Chapter 7
Niyakap ng bagong hari ang kaniyang bagong reyna. Masaya silang nag-uusap. "Bukas, bibisitahin ninyo ang mga kaibigang kaharian?" tanong ng reyna Amerenda.
"Oo. Nais ng ama mong palawakin ang kapayapaan lalo na ngayon na iisa na ating kaharian. Masaya ako maging bahagi ng mabuti at maayos niyong pamilya."
Niyakap ng mahigpit ng haring Waru si reyna Amerenda.
"Bakit?"
"Limang araw akong mawawala. Wala sa tabi mo. Parang ayaw ko sumama, gusto ko nasa tabi mo lang ako lagi. Pwede bang sumama ka rin?"
Ngumiti ang reyna. "Alam mo naman hindi pwede eh! Paniniwala namin iyon na dapat sundin. Pasensya na, marami kaming ganiyang mga paniniwala."
Niyakap niya ang reyna. "Wala sa akin iyon. Ang mahalaga sa akin ay kapiling ka!"
"Kanina mo pa ako niyayakap, teka lang, may gagawin pa ako."
Ngumiti ang hari. "Ayaw kong bitawan ka. Sobrang saya ko pa ngayon. Gagawa tayo ng masayang pamilya. Papalakihin natin ng mabuti ang mga anak natin. Tuturuan natin sila ng mabuting asal at gagabayan upang maging mabuting pinuno ng kaharian."
"Oo. Magiging mabuting halimbawa tayo sa kanila."
Kinabukasan, pumunta ang mga magulang ng reyna Amerenda dahil susunduin nila si haring Waru. Sabay silang bibisita sa kaibigang kaharian.
Sinadya nilang sunduin ang haring Waru para na rin makita ang kaisa-isa nilang anak.
"Hanggang ngayon anak, hindi pa rin ako sanay na hindi ka na nakatira sa ating palasyo," wika ng reyna Siwas.
"Oo, aming prinsesa!" sabat ni haring Landon.
"Ano ba kayo! Huwag na kayo malungkot. Ako nga, ang ginawa ko ay nag-iikot sa kaharian ng buong araw at nakikipagkwentuhan sa aking mahal na hari para malibang upang hindi ako mabagot at maiisip ang kalungkutan na malayo na ako sa inyo."
Pagkatapos ng kuwentuhan. Umalis na ang tatlo. Pinapanood sila ng reyna Amerenda paalis ng palasyo.
"Gusto ko ng matapos ang limang araw para bumalik na sila."
"Uuwi rin sila huwag kang malungkot" Nasa gilid niya si heneral Amesh.
Pinilit ng heneral ang reyna na mamasyal sila para hindi ito mlulungkot. Pumayag ang reyna para rin makabisado niya ang ilang sakop ng kahariang Ramas.
Kahit mabagal matapos ang araw. Pasensyang hinintay ito ng reyna.
Natutulog ngayon ang reyna. Sabik na sabik siyang gumising para kinabukasan, dahil iyon ang pagbabalik ng mahal niyang hari sa palasyo.
Napakahimbing ng tulog niya ngayon ng magising siya sa paggising na malakas sa kaniya ni heneral Amesh.
"Pasensya na po mahal na reyna sa pag-aabala ko sa pagtulog ninyo!" hingal niya sabi kay reyna Amerenda.
"Bakit? Ano ba nangyari?" inaantok na tanong.
Nawala ang antok ng reyna ng marinig ang sinabi sa kaniya ng heneral.
Agad siyang nagbihis ng damit. Lumabas sila ni heneral Amesh sa palasyon na may dalang sampung kawal.
Madaling araw ng nakarating sila sa bayan ng sudankal at ng makita ay tumulo ang luha niya habang naglalakad.
Lumapit siya sa bangkay ni haring Waru, sa inang reyna at amang hari. Nag-uunahan lumabas ang mga luha niya.
Humagolgol siya sa pag-iyak.
"Hindi.. hindi maaari ito. Hindi! Hindi..... mahal ko! sinabi mo na babalik ka pa! Paano na yung pingplanuhan nating gumawa ng maraming supling! Mahal ko.. haring Waru!"
