FORTY-SIX

“Are you really sure about this, Wife?” Nilingon ako agad ni Darius kahit tuloy-tuloy na ito sa pagda-drive.

Matapos ang dalawang araw na paghahanap namin sa babae ay mapupuno pa halos ang bondpaper na hawak dahil sa dami ng posibleng lugar na pinapamalagian nito. But atleast, we are sure na nandito ang babae sa Pilipinas.

Actually, I dreamt to see her pero hindi ko inaasahang sa ganitong sitwasyon kami pagtatagpuin ulit kung sakali. Iniisip ko pa lang noon na baka kapag nagpaliwanag siya at maging magaan ang loob ko roon ay baka patawarin ko ito pero ngayong napakalaking sugat na ang naibigay niya sa akin? Hinding-hindi na.

Noon, palagi kong iniisip kung ano kaya ang pakiramdam na may tinatawag na mommy o mama. Gusto kong maramdaman iyong mga yakap at pag-aalala ng isang ina. Gusto kong humingi ng tulong lalong-lalo na sa mga araw na hindi ko rin magawang maintindihan ang anak. Gusto kong gabayan niya ako sa lahat pero hindi ko na alam.

Mas gusto kong hindi na siya makita. Mas gusto kong wala na lang siya sa buhay ko.

But with what’s situation we are all in, right now? Kailangan ko talagang tyagaing hanapin ang babae dahil alam kong hindi matitigil ang lahat ng ito.

By giving what Zaccarias Rockwell wants, alam kong titigilan niya na kaming lahat. Hindi siya iyong taong malakas talaga. He became weak for being so desperate in love. Alam na alam ko ang pakiramdam na iyon dahil ito mismo ang napagdaanan ko.

I became weak when I became desperate. Naging mahina ako noong mga panahong gusto kong maibalik sa akin si Cornell kahit malinaw na ipinakikita nito sa aking tapos na ang lahat sa amin.

Naging desperada akong maging masaya na para bang iyon na lang ang tanging paraan para ngumiti ako at tumawa.

Pero nakakatawa iyon.

Tayong mga babae, lalong-lalo na tayong mga asawa, hindi tayo pupwedeng magpakita ng kahit anong kahinaan. In fact, we are the strongest. Doon pa lang sa puntong isinasakripisyo natin ang buong sarili sa pagbubuntis, sa panganganak, sa pag-aalaga ng mga anak natin sa pang-araw-araw, walang-wala nang makakapantay pa sa atin.

Tayo dapat ang inaaalagaan. Tayo dapat ang makatanggap ng milyon-milyong appreciation at hinding-hindi tayo pupwedeng manatili sa ibaba, manatiling mahina.

We are stronger than what we think. Hindi nila kahit kailan malalaman kung gaano kasakit ang manganak, hindi nila kahit kailan malalaman kung anong klaseng pakiramdam ang araw-araw nating nararanasan sa pagkakataong may buhay na nakikihati sa atin.

Paunang sakripisyo pa lang iyon dahil mas nagiging mabigat at malaking responsibilidad pa sa atin ang maayos na pagpapalaki sa mga anak.

There is no way. . . There is no other reason that we should be inferior from everyone.

Hindi tayo babae lang. Babae tayo at karapat-dapat tayong pangalagaan, mahalin, at irespeto. Walang kung sino man ang may karapatang mambaba, manakit at tumapak sa atin. We should always remember that.

And, with that journey. . . sa napakahirap at napakabigat na pagdaraanan nating iyon, deserve natin ang napakabuting kabiyak. Iyong hindi na muli pang dadagdagan ang bigat at sakit bagkus, tutulungan tayong resulbahin at gawan ng paraan ang lahat. The one who will stay at our side ilang beses man tayong mag-iiiyak, masaktan, magreklamo, mapagod. We all deserve so much more.

Deserve natin ang lahat ng magagandang bagay sa buong mundo dahil babae tayo.

At kung titingnan ko ang lalaking nasa tabi, busy sa pagmamaneho ay parang buong-buo na ako, tuluyan nang nawawala ang takot na nararamdaman ko.

“Ang gwapo ko, ‘no?”

Mabilis akong sumimangot. Ibinaling ko ang tingin sa listahan ng mga lugar na mula kay Hani. She’s been helping us lalo na sa mga information na kailangan naming makuha.

“Are you really sure about this, Wife?” pag-uulit nito sa tanong niya.

“I am not. Kaya lang wala naman tayong ibang pupwedeng gawin. We need to do this.”

Kita ako sa gilid ng mata ko ang pagngiti ni Darius. Hindi ko mapigilang ngumisi rin. I’ll never regret this moment. Matalo man mula kay Zaccarias ay hinding-hindi ko pa rin pagsisisihang kasama ko si Darius sa paglaban.

