FIFTY-THREE

“Utang na loob, Zaccarias, ‘wag na ‘wag ka nang magdadala ng kasamahan. Sasama ako sa’yo nang maayos pero ‘wag mo nang idadamay ang anak ko.”

Bago pa man ako makapagreact sa sinabing iyon ng babaeng nakaupo sa likuran, naunahan na ako ng paghalakhak ni Zaccarias sa kabilang linya.

“The audacity! Ang lakas ng loob mong tawaging anak ang babaeng ‘yun pero ngayon ka lang magpapakita,” pasigaw na sabi ng lalaki.

Mabilis kong kinuha ang cellphone kong ginamit namin para matawagan si Zaccarias. Ngayon ang araw na napag-usapan at hinding-hindi ako pupwedeng pumalpak.

Hindi ko pwedeng sayangin ang lahat ng plinano.

“Just make sure na ikaw lang mag-isa dahil hindi ako natatakot ihulog ang babaeng ito kung saan. Matagal na siyang patay sa isip ko kaya wala akong magiging pakialam sa mangyayari,” dere-deretso kong sabi. Bahagya kong nilingon si Tina na busy sa pagmamaneho. Siya, ako at ang babae ang lang nasa sasakyan patungo sa kung nasaan man si Zaccarias Rockwell.

“Gustong-gusto ko talaga sa babae iyong iisiping mahina sa umpisa pero tumatapang sa dulo. Hindi mo ‘yan namana sa nanay mo–”

“Ihahatid ko nang diretso sa‘yo ang babae, pagkatapos ‘wag na ‘wag na kayong magpapakita sa akin.” Mabilis kong ibinaba ang tawag saka bumaling sa unahan.

Pinipilit ko lang ang sarili kong kumalma pero ang totoo, gustong-gusto nang lumabas ng mga luha ko sa sobrang kaba.

Inabot kami ng halos tatlong araw sa pag-aayos ng plano. Nagawa naming makumpirma ang totoo, kaya papanig sa amin ang pagkapanalo.

Sa sumunod kong pagbuntong-hininga, naramdaman ko ang mahihinang pagtapik ng babaeng nasa likuran sa balikat ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang pupwede kong itawag dito o kung sapat na bang tawagin ko siya sa isip bilang ‘babae’.

“May tiwala ako sa’yo, ‘nak.”

‘Sabing hindi mo ako anak, eh’. Gustong-gusto kong sabihin sakanya ang mga salitang iyan kaya hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit nagawa kong manahimik na lang.

It somehow. . . calmed me. Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil sa mga salitang iyon.

Sa huli, hindi ko na lang siya pinansin. Nanahimik ako sa buong byahe habang tinutupok ang sarili sa sobrang kaba.

Hindi ako mapakali. Parang napakaraming what ifs ang tumatakbo sa utak ko an hour bago kami makipagkita sa lalaki. Paano kung hindi namin magawa? Paano kung parang ipinain lang namin ang sarili namin sa taong ‘yun? Paano kung hindi kami maging ligtas?

Tinutop ko ang bibig ko. I don’t care about that what ifs. Ang kailangan ko lang isipin ngayon ay iyong kung bakit namin kailangang gawin ito.

I want freedom. Gusto kong makalabas ng bahay na walang ibang iniisip kundi ang magsaya. Gusto kong maipasyal si Marides sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Gusto kong magkaroon siya ng mga kalaro at kaibigan na hindi ko iniisip ang kaligtasan.

Gusto kong mabigyan ng kapayapaan ang mga taong naibuwis ang buhay sa laban.

“Darius. . . oo, nandito na kami. I’m with Fely and Tita Sitti.”

Wala na lang akong ibang nagawa kundi ang magyukom ng kamao.

Gusto ko ng bumalik sa bahay. . . gusto ko ng bumalik kay Darius.

I promised myself na kapag nagtagumpay kami, kapag matigil na ang lahat ng problema, babalik ako. Magsisimula kaming muli at magiging mas masaya.

I miss my Marides so much! Tina often tells me na okay naman ang anak ko at sinasabi nilang nagtrabaho lang ang mommy niya. I’ve been always grateful for their understanding.

Ayoko namang maging unfair sa kanilang lahat pero kailangan ko munang gawin ito, kailangan kong tapusin ang gulo, ipagpatuloy ang hindi na magagawa ngayon ni Cornell.

