Chapter 11
"Ay basta. Bukas sunduin mo ako rito, mamamasyal tayo. Huwag kang tumanggi." Napa-oo nalang ang prinsipe sa pangungulit ng prinsesa.
Nang umuwi na ang reyna Entrea, pati ang prinsipe, naghintay ang prinsesa Amerenda na lalapit sa kaniya ang prinsipe dahil inaasahan niyang baka may sasabihin ang prinsipe pero wala kaya siya na ang lumapit para magpaalam.
Prinsipe huwag mong kalimutan ang pamamasyal natin bukas. Mag-iingat kayo." Nalungkot ang prinsesa dahil hindi man lang lumingon ang prinsipe.
Lumapit ang amang hari at inang reyna sa kanya. "Aming prinsesa, napansin ko, panay ang pagpapansin mo sa mahal na prinsipe. Talaga ba na gusto mo siya?" tanong ng hari.
"Opo ama. Kaya sana po, maipakasal ako sa kanya ama, ina."
"Ganun mo ba siya kamahal kahit nagmumukha ka ng desperado anak?" Tanong ng reyna Siwas.
"Opo!"
"Malaki na nga ating prinsesa?!" Tuwang sabi ni haring Landon.
"Oo nga, aking mahal na hari."
Pinaunang pinapasok ng silid ang amang hari at inang reyna ng prinsesa dahil may gagawin pa siya kay Marla. Pati ang mga tagasilbi ay pinagpahinga niya na.
"Marla dahil ikaw nalang ang natira ditong tagasilbi kaya lahat ng aayusin dito kailangan gawin mo. Wala akong pakialam kung magpuyat ka sa pag-aayos dito. Maghugas ka ng mga pinagkainan,
magpunas at magwalis ka. Sa mading salita, siguraduhin mong maging malinis ang paligid dito?"
"Opo," nakayukong sagot ni Marla
"Sige, mag-umpisa ka na."
Hindi kamatayan ang nararapat sa iyo. Ang dapat ay magdusa ka! Papahirapan kita habang nandito ako sa nakaraan.
Madaling araw ng pumasok si Marla sa silid para matulog pero pinigilan siya ng prinsesa para maglinis sa silid niya at tulungan ang mga tagasilbi sa paglalaba ng mga damit.
Kinabukasan, masaya ang prinsesa dahil dumating ang prinsipe akala niya hindi ito pupunta.
"Marla dapat malinis na ang silid pagbalik ko. Pagktapos mong maglinis tulungan mo ang mga tagasilbi sa mga gawain nila. Tatanungin ko sila mamaya kung ginawa mo nga inutos ko. Naiintindihan mo ba?" Hindi gusto ang prinsipe ang ganitong ugali ng prinsesa.
"Opo."
"Dapat ang sabihin mo. Opo prinsesa."
"Opo prinsesa."
Tahimik lang nakatingin ang prinsipe at hindi makapaniwala na ganun ang ugali ng prinsesa.
Dinala ni prinsipe Waru ang prinsesa sa magandang damuhan.
"Sobrang ganda talaga dito," wika ng prinsesa.
Tumingin sa kanya ang prinsipe at tinanong kung nakapunta na siya rito.
Sinadya ng prinsesa na magsinungaling para hindi malito ang prinsipe sa mga pinagsasabi niya.
"Ngayon lang."
"Parang nakapunta ka na kasi rito."
Patawad kung kailangan ko magsinungaling sa iyo. Bulong ng prinsesa sa sarili.
"Alam mo bang isa ito sa gusto kong puntahan dahil napapayapa ako sa lugar na ito kaya lahat ng problema ko nabibigyan ko ng solusyon. Itong damuhan na ito tinutulungan ka maging matatag at maging malakas."
Ngumiti ang prinsesa at lalo siyang naawa sa sitwasyon nila. Nagulat ang prinsipe sa biglang pagyakap sa kanya ng prinsesa.
"Masaya ako dahil nakita kita ulit kahit alam kong walang kasiguraduhan kungmagtatagumpay ako," bulong sa sarili. Tumulo ng paunti-unti ang luha niya kaya tinanong siya ng prinsipe kung ayos lang siya.