Tanghali na noong narating namin ang lugar. Kailangan pa naming hanapin ang direktang lokasyon ng lugar. Mahihirapan kami sa pagkakataong ito, pero wala na sa utak ko ang pagtigil.

We must find that woman at ako mismo ang magbibigay sakanya kay Zaccarias. Pagkatapos, wala na akong magiging pakialam sa kung ano ang mangyayari sakanya roon.

I can’t even imagine na ang ina ko mismo ang dahilan ng paghihirap ko ngayon. Na, hindi naging sapat ang pang-iiwan nito sa akin noong bata pa ako.

“Pasensya na kayo pero wala talaga akong kilalang ganyan. Kahit pa simula pinanganak nandito na ako.”

Hindi lang isa kundi napakaraming beses kaming nakatanggap ng ganyang salita ni Darius. That woman is really nowhere to be found!

Kahit pa ata isa-isahin namin ang bahay na nasa limang probinsyang nakuhanan namin ng impormasyon ay malabo nang may makuha kaming dalawa.

“I’m getting hopeless.” Wala akong ibang nagawa kundi sumang-ayon sa sinabing iyon ni Darius. Hindi na namin naabutan ang oras ng lunch. Alas kwatro na noong napilitan kaming magpahinga na muna.

Sa isang maliit na karinderya sa lugar kami tumigil ni Darius. She should eat and rest bago magpatuloy ulit pero hindi pa nga nangangalahati ay kinakailanganan na si Darius sa opisina.

“Come on, Fely. I’ll get you home. Babalik na lang tayo sa susunod, okay? You should rest.”

I wanted that, too. Kaya lang nasasayangan lang ako sa araw. The sooner we find that woman, mas mapapadali na ang pagpapatigil kay Zaccarias Rockwell. There is something between the situation na pumipigil sa akin para huminto.

“Darius, I can’t.” Nagawa kong ipaliwanag sakanya ang naiisip. Labis kong ipinagpapasalamat na magaling at marunong makinig ang asawa. Kahit kailan ay hindi niya pinangungunahan ang mga desisyon at gusto ko.

He’s the best.

“Of course! I trust you, okay? You're strong at kayang-kaya mo ang sarili mo. I am just afraid that I can’t be with you. What if, tawagan ko si Kendall? Papasunurin ko siya rito para may kasama ka. Alam mong hindi rin ako makakapagfocus sa trabaho kapag ganito,” punong-puno nang pag-aalalang sabi niya.

Mabilis na lang akong natawa at pumayag. Mas panatag nga ang pakiramdam kapag may kasama. Gusto ko kasing may makuha man lang na kahit katiting na impormasyon ngayon dahil kung mayroon mang gustong-gustong matapos na ang lahat ng ito — ako ‘yun.

Mabilis akong hinatid ni Darius sa sentro ng syudad. Napagplanuhan kasi naming mabuting manatili ako sa pampublikong lugar habang nag-aantay kay Kendall para mas sigurado. Hindi pa sana gugustuhing umalis ni Darius pero mabuti ay napilit ko rin ito, paulit-ulit kong sinabing kaya ko naman at kailangan siya ng kompanya.

Nang naiwan akong mag-isa sa isang convenience store ay sinubukan kong libangin ang sarili ko. Sandamakmak man ang pagkaing binili ni Darius bago umalis ay hindi ko na nagawang magalaw pa iyon dahil sa dami ng naiisip.

My mother. . . I wonder what she’s doing.

Napakarami kong gustong itanong sakanya katulad na lang ng kung bakit niya ako iniwan sa lolo at lola ko o kung sino ang tatay ko. Kung anong klaseng buhay ang mayroon siya at kung paano niya kinayang iwan ang anak ng wala ni isang eksplenasyon man lang.

Simula noong bata ako hanggang ngayon ay wala akong nakitang litrato ng ina. Kahit luma o sirang picture ay wala akong nahawakan. Hindi ko alam kung dahil wala talaga siyang larawan o hindi ginustong ipakita ni lolo at lola pero minabuti ko na lang intindihin iyon.

Naiwala ko ang mga iniisip tungkol sa ina nang biglang may lalaking umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Inakala ko pa ngang si Darius iyon at hindi na talaga tumuloy sa kompanya pero hindi iyon ang napag-angatan ko ng tingin.

“Cornell–”

“Felicity, calm down. Hindi ako manggugulo.”

Mabilis akong naalarma. Nilibot ko ang tingin sa paligid. “Kapag nakita ka ni Darius, magkakagulo na naman!”

