FIFTY-FOUR

Guilty ang desisyong ibinaba ng korte sa kasong iyon kay Zaccarias Rockwell. Nagawa man nilang linisin ang pangalan ni Cornell sa madla ay hindi na noon maibabalik pa ang buhay ng lalaki.

Tuluyang inilabas si Zaccarias sa lugar na iyon. Wala na ang yabang at ngising makikita mo palagi sa lalaki. Wala na ni ano pa mang karangyaan ang makikita rito.

Napakasakit man ng pinagdaanan, parang napakapayapa ng puso ko ngayon. Natapos na ang laban at nanalo kami. May katagalan man ang proseso ay simulan ngayon ay wala na akong dapat pang ikatakot.

Simula ngayon, mamumuhay na kami ng masaya, walang ibang iniisip.

Hindi nagpunta si Darius sa hearing ngayong araw, instead pinapunta niya itong si Kendall na panay ang yakap sa akin dahil miss na raw umano niya ako.

“Ate naman! Kami na lang ni Marides ang balikan mo kahit hindi na si Kuya!” Tinatawanan ko na lang ang mga daing niyang iyon. Para siyang batang nagpupumilit sa nanay na bilhan ito ng ice cream. Kahit kailan talaga itong si Kendall.

Nagsipulasan na ang mga tao sa loob ng courtroom kaya pinili ko na rin ang tumayo.

“Fely, nandyan na ‘yung pinapakuha mong gamit nila Tita Sitti.” Mahina akong nagpasalamat kay Tina at niyakap ito. Ang totoo, kanina ko pa gustong ilabas ang mga luha pero tiyak na mas kontrolado ko iyon ngayon.

We made it. We won against Zaccarias. Lahat ng pinaghirapan ni Cornell, lahat-lahat ng dinanas namin ni Darius ay matutuldukan na.

“Don’t cry now. Marami pa tayong aasikasuhin,” mabilis na gagad ni Tina kaya marahan ko siyang tinampal.

“Gamit namin, Tina?” Hindi ko na pinansin ang pagtatanong na iyon ng babaeng kasama.

Gustuhin ko mang tanggapin siya pati na ang patawarin ito ay hindi na ako magpapakahipokrito, talagang mahirap iyon gawin.

Simula pagkabata, napakalaki na ng sama ng loob ko sa ina. Hindi madali ang lumaking wala ang babae. Kahit pa nga sabihin nating nariyan ang lolo at lola ko para punan ang mga pagkukulang na iyon, I tend to be insecure to kids who have complete families. Nauubos ang oras ko noon sa pagde-daydream sa kung paano kung kasama ko ang mga magulang ko. Paano kung magagawa rin nila akong maihatid sa school at masamahan sa pagsisimba tuwing linggo.

Nang nagdalaga, nanatili ang kulang at sama ng loob na iyon. Palagi kong itinatanong sa sarili ko kung naging mabuti ba akong tao kahit pa wala ang mga taong gusto kong gumabay sa akin.

Nang mag-asawa at magsimula ang problema, ang sama ng loob na iyon ay naging napakalaking galit. Nagsimulang gumuho ang buhay na matagal kong binuo kahit pa alam kong may kulang. Nasira ang pagsasamahan namin ni Cornell, nasaktan kaming lahat nang sobra-sobra. Paano niya natiiis ang lahat ng iyon?

Kung paano nito nagagawang ipakita pa sa akin ang mukha ay hindi ko na talaga alam.

“Hindi pa ho ba nasabi ni Felicity sainyo, Tita?” sabi ni Tina saka ako mabilis na tinaasan ng kanang kilay.

Hindi ako umimik kaya siya na tuluyan ang sumagot sa tanong ng babaeng kaharap. “Sabi po kasi ng anak niyo, Tita, sa dating bahay na raw nila kayo titira ni Zion.”

“Pero mas maganda po na sa bahay na namin kayo nila Ate Fely titira, Tita Sitti.” Mabilis kong siniko si Kendall dahil sa sinabi nito. Walang ibang nagawa ang babae kundi ang humalakhak.

Nang nagsimula akong maglakad ay nagsisunuran na rin sila. Napakagaan ng pakiramdam ko ngayon. Nagawa ko nang ayusin ang lahat. . . isa na lang ang natitira.

Ilang minuto lang ang binilang ay nakarating na kami bahay. Kendall’s voice is on the rise again. Nasa sasakyan pa lang ay kung ano-ano na ang pinagsasabi, tungkol sa trabaho, mga lalaking artistang nakikita pati na iyong mga palabas na pinanonood.

But thanks to her the car drive wasn’t awkward. Iyon naman ang maganda sa pag-iingay na iyon ni Kendall.

