EPILOGUE

Kendarius Porter's point of view

“Cornell!”

Iyon ang unang salitang narinig ko kay Felicity. Hanggang ngayon, hindi ko alam kung natatandaan niya pa iyon o nalimot na dahil sa sobrang kalasingan noong araw na iyon.

Naglingunan ang mga kasama ko. Mabilis akong kinunutan ng noo ni Kendall pero nagkibit-balikat lang ako. Inisip kong isa lang siya sa mga babaeng madalas na dumadayo sa club para mag-inom. For a moment, I thought that was her life. Those friday nights, hangouts. Inisip ko pa ngang baka isa siyang model o hindi naman kaya artista.

Sa sumunod na mga salita nito, naramdaman ko na ang biglang pagbabago ng mundo ko. In that span of time, I already knew what I wanted.

“Cornell! Ang kapal talaga ng mukha mo! Bakit mo ginawa sakin ‘yun? Alam ko may kulang ako pero sapat ba ‘yung dahilan para humanap ka ng ibang ikakama?”

Nakakagulat ang gabing iyon but then, I was really excited to see kung ano ang magiging epekto sa akin nito.

From the very first day, I am interested with Felicity. Mas lalo na noong nalaman kong may mabigat na problema siyang hindi mabigyan-bigyan ng solusyon. I felt angry. . . kahit pa hindi ko naman alam kung kanino marahil magagalit.

The first time she hugged me, kahit pa akala niya ay ako ang asawa niya. . . ilang gabi akong hindi pinatulog ng bagay na iyon.

Pakiramdam ko ay natanggalan ako ng turnilyo sa utak. Hindi ko inasahang mararamdaman at mararanasan ko pa iyon.

When my mommy and daddy died, I seemed to have broken a wing – o baka nga buong pakpak ko pa ang nabali. Ipinokus ko ang sarili sa trabaho pati na kay Kendall. Sinubukan naming tumira nang magkasama dahil na rin sa takot at pangungulila.

Sabay nawala ang mga magulang sa amin. Napakasakit noon kung iisipin kaya tinanggap ko nang sa lahat ng araw ng buhay ko ay magiging malungkot ako.

Not until Felicity came.

Akala ko magiging madali. Akala ko rin noong makumpirma kong may asawa na ang babae ay titigil na rin ako sa paghahanap pero hindi sumang-ayon sa utak ko ang puso.

I became the dumbest person I’ve ever known.

Ang sabi ko titigilan ko na. . . ipinangako ko sa sarili kong titigilan ko na ang parang baliw na paghahanap sa babae pero hindi ako nagtagumpay.

I ended up following her around.

“Oh my God! I'm really sorry. Nagmamadali talaga ako.”

Our second meeting is short but unforgettable – as always. That time, napagdesisyunan ko nang magmove forward.

Ako na mismo ang kumausap sa management nila para kumuha ng coverage sa POSA-Australia. I may be a little desperate pero hindi ko kasi talaga alam kung paano ako maaaring magpapansin lalo na’t may ibang lalaki sa puso nito.

Hindi ko plinano ang manggulo. Hindi ako ganoong tao.

Naging kuntento na akong makita si Felicity kahit sa malayo. I am really amazed sa kung ano ang mga kilos at ginagawa niya.

Hindi naman ako torpe. Hindi naman ako nahihiya sa babae lalo pa’t konkreto ang nararamdaman ko para sakanya pero alam kong rumespeto ng mga harang.

As early as our first meeting, alam ko na agad kung anong mapapala ko sa pagpupumilit pero hindi ko pa rin magawa ang tumigil.

Hindi ko alam pero may maliit na boses na paulit-ulit na bumubulong sa akin na kailangan kong subukan. . . that I should fight for her love.

Nang makasama ko sila sa Australia, gaano ko man ikinintal sa isipan kong hindi ko titibagin ang harang na iyon pero hindi ko na pigilan.

"It isn't the right thing to do,” bungad ko sakanya noong minsang hindi siya nakababa sa dinner. Nasa Australia pa kami at pakiramdam ko ay may kalayaan akong malapitan siya kahit sa maiksing panahon.

"Mr. Porter–"

"Darius. . . call me Darius."

It was out of my hand. Kapag nakikita ko ang babae ay para akong nauulol dahil hindi magkandaugaga ang utak ko sa kung ano marahil ang pupwedeng gawin.

Felicity. . . she was like a dream to me.

Iyong pangarap na kahit kailan, hindi ko inakalang maaabot ko.

Sa akin naging pabor ang tadhana. Nangyari ang gulong hindi ko inasahang hinarap ng isang babaeng napakabait at inosente.

I know that she’s too precious para pagdaanan ang mga bagay na katulad noon.

I became the luckiest guy in the world. Nang maghiwalay sila ay nasa akin na napunta ang atensyon ni Felicity. Ako na ang ang ginusto niyang makita at makasama at higit sa lahat. . . ako ang pinili niyang mahalin.

Sino ba naman ako, hindi ba?

