Chapter 15- Malusog ang Matris

Thea’s POV

Pagkaraan ng halos kalahating oras na paghihintay ay dumating din ang resulta ng xray ko.

“Everything’s fine,” Mayor Ando,” wika ni Dr. John habang papalapit ito sa’min. “ Thea’s pelvis is healthy and perfect. She can have dozen children if she wants too.” Patawa pa ni Doc. Inabot nito kay Lolo ang malaking envelope na naglalaman marahil ng resulta ng xray.

“Well, thank God at wala namang masamang nangyari dito sa batang ito.”

“Opo, Mayor Ando. Malusog na malusog po ang matris ni Thea.” Natatawa si Doc John. Palabiro din eh.

“Sabi ko naman po, Lolo ayos lang po ako. Sumakit lang po saglit ang pang-upo ko pero nawala rin agad.” Saad kong nangingiti rin dahil sa mga biro ni Doctor John.

“Mabuti nga hija. Pero mainam pa rin ang napacheck-up ka. Ngayon ay sigurado ka na at hindi na mag-aalala.”

“Oo nga, Thea. Mainam pa rin ang natingnan at nasiguradong walang naging masamang resulta sa iyong kalusugan ang nangyari,” segunda naman ni Doc.

Ilang saglit pa ay muli na kaming sumakay sa Mercedez Bens ni Lolo at saka umalis. Napag-alaman ko na hindi naman pala nagpa-check up ang matanda. Ako pala talaga ang ipapacheck up niya kaya ako. Hindi lamang pala pinaalam sa’kin dahil baka hindi nga raw ako pumayag. Sobrang na-touched naman tuloy ako.

“Lolo, thank you so much po ah. Sobrang na-appreciate ko po yung effort ninyo na masiguradong ayos po ako,” saad ko sa matanda. Pinigil ko pa ngang tumulo iyong luha ko. Napaka-thoughtful talaga niya. Hindi niya ako kaano-ano pero buo iyong pag-aalala niya. Kahanga-hanga talaga si Mayor Lolo Ando. Ibang-iba siya sa lahat ng mayayamang nakilala ko.

“Wala iyon, hija. Habang naroon ka sa amin kargo kita. Sisiguraduhin ko ang kaligtasan mo.”

“Thank you so much po, Lolo Ando.” Buong pusong kong wika rito. Hindi ko akalaing may mga tao pa palang mayayaman na tulad niya sa mga panahon ngayon. Karaniwan na lang kasi kapag mayaman lalo na at may kapangyarihan at may mataas na estado sa lipunan ay mapang-api, mapangmata, at hindi maganda ang mga pag-uugali. Pero kabaligtaran lahat ng iyon sa dating Mayor ng Santo Cristo. Kahanga-hanga talaga siya.

***

Masaya na sana at masasabi kong perpekto na ang araw na iyon kung hindi lang pagkauwi namin ay si supersungit ang sumalubong sa’min sa garahe. Mistulang galit ito. Hindi na naman kasi maipinta ang mukha eh. Ano na naman ba ang problema niya?

“Lo, nagkasundo tayo na hindi ka magda-drive alone.” Salubong ang kilay na wika nito sa matanda pagkababa pa lang ng kotse.

“Hindi nga ako nag-iisa, hijo. I have Thea with me.”

“I mean hindi ka magmamaneho. You have your own driver. Bakit hindi kayo nagpahatid? What if kung may mangyari sa’yo habang nagmamaneho? Mahilo kayo or something.”

“Relax. Nothing like that happened. At may kasama ako.”

“She’s not a driver.”

“You can teach Thea.”

Nanlalaki ang mga mata ni Mayor Russel nang marinig ang suhestiyon ni Lolo Ando.

“No. God!”

“What’s the violent reaction, hijo,” Nangingiti naman si Lolo. Halatang binibiro ang apo doon sa sinabing violent reaction. Ang OA naman kasi ni Mayor Russel. Tila ba ang turuan akong magmaneho ay ang pinaka gross na sitwasyon sa mundo. As if naman I am not capable of learning. Marahas akong napabuga ng hangin.

“God, no, Lolo! She’s the most accident prone person I’ve ever met. Kahit matuto siyang magmaneho. Hindi ako sasakay pag siya ang driver. Siguradong sa sementeryo ang bagsak ko.”

Grabe sa OA na saad nito habang umiiling pa.

Hindi ba niya ako nakikita? Andito lang ako ah. Kung ano ano ang sinasabi niya. Alam naman niyang naririnig ko iyon.

“Ahm, hello. Andito lang po ako, Mayor hehe,” saad kong mistulang nagpapansin. Pero nagpapansin nga talaga ako. Gusto ko lang naman na malaman nito na naririnig ko ang mga sinasabi niya tungkol sa’kin. Baka kung ano pa ulit ang sabihin niya. Pag hindi na talaga ako nakapagpigil aawayin ko na siya. Kahit andito pa si Lolo Ando.

