Epilogue 3

Zelo’s POV

“We meet again, Nerd!” nakangising saad sa akin ng isang lalaking nagyoyosi sa isang eskinita malapit sa library. I don’t have my car with me right now. Hindi na rin ako nagtawag ng magsusundo dahil may mga cab naman na dumadaan dito.

Napatingin ako sa lalaki. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto na sila ‘yong mga lalaki sa library who’s trying to hit on Umbrielle.

“You think you are all that? Let see if uubra ‘yang tapang mo,” nakangisi nitong sambit. Kids these days are really funny. They intend to do things that they won’t have any improvement with. Hindi ko mapigilan ang mapailing at lalagpasan na lang sana ang mga ito subalit agad nila akong naharang.

“I’m true to my words kaya sparring tayo! Huwag kang tatanga-tanga!” sambit niya pa na hinila ako patungo sa eskinita. This is just waste of time. I probably got a lot of things to learn right now.

I was about to call my bodyguards when the guy talk again.

“Isa pa, may atraso sa akin ang tatay mo! Pinakulong lang naman ng magaling mong ama ang nanay ko! Kunwari’y mababait subalit nuknukan naman ng sama ng ugali!” malakas na sigaw nito kaya napapikit na lang ako bago ko binulsa ang aking cellphone.

What can I do with this? It was about my father once again. I always get guilty to all his victim kaya nang sumapak ito’y hindi na ako pumalag pa. I just let them punch them without fighting for myself or calling my guards.

I deserve this. For being the son of that trash. This is how I should be punish. Kulang pa nga sa dami ng kasalanan ng ama ko.

“You think you are all that? You asshole! Mayaman ka lang pero wala ka naman palang binatbat!” Humalakhak pa ito habang ilang suntok pa ang tumama sa katawan at mukha. Nakahiga na ako sa semento habang walang kahit na tunog na lumalabas sa aking bibig. I was never the violence one. Para bang nagbalik sa aking alaala ang lahat. On how my father always tried to punch me every time I do something that he think was wrong. Maybe I’m still that child, still powerless and can’t do anything at all even if he wanted to protect someone important.

Naramdaman ko ang pagtapak nila sa akin habang nagsisi-alis nang makitang lantang gulay na sa sahig.

“Dare to speak about us. Makikita mo. Hindi lang ‘yan ang gagawin namin sa ‘yo,” anang mga ito. Someone even spit on my side. I didn’t move an inch. Natahimik ang paligid nang makaalis ang mga ito. Tanging ang tunog na lang ng mga sasakyan ang naririnig ko.

Wala na ang mga ito subalit I can’t even move at all. I don’t want to move. I don’t want to go back to our house. Ayaw kong tumayo. Can I just die here? Maybe it would end the pain. Maybe my agony will reach its climax. I just close my eyes when I heard someone pass by.

“Gago, tao ba ‘yon?” malakas na tanong nito. She was alone base on its presence.

“Tao nga! Gago! Baka mamaya ito ang pinag-uusapan ng mga tukmol na nakasalubong ko, ah?” bulong-bulong niya pa.

“Tangina naman. Paano kung patay na ‘to? Baka mamaya ako pa ang mapagbintangan! Bahala na, idispatya na lang kung patay na,” bulong-bulong ng kung sino habang palapit na palapit ang kaniyang tinig. I can vividly see her face when she look at me. Ang mga mata niya’y bahagyang nagulat nang mapatingin subalit bumalik din sa pagiging malamig. I saw Umbrielle looking like she has seen ghost.

“The governor’s son? Anong ginagawa mo rito, Mister?” gulat na tanong niya. Namimilog pa ang mata niya habang nakatingin sa akin ngayon.

“Who did this to you?” she asked, looking so shock right now. Inalalayan niya akong makatayo and was about to call help subalit agad kong hinawakan ang kaniyang palapulsuhan para pigilan.

“I’m okay. Don’t call anyone,” ani ko na umiling pa sa kaniya. Naguguluhan niya akong tinignan habang nakatingin pa rin sa akin. Naupo lang ako at sumandal sa pader. Ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan. I can’t just let anyone see me looking like this. My asshole father will create a mess if he heard that I tainted his name.

Nagmulat ako ng mata nang wala ring narinig na salita kay Umbrielle. She was just staring at me.

“Fine. I don’t know why don’t you want to ask for help but I won’t be able to sleep tonight kung hahayaan kita rito. Dadalhin kita sa apartment ko kung wala kang kahit na sinong mapaghihingaan ng tulong,” aniya. Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay dito. She’s saying that her conscience won’t let her sleep, huh? As if that’s true. I know her. She won’t even blink when she’s killing someone kaya napaka-impossible ng kaniyang sinasabi.

“Ano? Wala ka bang matatawagan? Friends? Someone important? Your father perhaps?” she asked while raising her brow at me. Hindi ako nagsalita kaya tumalim ang mga mata niya at iritado pa nang lapitan ako.

“Fine, dadalhin kita sa apartment kung ganoon. Gamutin natin ang mga sugat mo,” she said before she one man carried me. I didn’t say anything and just stare at her. She’s stupid, isn’t she? Is this part of her plan? If it is, she’s just plain stupid. Imbes na siya ang papasok sa buhay ng kaniyang biktima, she’s the one letting me enter her life.

Bobo ka rin, Zelo. Who said that? She’s just letting you enter her apartment. And this is just probably one of her plans to get my trust and attention. Fine, I’ll let her since she’s the key on killing my father.

