Epilogue 2
Zelo’s POV
“Wala bang mas madaling paraan para makuha ang loob niyan? Ang hirap naman nito! Ang hirap magpatay ng oras! Papasok pa lang ako sa library’y gusto ko na agad umuwi. Isa pa! Ang sama ng ugali ng lalaking ‘yon! Mana nga ata sa kaniyang ama,” pabulong niyang saad sa kaniyang kausap mula sa kabilang linya. Pabulong na dinig na dinig ko naman.
Nagpatuloy ako sa paglalakad na wari ba’y hindi ko alam na ang CCTV dito’y na-hack na rin nila. Agad siyang tumayo nang maayos at mukhang nasabihan nang nasa likod niya lang ako. Agad huminahon ang kaniyang tinig.
“Osiya, sige na. Ibaba ko na. I’ll give you money once for your studies. Mag-aral ka nang mabuti.” Gusto kong matawa sa pag-arte nito subalit pinigilan ko lang din ang sarili.
I just walk staight subalit agad niya akong nasabayan.
“Hi, I always see you around the library. Ikaw ‘yon, ‘di ba? Library ka ulit?” she said nang harangin ako bago niya inilagay sa likod ng kaniyang tainga ang takas na buhok. Malamig ko lang siyang tinignan.
“Do I know you? Excuse me,” sambit ko at naunang maglakad sa kaniya. Napaawang ang labi niya roon at hindi agad nakapagsalita subalit agad niya muling nasabayan ang malalaking hakbang ko.
“You don’t. So why don’t you start to know me? I’m Athena,” pagpapakilala niya sa kaniyang sarili. I only know her code name. Umbrielle. The top assassin of our organization. She use to be our best weapon. She can really do a lot of things kaya madalas na siya itong ipinapadala ng organization.
Athena, huh? Goddess of wisdom? She’s more like a God of War. But she really does look like Athena. She has a face of a Goddess.
Tinignan ko lang ang kamay niyang nakalahad sa akin.
“I don’t talk to someone I barely now. Excuse me,” ani ko at dire-diretsong naglakad paalis. Dinig ko naman ang bulong-bulong nito.
“Suplado. Hindi naman sobrang gwapo. As if naman I wanted to talk to him too,” bulong-bulong niya pa kaya napataas lang ako ng kilay roon. Is that part of her move or she’s breaking into her character?
Napangisi na lang me bago napakibit ng balikat.
Hindi ko pinansin pa ang pinagsasabi niya at nagtungo lang ako sa library.
Nang makarating ako sa library ay nakipag-unahan pa. Sinadya pa nitong banggain ang balikat ko kaya muntikan pa akong matalisod dahil sa kaniya. Even if she’s not that tall para bang kaya ka niyang patalsikin. No wonder she’s really the best assasin in our team.
“Oh, hey, looks like the assistant librarian likes you,” casual na saad ni Cloud. He’s always here at the library to study. Sa dalas naming nagkikita nito rito’y naging casual na rin sa isa’t isa.
I just shrugged before sitting near him.
“Is that the assignment you need to pass today?” he casually asked. Trying to have a small talk with me. Tumango lang ako bago ko binaling ang aking mga mata sa gagawin. I was working my ass out for the assignment when I saw Umbrielle looking like she already have something to do.
That girl didn’t really think twice about all the things that she was planning to do.
Ilang oras lang ang nakalipas ay hindi ko namalayan na nagtungo na siya sa gawi ko. Napaawang lang ang labi ko nang hindi siya nag-alinlangan na tapunan ng kapeng hawak ang libro na nasa lamesa ko. This time she really got my whole attention. Sa gulat ko’y naestatwa lang sa kinauupuan. Namalayan ko na lang na natapon na ang mainit na kape sa aking binti.
“The fuck?” Napatayo ako nang mapagtanto ang pangyayari habang ang mga mata’y matalim na nakatingin sa kaniya. This woman—Fuck! I have a lot of cases that I wrote in my books and papers. Sinubukan kong ilayo ang mga papel doon subalit huli na ang lahat dahil halos basa na ang mga ito. Talagang sinadya niya na sa mga papel itapon ang kaniyang kape.
“Omg! I’m sorry—Hindi ko sinasadya!” Napahawak siya sa kaniyang labi at nagkunwaring nagulat subalit kita ko ang palihim na ngisi mula rito. Hindi siya pupuwedeng mag-artista dahil halatang-halata ang pag-arte niya na wari ba’y natataranta. Nanatili lang ang lamig ng mga mata ko rito.
