Chapter 14-Sa Doktor

Russ’ POV

Tss. Napapailing na bumuga ako ng hangin. Pinairal na naman kasi ang katangahan eh. Nagmamadali na akong pumasok sa aking silid upang makapag shower. Sukat ba naman bumababa ng hagdan kung saan saan nakatingin kaya ayun tuloy kamuntik nang gumulong. Tss. Napaka-accident prone. Maganda nga super naman sa kaengotan.

Hindi ka naman nakatiis eh. Bumalik ka din upang alamin kung nasaktan nga siya.

Huh. Bagay na hindi ko maitindihan kung bakit ko ginawa. Kahit naman palaging sinasabi ng marami na sobrang masungit ako, may taglay din naman akong kabaitan kahit papano. Hindi naman kaya ng konsyensya ko kung may masamang mangyari sa babaeng iyon. Lalo na at nasa pamamahay namin siya. At ako ang nagdala sa kanya rito. Responsibilidad ko pa rin kung may masamang mangyari dito. Ipinagkatiwala siya sa’kin ng mag-asawang Renato at Marga.

Hindi lang naiintindihan ng marami na ayoko ng mga usapang wala naman silbi at hindi naman makakatulong sa pagpapaunlad ng aking bayang pinasisilbihan. I never like nonsense conversations. Usapang buhay ng may buhay. Tss. Palibahasa kasi panay tsismis ang nalalaman ng mga tao sa munisipyo. Ang pag-usapan kung sinong babae ang kausap ko o sinong nililigawan ko. Hindi na lang magsipagtrabaho ng maayos. Binabayaran ng buo ng gobyerno.

Matapos kong mag-shower ay agad na akong nagbihis ng putting polo shirt at maong pants. No formal attire today since lalabas naman kami ng aking isang konsehal upang pumunta sa isang barangay na may pa-liga ng basketball.

Thea’s POV

Pagkatapos kong mag-almusal ay agad akong naligo at nagbihis ng aking favorite attire. Ano pa ba kundi jeans and tshirt and sneakers. Nasakin na ang manuscripts ni Lolo Ando. At bahala na daw ako kung kailan ko gagawin. There’s no rush naman daw.

Pero gusto ko na siyang gawin. Hindi na ako makapaghintay na mabasa ang nilalaman ng manuscripts ni Lolo Ando.

Ginawan ko muna ng cover para mukha talagang libro. Temporary lang naman. Pag ayaw ni Lolo papalitan ko na lang. Kung ipapasa naman niya sa isang publishing company, bahala na lang sila sa cover. Hindi pa ako nagsisimulang mag-type. Pinasadahan ko lang muna ng basa at binuklat buklat ang mga pahina. Nakasulat kamay ni Lolo Ando.

Infernes, ang ganda ng handwriting niya para sa isang matanda na. Humanga ako sa tiyaga nito. Habang ginagawa ko iyon ay nararamdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko at parang ang bilis ng daloy ng dugo ko.

Excited much na mabasa at maisulat. Ang ganda kasi at nakaka-inspire. Kunsabagay inspirational nga eh. Kahanga-hanga talaga si Lolo Ando. Ang galing niyang umenglish. Base sa unang chapter tungkol sa kung paano mo ma-i-improve ang buhay mo at magiging matagumpay sa kung ano man ang nais mong tahakin sa buhay. Napaka-interesting. Siguradong pag napublish ito ay maraming magbabasa.

Dito sa terrace sa taas ang aking napiling lugar para walang istorbo. Tanaw ang garden sa harap at talaga namang nakakainspira ding magsulat. Parang gusto ko rin tuloy magsulat.

Salamat na lang pala kanina at hindi nagising ang matanda sa ingay ko. Kung hindi nakakahiya pa talaga. Baka isipin pati ng matanda na ang engot ko. Napabuga ako ng hangin at napailing sa aking sarili.

Umayos ka lang talaga, Alethea.