Napakalayo ko sakanya noon pero sa isang napakabilis na paghawi ng panahon, nahahawakan ko na siya kahit kailan ko gustuhin, mahahalikan at nayayakap. Hiwalay pa riyan ang pagkakaroon namin ng anak.

Alam ng Diyos kung gaano ako kasayang nagawa kong makuha ang lahat ng iyon.

Ni isang araw simula nang dumating si Felicity sa buhay ko, kahit kailan, hindi ko na naramdamang masaklap ang naging buhay ko.

She accepted every bit of me. Minahal niya ako sa kung ano ako pati na ang mga bagay na kaya kong ibigay.

She’s the best woman. . . the bravest woman I know.

Hinding-hindi siya mapapantayan nang kahit na sino.

Pero dumating ang araw na kinakatakot ko. The fact that I may be put into trash again kapag bumalik muli si Cornell sa buhay niya.

Alam ko kung anong posisyon ko rito lalo pa’t tanggap kong hindi ako ang nauna.

I am no more than a second husband.

Iyong makita ko siyang umiyak nang sobra-sobra noong gabing iyon sa mismong harap ng bangkay ni Cornell? Para rin akong pinapatay sa sakit.

For a moment, I became so immature that I seriously thought about being dead as well. Iniisip ko at ikinukumpara kung ganyan din bang luha ang lalabas sa mata ni Felicity kung ako iyong nawala.

But that was the craziest idea I’ve had.

The truth is. . . I can’t bear to see her cry. Ayokong nakikita siyang umiyak sa kahit na ano pa mang bagay.

Gusto kong pasayahin siya nang paulit-ulit lalo na sa mga oras na mugtong-mugto ang mga mata niya.

For the last time. . . I let her go. Pinakawalan ko siya hindi dahil sa hindi ko na siya mahal at napagod na akong umintindi pero dahil alam kong kahit kailan ay hinding-hindi iyon nangyayari.

Pinakawalan ko siya dahil gusto kong magawa nitong maayos ang lahat.

Felicity is selfless.

Alam kong kung mananatili ako sa tabi niya habang inaayos nito ang gulo ay wala itong ibang gagawin kundi ang alalahanin ako nang alalahanin.

For the last time. . . I let her go.

Dahil alam kong kapag bumalik siya, hinding-hindi ko na siya muli pang bibitawan.

I trust her with all my heart. Kinakabahan man ako at paminsan-minsang naiisip kung paano kung hindi na siya bumalik, alam ko at nagtitiwala ako sa pagmamahal niya sa akin.

Akala ko magiging madali ang lahat ng iyon pero maling-mali ako.

The first day that I woke up without her at the side of our bed, gustong-gusto ko na siyang puntahan at buhatin pauwi pero pinili ko ang magtiis.

Desidido ako sa desisyon pero pakiramdam ko ay bumalik ako mula sa simula. Doon sa mga araw na ang kaya ko lang gawin ay ang sundan siya.

I was there. . . naroon ako sa labas ng dati nilang bahay ni Cornell nang minsan itong umuwi roon at nagwala dahil sa sobrang pag-iyak.

Nagmukha akong masokista, iyon ang totoo pero binalewala ko iyon dahil alam ko at naniniwala akong wala ng ibang nararamdaman si Felicity para kay Cornell.

I was there. . . nang una nitong makita si Zion lalong-lalo na ang ina niya.

Gustong-gusto ko siya lapitan sa mga oras ma iyon pero nanatili ang desisyon kong bigyan siya ng oras. Pinilit ko ang sariling makuntento kahit pa mula sa malayo.

“Tina. . .”

I was so afraid to reach out so I called her bestfriend. Iniisip kong sa gano’ng paraan mapapanatag ang loob kong may magbabantay rito at mag-aalaga.

“I’m on my way there. Sigurado ka bang hindi mo lalapitan?”

“I love her so much. . . I’ll keep my distance for now.”

Naiwala ko ang mga naiisip nang malakas na kumalabog ang pinto ng kwarto. There she goes again.

“Kuya! Ano na? Male-late tayo nito, eh! Ambagal mong kumilos, hindi naman ikaw ‘yung bride!”

“I’m going out. Give me a few minutes–”

“Oh! Come fucking on! I’ve been giving you about two hours now–”

Mabilis at walang sabi-sabi kong ibinukas ang pintuan dahilan para matumba at mahalikan ni Kendall ang sahig.

Katulad ng palaging nangyayari, palagi itong sumasandal sa pinto kaya hindi nito namamalayan kung magbubukas ba ito.

“Late na tayo pero nanghuhuli ka pa ng isda?”

Natawa na lang ako sa kapatid nang marinig ang makabasag-tainga nitong tili.

Ayon sakanya, masakit daw umano ang puso niya dahil ikakasal na raw ang ulimate crush niya at talagang in-invite pa siya.

Wala tuloy akong choice kundi samahan ito dahil baka ngumawa pa siya sa lugar.

Maswerte rin ako kay Kendall. With her, I found a friend. . . hindi lang siya basta kapatid dahil talagang ginagawa namin sa isa’t isa iyong bagay na ipinangako namin sa mga magulang; habangbuhay naming aalagaan ang isa’t isa.