Napatingin ako sa kaniya nang hubarin niya ang hoodie na suot.

“What are you doing, Woman?” tanong ko na kumunot pa ang noo sa kaniya. Hindi siya nagsalita at sinuot sa akin ang oversize hoodie niya. Naging masikip naman ‘yon sa akin. Inilagay niya lang din ang hood sa aking ulo.

She just call a taxi before she went inside. Napapatingin ang taxi driver sa amin but he can’t see my face because of the hoodie too. I don’t know why but I felt like I know why she let me wear her hoodie. I know that she has an intention of doing this however, I can feel that foreign comfort. I felt like I was at peace.

But right. Why I’m even thinking about it when I knew that this is nothing at all. Nang makarating kami sa apartment inalalayan niya lang ako. Nakipagtawanan pa siya nang marinig ang kaniyang landlady na sinasabing ibang lalaki na naman ang dala niya.

Hindi ko mapigilan ang magsalubong ang kilay roon.

I know immediately that this is just an act when I saw that it was an empty apartment. Of course, she won’t bring me to her real home.

“Do you want to freshen up first? Bago natin linisin ang sugat mo,” aniya.

“Should I help you?” she asked again.

“I can do it, I regain a little bit of my strength,” I said kaya tumango siya sa akin at iginiya lang ako sa kaniyang banyo. She even lends me a clothes for man. Napataas ang kilay ko. Is she living with a man here? And why do I care? What I only need is her strength to kill my father on her own.

I took a bath slowly dahil ramdam ko rin ang pananakit ng bawat sugat ko. Nang lumabas ay nakaabang siya roon. Handa na rin ang kaniyang first aid kit sa sala. Inalalayan niya akong muli habang ako’y umiwas na. Malapit lang naman ang lalakarin.

“You can sit there comfortably,” aniya na pinaupk ako sa kaniyang sofa. Nanatili ang aking mga mata sa kaniya.

“I’m sorry, my house is just small.” Now, here she is with her act. Napataas ang kilay ko sa kaniya. She took the first aid at nagsimula nang gamutin ang mga sugat ko. Mukhang sanay na sanay siya sa ginagawa. I wonder how many scars have already left in her body? She was always in the battlefield if I remember it right.

“Who did that to you?” tanong niya na salubong na ang kilay ngayon. I didn’t answer her question. Sa pikon niya sa akin, hindi niya napigilan ang pagdiin sa bulak kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.

“Those guys were probably the one who did this.” Naririnig ko pang bulong niya habang nililinis ang sugat ko. Nang matapos siya’y bahagya pa siyang napatingin sa akin. Agad niya akong pinagtaasan ng kilay dahil doon.

“Akala ko matalino ka, you are stupid aren’t you? Why won’t you call help? Ikaw naman ang biktima,” aniya na naiiling pa habang nagliligpit na ngayon.

“That’s the reason why,” ani ko na napangisi. Kumunot ang noo niya sa akin ngayon habang ako’y gusto na kang saktan ang sarili dahil bakit nga ba ako nagkukwento ngayon?

“I can’t be the loser at all. It can never happen in my family,” aniya na napangisi pa. As if it was a funny thing to tell. She just stare at me for a while before shrugged. Hindi na rin siya nagsalita pa at tuluyan lang na niligpit ang mga kalat na nasa table.

Pinanood ko lang siya. I don’t know why I find this silence comfortable. Maybe because I didn’t hear any pity from her. But I want to know what she’s thinking about too. Nanatili lang ang mga mata ko sa kaniya.

“Oh, tapos ko nang gamutin. Hindi ka pa ba aalis?” tanong niya kaya hindi ko maiwasan ang matawa.

“Why would I? You are the one who brought me here, take responsibility,” ani ko kaya agad napaawang ang labi niya.

“I don’t want to go back to our house. Let me sleep here,” sambit ko pa kaya kita ko ang pagkunot ng noo niya.

“Inuutusan mo ba ako? Why would I even do that?” tanong niya na sinamaan pa ako ng tingin. Nanatili lang ang ngisi sa aking labi at tingin sa kaniya. Unti-unti lang siyang napasimangot doon bago napakamot sa ulo.

“Fine! Diyan ka! Huwag na huwag kang papasok sa kwarto!” aniya na tinuro pa ang maliit na sofa niya. Kalahati lang ata ng katawan ko ang kasya.

“Ano? Nagrereklamo ka pa?”

“Where’s the pillow or comforter?” tanong ko pa sa kaniya. If I remember, I’m paying her so well kaya paanong hindi man lang siya makabili ng kahit mga furnitures man lang dito sa kaniyang kwarto.

Umirap siya sa akin at hindi na nagsalita pa. She just took the comforter that I’m asking. Ang isang ‘to’y walang ka-gentle gentle sa katawan dahil hinagis na lang bigla. Napatawa ako nang mahina because it looks like expired na ang pag-arte niya.

“Ano ba ‘yan? Imbes na mahimbing na ang tulog ko ngayon,” bulong-bulong niya sa kaniyang sarili habang nakataas lang naman ang kilay ko sa kaniya. She didn’t say anything anymore and just roll her eyes at me.

“Bago ako bumangon sa umaga, dapat wala ka na,” aniya na padabog pang sinarado ang kaniyang kwarto. Napatawa ako nang mahina. Agad ko rin namang pinuna ang sarili ko. Maski ba ang utak ko’y nabugbog at nagagawa kong tumawa ngayon dahil dito.