Sinalubong kami ni Hani at ni Zion sa bahay na iyon. Naroon na nga ang mga gamit nila. Alam ko, madali silang makakapag-adjust sa lugar na ito lalo pa’t tahimik at maganda ang lokasyon. Malapit din ito sa mga pasyalan at paaralan kaya hindi na mahihirapan si Zion.

“Kuya’s a bit strange this days. . .” Hindi ko na napigilang lingunin si Kendall sa sinabi niyang iyon. Lagpas isang buwan na noong huli kong nakita ang asawa kaya sobra na ang kuryusidad ko sa ano marahil ang pinagkakaabalahan nito. “His phone keeps on ringing pero hindi niya sinasagot. If sasagutin niya naman, talagang lalayo pa siya sa amin ni Marides.”

“I got to see that twice,” gatong pa ni Tina na sinamaan ko ng tingin. Nagkibit-balikat na lamang ito.

“I mean, it’s just strange. First, there is no way na hindi niya pwedeng hindi sagutin ang mga tawag especially if it is from the investors and POSA. At of course, wala namang ibang tatawag doon kundi tungkol sa trabaho. So why the fuck does he need to keep his distance sa pagsagot?” Gusto kong takpan ang tainga ko pero hindi ko magawa.

“So, you mean it’s a woman? That jerk!” matapang na sigaw naman ni Tina. Bahagyang natawa roon si Kendall.

Iyan ang isa pa sa kinatatakot ko. Darius gave me time to think, to clear my mind pero syempre, paano kung may umaligid at mang-epal. May makakita ng chance sa lalaki.

Alam kong hindi basta-basta si Darius. Bukod sa matalino itong tao at masipag, ibinigay na rin sakanya ang magandang pangangatawan at ang kagwapuhan. He’s not an ordinary man. Kung sino man ang makakakita sakanya ay siguradong mababali ang leeg sa kakalingon.

“Ano ngang pangalan no’n? Remedios?”

Humalakhak nang pagkalakas-lakas si Kendall dahil sa sinabing iyon ni Tina. Napairap na lang ako ng mata lalo pa’t napagtanto kong pinagtitripan lang ako ng dalawa.

“The actual fuck! Ate naman!”

“Nako, kayo talaga. ‘Wag niyo na ngang pagtripan si Felicity.” Natahimik ang dalawa nang magsalita ang ina ko. Iyon naman na ang naging ganti ko sakanila bago ako umalis doon.

Dali-dali kong tinungo si Hani para makausap si Zion. Kung mayroon mang mas mahihirapan sa pag-a-adjust, siguradong ang bata iyon.

Hindi ko alam kung paano ko marahil ipapaliwanag sakanya ang lahat pero paulit-ulit pa rin akong susubok.

Laking pasasalamat ko na lang na hindi siya katulad ni Cornell na malungkutin. Katulad nga lang siya sa amang maagang naulila.

“Hani, thank you for all your help. Sobra-sobra kong naa-appreciate ‘yun,” bungad ko sa babaeng nagbigay nang napakalaking kontribusyon sa pamamagitan mga koneskyon at impormasyon. Mahigpit ko siyang niyakap. Nahihiya man ay talagang handa akong mang-istorbo ng kung sino maprotektahan lang ang pamilya.

“Wala po iyon, Miss Fely. Masaya po akong natulungan ko kayo at masaya na kayo ngayon.”

Nang maihiwalay ko ang sarili sa babae ay saka ko naman binalingan ang batang kanina pa nakatanaw sa amin. Mag-aapat na taong gulang pa lang ang batang ito pero matangkad siya para sa edad. Idagdag mo pa ang seryosong mukha nitong nakuha niya kay Cornell.

“Zion, bisitahin natin ang papa mo?”

Mabilis na nagbago ang mukha ng batang lalaki. Ngayon ay pinakitaan na niya ako nang malawak na ngiti bago tumango.

***

Nang makarating kami sa sasakyan, doon naman ako naproblema kung paano ko marahil sasabihin sa bata ang totoong nangyari sa ama.

I wonder kung alam at naiintindihan na nito ang mga nangyari. Hindi ko mapigilang mas maawa.

“We. . . buy flowers.”

Napasinghap ako agad sa sinabing iyon ng bata sa likuran. Prente itong nakaupo roon habang nakabaling lang sa labas ng bintana.

“Flowers?” Ibinalik ko ang tingin sa daan, labis na nag-iingat sa pagmamaneho.

“For my papa. . .”

I can literally feel my heart sank. Ramdam na ramdam ko ang lahat. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila.

Mahirap tanggapin but in the end of all these, iyon lang naman ang magagawa namin. . . ang tanggapin ang nangyari at magpatuloy.