At saka grabe naman. Napaka-accident prone ko raw. Well, minsan totoo iyon. Pero hindi naman sa lahat ng oras. Para dalawang beses lang namang nangyari iyon eh. Sapat na ba iyon upang maialrawan na ang pagkatao ko?

“Alam kong nariyan ka, Thea,” busangot nito sakin. “At ilang beses mo nang pinatunayan na tama ang sinabi kong napaka-accident prone mong tao. Hindi nag-iisip bago umaksyon.”

“Hijo. Isang beses lang naman iyong nahulog sa hagdan si Thea. Aksidente lang ang nangyari at hindi naman sapat iyon upang masabi mong accident prone siya.” Pagtatanggol ni Lolo sa’kin. Salamat na lang at may isang Lolo Ando. Kung wala naku, for sure aapihin lang ako ni supersungit.

“No, Lolo. The first time I met her doon sa ilalim ng tulay at muntik na siyang maholdap dahil na rin sa kasalanan niya. Hindi siya nag-iisip. And then on her first day sa munisipyo pinagkamalan niya akong terorista.” Mistula itong batang nagsusumbong sa abuwelo. I hope banggitin din niya kung paanong natadyakan ko ang private part niya.

“What? Ano’ng ginagawa niya sa ilalim ng tulay? At bakit kasalanan ni Alethea? You mean kilala mo na siya bago pa man mag-apply sa munisipyo? At bakit naman napagkamalan ka niyang terorista? Well. Kunsabagay. Kung magkakaron ka ng bigote at balbas. Bakasakali.”

Pasaway din si Lolo eh. Lalo na tuloy nalukot ang mukha ng batang mayor. At ako naman ay tinakpan ko na lang ang mukha ko gamit ang aking mga palad upang hindi nito makita na tumatawa ako. Kitang-kita ko naman ang pagkabuhay ng interes sa mga mata ng matandang mayor.

“Lolo, it’s not funny.”

“No, sorry. Hijo. Nagbibiro lang ako. Sige na let’s go inside at ikuwento mo sa’kin ang mga naganap na hindi ko pa alam. Para maitindihan ko.”

“Si Thea na ang magkukuwento sa’yo, Lo. Tutal naman tiyak na mas papaniwalaan mo iyong version niya. Saka may gagawin ako.” Pagkasabi niyon ay mabilis nang tumalikod pabalik sa loob ng bahay ang masungit.

“O siya, Thea. Halika na at i-update mo ako sa mga pangyayari habang nagmemeryenda tayo.”

Wala na nga akong nagawa kundi ang sumunod dito. At habang nagpapahain ng meryenda kay Myra ay isinalaysay ko nga dito ang lahat magmula doon sa pangyayari sa ilalim ng tulay. Maigi na nga din na nalaman ni Lolo Ando iyon. Para batid niya din na may nagaganap palang ganun sa kanyang bayan. Wala na akong isinantabi. Pati iyong pagkakamalan ko terorista sa apo nito. Na sa tingin ko ay pinakapaborito nitong bahagi sa kuwento. Ang lakas ng naging tawa nito roon eh. Napapailing pa ito habang tawang-tawa. Tila hindi makapaniwala na naganap ang mga iyon.

“Well, hija. You are one brave lass,” anito. Hindi ko masasabing tama ang ginawa mo doon sa ilalim ng tulay. Hindi rin naman katangahan iyon. Nailigtas mo naman ang batang musmos na iyon mula sa pagkabugbog. O mas higit pang kapahamakan. And that was a good thing. Ngayon wala naman masamang nangyari sa’yo. Salamat at dumating ang aking apo. Ipapa-follow up ko ang bagay na ‘yan sa aking apo. Sa malamang ay natimbre na ito kay hepe noon pa man. Ang ipinag-aalala ko lamang ay ito. Sa palagay mo ba ay hindi matindi ang pagkasipa mo sa maselang bahagi ng aking apo. Gusto ko kasi ng maraming apo sa tuhod?”

Huh? Napailing-iling ako. At nag-isip ng malalim. Sa isip ko ay ni-review ko ang napag-aralan sa science. What if napalakas nga ang sipa ko? Tapos hindi lamang pinakita ni Mayor na nasaktan nga siya nang husto. What if hindi na ito magkaanak? Paano magkakaroon ng maraming apo sa tuhod si Lolo Ando kung hindi na magkakaanak si Mayor Russel. Dapat magpa-check-up din siya. Kelangang ko siyang sabihan. Ako ‘yong may kasalanan ng lahat.

*****