Maggagabi na ng ihatid ng prinsipe ang prinsesa sa kaharian nila.
Masayang masaya ang prinsesa dahil sa mahabang araw ng pagluluksa niya ngayon lang ulit naramdaman ang ganitong saya sa puso niya.
Parehong nakangiti ang dalawa habang nagpapaalam.
Sa kabilang banda, pinuntahan ng prinsesa si Marla sa silid niya. "Hoy tagasilbi, sabi sa akin ay hindi ka raw tumulong sa gawain!? Ang tigas talaga ng ulo mo!"
"Nakita po kasi ako ng reyna. Lumapit siya sa akin at sinabing huwag na akong tumulong."
"Kaya pala. Porket ang inang reyna ang nagsabi sayo o kahit si ama, susundin mo. Hoy, tingnan mo ang sarili mo, basahan ka, maduming basahan kaya nararapat lang sa iyo ang mga gawaing iyon. Naintindihan mo ba? Pinatuloy ka rito kaya dapat suklian mo yun sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawain dito. Gusto mo bang pera ang hihingin naming kapalit, ha?"
"Patawad prinsesa, hindi na po mauulit"
"Siguraduhin mo lang." Ngumiting umalis si prinsesa Amerenda sa loob ng silid.
Ilang araw ng lumipas. Hinintay ng prinsesa Amerenda ang pagbisita sa kanya ng prinsipe Waru. Ngunit hindi ito dumating. Aalis ngayon ang hari at reyna bibisita sa kaibigang kaharian nila. Ilang araw mawawala sa kaharian. Kahit nalungkot siya dahil hindi dumalaw ang prinsipe pero sa nalamang pag-alis ng ama at ina ay naging masigla siya.
Ito ang pagkakataon para pahirapan niya ng husto ni Marla. Buong araw niyang pinagtrabaho si Marla. Lahat ng trabaho sa mga tagasilbi ay binigay sa kanya ng prinsesa kahit ang trabaho ng panlalake ay pinagawa sa kanya.
Maaga siyang pinagising. Kung hindi bubuhusan siya ng malamig na tubig. Sa isang araw, isang beses lang siya pinapakain at tinapay lang ang pinapakain sa kanya ng prinsesa.
Tiniis ni Marla ang nararamdamang pagod at gutom. Nakakatawa dahil naaawa sa kanya ang mga tagasilbi.
Sa pagkakataong ito parang siya ang bida sa kuwento at ang prinsesa ang kontrabida. Lumabas sa kaharian si Prinsesa Amerenda kasama si Marla. Nagsama sila ng limang kawal. Papunta sila sa lugar na kung saan inihulog ni Marla sa hinaharap ang prinsesa.
"Ano pong ginagawa natin dito mahal na prinsesa?"
"Mabuti naman alam mo na ang katayuan mo. Nararapat lang na ganyan ang tawag mo sa akin."
Lumapit ang dalawang kawal at mahigpit na hinawakan ang dalawang kamay ni Marla. Lumapit sa kanya ang prinsesa at malakas na sinampal siya at tatlong beses pa.
"Prinsesa?"
"Masakit ba?! Hahaha! Kulang pa yan. Makinig ka sa sasabihin ko. Isa ka lang tagasilbi, isang alipin, isang basura. Kahit kelan hindi mo ako mapapantayan at mapapalitan."
Sumigaw sa takot si Marla dahil tinulak siya ni prinsesa Amerenda.
"Ginawa ko lang kung ano ang ginawa mo sa akin sa hinaharap," sigaw niya kay Marla.
Nang makita ng prinsesa ang paglubog ni Marla sa tubig ay ngumiti siya.
" Paalam sana matuluyan ka na!"
Masayang umalis siya. Hindi pa tapos ang prinsesa sa pagpaparusa.
Ang sunod niyang pinuntahan ang bayan ng Sudankal. Ang bayan kung saan namatay ang kanyang mga mahal sa buhay dahil sa walang pusong mamamayan ng bayan na iyon.
Hindi man lang nila sinaklolohan ang mga taong tumulong sa kanila para bumangon. Bayan na hindi man lang tumanaw ng utang na loob sa kanila.