“Please. . . please, hear me out.” May kung ano sa boses na iyon na nakapagpatigil sa akin sa pagsasalita.

I want to hear him explain. . . again. That’s the truth.

Ang mga napag-usapan namin noong nakaraang araw ay parang naging bukas na libro para sa akin at walang katapusan.

“Fely, Zaccarias is back with it again. Palagi kayong mag-iingat. Mas mabuti kung manatili lang kayo sa bahay.”

“I am not scared of him,” puno ng pagmamalaki kong sabi kahit pa sobra-sobra na ang panginginig ng tuhod ko matapos lang marinig ang pangalan niya.

“This will be the last time you’ll see me.”

Mabilis akong natigilan doon. Padarag ko siyang hinarap. Hindi ba iyon naman talaga ang gusto ko pero bakit parang nag-aalangan ako ngayon?

“Ako ang susunod nilang target, Fely, but then hindi ako natatakot. I just wanted to ask you a favor.”

Matagal ang sumunod na segundo bago ako makasagot. I always wanted to ask him about this. “Si Zeina, did she really took her life?”

“Yes, she did. Nagkaroon kami ng away bago ako pumasok sa trabaho. That’s a big fight about. . .” Natigil siya sa pagsasalita at bumaling sa akin, “you.”

“Normal lang na away iyon sa aming dalawa pero pagdating ko kinagabihan, Zion was crying so hard on the living area. . . so hinanap ko siya only to find out that she h*nged herself in our basement.”

Para akong mahihimatay sa kwentong iyon. Nagkaroon din kasi ako ng mga attempts of self-harm at s**cide lalo na pagkatapos ko manganak pero mabuti na lang at malakas ang support system ko.

Bilang babae, nakaramdam ako ng pagkaawa kay Zeina dahil alam kong matindi rin ang pinagdaanan niya lalong-lalo na sa pagbubuntis at panganganak.

“Umalis ka na,” malamig kong sabi sa kaharap. He’s a big jerk! Paanong nakakaya niya pang mabuhay ngayon gayong napakaraming buhay na siyang nasisira? Paanong nagagawa pang gumising araw-araw ni Cornell?

“Fely–”

“Leave me alone, Cornell–”

Bahagya kong naalala ang akmang pagtalon ko sa mataas na building dahil na rin sa lalaki. Hindi ko halos paniwalaan ang sarili ko sa bagay na iyon.

He doesn't even deserve that – kahit pati na ang mga luhang sinayang ko sa gabi-gabing pag-iyak ko sakanya noon.

“I love you.”

“Just shut the fuck up! Akala mo ba may malalapitan ka pa, Cornell? Sirang-sira na ang buhay mo at ikaw ang dahilan ng lahat ng iyon. Napakaraming buhay ang nasayang sa'yo at who knows? Baka mas masahol ka pa kay Zaccarias Rockwell–”

Imbes na ituloy ang pagsasalita ay ibinaba ko ang tingin sa maliit na papel na ibinabot niya sa akin. May maliit na mga salitang naroon pero hindi ko pa magawang maintindihan.

“Kung mayroon mang ibang mangyari sa akin, please. . . give him a great life. Please do me a favor, ipaampon mo man siya o ibigay sa kung kaninong mapagkakatiwalaan pero please, give him a life that he deserves. . . a life na kahit kailan hinding-hindi ko kayang ibigay kay Zion.”

Zion. . . that kid.

“Alam ko, masyadong makapal ang mukha ko sa pabor na ito pero hindi ko na iisipin ‘yun, Fely. Wala akong ibang matatakbuhan. . . ikaw lang ang mayroon ako since day one.”

Nakagat ko ang labi ko sa sobrang pagpipigil ng paghikbi, hinding-hindi pa rin talaga natitigil ang mga luha.

“Leave.” Nanatili ang malalamig kong boses.

“Felicity–”

“Leave! Iwan mo ako katulad ng ginawa mo noon! LEAVE!”

Nakuha ko ang atensyon ng mga tao sa loob ng convenience store dahil sa sinabi dahilan para totong magmadali si Cornell para sa pag-alis.

Tuloy-tuloy pa rin ang paragasa ng mga luha ko kahit pa makalabas na roon ang lalaki. Mabilis kong ibinaba ang tingin sa maliit na papel na iniwan niya saka itinago iyon sa pitakang hawak.

“Ate? Ate Fely, are you okay?” Hindi ko na napansin ang pagdating ni Kendall. Bumalik na naman ang pamamanhid sa sistema ko.

“Ate, please. Talk to me.”

Gustong-gusto ko nang nakawala sa sakin. Gustong-gusto ko nang matapos ang lahat.