FORTY-FIVE

“Kendall, I did a monstrous thing.”

Dahan-dahan kong tinungo ang pinto nang marinig ko ang boses na iyon ni Darius. Pagkatapos ng hindi ko maipaliwanag na nangyari kagabi, umalis ang asawa ko’t hindi agad bumalik. Kung iisipin nga’t baka kababalik lang nito ngayon at saka nakita si Kendall na kagabi pa rin siya hinahanap.

It was my fault. Alam kong wala namang kasalanan si Darius. He was bombarded with problems, too. Pati siya alam kong hindi na rin alam ang iisipin. He’s in pain, too. Baka sinisisi niya ang sarili sa pagbabalik namin dito at hindi niya iyon sinasabi.

I feel sad for him, too. Hindi mawala sa isip ko na paano kung hindi niya ako nakilala? Paano kung hindi kami nagkita? If that happens, hinding-hindi siya mahihirapan at madadamay sa malaking gulong ito.

Kanino kami pupwedeng manghingi ng tulong? Sa paanong paraan namin haharapin ang ang mga kalaban sa isang laban na hindi naman namin sinimulan?

“You jerk! Why’d you do that?” Ang malakas na sigaw na ni Kendall ang sunod kong narinig.

Dahil hindi ko sila nakikita at nasa loob pa ako ng kwarto ay hindi ko ma-imagine kung anomg ginagawa ni Kendall sa kapatid dahil ganoon na lang ang pag-aray nito.

“I. . . I didn’t mean it. I know that I am mad! Kendall, hindi ko alam na gano’n ‘yung mangyayari. I hope she can understand me. Nagselos lang ako nang sobra. How can they meet each other? Tatlong taon na pero nilalapitan pa rin siya ng Cornell na ‘yun at lalo pa ngayong patay na ang asawa niya–”

“Kuya. . .”

“–paano kung mas lalo niyang lapitan si Felicity? Kendall, I won’t let happen–”

“Kuya, ano ba?”

“–Paano na ako? Paano na ako if that guy came into the picture again? Saan na ako pupulutin? I was so scared! I am furious! Hindi ko rin alam ang gagawin ko–”

“Kendarius!”

Alam kong seryoso ang sitwasyon pero hindi ko mapigilang matawa sa pinag-uusapan nila lalo na ang kinikilos ni Darius. He’s always been this cute. Hinding-hindi pa rin siya nagbabago, napaka-vocal pa rin niya. Siya iyong tipo ng lalaking hindi kayang makapagtago ng mga naiisip. Basta alam niyang appropriate iyong sabihin at nasa tamang tao ito ay walang pagdadalawang-isip na ibubuka nito ang bibig niya.

I really admire him for that. Alam ko kasing communication ang siyang nag-aangat sa relationship. If you are open with each other, wala kang itinatagong mga sekreto o sama ng loob ay paniguradong maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan.

Isa iyon sa mga natutunan ko sa relasyong ito. Hindi mo kakailanganing magsekreto, hindi mo kailangang manloko, all we need is just communication. We just need to talk, to eliminate the pain, to be free. Kasi kung ikukulong natin ang mga bagay na bumabagabag sa atin, kung itatago lang natin ang sakit at hahayaang ubusin tayo noon ay hinding-hindi rin tayo magiging masaya.

“Felicity’s not mad,” singit ko sa dalawang magkapatid na nagbabangayan na ngayon.

Mabilis na bumaling sa akin si Kendall, bahagya itong natawa at itinuro si Darius na nakayuko lang at mukhang problemang-problemado na.

“Bakit naman hindi siya magagalit? I. . . I almost disrespected her. Dal, alam mong hindi ako gan’ong lalaki. Fuck, I don’t even know what’s going on in my mind!”

Dumapo ang kamay ni Kendall sa nakaawang niyang bibig, gusto nitong pigilan ang pagtawa. Mukhang sobrang occupied talaga ng isip ni Darius dahil hindi na nito nakilala ang boses ko.

“I love you,” sabi ko pa. Mabilis kong nilakad ang distansya naming dalawa, nag-iingat na hindi mapansin ng lalaki.

“Felicity!”

Sunod kong naramdaman ang mainit nitong yakap. Sobra-sobra na iyon para maramdaman ko ang pagmamahal ng asawa.

Darius has been there for me since day. Tinanggap niya ako, niyakap, at minahal noong mga panahong hindi ko halos mahanap ang sarili ko.

When I got lost, he found me.

Napakarami niya ring pinagdaanan dahil sa akin. Napakarami niyang isinakripisyo para sa akin.