“Kailangan pa ba nating magpunta? Out of town na lang tayo para makalimot ka,” pangungulit ko. Actually, kanina ko pa siya kinukumbinsing ‘wag nang tumuloy. Hindi kasi ako kumportable lalo pa’t baka masaktan ang kapatid ko roon kahit pa mahilig itong magbiro.

Bahagya kong ibinukas ang cellphone at bumungad doon ang larawan ng anak na labis ang ngiting ipinakita sa camera. Marides, and Kendall. They will be my princesses. While, my Fely. . . she’s the queen.

“Ano ba? Pupunta tayo! Minsan, okay rin ang masaktan.”

Hindi ko na napigilan ang paghalakhak. No doubt, talagang magkapatid nga kami. Magkapatid na masokista.

“And why are you driving?”

Pati na ang driver’s seat, si Kendall na ang umukupa. Wala na rin akong ibang nagawa kundi ang sumunod sa babae.

The car drive was a bit sad lalo na’t umuulan. Hindi ko mapigilang mapalingon sa labas ng bintana at mag-isip ng kung ano-anong bagay.

I really miss her.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko pa siya maaaring mabigyan ng oras dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magtiis.

I miss her smiles.

I miss everything about her.

“Kuya!”

“Can you please check the wiper? Hindi gumagalaw nang maayos. I can’t see the road,” nagmamadaling sabi ni Kendall.

Tinaasan ko lang ng kilay ang kapatid. “Esmeralda, umuulan. I can’t go to that wedding–”

“Paano kung maaksidente tayo? Mas okay nang mabasa, Kuya!”

Walang magawa, dali-dali akong bumaba ng sasakyan para sana galawin nang bahagya ang wiper pero kinailangan ko munang gumilid dahil hindi talaga kakayanin itong malakas na ulan.

I could feel my insides become wet. Minabuti kong patilain muna ang ulan bago tumuloy sa pagtingin nang bilang sumigaw si Kendall mula sa loob ng sasakyan ng, “Kuya! Ba-bye!”

Gulong-gulo ako nang nagtangka pa akong habulin ang sasakyan pero naging mabilis ang pagmamaneho ni Kendall doon.

“What was that?” Kinuha ko ang cellphone para sana tawagan pa ang kapatid pero hindi na rin ito sumasagot.

“That kid! Ang lamig-lamig!”

Gamit ang cellphone, sinubukan kong tumawag sa mga kaibigang pwedeng sumundo pero lahat sila ay hindi sumagot, pati na kay Tina na madalas babad sa cellphone.

“What the hell is happening?"

If this is a prank, gagantihan ko talaga ng kalokohan ang mga taong nasa likod nito.

I can’t take this. Napakalamig na rito sa labas kaya kahit pa nahihiyang tumuloy sa isang maliit na bahay na naroon ay kinain ko na muna ang hiya.

Ikakamatay ko pa ata ang lamig dito sa labas.

“Kapatid ba talaga kita, Kendall?” natatawa kong tanong sa sarili.

Dahan-dahan akong pumasok sa maliit na bahay na iyon pero naabot ko na ang kusina ay wala akong nakitang tao.

“Tao po. . .” This is creeping me out.

Halos mapapikit ako sa takot nang makita ko ang isang babaeng nakatayo sa tapat ng bintana. Malalim ang iniisip nito at prenteng nakatingin lang sa labas.

“Excuse me but. . .” Sa bawat segundong lumilipas, palakas nang palabas ang pagkalabog ng puso sa loob ko. “Who are you?”

No. I actually know who she is. Siya at siya lang naman ang dahilan ng malakas na pagkabog ng dibdib. Siya lang naman iyong dahilan ng paghuhuramentado ng sistema ko.

“Please. Can I ask for your name–” Napatigil ako nang mapansing nagmistulang naulit ang mga linyang ito mula sa nakita ko siyang nakatayo sa rooftop ng POSA.

Ibang-iba pa ang mga buhay namin noon. Siya, umiikot ang buhay sa isang lalaking ilang beses na siyang sinasaktan. Ako, na tinatanaw lang siya mula sa malayo.

Dali-dali kong dinaluhan ang babae. I welcomed her with all of me. Ang masarap na halik na iyon ang makakapagpatunay sa sobra kong pagka-miss kay Felicity.

I immediately hugged her from behind. Isinubsob ko ang sariling mukha sa balikat nito at nagsimula nang humagulgol.

“I’m here. . . Ikaw ang taong mahal, minamahal at mamahalin ko habang buhay, Darius.” napakamadamdaming sabi ni Felicity. Bahagya nitong hinahaplos-haplos ang buhok ko.

Matagal kong inipon ang mga luha sa lagpas isang buwang hindi ko kasama sa Felicity dahil sakanya ko lang gustong maging mahina, sa piling niya lang ko gugustuhin umiyak.

Jesus, I love her so much. Hinding-hindi ko ho alam kung anong mangyayari sa akin kung wala siya.

This will be the end of this.

That will be the end of all our sufferings.

“You. . . You are the bravest woman. You are my wife.”