Sa bukana ng maliit na warehouse na ‘yun, mabilis kaming sinalubong ni Darius pati na ang kaibigan nitong si Yohann. Nagawa pa kaming i-brief ni Yohann sa kung ano ang gagawin pero hindi ko na nagawang makinig. Deretso ang utak ko sa mga plano, na hindi kami dapat pumalpak at wala ng ibang masasaktan.

“Fely, Tita Sitti, is that understood po?” Hindi pa rin natinag ang pag-iisip ko ng tanong na iyon.

Nagulat ako nang bigla akong lapitan ni Darius. Seryosong-seryosong ang mukha nito nang marahan niyang inabot sa akin ang isang baril.

Nag-aalangan, mabilis kong pinuluputan ng kamay ko ang baril na iyon at isinisksik sa ibinigay rin niyang holster.

Ngayon ko na lang ulit nakita ang lalaki matapos ang sagutang iyon sa morgue. Bahagyang humaba na ang bigote nito at hindi na rin gaanong nakapasada ang buhok.

That’s a new for me. Darius values his hair alot. Kung pwede nga lang na magalit siya kay Marides tuwing ginagalaw niya ito, kaya lang hindi niya rin kayang gawin. Nakakapagtakang magulo ang mga ito ngayon.

“If you think you’re in danger, shoot. Kahit saan mo tamatan, I’ll be right behind you.”

Kung normal ang sitwasyon, paniguradong hindi ko na napigilan ang pagnguso pero direkta ko lang din siyang tiningnan.

What does he mean by that? Hindi niya na ako iko-cover or something? Makikipagbakbakan ba talaga ako?

“I can protect you kahit nasa malayo ako, Felicity. Alam kong kayang-kaya mong ipagtanggol ang sarili mo kaya nasa likod mo lang ako. Palagi.”

Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, showing Zaccarias’ name on screen.

Bumalik ang kabang kanina ko pa nararamdaman nang marinig kong muli ang boses niya.

“I’m waiting.”

Mabilis ko iyong pinatay at binigyan nang makahulugang tingin ang mga kasama. Sandali ko ring hinila ang ina para mas madali kaming makapasok sa lugar.

“Fely, is this the only way we have?”

Masuyo kong nginitian si Tina. Hindi na naman ito mapakali at madalas ang ginagawang pagpunas ng pawisang kamay sa hawak na panyo. “This is the only way we’ll win.”

Mabilis naming sinunod ang plano. Kaming dalawa lang ng babaeng ito ang umayat sa ikalawang palapag ng bodegang iyon.

Hindi na rin kami nahirapan sa paghahanap dahil prenteng nakatayo na mismo sa bukana noon si Zaccarias.

Halata sa itsura nito ang karangyaan. Ang buhok nito ay itim na itim mula sa pagkakatina kaya nadala iyon sa itsura niya.

Sinikap kong ilayo ang sarili ko sa lalaki. Kahit mag-isa ito, alam kong magiging delikado pa rin ang buhay namin.

“Parehas na parehas kayo ng ugali ni Cornell. Magaling kayong mag-isip pero ang common na ng mga plano ninyo. Bago niyo pa naisip, nasa utak ko na kaya hinding-hindi niyo ako maloloko.”

Parang tinatambol na ang puso ko sa sinabi niyang iyon. Nakumpirma kong hindi nga magiging madali ang paglabas namin dito.

Alam kong napapaligiran na ng mga pulis ang lugar pero sobra-sobra pa rin ang takot na nararamdaman ko.

“You knew?” natatawa kong tanong.

“Yup! Your mind is not that unique.” Mabilis niyang pinagdikit ang mga braso niya at ipinakita pa iyon sa amin, parang mang-aasar.

“Posas! Posasan niyo na ako,” gagad ng lalaki. Ang halakhak nito ang naging rason lalo ng panginginig ko.

Pasimple kong binalingan ang babae sa gilid ko para sana tingnan kung okay lang siya pero nanatili niyang nakatingin sa baba. I guess, hindi pa rin nito na-oovercome ang trauma niya dahil sa ginawa ng lalaki.

Tatlong pulis ang unang lumabas. Dahan-dahan ang lahat ng mga ito patungo sa lalaking kalmadong-kalmado at parang alam na alam ang ginagawa.

Doon nga ako sobra-sobrang natatakot. Kalmado ang itsura nito at hindi iyon maganda.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Hindi ba sapat na iyon para magduda?