“I love you so much. I’m sorry for doing that. I was my fault and I regret every bit of it. Fely, please, forgive me. I’ll be better–”

“Darius, it’s fine–”

“I will make it up to you. Just, please, forgive me. I didn’t mean to do that–”

“Husband. . . ”

“I can’t sleep. . . I can’t breathe properly. Ang hirap-hirap huminga, ang hirap kumilos kapag alam kong hindi tayo okay–”

“Darius!”

“Kuya!”

Sumunod ang malakas na tawanan namin. Somehow, I feel at ease. Naging mas magaan nga ang pakiradam ko dahil alam kong nariyan sa tabi ko si Darius.

Mabilis kaming nagsiupo sa sofang naroon. Hindi pa rin maalis sa asawa ko ang pamomroblema at alam kong bumabagabag pa rin ang biglaang pagsulpot ni Cornell sa isip niya.

He shouldn't think about that. Alam niya kung gaano ko siya kamahal, hinding-hindi ko magagawa ang iniisip niya sakanya.

Cornell. . . He is just a part of my past. Malaki man ang kontribusyon ng lalaki sa buhay ko ay sigurado akong hindi noon matatapatan ang ginawa ni Darius sa akin.

If it is true that Cornell tried to protect me sa paraang hindi pagsasabi sa akin ng totoo at sa pag-aabandona sa akin? Wala iyong halaga.

Hindi ako mahina. Kayang-kaya kong protektahan ang sarili ko kasama siya.

I could fight. Kayang-kaya kong lumaban hanggang sa maubos ako kaya bakit ako iiwanan?

But then, Darius came. He proved to me na kakayanin niya akong antayin . . . Na hinding-hindi siya magiging katulad ng dati kong asawa. That he’ll stay with me for the rest of his life.

“I’m really sorry, Fel. I will face the consequences of my action. Pwede mo akong sampahan ng–”

“Darius, what are you talking about? Sinabi ko na sa‘yong ayos lang ‘yun. We have a bigger problem right now. Iyon dapat ang pagtuunan natin ng atensyon.” Sa sinabi ko ay hindi pa rin kumbinsido ang lalaki kaya mabilis kong inilapat ang labi ko sa labi niya.

His kisses were gentle. Iyong para bang punong-puno ng pagsisisi at humihingi ng pasensya sa ginawa nito kahapon.

I really love Darius. . . so much.

“I love you, husband. Let’s help each other, okay?” agad kong sabi nang ihiwalay ko ang mga labi ko sakanya.

Mabilis itong ngumiti at seryosong tumango. “I’ll do better, wife. I can’t dare to see you leave.”

The way he said those words made my eyes water. Ilang beses ko pa ba kailangang ulit-uliting napakaswerte ko sa asawa?

Minalas man ako sa napakaraming bagay, ibinigay pa rin sa akin si Darius. Ilang beses man akong sinaksak ng mga punyal sa ilang buwang pagsasakripisyo at paghihirap, napakasaya kong nandyan si Darius para sa akin.

“I won’t leave you. Hinding-hindi,” humihikbi ko ng sabi.

“Wow, umagang-umaga. Anda-drama!” Hindi na namin napigilang matawa dahil sa sinabi ni Kendall. Ang babaeng ito talaga, panira ng moment.

“Umiyak ka rin naman no’ng iniwan ka nu’ng ML player, ha.”

“Kuya naman!”

Ito talaga ang rason kung bakit araw-araw kong gustong lumaban ngayon; dahil sa pamilya ko. Iniisip ko pa lang na hindi ko na kakayaning gumising sa umaga at hindi ko na sila makikita ay alam kong hinding-hindi ko na kakayanin.

I know, life can fuck us hard pero mas mahirap kapag wala na ang buhay mo sa‘yo. So, I promise to value and love my own family for the rest of my life.

Kailangan naming lumaban. Hindi pupwedeng kami na lang ang susuko at magpapatalo. Kailangan naming gumawa ng paraan dahil hindi mahihinto itong lahat kung hindi sila magbabayad ng kasalanan.

“Anyways, what’s your plan for today, Ate Fel? Susunduin na ba natin si Marides kay Ate Tin?” Bahagya akong umiling saka tiningnan ang dalawa. For this fight, hinding-hindi ko hahayaang madamay ang anak ko. Mas mabuting nasa lugar siya ni Tina where no one can know and hurt them.

I will protect my family at all cost, too.

“We need to find her. . .” Matapang ang mukha ko noong hinarap ko ang dalawang kanina pa nakatingin sa akin at nag-aantay ng sagot. “We need to find the root of all these.”

“We need to find my mom.”