Chapter 86

Artemis’ POV

“Ang hindi ko lang naman maintindihan kung bakit halos magkanda-kuba ka pa sa trabaho gayong sinusuportahan naman kayo ng asawa mo,” ani Seb sa akin.

“Hayaan mo ‘yan. Mataas ang pride ng isang ‘yan. Matigas pa ang ulo,” ani Ares na napailing sa akin. Inirapan ko lang siya bago ako nag-inat.

“Zelo’s giving money for the kids. Hindi para sa akin. Hindi ako kumukuha ng panggastos para sa sarili ko roon,” sambit ko kaya agad na napataas ang kilay ng kapatid ko roon.

“Wow, kilala mo pa pala si Zelo? Sa tuwing narito ‘yon ay wala ka sa bahay, baka nakalimutan mo na rin ang mukha ng asawa mo. Isa pa, ano naman kung gastusin mo? Mag-asawa pa rin naman kayo?” tanong niya sa akin kaya natawa na lang sa aming dalawa si Seb dahil ito na naman ang pinagtatalunan naming dalawa.

“Hindi ko rin lubos maintindihan kung bakit parang mas kinakampihan mo pa si Zelo? Baka nakakalimutan mo na ako ang kapatid mo, Ares.” Napakibit naman siya ng balikat doon.

“Hindi sa ganoon. Ang akin lang, hanggang kailan kayo ganiyan? Halos mag-iisa’t kalahating taon na kayong hindi nag-uusap. Kapag nagkikita’y tanguan? Paano niyo ba nakakaya ‘yan? I-seminar mo nga ako. Tatlong araw lang na hindi kami nagkakausap ni Seb, parang kalahati na ng pagkatao ko ang nawala,” aniya. Hindi ko alam kung kanino ba nakuha ng kapatid ko ang pagiging madaldal. Napakibit na lang din ako ng balikat. Isang taon at kalahati na nga talaga kaming hindi nag-uusap ni Zelo. Nagkikita subalit magkakatinginan lang. Bumibisita siya rito sa tuwing may oras siya.

Abalang-abala rin kasi siya sa kaniyang trabaho. Minsan ay nauulinagan ko sila ni Ares na nag-uusap tungkol sa mga corrupt at dirty politician na nahuhuli niya. ‘Yon ang pinagkakaabalahan niya sa huling taon niya bilang presidente and since nag-election na nitong nakaraang dalawang linggo, he’s already packing up.

“I’m planning to talk to him today,” ani ko. For those years we are not talking with each other and those days without him, I slowly realize how deeply in love I am to him.

I tried to heal myself before wanting to go back to him. For me not to hurt him. Maybe there will be time na hindi ‘yon maiiwasan but this time I’m willing to sacrifice more. I’m not just a piece now, I tried my best to slowly get those pieces back and slowly build it as a whole. And that’s what Zelo deserves too. He deserves more than just a piece. I didn’t want to go back to him without being better.

I want to do what I promise to him now. I want to run after him.

Agad napaayos ng upo sa kaniyang pagkakahiga si Ares doon.

“What do you mean by that? You are planning to talk to Zelo now?” tanong niya sa akin. Maski si Seb din ay agad na napatingin.

“I am. I’ll go to him this Sunday with the kids. I’ll bring the kids in Manila to just greet him for doing a great job being a president of our country,” ani ko.

“Really? For good na ba ‘yan or eme eme mo lang?” tanong pa ni Seb sa akin. Hindi ko mapigilan ang mailing at matawa sa balbal na salitang nakuha niya mula kay Ruiz na tinuro ni Athena.

“And ask him out too… Kung wala pa siyang ibang gusto…” ani ko habang sumisimsim sa aking kape. Kung may iniinom lang ang kapatid ko’y baka naibuga niya na sa aking mukha. Ang gulat sa mukha’y napalitan ng ngisi ngayon.

“Aba, hindi ba medyo makapal ang mukha mo niyan? Baka lang bukas ay manghingi na ‘yon ng divorce sa ‘yo. May iba na atang gusto ngayon,” aniya kaya bahagyang napaawang ang labi ko. Hinampas siya ni Seb subalit nanatili pa rin ang ngisi mula sa kaniyang labi.

“You are giving her an idea! Gago ka,” ani Seb sa kaniyang asawa bago kinurot sa tagiliran si Ares.

“Well, I just heard him talking to the ambassador of the Philippines noong nagkausap kami,” aniya na humalakhak pa tila nang-aasar sa akin. Inirapan ko siya bago ko binaba ang cup na hawak.

“That’s why I’ll talk to him. I’m madly in love with him but if he’s already in love with someone else and just want us to stay like this, I’ll just love him afar and can give that divorce he wants,” ani ko kaya napaawang ang labi ni Ares.

“You really—We are really different. You can watch someone you love, love someone from afar?” I can do that. It was I who decided this on my own too. I can’t just let him wait for me to heal. Kaya ko rin siya pinalaya sa akin. I don’t want him to suffer from all of my traumas. But that doesn’t mean that I won’t be in pain. However, I love him too much that I only want happiness for him now.

“Yes. I’ll get going now. I still have some job to do,” sambit ko sa kanila kahit na mukhang ayaw pa nila akong paalisin at gusto pang kausapin. Hindi ko mapigilan ang mapailing doon.

I just went to my job. Tourguide na ako rito sa Cebu. Hindi ko alam kung paanong nangyaring ito. I was just looking for a part time na iba sa nakasanayan ko. I want a change. Bata pa lang ako’y natuto nang humawak ng mga armas and I want to try something different ngayong payapa na ang puso. Hindi naman ako nabigo dahil nalilibang din talaga sa aking trabaho. It was really fun to do.

Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking labi habang nakatingin sa ilang kabataang panay ang tanong at kwelang nakikipag-usap sa akin. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila. I never really experience a fun childhood and looking at them felt like I was healing my inner child.

“Thank you, Ms. Cañete! Kaya talagang nakakalibang ang lugar, ang ganda rin ng tourguide,” pambobola ng isa. Hindi ko mapigilan ang mapailing na lang doon.

“Mrs. Cañete,” I corrected kaya napanguso ito.

“Sayang, Miss! 20 na ako nitong nakaraan, kala ko pasok ang mas bata sa taste mo,” anang isa at tumawa pa. Hindi ko na ‘yon pinansin pa nang makarating na kami sa starting point namin.

The tour is really fun kaya hindi ako ganoon kapagod. Nang makauwi’y bahagyang tumalon ang puso nang makitang maraming box sa labas. Dumating na naman panigurado ang kanilang ama.

“Mama! Sayang at hindi mo naabutan si Daddy,” ani Hades nang makita ako rito mula sa labas.

Sayang nga.