Chapter 87

Artemis’ POV

“But he left bunch of things for you too, Mama!” nakangiting saad ni Hades sa akin kaya napangiti na lang ako bago ko kinurot ang kaniyang pisngi sa ka-cute-an nitong magsalita.

“So that’s why there’s a lot of box here again. Your Daddy spoil you two so much,” ani ko na natatawa bago ko siya binuhat at pinasok sa loob.

“That’s just Daddy’s love language, Mama… Especially when he misses us,” aniya kaya napangiti ako roon bago sinang-ayunan. Pakiramdam ko nga’y ang limang love language ay kaniya rin.

“Don’t you miss Daddy, Mama?” tanong ni Hades sa akin.

“I miss him too, Baby…” ani ko na ngumiti lang kay Hades.

“Then why—” Hindi niya na naituloy pa ang sasabihin nang agad akong dinambahan ng yakap ni Athena.

“Mama! Hindi mo na naman naabutan ang Tatay namin,” aniya kaya hindi ko alam kung mapapatawa ba ako o ano.

“Hayaan niyo, magpupunta naman tayo sa Manila para bisitahin siya,” ani ko kaya agad na t-in-ranslate ni Athena ‘yon sa kaniyang kapatid para mas maintindihan nito.

“Really, Mama? Daddy will probably be happy once he knew that we’ll visit him,” saad ni Hades na malapad ang ngiti ngayon.

When Zelo and I had a talk na magpapahinga muna’y sa akin na rin niya pinasama ang mga bata. He knew that the kids wanted to have a ordinary life while I was torn apart too dahil alam kong hindi naging madali para sa kaniyang pagbigyan ako. At kung kailang kapiling niya na ang mga bata’y saka pa sila muling malalayo.

Halos linggo-linggo rin naman siyang nagtutungo rito. Tuwing weekends ay binibisita niya ang mga ito habang hindi naman ako nanatili sa bahay ng ganoong araw. Madalas ay kumukuha ako ng gig para lang bigyan ng espasiyo ang sarili para makapag-isip-isip.

Patuloy pa rin naman ang therapy ng mga bata dahil hindi rin biro ang kanilang naranasan. They slowly gain their smiles back. And now, sobrang dami na ring mga kaibigan sa eskwela at maski rito sa aming mga kapitbahay.

“Yes, we will. You should greet your Dad for doing well leading our country for how many years,” sambit ko na ngumiti pa sa mga bata. I told them about me and their father, that we are not together right now. I know that they are really smart but I felt bad that they should understand me instead. Kaya lang alam kong mas tama na rin ‘yon instead of them witnessing something they shouldn’t. I don’t want them to witness unhealthy love.

“Daddy!” Tila naestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang sigaw ni Athena bago siya bumaba sa aking pagkakabuhat sa kaniya.

Agad kong naramdaman ang presensiya ng taong may hawak pa rin ng puso ko hanggang ngayon. Habang papalapit siya’y palakas din nang palakas ang tibok ng puso ko. Paano ko siya magagawang kausapin ngayon gayong tila ba mas lumala lang ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi normal ang lakas ng pintig ng puso para sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Siguro’y dahil na rin hindi ko na kailangan pang pigilan ang tunay kong nararamdaman ngayon.

“What are you doing here again, Daddy? And why are you sweaty? Did you run?” tanong ni Hades sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit tila ba nabato-balani lang ako sa aking kinatatayuan. I said I’ll talk to him pero ang sabi ko rin ay sa linggo ko pa gagawin. Hindi ko lang naman akalain na magkakasabay kami ng oras ngayon.

Naglakas loob na lang din akong harapin siya. He’s wearing a longsleeve habang ang kaniyang necktie ay maluwag. Pawis nga katulad ng sabi ng anak at mukhang hinihingal pa. Nagtungo lang ako sa kusina para ipagkuha siya ng tubig.

Nanatili lang siyang nakatayo roon habang kausap ang mga anak. Lumabas na rin ako ng kusina. Agad nagkasalubong ang aming mga mata. He looks distant. I don’t know if I just wanted to please myself subalit tila ba nagsusumao ang kaniyang mga mata para sa akin. Habang palapit ako sa kaniya’y parang ang tibok ng puso ko na lang din ang naririnig ngayon.

“Water,” mahinang sambit ko bago iniabot ‘yon sa kaniya.

“Thank you,” he said before he just stare at me. Walang sinasabi. Tila may hinihintay lang sa akin.

“Puwede mong ilagay na lang sa lababo kapag katapos mong uminom,” sambit ko na tipid na ngumiti sa kaniya. I said I’ll talk to him now subalit hindi pa ako kalmado. Para akong teenager na hindi mapakali sa crush niya. Mas malala lang ngayon.

“I’ll just take a quick shower, Babies,” malambing kong sambit sa mga bata. They look at me bago napanguso subalit bandang huli’y napatango na lang din. Habang paakyat ako sa kwarto mula sa taas ramdam ko ang tingin nila sa akin. Naririnig pa ang bulungan nila kaya lang ay hindi ko naman maintindihan.

Siguradong may nakalimutan lang ding sabihin si Zelo sa kaniyang mga anak.

He still looks so good. He didn’t grow his beard anymore and he looks so much younger because of that. Although I love his beard too. He change his new hairstyle too although it was a little messy earlier dahil mukhang nagmamadali. But overall, he looks so hot.

After a while ay bumaba na rin ako with my pambahay. Akala ko’y wala na si Zelo roon subalit kausap pa rin siya ng mga bata.

“Mama said that we’ll go to Manila to congratulate you, Daddy.” Agad kong naririg ang pagkukwento nina Hades at Athena sa kaniya.

“Mama can confirm it, Daddy. We didn’t just make that up. Right, Mama?” tanong pa nila sa akin. Lahat sila’y nasa akin ang mata ngayon. Napalunok lang ako habang si Zelo’y nakataas ang kilay sa akin.

“If it’s okay with you… Can we visit?”