Epilogue 4
Zelo’s POV
“What are you still doing here? I thought I asked you that you shouldn’t be here once I’m already awake?” tanong niya habang nakahilata pa rin sa lapag ng kaniyang sala. Ni walang magawa rito dahil wala man lang siyang television.
“I’m hungry. I didn’t eat since lunch yesterday,” ani ko na nilingon siya. Napatingin siya sa akin doon bago unti-unting napaawang ang labi.
“Ano? Are you stupid? Bakit hindi ka nagsasabi? Engot ka ba?” I was always genuis in the eyes of other people but this girl never forgets to tell me how stupid I am. Hindi ko na lang mapigilan bago niligpit ang aking pinaghigaan.
“Wala akong pagkain dito. Mag-oorder pa. Instant noodles lang ang mayroon ako,” aniya na nag-dial ng pagkain. She looks like she wasn’t fully awake kaya lumapit ako sa kaniya sa kaniyang kusina. She was looking for a food to eat kaya lang ang puno nga ng instant food ang apartment niya.
“I’ll cook,” ani ko kaya napataas lang ang kaniyang kilay at hinayaan na rin ako. Mayroon namang itlog at kaunting gulay. Napataas lang ang kilay niya roon. She also cooked her instant noodles.
Dumating din ang in-order niyang pagkain kalaunan. Mayamaya lang ay iba na ang aura nito. She was smiling to me and grinning. Mukhang nag-sink in na ang kaniyang trabaho sa kaniya.
“What about live with me? Since ayaw mo atang umuwi sa inyo, you can stay with me,” aniya na malapad pa ang ngiti. Napailing na lang ako nang magsimula na siyang magtanong-tanong. Ibang-iba na naman sa kaniyang sarili kanina.
That’s how the morning ended. Panay lang ang tanong niya ng kung ano-ano habang kumakain. I said I like eating in silence. I said I don’t want someone who keeps on talking when eating but why does it feel comfortable? As if I want to eat more? I don’t know. Maybe gutom nga lang ako.
After a while ay kinakailangan ko na ring pumasok. Inihatid niya ako sa labas habang ngiting-ngiti.
“Bye, Hubby! Galingan mo sa school! Para sa future natin!” aniya. Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha dahil napatingin ang ilang kapitbahay niya sa akin. Natatawa naman ang landlady niyang nakaupo lang din sa labas. Hindi ko mapigilan ang mailing. Hindi ko na siya pinansin pa subalit bahagyang kumurba ang ngiti sa labi. Damn. That girl is really something.
I don’t even know why my mind lingers around her nang nasa school na ako. That’s what happened for the next few days too. Kapag nasa library, she’s also trying to flirt. I know too well that it was just an act kaya pinipigilan ko rin ang sarili.
Nauna akong lumabas sa library. I saw the kids that day. Mukhang madalas din talagang tumambay around here. I don’t have time to deal with those people today dahil nagmamadali akong umuwi. Pinapatawag ng magaling kong ama.
I was about to go when I saw one of them hitting on Umbrielle who was running down the stairs. Nahinto lang siya nang mapatingin sa mga ito. I was already walking towards them when Umbrielle smiles happily before she let the annoying guy put his hands on her shoulder. Hindi ko na napigilan pa ang iritasiyon ko. Napairap na lang ako at tinawagan na ang driver ko. Why would I even bother looking at them? I will just waste time.
I was waiting for my driver nang hindi talaga ako nilulubayan ng utak ko kaya iritadong nanakbo patungo sa dinaan nila Umbrielle. I was just fucking annoyed. Nothing more. Or maybe worried too.
Nang makarating nga lang ako sa tapat ng isang eskinita. I already saw her without her glass, naka-pony tail na rin ang kaniyang kulay abong buhok habang walang pag-aalinlangan na pinapatumba ang bawat lalaking naroon. She know well how she’ll do it. Ang mga vital points ng mga ito ang kaniyang tinatarget.
Mariin ko lang na kinagat ang aking labi bago napasandal sa pader. Looks like I don’t need to be worried about her. She can easily do it. Walang kahirap-hirap. Ni hindi nga siya pinagpawisan o tinamaan man lang ng suntok nila. Kita ko ang pagngisi niya habang nakatingin sa mga lalaking nasa semento na. Tinapakan niya ang kamay ng lalaking umakbay sa kaniya kanina.
“Don’t let me see you around here again. I’ll fucking kill you all.” Dinig kong sambit niya. Kita ko ang pagngisi niya kasabay ng pagtalikod sa mga ito at pagharap sa gawi ko.
Unti-unting napawi ang ngisi sa labi niya at agad na nanlaki ang mata. Narinig ko pa ang malutong na mura nito bago mabilis na sinuot ang kaniyang salamin. Kulang na lang din ay huwag na siyang dumaan kaya lang ay wala siyang choice kung gusto niya bang umuwi.
“You said you can’t throw punches at all?” tanong ko na humalukipkip pa habang pinapanood siya na nakayuko. As if hindi ko na siya nakilala pa. Of course, I can’t just say that I know she can kill while on the shadow.
“The truth is taekwondo player ako,” aniya na awkward pang tumawa habang todo rin ang pag-iwas ng tingin sa akin. Hindi ko na lang maiwasan ang pagngisi rito.
“Really, huh?” Pinagtaasan ko pa siya ng kilay kaya napatikhim siya. She looked like she fuck up while whispering to herself. Hindi ko maiwasan ang mapatawa nang mahina habang nakatingin sa kaniya ngayon.
“You know I wonder kung hindi sumasakit likod mo? Ginagamit mo ba salonpas na ibinigay ko? Buong araw ka sa library at minsan ay lumalagpas pa, natutulog ka pa ba? Ako lang na nakaupo sa upo ay naiinip na sa ginagawa mo,” aniya na napapaisip pa. She looks like she is really curious kaya hindi ko na lang din mapigilan ang mapailibg sa kaniya.
“Oo naman! I enjoy watching movies,” aniya na na-excite pang nakatingin sa akin. Napangisi ako roon. Let’s see if she can handle it for so long. Napakibit na lang ako ng balikat habang nangingisi.
She never really disappoint, talaga ngang nakatulog ito. Ni hindi nag-atubiling labanan ang kaniyang antok.