Para ma-relax bago magsimulang mag-type ay ipinasyal ko muna ang aking mga mata sa tanawin sa ibaba. Sobrang nakaka-alis ng stress ang malawak na bakuran ng mga Del Valle.

Ang ganda rin ng bahay. Apat ang kwarto dito sa taas. Nasa bandang kaliwa iyong bedroom ko kasunod ay kay supersungit. Meron pang kwartong sumunod dito. Hindi ko alam kung kanino pero wala namang natutulog doon. Sa gitna ay family room at may malaking flat tv attached to the wall.

Sa dulo sa banda roon ay isa pang bedroom at mukhang malaki. Parang iyon yata ang master’s bedroom. Wala ding natutulog. Sabi ni Myra ay sa simula nang magkasakit si Lolo Ando ay doon na sa ibabang kwarto nag-e-stay. Para hindi na mahirapang umakyat. Sa tabi naman ng kwarto nito ay ang opisina nito na nagsisilbi ding library dahil nakita kong merong floor-to-ceiling bookshelves. Gusto ko ngang pasukin minsan at tumingin ng mga libro pero nakakahiya. Kaya wag na lang muna.

Napagawi ang tingin ni ko sa labas ng kakahuyang nagkukubli sa mansyon. Malawak na bukid na may mga tanim na palay ang nasa banda roon. Sa kabila naman ay mga punong mangga at iba pa. Hindi na maabot ng aking paningin ang sa dulo pa roon. Sabi ni Myra ay may mga bahayan din sa gawi roon na kung saan nakatira ang mga magsasaka at nag-aalalaga ng mga puno. Libreng pinatitira ang mga manggagawa ng mga Del Valle. Isa nga sa mga nag-aalaga ng mga puno ang ama nito.

Minsan daw ay wala rito si Lolo Ando at naroon sa Maynila. Naroon kasi ang isa pang anak nito. Dalawa pala ang anak ng matanda. Isang babae at isang lalaki. Ang ama ni supersungit at bagong pamilya nito ay nasa ibang bansa. Kaya iyong babae ang nasa Maynila. May negosyo ang pamilya roon. Isang kompanyang pinapatakbo ng anak na babae.

Nakakalula ang yaman ng mga Del Valle. Parang hindi kayang abutin ng isip ko kung gaano kayaman. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo at saka bumuntunghininga. Tama na nga iyan at simulan na ang gawain. Na-relax na ako at handa nang mag-type. Kaya naman ilang saglit pa I lost myself to the task at hand.

***

Masyado akong nalibang sa aking ginagawa. Hindi ko namalayan na lunch time na pala. Kung hindi pa ako sinundo ni Myra ay hindi ako bababa upang mag lunch. Ayoko pa talagang kumain pero hindi maaari. Gusto ni Lolo Ando na sabay kaming kumakain. Kung hindi man sa umaga ay tanghalian o hapunan. Masaya rin naman kasabay sa pagkain ang matanda. Palabiro kasi at masayahin ding tulad ko. Sobrang kabaligtaran ng apo.

“O hija. Kain na at lalabas tayo.” Agad na yaya sa’kin ni Lolo Ando pagkababa ko.

“Saan po tayo pupunta, Lolo?” nagtatakang tanong ko habang dumudulog sa hapag.

“Sa aking doktor sana at magpapasama ako sa’yo. Kung ayos lang sa’yo hija.”

“Aba opo, Lolo. Sige po. Sasamahan ko po kayo.” Nagtataka man ay umoo na rin ako. Meron kasing regular na doktor ang matanda. Regular naman iyon bumibisita sa mansyon kaya nagtataka ako kung bakit kailangang pumunta nito sa clinic ng doctor nito. May sarili din daw itong drayber na bagaman hindi nakatira sa bahay ay tinatawagan lang nito kapag nais nitong lumabas. Minsan naman daw ay iyong ama ni Myra ang nagmamaneho para dito.