Nagmistulang pitik lang ng hangin ang mabilis na pagputok ng baril. Ang isa ay nasundan ng napakarami pang putukan at natagalan ako para maiproseso sa isip ang nangyari.

“–the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an attorney before speaking to the police and to have an attorney present during questioning now or in the future.”

Hindi ko nagawang makagalaw. Ni hindi ko maikot ang paningin.

Alam kong hindi iyong magiging payapang pag-uusap. Alam kong hindi basta-basta susuko ang Zaccarias na iyon.

“Felicity! Fely!” Nahimigmigan ko ang boses ni Tina. Para bang ginising ako nito sa katakot-takot na bangungungot pero totoo ang lahat.

Nang makita kong duguan ang paa at braso ni Zaccarias, nawala ang takot na naramdaman ko ang ilang taon. Masasabi ko talagang nakahinga ako nang maluwag.

“Tita Sitti! Tita!”

Sa sunod kong pagbaling sa babaeng kani-kanina lang ay katabi ay mabilis na naglaho ang kasiyahang nararamdaman ko.

Bumalik ang takot at kaba. . . nagmistula akong estatwa sa masaksihan. Duguan ang braso nito at dumadaing sa sakit.

She’ll overcome that. Pinili kong ikintal ‘yan sa isipan ko lalo pa’t hindi ko pa kayang ihakbang ang mga paa.

Ibinalik ko ang tingin kay Zaccarias na pinalilibutan ng mga pulis, paika-ika ito maglakad pero nananatili ang ngisi.

Nang maabot nito ang kinatatayuan ko, humalakhak pa siya na parang nang-aasar. “Kumusta ang pagtira mo sa impyerno? Are you feeling good now?”

May bumubulong sa akin na bunutin ko na ang baril sa gilid ko at ubusin ang mga bala noon sa ulo ng lalaking kaharap pero nanatiling tiyak ang kagustuhan kong magdusa sa kulungan ang lalaki.

Hindi siya pwedeng mamatay sa gano’n kabilis na paraan. Hindi pwedeng hindi niya maramdaman ang lahat ng sakit na ibinato niya sa amin noon.

“Anong klase kang tao? Paano mo nagawa ‘yun? How can you kill your own daughter? Paano mo nagawang patayin si Zeina at ipalabas na dahil iyon kay Cornell?!”

Iyon ang laman ng envelope na naiwan sa amin ni Cornell. All of the evidences na sa tingin ko ay talagang pinaghirapan niyang makuha. Simula sa litrato, mga recordings, halos lahat na naroon kaya hindi na kami nagsayang ng panahon para ibigay iyon sa mga awtoridad.

Hindi ko lang magawang makuha kung paano niya nagawa ang bagay na iyon. Para makulong at mapatay si Cornell? Is he crazy? Pinatay niya ang sariling anak para lang sirain ang buhay namin? Para makuha niya ang babaeng obsess na obsess siya? That was stupid!

Ngisi na lang ang nagawang isagot ng lalaki sa akin bago ito magpatuloy sa paglalakad.

Hindi ko na napigilan ang pagkabuwal sa kinatatayuan. Nagtagumpay kami.

Kaonting araw na lang at babalik na ang lahat sa dati.

Nag-angat ako nang tingin sa lalaking biglang huminto sa tapat ko. Si Darius. . .

God knows how much I missed that gaze. Hindi ko siya magawang mayakap. . . halikan o kausapin man lang.

Napakahirap noon pero tama siya. Hinding-hindi ko muna hahawakan muli ang mga kamay niya hangga’t hindi ko pa nagagawang tuldukan ang lahat.

Dahan-dahan akong tumayo, pinipigilan ang sariling hagkan ang lalaki.

Akmang magsasalita pa lang sana ako para makapagpasalamat nang biglang dumating si Kendall at tinabihan ang kuya. “Kuya, the car’s ready–”

Nang makita ako ay mabilis niya akong niyakap nang mahigpit. “Ate Fely! God! I miss you so much!”

Pero imbes na makipagkulitan at makipag-asaran katulad nang palagi namin noong ginagawa. Iniiwas ko ang sarili ko, marahan kong binagtas ang daan palayo sa lugar na iyon. . . palayo sa pamilyang gustong-gusto kong protektahan, palayo sa pamilyang gustong-gusto ko na ngayong makasama.