“Fuck it,” mahinang bulong ko. Why the fuck did you send a troublemaker here, Zelo? You fucking ruin it yourself!
Hindi ko mapigilan ang iritasiyon ko dahil doon while the girl really have the guts to act so nervous and concern.
“Move will you,” iritado kong saad. Pinagalitan din agad siya ng librarian dahil sa ingay at pangyayari subalit tila ba wala lang ‘yon sa kaniya. Kita ko pa ang palihim niyang pagngisi. Pinapagalitan siya nang tumayo ako.
Salubong na ang kilay ko habang kinukuha ang mga basang papel. I went to the librarian to pay for all the books that she damage. Kasalanan ko talaga kaya alam kong dapat ko lang ding bayaran ‘yon. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko para lang pigilan ang inis na nararamdaman subalit hindi ko magawa lalo na ang magaling na babae’y sumunod pa sa akin nang lumabas ako.
“I’ll really pay for everything if you just let me!” aniya sa akin habang nakasunod.
“Or I can help you with that,” sambit niya pa sa akin. Really trying to make this situation in her side.
“Just fucking get lost, will you?” iritado kong tanong. Fuck. I need to submit this project immediately.
“Lagay mo sa bigas, baka sakaling maayos pa.” At nagawa pa talagang mang-asar. Matalim ang tinging ibinigay ko sa kaniya kaya napanguso lang siyang napakamot sa kaniyang pisngi bago nag-peace sign sa akin.
“Sorry… I was just really trying to give you a free snack dahil ikaw ulit ang napili ng library,” aniya na nagagawa pa talagang magpalusot.
I was so annoyed with her na hindi ko na siya binigyan pa ng atensiyon. Sakto ring tumawag si Alfredo just to update me with those fucking things they are doing kaya sa kaniya ko naibuntong ang inis.
“Is there any fucking progress with the operation? Ano? Fucking ask Umbrielle to do her job properly!” galit kong sambit kay Alfredo. Hindi mapigilang ibuhos dito ang galit ko. That woman is a nuts. As if she will really do everything to get someone’s attention.
Sa iritasiyon ko’y hindi ako nagtungo sa library ng isang araw at akalain mong nagawa kong matiis na mag-aral sa bahay dahil sa kaniya.
I thought she’ll just wait for me to go back and study. Babalik din naman talaga ako. I can’t let this plan be ruin kaya lang ay talaga ngang she’ll do everything once she was given a job. Unti-unti lang na napaawang ang aking labi nang papasok ako sa parking nang humarang ito.
Agad akong napapreno at pakiramdam ko’y tumanda ako ng ilang taon sa ilang beses na interaksiyon sa kaniya. Napahilot ako sa aking sentido bago ako lumabas ng aking kotse. Hindi na ata nawawala ang talim ng aking mga mata kapag nakikita ito.
“What are you doing? If you are planning to die, please die somewhere else,” I said coldly to her. Napanguso siya roon. Kita ko ang pagkamot niya sa kaniyang pisngi at hindi makatingin sa akin ngayon. Napataas ang kilay ko roon. I don’t know if this is one of her act again. Kung oo’y mukhang nag-acting workshop siya ngayon dahil mukha siyang nakokonsensiya.
“Uh… Your friend said from the library that those papers are important to you… Hindi kita… uh… nahanap sa library kaya I just went to your school… Sorry… I can’t do anything with those files but I would like to give this to you…” she said habang inaabot sa akin ang paperbag. Ni hindi niya ako magawang tignan kaya napataas lang ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya.
“Siya, sige na! Tanggapin mo na! I’ll get going now. Nagpunta lang talaga ako para riyan,” aniya na siya na mismo ang naglagay ng hawakan ng paperbag sa aking kamay. Napataas lang ang kilay ko nang sundan ko siya ng tingin. She looks really guilty. Is that an act or is she really guilty? But right, why would be a top assassin like her will be guilty dahil lang sa assignment ko.
Nagtungo lang ako sa kotse at nilapag ang paperbag sa shotgun seat. Bahagya nga lang akong nakuryoso sa kung anong laman niyon kaya agad ko ring binuksan.
“Salonpas?” Kumunot ang noo ko roon subalit hindi ko rin namalayan ang pagkurba ng ngiti sa labi nang makita ang notes niya.