Sinunod ko ang sinabi ni Zion. Bumili kami ng mga bulaklak pati na kung anong pupwede niyang makain.

Paminsan-minsan ay tinitingnan ko ang bata. I pray nothing but for him to overcome everything. Hindi ko hihilingin na sana makalimutan niya ang lahat ng ito dahil hindi ko rin siya hahayaang makalimutan ang sariling ama pati na iyong mga isinakripisyo nito para sa pamilya.

“Your dad. . .” panimula ko nang tuluyan naming marating ang puntod ni Cornell. Wala pa ring kamuwang-muwang ang kasama. Dali-dali lang itong umupo roon at nagbukas ng makakain. “He will always be proud of you.”

“Hinding-hindi mo siya pwedeng kalimutan, Zion. Naiintindihan mo ba si Tita Fely?” Tinapatan ko ang pag-upo niya at sandaling tinapik-tapik ang balikat. “Hindi mo man maririnig ang boses niya, I’m sure palagi no’ng sinasabi kung gaano ka niya. . . kamahal.”

Mabilis kong pinalis ang mga luhang biglang nagsilabasan sa mga mata ko. Ang totoo niyan, nakikita ko ang sarili ko kay Zion. Hindi man niya tuluyang naiintindihan ang lahat sa ngayon, alam kong darating ang araw na hahanapin niya ang mga magulang at paulit-ulit nitong nararamdamang may kulang — kahit pa napakaraming tao ang nakapaligid sa’yo. Kahit gaano pa karaming tao ang namamahal sa’yo.

Nagawa kong pigilin ang mga sumunod na pagluha. Tahimik ko lang pinagmamasdan si Zion na kumain at tumakbo-takbo sa lugar.

Hindi rin nagtagal matapos itong makaramdam ng pagod ay nagyaya na itong umuwi. Idinaan ko pa ito sa sinabi niyang paborito niyang fast-food bago tuluyang umuwi sa bahay.

Zion is such a nice kid. Lumaki ito sa magulong pamilya pero gano’n pa man, talagang nanatili ang pagiging magalang at mabait nito. Hindi ko tuloy mapigilang bumilib kay Cornell. Bigla kong naisip kung ano kayang klase siyang ama.

Pagkarating sa bahay ay naging abala na si Zion sa paglalaro nang mga laruang nakuha namin sa happy meal. Malaki ang ngisi nitong nilaro-laro ang maliliit na laruang iyon.

I wish for the kid’s happiness. Alam kong dito pa lang magsisimula ang lahat ng paghihirap na mararanasan niya sa paglaki at sana, magawa kong talaga ang huling pabor ma hiningi ni Cornell noong buhay pa ito – it’s for Zion to have a great life.

“Felicity. . .” Nahimigmigan ako sa boses na iyon. Bumalandra sa harapan ko ang mukha ng babaeng nagluwal sa akin kahit pa iniwan din akong agad pagkatapos. “Mag-usap naman tayo, ‘nak.”

Sa gano’ng mga salita pa lang ay mabilis na akong napailing. Mariin kong tinatapan ang tingin ng babae bago magsalita, “Narinig ko na ang mga salitang gusto kong marinig.”

Wala sa sariling napahawak ang babae sa braso nitong may latay pa ng bagong peklat. Ang parteng iyon ang siyang natamaan ng bala noong nakaraang nagkaroon ng engkwentro kay Zaccarias.

“Hindi ho ako perpektong tao kaya pasensya na ho, hindi ko ho magagawang tanggapin ang paulit-ulit na paghingi ninyo ng tawad. Parehas tayo. . . we’ve been through a lot, hardships, problems, struggles. Hindi ko aalisin ang posibilidad na patawarin ka, pero ‘wag mo ho akong mamadaliin.”

Inikot ko ang mga paa ko paalis doon pero hindi pa nakalusot sa mga mata ko ang ngiti ng babaeng kaharap. Hindi ko maintindihan kung bakit ito nakangiti, it was as if I said that I’ve already forgiven her.

Napailing na lang ako habang tinutungo ang inuukupang kwarto sa bahay na iyon. Ibinaba ko ang tingin sa napakagandang singsing na nasa daliri.

I miss him. I totally miss him.

Katulad nang ipinangako ko sa sarili, babalik ako kapag nagawa kong maayos ang lahat.

Katulad ng ipinangako ni Darius sa akin, alam kong tatanggapin niya akong muli nang wala ng ibang iniisip.

Ibubuhos ko ang lahat para sa lalaki. He’s the one that I’ll always love. . . ang taong paulit-ulit kong pipiliin.

“Ate Fely? Hello?”

Ngumisi ako kahit pa hindi naman ako nakikita nang babaeng tinawagan. “Dal, can you help me?”