Lumapit sa kaniya ang heneral ng kahariang Nahuna. Tinanong siya ng reyna kung ano ang nangyari. Sino ang may gawa nito sa kanila.
Ng marinig ang sagot mula sa heneral. Hindi napigilan niyang sumigaw.
Nagtulungan ang dating reyna ng kahariang Ramas at si Marla sa pagpatay sa tatlo.
"Pauwi kami ng hinarang kami ng maraming tulisan. Binuhay nila ako para sabihin sa iyo, "Hindi nila hahayaan na maging masaya ka. Dapat mgdusa ka raw."
Humagolgol sa pag-iyak ang reyna dahil sa galit niya sa dalawa.
"Pasensya na po reyna Amerenda. Wala po akong magawa para iligtas sila. Humihingi po ako ng tawad at nakikiramay po sa inyo,"wika ng heneral.
Lumapit si heneral Amesh sa reyna at pinakalma lalo na masama ito sa kalusugan niya ngayon.
Sa kahariang Ramas dinala ang mga bangkay. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang reyna kaya lalong nag-aalala si heneral Amesh. Naroon ang mga kamag-anak, mga kaibigan at mga taong mahal na mahal sila dahil sa kabutihang na ipinakita.
Puno ang kahariang Ramas ng mga tao. Dahil ayon sa mga mababang uri ng tao. Sa paraang ito masusuklian nila ang ginawang kabutihan ng tatlo.
Hindi pinatagal ang paglilibing dahil nag-aalala ang heneral Amesh kay reyna Amerenda na ayaw huminto sa pag-iiyak.
"Kahit anong pigil na ayaw ko umiyak, kusang lumalabas ang mga luha ko. At parang gusto kong umiyak nang umiyak," hindi na siya sumagot sa mga sinabi ng reyna dahil hindi niya rin masisisi ito.
Hanggang ngayon ay hindi matagpuan ng mga mga kawal ang kinaroroonan ni Marla at Entrea. Patuloy na pinaghahanapa ang dalawa.
Nasa loob ng silid ang reyna. Pinagmamasdan ang labas ng kaharian.
Ilang araw ang tahimik ang prinsesa. Nag-aalala ang mga tao sa loob ng kaharian, baka raw may hindi mabuting gawin ang reyna na tapusin ang buhay niya.
Pumasok si heneral Amesh sa loob."Gusto kong malaman bakit nagawa pa silang mapaslang. Nandiyan na sila ng bayan ng Sudankal at ito ay sakop ng kahariang Nahuna!" pagtatakang tanong ng reyna.
"Ayon sa heneral ng kahariang Nahuna, walang naglakas ng loob na tumulong lalo na pinagbantaan sila ng dalawa," sagot ng heneral.
"Ni-isang bahay doon hindi sila pinapasok? Bakit?? Naaalala ko hindi sila kinalimutang suportahan ng kaharian namin sa panahon ng paghihirap nila kahit hanggang ngayon. Tinulungan silang bumangon. Sa kabilang banda, si Marla at dating reyna Entrea, bakit nila yun ginawa? Hindi ko naman sila ginawan ng masama. Lahat ng kasalanan nila pinatawad sila para magsimula ng panibagong buhay pero bakit kasamaan pa rin ang ginanti nila sa kabutihang binato sa kanila? Bakit? Hindi ko maintindihan. Bakit yung mga mabubuti ang higit na naghihirap pero mga gaya nila ay hindi, mapalad pa minsan dahil pinatawad. Bakit ganun, heneral Amesh? Bakit?"niyakap siya ni heneral Amesh.
Umiyak na naman ang reyna. Hinayaan nalang siya ng heneral para mailabas ang mabigat niyang nararamdaman.
Sinabi ni reyna sa heneral. Ngayong wala na ang mga taong mahalaga sa buhay niya, hindi niya na alam paano mabuhay.
Araw-araw nakikita ni heneral Amesh na malungkot ang reyna. Madalas ayaw makipag-usap kahit sa kaniya. Gusto niya lagi mapag-isa. Hindi na alam ng heneral ang gagawin sa kaniyang kaibigan, pati rin siya ay nawawalan ng pag-asa.