“Hi, I’m sorry for what I’ve done. I bought this since it looks like you study a lot. Sorry ulit ^_^V.”
Napataas ang kilay ko sa emoticon na nakalagay sa notes. Peace sign? Napanguso ako nang maalala ang mukha niya nang mag-peace sign sa akin. Well, she’s cute. Halata lang nang-aasar.
Napailing na lang ako sa aking sarili subalit hindi na rin napawi pa ang ngiti sa aking labi.
Damn, how can you smile dahil lang diyan, Zelo? You shouldn’t be happy with just that.
But Umbrielle is genuinely entertaining. Talagang ginamit niya ang nagawa as an opportunity para lumapit sa akin.
“Hi, it’s not promo na and it’s dry foods para hindi na mabasa ang assignment mo,” aniya na napakamot pa sa kaniyang ulo. At sa tuwing nanghihiram ako ng libro sa library, she tries not to take my ID kaya napapagalitan siya ng librarian.
“Bakit doon sa nerd hindi ka naman mahigpit? Bakit sa amin halos ang daming hinahanap. Siguro type mo kami, ‘no? Sino ba? At nang mabigay na ang number. We don’t mind dating nerd like you,” anang isang lalaki matapos kong mag-log panandalian at naupo na sa aking lamesa.
“Ako ba? Actually type ko rin mukha mo,” sambit pa nito.
It was annoying. Nakikinig pa lang ako’y nag-iinit na ang ulo. Salubong na ang kilay ko nang mapatingin ako sa gawi nila. Umbrielle is smiling at them. I don’t know if she’s trying to act in her role playing or what.
“Actually type ko rin ang tulad mo, Kiddo,” mahina pa siyang tumawa. Her eyes is saying otherwise. Mas lalo pa akong nakaramdam ng inis sa hindi ko malamang dahilan. Hindi ko na rin napigilan pa ang sariling lumapit sa mga ito.
“Can’t you see the sign? Get out. You are too loud. You are distracting people here,” I said annoyed. Agad sumama ang tingin ng mga lalaki sa akin habang ako’y nanatili lang din ang lamig ng tingin sa mga ito.
“Ang yabang mo, ah! Tara, sparring. Papawis lang.” Line of those assholes who only know how to ask for a fight.
“I can spar with you. Let him go. He just want quiet environment and this is library,” ani Umbrielle na para bang kinakampihan niya pa ang mga lalaking iyon. Mas lalo pang kumunot ang noo ko roon.
Ang mga lalaki naman ay matalim akong tinignan.
“Gago ka, swerte mo at naka-mood kami ngayon. Aabangan ka namin sa labas,” anang isa sa kanila habang masamang-masama ang tingin sa akin. Hinarap niya pa si Umbrielle roon. “See you, Babe. I would love to spar with you. I’ll let you enjoy.”
He even smirks. I don’t know why I’m getting annoyed. I’m always rational but it was annoying how cocky he is or maybe because of Umbrielle who also smirks back at him. I don’t even know what that smirks mean.
Lumabas ang mga ito na nag-aasaran pa. After that, bumalik na sa lang din ang mga tao sa library sa kani-kanilang ginagawa but I can’t even get myself to go back. Hindi ko alam kung bakit nagbubugnot ako gayong hindi ko naman kadalasang binibigyan ng atensiyon ang mababaw na tao.
But maybe I know the reason why when someone sits in front of me.
“I bought this in the convenient store. You look so busy with what you are reading na mukhang nakakalimutan mong kumain. Here! It’s just some sandwich,” Umbrielle said while smiling from ears to ears while giving sandwich to me. Nawala ang atensiyon ko sa aking binabasa at napatitig sa kaniya ngayon.
“You are going to spar with those people?” Hindi ko na namalayan ang tanong na nasa aking isipan.
“Huh?” tanong niya na napaisip pa.
“Ah, you mean those guys earlier?” Tumawa pa siya roon.
“Magsasayang lang ako ng oras. Bakas isang suntok lang ‘yon,” aniya na mukhang hindi rin namalayan ang nasa isip but she cleared her throat when she saw me staring at her.
“I mean why would I? I can’t even throw punch you know. I just said that so they can go outside.” Oh, here comes her roleplay again. As if hindi na naman makabasag pinggan. Hindi ko na lang mapigilan ang mangisi roon bago napailing.