mga nangyari?

"Kung gusto mo bumalik sila ay maniwala ka sa mga sinasabi ko sa iyo. Subukan mo, wala naman mawawala sa iyo, reyna Amerenda!"

"Sabi mo, makakabalik lang ako sa hinaharap kung mag-isang dibdib kami ng mahal ko pero pano kung hindi?"

"Hindi ka na makakabalik pa, lalo na, kapag nagpakita ulit sa iyo ang kabiluga ng buwan. Mahal na reyna, ngayon lamang mangyayari ang bihirang pagkakataong ito kaya huwag mong sayangin!"

Dumating na ang dalawang kawal at binigay ang pagkain at maiinom sa matanda. Bago umalis may sinabi siya sa reyna, Ngayon lang ang pagkakataong ito. Kapag hindi nagamit ang itim na diyamante mamaya, maglalaho ito kaya huwang mong balewalain at sayangin."

Hindi na tumuloy sa pamamasyal ang reyna. Sinabihan niya ang heneral na umuwi na sila.

Nalilito ang reyna. Maniniwala ba siya o hindi. Pero, tama naman ang sabi ng matanda, wala naman mawawala sa kaniya.

"Ako rin po, nalulungkot sa tuwing nakikita kitang nalulungkot din kaya hindi kita hahadlangan patungkol sa bagay na yan," wika ng heneral.

Hinintay ng dalawa na gumabi. Mag-isa ang reyna naghintay sa loob ng silid. Dahil sa ilang gabing hindi nakakatulog ng maayos kaya hindi namalayan nakatulog siya. Paggising ay gabi na.

Nakita niya na kabilugan ang buwan. Dinukot sa bulsa ang itim na diyamante.

"Sana totoo, huwag mo akong biguin!" Tinapat niya sa buwan ang itim na diyamante. Pumikit at bumilang hanggang lima.

Dumilim ang paligid at pagdilat ay nakahiga siya na hawak hawak ang diyamante. Nagulat siya at hindi makapaniwala.

Nasa loob siya ng dati niyng silid sa kahariang Nahuna. Sa sabik, mabilis siyang tumayo .

Pumasok ang tagasilbi. "Gising na pala kayo prinsesa?"

"Prinsesa?" Nakalimutan niya bumalik siya sa nakaraan.

"Nakalimutan ko pala nasa nakaraan ak," bulong sa sarili.

Napakasigla niya ngayon.

Alam niya rin ngayong araw dadating ang ama at ina niya.

Lumabas ang tagasilbi. Pumunta ang reyna sa bintana para makita ang pagpasok ng ama at ina. Sabik na yakapin ang dalawa.

Nakita niya rin si Marla.

"Magbabayad ka Marla. Maganda ang pagkakataong ito para hindi mo na kam mloloko, lalo na ako. Sisiguraduhin kong ikaw at si Entrea hindi niyo na masasaktan ang mga mahal ko sa buhay. Pagbabayaran ninyo ang mga ginawa ninyo!"

Binago ng reyna ang ayos sa sarili pati na ang pananamit at ayos ng buhok. Kulay itim na damit ang sinoot pati ang kulay sa labi kulay itim din.

Lumabas siya mula sa loob at sinalubong ang tatlo sa pagdating. Nagulat ang hari at reyna sa ayos ng prinsesa nila.

Sagot naman ng prinsesa sa tanong ng inang reyna. "Ito na po ang bagong prinsesa!" Ngiti niyang sigaw.

"Masaya po ako dahil sa pagbabalik ninyo. Sobrang saya ko po!" Tumulo ang luha niya.

"Sabik din kami makita ka, ang nag-iisa naming prinsesa!" Nagtaka ang reyna kung bakit napaiyak ang prinsesa.

"Oo at may dala kaming regalong ikatutuwa mo!" Nagpanggap ang prinsesa na hindi niya alam ang munting regalo ng hari at reyna sa kaniya.

"Maraming salamat po!"

Tumingin ang prinsesa kay Marla. Nainis siya sa paawa nito.

"May kasama pala kayo?"

"Ay oo, ang pangalan niya ay Marla. Habang pauwi kami ay nakita namin siya sa daanan na puro sugat ang buong katawan. Naawa kami ng iyong ama kaya inalok namin siya na sumama rito para magamot at mawala ang takot niya sa nga taong nanakit niyan sa kakaniya," paliwanag ng reyna.

Lumapit siya kay Marla. "Talaga Marla, totoo ang mga sugat na yan? Hindi ka ba nagpapanggap?"

Dahil sa mga nangyari sa hinaharap, ayaw ng magpakita ng kabutihan ang reyna Amerenda upang maiwasan ang panloloko at pang-aabuso ng mga gaya ni Marla.

Nagbabalat kayong mabuti at hindi karapatdapat na tulungan.

Kung ang paghihirap at pasakit ang pinatikim sa kanya ng dalawa ganun din ang gagawin niya.

Nag-iba ang ugali ng dating mabuti at mapagmahal na reyna dahil sa galit na nararamdaman sa dalawa.

Hindi daw sila karapat dapat na bigyan ng pagkakataon dahil napakahirap sa gaya nila na magbago.

"Anong ibig mong sabihin, prinsesa?" Pagtatakang tanong ng hari sa mga sinabi ng prinsesa.

"Ay wala po, Ama. Pumasok na po tayo siguradong gutom na gutom ang ating panauhin!" Parinig niya kay Marla.

Pati sa hapag kainan hindi niya hinintuan ang pagtataray at kawalan ng galang kay Marla.