Napapayag din naming sumabay sa pagkain si Myra. Nakakatawa nga lang ang itsura. Alam ko sobrang hiyang-hiya ito sa matanda. Kahit kasi anong yaya rito ni Lolo na sumabay sa pagkain ay ayaw nito. Hindi raw ito makakakain nang husto kapag nasa hapag at kasabay ang matandang mayor.

Si supersungit naman ay hindi umuwi ng lunchtime.

Pagkatapos kong kumain ay agad akong nagbihis into a pair of tshirt and jeans and my favorite sneakers. Si Lolo Ando naman ay puting polo shirt at maong pants at syempre pa ang walang kamatayang native sumbrero nito. Napangiti ako pagkakita rito. Iba rin ang style eh.

Pagsakay namin ng kotse nito ay nagtaka ako. Doon kasi ito naupo sa driver seat. Magmamaneho ba ito? Nasaan ang personal driver nito?

“Lolo, asan po si Manong Lito?”

“Wala hija. Hind ko na tinawagan. Saglit lang naman tayo. Check up ko lang naman.”

“Sure ka po? Baka po mapagalitan ka ng inyong apo. Ayaw nun na nagmamaneho kayo. Something that I understand though.”

“Shh, nothing to worry about. Saglit lang tayo. Baka nga hindi na niya malaman.” Napataas ang kilay ko. Itong si Lolo, feeling teen ang peg eh. Gusto pang takasan ang apo.

Saglit pa ay tumatakbo na ang Mercedes bens nito. Smooth magmaneho si Lolo kaya naman nawala na ang pag-aalala ko kanina. Mga sampung minuto lang kaming bumiyahe at huminto na ang kotse sa tapat ng isang puting building. Dumeretso na kami sa loob. Sumusunod lang ako kay Lolo Ando.

“Saglit lang hija. Maupo ka lang muna diyan,” sabi nito bago tinulak ang salaming pinto na may nakalagay na Dr. John Michael Sandoval.

Naupo naman ako sa upuang nakalaan sa labas ng pintong iyon. At nag-antay sa matanda. Wala pa yatang dalawang minuto ay lumabas na ito. Kasunod ang gwapong doktor na medyo bata pa. Nakangiti ito sa’kin. Kaya naman nginitian ko rin.

“O, Thea, sumama ka na kay Dr. John,” wika ni Lolo Ando sa’kin kaya naman nagtaka ako. Bakit ako sasama sa doktor nito?

“Thea. Ako si Dr. John,”wika ng doktor na inaabot ang kamay sa’kin. Nagtataka man ay inabot ko rin iyon.

“Thea po Doc. Ay alam n’yo na po pala.” Napapangiti kong saad habang nakikipagkamay dito.

“Halika ka na. My nurse will assist you.”

“Ha, bakit po Doc?” Nalilito kong tanong. Saan ako pupunta? At bakit ako aasistihan ng nurse niya?

“To x-ray room, Thea.”

“B.. bakit po?” Nalilitong nilingon ko si Lolo Ando. Medyo kinabahan tuloy ako. A lot of questions flooded my confused brain. Ano? Bakit? Saan? Haist!

“Sige na. Sumama ka na kay Doc John, hija. Para macheck-up kung walang nadamage sa’yo noong mahulog ka sa hagdan.”

Nanlalaki ang mga mata ko. Nalaman niya rin pala ang nangyaring iyon. Well, hindi ko na kailangang itanong kung paanong nitong nalaman ang tungol sa pagkahulog ko hagdan. Si Myra at Nana Maria for sure ang nagsumbong. Not that I’m angry about it. Alam ko namang nag-aalala lang sa’kin ang mag-ina. Pero okay lang naman talaga ako. Hindi naman ganun katindi ang bagsak ko. Sumakit lang talaga iyong pang-upo ko. No need for x-ray and whatever. Ngunit ano pa ba ng magagawa ko? Tiyak na hindi matitigil si Lolo Ando. Kaya sumunod na nga lang ako sa doktor.

*****